Chapter 15: Venise Marseille
Chapter 15: Venise Marseille
Sa pag lipas ng mga araw ay naging kalmado ng muli ang paligid. Bumalik na sa normal ang atmosphere sa bayan. Nahuli na ang mga outsiders at ayon sa aking narinig ay mga rouges sila o hybrid na pumasok sa territory ng walang paalam sa namamahala dito.
Nakahinga ako ng maluwag kahit paano. Ibig sabihin ay walang nakaalam sa ginawa kong pagtulong sa lalakeng pumasok sa bayan. Ngunit hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ni Zander.
Be careful who you associate yourself with. I can kill without mercy.
Sinabi ng lalake na babalik siya sa bayan. Mabuti pa hindi ko na siya makita. Maaari siyang mapahamak dahil sa akin. Pero hindi ko parin maintindihan. Bakit ganoon nalang ang galit ni Zander? Muli kong naalala ang kanyang mga matang pinagmamasdan ako. Zander loathed me yet he keeps doing things- things that confused me.
Ganoon na ba niya ako kinamumuhian para paglaruan ako ng ganito?
Nasa Library ako ng school noong hapong yon at gumagawa ng essay. Habang nakaupo malapit sa bintana napansin ko ang pagpasok ni Sebastian sa Library. Dumerecho siya sa aisles ng mga libro habang panay ang tingin sa dala niyang notebook.
Narinig ko kanina na kailangan niyang humabol sa ilang mga klase. Lagi kasi siyang wala kasama ang mga orders lalo na noong mga nakaraang araw. Kaya hindi nakapagtataka na makita ko siya dito. I heard they are often given extensions on requirements or make up classes. Maliban kasi sa responsibilidad bilang isa sa namamahala sa bayan ay hindi din nila pwedeng ipagsawalang bahala ang mga pagaaral nila.
Nakakunot ang noo ni Sebastian habang seryosong hinahanap ang mga librong kailangan niya. Napakamot siya sa kanyang ulo at naghikab habang naglalakad sa pagitan ng mga bookshelves. Madalang ko lamang makita si Sebastian na ganito kaseryoso. Madalas kasi tulog siya sa klase. I wonder what Zander was like noong pumapasok pa ito.
Bumalik ako sa aking ginagawa. Ilang minuto ang lumipas nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko.
"Seryoso natin ah."
Lumingon ako at nakita si Sebastian. Nilapag niya sa table ang mga dala niyang notebook at mga libro katabi ang mga gamit ko. Ngumiti siya sa akin bago niya binuksan ang dalang libro.
"You miss several exams." sinabi ko.
Bumuntong hininga siya at nag stretch ng mga braso. "Ang dami ngang kailangang habulin."
Pinagmasdan ko siya. Nag umpisa siya sa pagbabasa ng ilang mga pahina. Pero lumipas lamang ang ilang minuto ay nag hikab siya. Mahirap nga siguro ang pagsabayin ang mga responsibilidad niya sa bayan at ang kanyang pag aaral.
Hinayaan ko si Sebastian at bumalik ako sa aking ginagawa. Halos patapos na ako noong mapansin na nakatungo siya sa table at tuluyan ng natulog. Kumunot ang noo ko. Seryoso ba siya? Kanina lang nagrereklamo siya sa dami ng kailangan niyang habulin tapos ngayon tutulugan niya lang?
"Sebastian." mahinahong tawag ko.
Hindi siya gumalaw. Lumapit ako saka tinitigan ang natutulog niyang mukha. "Sebastian."
Sa unang tingin ay hindi mo mahahalata kung gaano kataas ang kanyang position sa bayan. Sebastian looks carefree. He's the type of guy who couldn't care less if he's sleeping in most of the classes. Subalit kapag nalaman mo ang rason sa likod nito at kung sino siya sa bayan ay doon mo mapapagtanto na hindi lahat ng tao ay mahuhusgahan sa kanilang pinapakita.
Magkaibang magkaiba sila ni Zander.
"Sebastian, you are supposed to be studying."
Lumayo ako nang bahagya siyang gumalaw.
"Para kang si Venise."
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi siya umalis mula sa pagkakatungo sa table. Pero alam kong gising siya.
"Venise?" tanong ko.
"Kababata namin ni Zander." sinabi niya. Umupo siya ng maayos sa kanyang sila at bumuntong hininga. May pakiramdam ako na hindi siya talaga natulog. Nakapikit lamang siya. "Si Venise ang anak ng dating beta ng bayan."
