Chapter 6
Chapter 6
Tulong
STEPH
If I could kill someone today, it's Erense! I killed someone before but it's an accident for me. They thought I killed him pero nagkakamali sila. I aimed him kasi hindi tumitigil iyon sa pang-aasar sa akin kaya tinakot ko siya at tinutukan ng baril. Hindi ko namalayan, napindot ko na iyon. Then that's it, he died.
Kung magiging pormal ang lahat, I could kill Erense without hesitation, without defensing myself that I didn't do that dahil ngayon kung pwede ko lang gawin 'yon. Gagawin ko.
"Pwede bang tumigil ka na!" sigaw ko.
Kanya akong tinatali sa metal chair na ito. May pinatong din siya sa ulo ko na hindi ko alam kung para saan iyon. Hindi ako mapakali dahil nakikita ko ang kakambal kong naliligo na sa sarili niyang dugo.
"Sorry na, Erense! Kung nasaktan ka man sa mga sinasabi namin sayo noon, sorry na! Hindi mo ba alam na masama ang pumatay?! Itigil mo na 'to!"
Tumawa lamang si Erense. Kinalabutan ako sa ginawa niya, nakatali ang braso ko maging ang mga binti ko dahil para hindi ako makakilos ng tuluyan. Kung ito man ang magiging katapusan naming kambal, sana maging masaya si Erense sa ginagawa niya.
Mayamaya lamang ay biglang nag-iba ang temperatura ng buong kwarto. Mula kanina sa putting kapaligiran nito ay nagbago ito mula sa pula. Naramdaman ko ang mabilis na pag-init ng paligid, tinadtad ng pawis ang buo kong katawan. Pansin kong mas lalong nanghihina si Stefen.
"Pakawalan mo na ako..." halos nagmamakaawa na ang tono ng boses ko.
"Sige, papakawalan kita pero magbigay ka muna ng rason para gawin ko 'yon." aniya. Kanyang ipinasada ang dulo ng kutsilyong hawak niya sa pisngi ko.
"Aray!" sigaw ko ng maramdaman ang hapdi sa ginawa niya. "Pakawalan mo kami Erense, hinding hindi ka na namin guguluhin. Kung ano man ang gusto mong ipagawa sa amin, gagawin namin! Bibigyan ka namin ng maraming pera! Just please let me and my twin go!"
"Hmmm..." aniya na nagmistulang nag-iisip pa.
Hindi niya iniinda ang init ng paligid.
"Sayang lang pero hindi ko kailangan ng pera niyo." Aniya. "Hindi na ako makatiis pinsan, gustong gusto ko nang pigilan ang pagtibok ng puso mo." dahan dahan niyang tinaas ang hawak niyang kutsilyo, naka posisyon na siya ng biglang may nagbubukas ng pinto ng kwarto.
Natigil siya sa ginagawa niya at nabaling ang atensyon niya doon.
Bumukas ang pinto at isang lalaki ang bumungad. Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka ng makita niya kami, lalo na si Stefen na mabagal na ang paghinga.
"Sino ka?" tanong ni Erense.
"Tulong!" iyon kaagad ang lumabas mula sa aking bibig. "'Wag kang lalapit sa kanya! Tulungan mo ako! Da—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong sasakin sa hita na agad niya ring hinugot. Halos hindi ako makapagsalita sa sakit na nangyari. Natulala na lamang ako habang iniinda ang sakit.
"Papatayin din kita!" sigaw ni Erense.
Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko kung paano pigilan ng lalaking iyon si Erense. Kanyang idinapa si Erense at sinundan ng sapak sa mukha at tuluyan naman itong nawalan ng malay. May hiwa ang kanyang braso na gawa ni Erense. Mabilis naman niya akong inalis sa pagkakatali pero sa unang hakbang ko pa lamang ay agad akong nanghina. Hindi ko maramdaman ang hita ko.
"Itali mo siya doon pagkatapos ay lumabas na tayo dito." Ani ko.
Agad naman niya akong sinunod. Itinali niya si Erense doon sa metal chair. Nagbago muli ang temperature sa loob at binalot ng lamig ang kapaligiran. Agad naman akong inalalayan ng lalaking ito at tinulungan si Stefen na makatayo. Sa magkabilang balikat ay alalay niya kaming dalawa. Mabuti na lamang ay malaki ang kanyang katawan at kinaya niya kaming dalawa. Nang makalabas kami mula sa hallway at sinarado ang pintong iyon.
Bumungad naman sa amin sina Vinea at Marco.
"G-Guys..." nauutal na sabi ni Marco. "Gyllia! Cobert! Nandito na ang kambal!"
Halata sa kanilang mukha ang pagkakagulat lalo na nang makita nila ang dugo sa aming mga katawan. Nang dumating si Gyllia ay namilog na lamang ang mata nito ng makita kami.
"Nasaan si Cobert?" taka ni Marco.
"Anong nangyari sa inyo?" tanong ni Gyllia. "Nasaan si Erense? At sino ka?" pagtukoy niya sa lalaking kasama namin.
"Kage." Aniya. "Ano bang ginagawa ko dito?" tanong niya.
"Bago ka namin sagutin, gamutin muna natin ang mga sugat niyo." Ani Marco. "Peste! Nasaan na ba si Cobert?!"
Tumuloy kami sa sala, inaalalayan pa rin kami ni Kage at naupo. Hinanda naman ni Gyllia ang first aid kit at ginamot ang malalalim naming sugat. Mayamaya lamang ng matapos ang paggagamot sa aming tatlo ay isang sigaw naman ang umalingawngaw sa buong mansyon.
"Si Cobert ba 'yon?"
Mayamaya lamang ay nakita namin si Cobert na humahangos, na tila hinahabol ang hininga. Pansin din namin ang boxer nitong spongebob. Pero nagtaka naman kami sa reaksyon ng mukha niya.
"Hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko." aniya at lumipad ang tingin niya kay Vinea. "Hinding hindi talaga."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top