Chapter 1: New Town
Chapter 1: New Town
Pinagmasdan ko ang papel na hawak ko habang patuloy sa pag andar ang train. Nakasulat doon ang halos hindi mabasa na pangalan ng isang bayan at station nito.
Station 11. Van Zanth.
Pinadala ako sa bayang ito matapos mamatay ang taong nagpalaki sa akin. Dito nakatira ang kapatid ni Aunt Wilhelmina na si Aunt Helga. Mula ngayong araw ay sa kanya na ako titira.
Ilang beses kong nakausap sa telepono si Aunt Helga bago ako magbyahe. Tagapangasiwa siya ng isang mansion sa bayan. Hindi gaanong nagsasalita si Aunt Helga tuwing kausap ko siya sa telepono. Straight forward at maikli lamang ang kanyang mga sagot.
Makalipas ng ilang minuto huminto ang train. Napatingin ako sa labas ng bintana. Nagtaka ako nang makita ang masukal at nagtataasang mga damo sa gilid ng riles. Nasiraan ba kami? Hinintay ko na muling umandar ang train. Maya maya pa may narinig akong kumatok sa pintuan ng compartment kung nasaan ako. Bumukas ito at sumilip ang conductor.
"Miss, nandito na tayo." sinabi nito. "Station 11 Van Zanth."
Natigilan ako sa sinabi niya. Wait, what? Muli akong sumilip sa labas ng bintana. Kakahuyan at mga damo ang bumungad sa akin. This can't be. Ito na ba yon? Ang bayan ng Van Zanth. Kinuha ng conductor ang maleta kong nakapatong sa upuan. Hindi ako nakagalaw.
"Sandali lang po."
Sinundan ko siya hangang sa labas ng compartment. Dumaan kami sa makitid na hallway ng train. Lumabas ang conductor at nilapag ang maleta ko sa labas. Halos mapanganga ako nang makita na binalutan ng alikabok ang bag nang pumatong ito sa kahoy na platform.
Pinagmasdan ko ang lugar na nasa harapan ko. No, it's not a train station. Nakatayo ako sa tapat ng isang platform sa gilid ng riles. May sira sira at halos bumagsak na bubong, may bench na binabalutan ng alikabok, at isang street lamp na bitak. Binabalutan ng nagtataasang damo at malalagong puno ang gilid ng platform
Tumikhim ang conductor para ipaalam na siya ay naghihintay. Wala akong nagawa kundi bumaba mula sa train. Halos balutan ng alikabok ang aking sapatos nang tumapak sa kahoy na sahig. The wooden floor creaked with my weight. This can't be happening. Baka may mali lang. Hindi pwedeng ito ang Van Zanth. There is nothing here. Not even a proper train station.
Napapitlag ako nang maramdaman ang pag andar ng train. Wait. Hindi nila ako pwedeng iwan dito. Baka nagkakamali lamang ang conductor. There's no one in this place. Pilit kong hinabol ang train.
"Sandali! Hindi niyo ako pwedeng iwan dito!"
Nanghina ako nang patuloy na nilampasan ako ng train. The wind sent my already unruly hair in haywire. Kinagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan ang huling compartment ng train. Hangang sa tuluyan na itong lumapas at nawala sa aking paningin.
No. Agad kong kinalkal ang papel kung saan nakasulat ang address na binigay ng kapatid ni Aunt Wilhelmina noong nakausap ko siya sa telepono. A sinking feeling erupted from the pit of my stomach. May mali kaya sa binigay na address ni Aunt Helga?
Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Aunt Helga may not be pleasant and welcoming pero hindi niya magagawa yon. Kahit paano magkadugo kami. I've never been to Van Zanth. Tanging siya ang connection ko sa bayang ito. Sinabi niya na susunduin niya ako sa train station. At dito sa lugar na ito ako binaba. Kailangan ko lamang maghintay.
Nilibot ko ang tingin sa abandunadong platform. Bumalik sa pagiging tahimik ang paligid. Sa kabilang side ng riles sa tapat ko ay bukana ng isang kakahuyan at sa likurang bahagi ng platform ay isang bukid at rough road. Lumapit ako sa poste kung saan isang lumang signage ang nakalagay. Halos mabura na ang mga letrang nakasulat dito.
Station 11: Van Zanth.
