Part 14

NAIS sana kaming yakagin ng babae, na Ate Pats ang pagpapakilala sa akin sa bahay nito pero pinigilan siya ni JV.

"Kailangan muna ni Liwa— I mean ni Leslie ng sapat na panahon para i-absorb ang lahat. Kukuhanin ko na lang ang contact details mo at ibibigay ko ang akin. Sa susunod nating pagkikita ay isasama ko ang therapist ni Leslie para maging ayos ang lahat-lahat. Huwag muna nating i-overload ang lahat ng mga impormasiyon sa kaniya."

"Sige, doc," sabik na tugon ni Ate Pats kay JV. Tiningnan nito ang direksiyon ko. "Paghahandaan namin ang pagbabalik mo, Leslie. Miss na miss na kita."

Muling yumakap si Ate Pats sa akin. Mas mahigpit.

NANG kinagabihan ay hindi ako mapakali sa aking higaan. Naroon ang pagkasabik at takot na alamin kung sino ba ako bilang Leslie at paano ako naging si Liway? Ah, 'di bale. Masasagot naman iyan kapag nagkita kaming muli ni Ate Pats.

Naka-iskedyul ang pagpunta namin ni JV sa bahay ni Ate Pats sa isang araw. Gabi bago ang nakatakdang araw na iyon ay natagpuan ko si JV sa balkonahe ng bahay. Humihigop siya ng kape, mukhang malayo ang kaniyang iniisip.

"JV."

"Liw— I mean Lesl—".

"Liway. Liway na lang dahil iyon ang pagkakakilala mo sa akin," ani ko sabay tayo sa tabi niya.  Tiningnan ko rin ang dako na tinitingnan niya na hindi ko gaano maaninag dahil kulang ang bituin sa kalangitan at nagtatago ang buwan sa ulap.

Tumango siya nang bahagya at humigop muli ng kape.

"Mukhang malalim ang iniisip mo. Inaalala mo ba ang pagkikita naming muli ni Ate Pats?"

Ibinaba niya ang hawak na tasa at tumingin sa akin. Binasa ko ang emosyon sa kaniyang mga mata ngunit nahirapan ako.

"Parang ganoon na nga." Gumaralgal ang tinig niya kung hindi ako nagkakamali.

"Kung tunay ngang sila ang pamilya mo, wala akong choice kundi ang ibigay ka sa kanila." Ngumiti siya. Mapait iyon. Nagpakawala rin siya ng mabibigat na paghinga. "I-I think of the things will I do on the first day that you'll be gone in this house. It will be empty again. Empty because it lacks your laughter and your presence."

Nilapitan niya ako. Para bang gusto niyang hawakan ang mga kamay ko pero nagpipigil siya kaya naman ako na ang kusang kumuha noon. Napapitlag siya pero umayos din agad. Hindi nakaligtas sa akin ang pagngiti niya nang pisilin ko pa ang mga palad niya.

"Bakit naman magiging empty kung puwede pa rin naman kitang dalawin nang madalas dito?"

Nagningning ang mga mata ni JV nang sabihin ko iyon. "R-Really?"

I nodded and smiled.

Punumpuno ng emosyon ang puso ko sa pagkakataong iyon. Sa puntong ito ay alam kong nagugustuhan ko na si JV pero uunahin ko munang buuhin ang sarili ko bago pagtuunan ang nararamdamang iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top