Napansin ko kung paano laruin ni Sebastian ang ballpen sa kanyang kamay habang nagsasalita.
"Madalas namin siyang kasama. Malapit ang mga pamilya namin. Siya ang madalas magpaalala sa amin ng mga dapat gawin sa paaralan lalo na noong nasa gitna kami pagtetraining." Ngumiti si Sebastian. "Madalas kasi namin na makaligtaan ang pumasok."
I imagined the three of them walking or talking on the hallways or outside school. Sebastian, Zander, and Venise. They look like a team. A strong team. I wonder what Venise was like.
"She must be a resilient girl to tame you like that." sinabi ko.
"Halos pareho sila ng ugali ni Zander. Palaban. Matapang. Lalo na pagdating sa pinaniniwalaan. Madalas silang magbangaan ni Zander. Siya lamang ang kayang sumalungat sa mga utos ni Zander lalo na kapag may nakita siyang hindi tama dito. Venise is like the moderator in some way."
Natahimik ako. Tinitigan ako ni Sebastian bago siya sumandal sa silya. "Pero sa Fabrice na siya nag aaral ngayon. Akala namin dati dito din siya mag aaral sa community college ng Van Zanth. Pero gusto ng kanyang Ama sa Fabrice kaya wala siyang nagawa."
"Bumibisita parin ba siya dito?"
"Nandito ang kanyang pamilya kaya kapag bakasyon o importanteng okasyon ay umuuwi siya." Sebastian placed his palms on the back of his head and let the chair rocked back and forth with his weight.
"Isa pa may gusto siya kay Zander kaya madalas siyang pumunta sa mansion para bumisita."
Bumagsak ang ballpen na hawak ko sa sahig. Gumawa ito ng ingay sa pagitan ng usapan namin ni Sebastian. Natigilan ako dahil sa pagkabigla bago ito nagawang pulutin. Napalingon si Sebastian sa akin. He stared at me as if he was waiting for something.
Sinubukan kong umakto na hindi naapektuhan sa narinig. Kaya muling bumaling si Sebastian sa harapan at nagpatuloy. May kung ano sa expression niya na tila pinagaaralan ang reaction ko.
"Ilang buwan na din ang lumipas mula noong huli siyang bumisita dito sa bayan. Dalawang lingo bago ka dumating, bumisita siya kay Zander. Ngayon ay wala pa kaming naririnig tungkol sa kanya."
Bumaba ang tingin ko sa sinusulat ko.
"Sinabihan niya ako dati na balitaan siya tungkol sa kondisyon ni Zander o sa napapadalas na pagkawala ng control nito." Sebastian said. "Maliban kasi sa nakatatandang kapatid ni Zander na si Miss Loraine, siya lamang ang babaeng pinakikingan nito."
--
That night, I stayed still on my bed and stared at the ceiling. Mainit ang aking pakiramdam kahit malamig ang simoy ng hangin sa labas. Huminga ako ng malalim. Pakiramdam ko pagod na pagod ako.
Pinikit ko ang aking mga mata at hinayaan na balutin ng katahimikan ng buong mansion. Naalala ko ang pinag usapan namin ni Sebastian noong hapong yon. Pumasok sa isip ko ang mga salitang sinabi niya.
Venise likes Zander. And it seems like she's the only one in Van Zanth who was allowed to and can have all the rights. After all she's the former beta's daughter. A shallow feeling erupted from my chest. A strong alpha and a brave hybrid girl. Venise must be a strong counterpart for Zander.
Lumipas ang araw at dumating ang long weekend. Because of a certain district wide holiday in Fabrice ay tatlong araw kaming walang pasok. Wednesday afternoon pa lamang ay ramdam na ang weekend atmosphere sa school. Ilang estudyante ang nagplano ng mga lakad nila sa loob at labas ng Van Zanth.
Nang matapos ang klase ko ay umuwi agad ako ng mansion. It was my first long weekend since I started school in Van Zanth kaya naman gusto kong sulitin ang maikling bakasyon para makatulong sa mansion. Nitong mga nakaraang araw ay tambak ang mga gawain sa school.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nagbihis ako para magsimula sa aking trabaho. Nang pababa na ako ng hagdan, natigilan ako nang mapansin na may babaeng nakatayo sa sala at tila ba may hinihintay. Tumigil ako sa paghakbang. Dumating si Miss Loraine mula sa kusina at may dalang dalawang mug ng kape. Ngumiti siya sa babaeng naghihintay at nagsimula silang maglakad papunta sa balkonahe ng mansion.