Napa-atras ako. Nandito nga ako. Sa bayan ng Van Zanth. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. This is far from what I expected. I didn't know that Van Zanth is located in the middle of nowhere.
Halos mapasigaw ako sa gulat nang isang busina ng sasakyan ang aking narinig. Sumilip ako sa rough road sa likod ng dilapidated platform at nakita ang isang itim at lumang sasakyan na papunta sa station.
Kinuha ko agad ang maleta ko at halos takbuhin ang distansya papunta sa daan. Natakot ako na bigla akong lampasan ng sasakyan. Laking pasalamat ko noong huminto ito. Napahawak ako sa aking dibdib habang hinahabol ang aking hininga. Bumukas ang pintuan ng sasakyan saka isang matandang babae ang lumabas mula dito.
"Laura Katherine Arden."
Natigilan ako. "A-Ako nga po." sagot ko.
"Ako si Helga Glenmore Harrington, ang naka usap mo sa telepono nitong mga nakaraang araw." sinabi niya. "Sakay na."
Hindi agad ako nakagalaw. Ngayon ko lamang nakita si Aunt Helga. Hindi ko maiwasang mangamba sa pagiging formal niya. Pakiramdam ko napilitan lamang siyang tangapin ako dahil sa kapatid niyang namaalam. Aunt Helga looks strict. Nakasuot siya ng salamin at nakabistida ng kulay itim. Nakaayos din ang kanyang buhok sa isang bun. Matanda na siya, mahahalata yon sa mga guhit sa kanyang mukha. But there's something in the way she gaze or move, there's this strange strength, precision.
"Ano pang hinihintay mo?"
Napalunok ako at agad na pumasok sa sasakyan dala ang aking gamit. Tahimik na nagsimula ng aming byahe. Napapasulyap ako kay Aunt Helga na tahimik na nagmamaneho sa tabi ko.
"Ito ang unang beses mo sa Van Zanth, hindi ba?" tanong niya nang mapansin na nakatingin ako.
I cleared my throat. "Yes po." sagot ko.
"Ito ang pinakamaliit na bayan sa distrito ng Fabrice. Malayo sa mataong bayan ng Charlotte kung saan ka nangaling."
Tumango ako. Ngayon lamang nangaling sa kanya ang impormasyo nang hindi ko tinatanong.
"Matapos kang iwan ng Mama mo kay Wilhelmina, ngayon si Wilhelmina ang nagpaalam at iniwan ka sa akin."
Tuluyan akong tumahimik. Tatlo silang magkakapatid pero maagang namaalam si Mama. Bata pa lamang ako nang mamatay siya kaya buong buhay ko kay Aunt Wilhelmina ako lumaki. Sa nakatatanda niyang kapatid. Aunt Helga was the middle child at bunso si Mama.
"Ako ang tanging tagapangalaga sa mansion. Hindi basta basta nagpapasok sa pamamahay niya ang aking amo. Pero wala na akong magagawa." sinabi niya na derecho parin ang tingin sa daan. "Ang pagtira mo sa mansion kasabay ng iyong pagaaral sa bayan ay hindi libre. Inaasahan ko na tutulungan mo ako sa trabaho sa mansion."
"Naiintindihan ko po." sagot ko.
Napag usapan na namin ito sa telepono. Naipadala na ang mga records at requirements ko sa community college ng Van Zanth last week. Dito ko itutuloy ang pagaaral ko ng Liberal Arts. Maging ang mga responsibilidad at mga dapat kong malaman sa mansion ay familiar na sa akin. Pero may gusto lamang akong kompirmahin.
"Sinabi niyo po na ang mansion kung saan kayo nagtatrabaho ay ang tahanan ng pinuno ng bayan?" tanong ko.
"Oo." sagot ni Aunt Helga nang hindi lumilingon sa akin. "Siya ang nagmamay ari ng buong Van Zanth."
Natigilan ako. Possible ba yon? Ang maging pag aari ng isang tao ang isang buong bayan?
May dinaanan kaming signage sa gilid ng daan. Agad ko itong binasa. Van Zanth. District of Fabrice. Population: 1,092. Mas maliit ang bayan na ito kesa sa aking inaasahan. Sa bayan ng Charlotte we are more than three thousand.
