Chapter 29

Chapter 29

Three out of eight


VANTELL

As we have to stay much longer here, hindi na namin alam kung paano kami kikilos because in every time, hindi namin alam kung magiging katapusan na ba namin o hindi. This things happening on us right now were not good. Masasabi namin na hind ito pangkaraniwan, tila may pinapatanuyan talaga ang game master para sa aming lahat. Gaya nila, hindi rin naman ako papatol para maging savior. Gusto ko lang ay makauwi sa bahay, 'yon lang naman ang gusto ko.

Ngayong nagsama sama kami ay komportable naman kami kahit papaano para sundan kung anong gagawin namin. Sa ngayon, iyong plano ni Marco ang napagkasunduan naming lahat. Medyo nag-alinlangan nga ang lahat no'ng makitang tumatakas sina Erense at Cobert. Akala namin magiging okay sila pero hindi pala nakaligtas si Cobert.

Mayamaya ay dumating na ang kinatatakutan namin. Kailangan na naming bumuto para sa itatalagang maipalabas sa bahay na 'to. Ngunit bago kami isa isa na pumunta sa private room ay may video ito na lumabas.

"P-Players... your time is limited and I'm telling you, we're going to have a fast pace. From seventeen individuals, only one savior needs to save the world. One can remain and stand to announce the winner of the game. Let your honesty be your guide... goodluck."

I sighed from what I saw. So there's only one person can remain in this game, after all this is a survival game. Kailangan mong kalabanin ang mga taong nakakasalamuha mo. I'm trying to build friendship with them, iyon ang mahalaga sa akin pero mukhang hindi naman nila pinapahalagahan iyon. Because in this game, sarili mo lang naman ang kakampi mo.

I don't know who they are, kaya hindi ko alam kung anong plano ang nasa isip nila. Something na pwedeng bumaliktad sa planong napagkasunduan ng lahat.

Unang tinawag si Oxene para pumunta sa private room.

Oxene: I'm voting Marco, he needs to go out of the mansion because here, he doesn't belong.

Serita: Sorry Marco... but I'm voting out Vantell, I just hated him and so he does.

Gyllia: It's hard for me to do this again, knowing that one of us will go out and they have to suffer on the outside. What will happen to them? I'm going to vote out... Vantell.

Risel: Don't know whom to vote but I can say its Marco... he's arrogant and he's too much confident on himself. I don't trust him, not anyone.

Marco: Sorry but I'm going to vote Gyllia. I don't care for her anymore.

Kathaleen: I don't know why I'm afraid this time, I don't know what will happen if Marco voted out. Panigurado ay iboboto nila silang lahat. So my vote is for Serita.

Stefen: Hindi ko papayagan na gawin ni Marco ang kagustuhan niya, I'm going to voted out Vantell.

Vantell: I choose to vote Risel, he's to conceited.

Lumabas ako ng private room na tulala. Alam kong ang napagkasunduan na iboto ay si Marco pero hindi siya ang binoto ko. Siguro silang lahat naman ay binoto si Marco kaya siya pa rin ang lalabas. Magagawa pa rin niya ang plano niya and if that happens ay makakalabas na kaming lahat dito sa mansion.

Makakauwi na kami sa bahay namin.

Lumapit naman si Oxene sa akin, iniwas ko naman kaagad ang tingin ko sa kanya dahil ako komportable sa mga tingin niya sa akin.

"Oh, may problema ka ba Van?" tanong naman nito sa akin.

Umiling naman ako sa kanya, "meron ba dapat? Pero sa pagkakaalam ko, simula ng dumating tayo dito hindi na tayo nawalan ng problema."

Tinapik naman nito ang balikat ko, "tama ka, hindi nga tayo nawawalan ng problema. But I know Marco will do his best, makabalik lang tayo sa outside world."

"You did what he said?" tanong ko nama sa kanya.

Tumango naman si Oxene, "yes, that's what the plan right? Sinunod mo rin ba?"

Dahan dahan naman akong napatango sa kanya. Ayokong sabihin sa kanya 'yong totoo dahil syempre sasabihin niyang panira pa ako ng plano.

"What if, hindi naman sumunod ang lahat sa plano ni Marco?" tanong ko naman sa kanya.

Napakunot noo naman si Oxene, "bakit naman nila gagawin iyon? Nagpresenta na nga si Marco para sa ating lahat, gagawin niya 'yon para makalabas na tayo. Sana walang naging selfish sa ating lahat, ano?"

Napakibit balikat na lang din naman ako sa sinabi niya.

Nang magtipon tipon kaming lahat sa sala ay dumating na rin ang anunsyo kung sino sa aming natitirang siyam ang lalabas. Alam naman ng lahat na si Marco na ang lalabas kaya nagpaalam na ito sa amin bago pa man sabihin ang resulta ngunit natigilan ang lahat ng sabihin ang resulta sa nangyaring botohan.

Napatingin silang lahat sa akin, "bakit ako?" hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"Guys? Napag-usapan na natin 'to diba?!" ani Marco.

"Hindi ko kaya Marco... sorry." Ani Gyllia habang nakayuko.

"Bwisit!" napahilamos na lang din si Marco.

Lumapit naman sa akin si Oxene at hindi makapaniwala sa naging resulta. I've got three out of eight votes, hindi ko alam kung sinong mga bumuto sa akin. Kung noon ay may choices ka kung out or stay pero ngayon, ang desisyon ay nasa game master. Walang padalos dalos na binuksan ang pinto.

Niyakap nila ako isa isa pero wala akong emosyong pinapakita sa kanila. Hindi ko alam kung paano nila nagawa 'to sa akin.

"I know I'm not alone... so long guys..." saka sumarado ang pinto. Sumilip naman sila sa bintana pero nginitian ko na lang din sila.

Pinasok ko ang kagubatan. Hindi pa nga ako handang mamatay mukhang sinusundo na ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top