Noong una ay nagtaka ako kung sino ang babaeng yon. It seems we had an early morning visitor. Pero nang maalala ko ang mga ingay kagabi ay napagtanto ko na kagabi pa siya nandito. Bahagya akong nagising noong dumating siya sa mansion. Naririnig ko ang kanilang usapan kagabi dahil sa guest room na katapat ng aking kwarto siya natulog.
Venise Marseille.
Hindi ko narinig ang eksaktong pangalan sa usapan nila. Pero alam kong siya ang babaeng yon. Mahahalata ito sa pagiging malapit niya kay Miss Loraine. Sinabi ni Sebastian ay magkababata silang tatlo nila Zander. Maybe she stays here kapag bumibisita siya sa bayan. After all, it was a long weekend. Tulad nila, ilang araw din silang walang pasok.
Bumaba ako at pumunta sa kusina. Nadatnan ko doon si Aunt Helga. Tinanong niya ako kung gusto kong magkape. Umiling ako. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa aming bisita. Pero nagulat ako nang siya na mismo ang nagpaalam sa akin ng nangyayari.
"May bisita tayo ngayong araw. Anak siya ng dating pangalawang namumuno sa bayan." sinabi ni Aunt Helga. "Mahalaga siyang bisita ng pamilya. Dalawang araw siyang mamamalagi sa mansion."
Tumango ako. "Yes, Aunt Helga." She was that important.
Lumabas ako sa kusina. Muli ko silang nakita ni Miss Loraine. Hindi ko maiwasan na humanga sa kanilang dalawa. Napakaganda nila. It seems like they are from a whole new ranking. A former alpha's daughter and a former beta's daughter. Grace and elegance was radiating from them. Nag uusap lamang sila habang nasa balkonahe. Pero hindi ko mapigilan na tumitig.
Akmang paalis na ako nang marinig ko ang kanilang usapan.
"I'm worried about him."
Malumanay ang kanyang boses. Ngunit mariin ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. She reminds me of a princess. Kung paano siya tumindig, ang pino niyang mga galaw. Maging ang maaliwalas niyang mukha at buhok na nakalugay. Napakaganda niya.
"Noong huli akong dumalaw ay humaharap pa siya sa akin para kausapin ako." Napansin ko ang lungkot sa kanyang boses. "Pero kagabi hindi niya man lang ako binati."
"A few things have change, Venise." said Miss Loraine. "Pero katulad ng dati dito ka parin madalas tumuloy kapag umuuwi ka ng bayan."
"My parents are in Fabrice this weekend." Venise said. "Naisip kong umuwi sa Van Zanth kahit wala sila dito. Nag aalala ako kay Zander. Kung hindi kasi ako umuwi ngayon, I have to wait for another long weekend or vacation."
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi dapat ako nakikinig sa kanilang usapan. Dumerecho ako sa aking kwarto. Hindi ko alam kung bakit ako bumalik doon. Pakiramdam ko kailangan kong umiwas.
Pagdating ng breakfast ay muli akong bumalik sa dining area. Mahigpit si Aunt Helga pagdating sa oras ng pagkain. Ilang beses ko ng naka sabay sa pagkain si Miss Loraine. Pero naiilang ako ngayon na may iba kaming kasama.
Pumasok ako sa kusina. Nadatnan ko si Miss Loraine at si Venise na nag uusap habang nakaharap sa dining table. Napatingin sa akin si Venise nang pumasok ako. Surprise was written on her gorgeous face. Halos mapaatras ako.
"You're here." sinabi niya. "Finally I got to meet you."
Hindi ako nakapagsalita. It was like talking to a royalty. Tumayo si Venise mula sa kanyang silya at lumapit sa akin. Ngumiti siya. Her radiant smile seemed to lighten up the room.
"Hindi kita nakilala kagabi. It was quite late noong dumating ako. But I heard there is another person in this household that I have to meet." sinabi niya. "I'm Venise Marseille."
"Laura." sinabi ko. "Laura Katherine Arden."
Napansin ko na bahagyang nagbago ang tingin niya sa akin nang binangit ko ang buong pangalan ko. Tinitigan niya ako. Hindi ko mapigilang umiwas. Hindi ko siya kayang tingnan ng derecho sa mga mata. Ngumiti siya nang mapansin ang pag iwas ko.
"Nice meeting you, Laura."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top