Pinagmasdan ko ang ilang mga bahay na nasa gilid ng daan. Nakapagtataka na karamihan sa kanila ay malalaki at hinaharangan ng mga nagtataasang gate. Isang downtown ang nadaanan namin. Bumagal ang takbo ng sasakyan dahil sa mga nakakasalubong naming sasakyan. Mukhang ito na ang sentro ng bayan.
Sumilip ako sa labas ng bintana. Maayos at malinis ang mga tindahan na nakikita ko. Halos pare-pareho silang may mga halaman sa tapat ng bintana. Makaluma ang street lamps pero gumagana. Malinis ang pavements at walkways.
Pangkaraniwan ang pag daan ng mga tao o sasakyan na nakakasalubong namin. Subalit ilang bagay ang napansin ko. Masyadong tahimik. Wala ang ingay na nakasanayan kong makita sa isang downtown.
Siguro nga nasanay lang ako sa maingay na bayan ng Charlotte. Pero hindi nito naalis ang kakaibang pakiramdam sa aking dibdib. There's something eerily strange about the people here. I just can't pin point what.
Nang makalampas kami sa downtown bumungad sa amin ang isang maluwang at mataas na burol. Sumilip ako sa labas ng bintana. Mula sa tuktok at kasama ang mangilan ngilang mga puno ay isang lumang mansion. Bumungad sa aming dinadaanan ang mataas at itim na gate nito. Ang pader ay binabalutan ng mga halaman. Sa likod ng pader ay sumisilip ang nagtataasang puno mula sa loob ng mansion.
Napalunok ako. Pumasok ang sasakyan sa loob ng nakabukas na gate. Ito ba talaga ang lugar kung saan ako titira sa mga susunod na buwan?
Humugot ako ng isang malalim na hininga nang makapasok na kami. Shivers automatically run my back making my hands slightly tremble. Isang heganteng bahay na tinatakpan ang kabuuan ng langit ang nasa harapan namin. Hindi ito isang bahay. Isa itong luma at napakalaking mansion.
Bumalot ang pangamba sa dibdib ko habang dumaan ang sasakyan sa circular driveway. Huminto kami sa tapat ng double door ng mansion na gawa sa kahoy. Bumama si Aunt Helga at sumunod ako.
Binabalutan ng ligaw na halaman ang malaking parte ng pader ng mansion. Halos umabot sa aking tuhod ang mga ligaw na damo na tumutubo sa driveway. Mukhang gubat ang garden dahil sa mga malalaking puno na tinatakpan ang liwanag na nagmumula sa araw. I felt the sudden urge to escape. Ang pagiging abandunado ng lugar ay tila may mas malalim na dahilan.
Pumasok kami sa loob ng mansion. Ang una kong napansin ay madilim na paligid. Tinatakpan ng mga makakapal na kurtina ang nagtataasang mga bintana. May higanteng staircase papunta sa second floor. Napakaluwang sa loob at tila walang laman na gamit. Mangilan ngilan ang mga muwebles at ang iba ay tinatakpan pa ng puting tela.
"Ito ang mansion ng mga Van Zanth." sinabi ni Aunt Helga nang mapansin na pinagmamasdan ko ang buong paligid. "Nasabi ko na ang ilan sa mga dapat mong malaman noong magkausap tayo sa telepono. Pero kailangan kitang muling pagsabihan upang maging maayos ang iyong pananatili sa mansion. Sa ngayon magpahinga ka muna. Sa nakabukas na pintuan sa second floor ang iyong kwarto. Bumaba ka sa oras ng tanghalian. Alas dose impunto."
Nakahanda ang aking mga tanong. Ngunit tumalikod si Aunt Helga at pumunta ng kusina. Naiwan akong mag isa sa sala. Pinagmasdan ko ang paligid. Ito na ang magiging tirahan ko sa mga susunod na buwan. Malayong malayo ito inaasahan ko. Bakit tila abandunado ang lugar na ito?
Umakyat ako sa second floor at pumasok sa aking kwarto. Maayos, maaliwalas, at maluwang ang kwarto ko. Malinis at kompleto sa gamit. Sinara ko ang pintuan at humiga sa malambot na kama.
Kung tutuusin mas maaayos ang kwarto ko dito kesa sa Charlotte. Pero hindi ko magawang maging komportable. May kung ano sa lugar na ito na hindi ko gusto. Something mysterious and cagey.
Tila may tinatago.
***
Tweet me: @breatheapril
Official hashtags: #LWAHB
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top