Chapter 28

Chapter 28

Isugal


SERITA

Sa totoo lang ay naiinggit ako kila Erense at Cobert. Kung sila ay nakaalis na dito sa mansion, kami naman ay kailangan pang maghirap. Hindi ko alam kung papasa ba 'yong plano ni Marco pero kung 'yon ang naiisip niyang paraan para mailigtas kami dito, gagawin namin.

Masaya ako kasi nakasama ko ulit si Risel. Actually, nagulat nga ako no'ng si Marco ang nakasama ko sa challenge na 'yon pero thanks to him dahil naligtas niya ako.

'Yong inakala kong special vacation lang talaga ay naging worst vacation pa. Sino ba naman kasing masisiyahan kung mananatili ka sa isang unknown place na ang gagawin lang sayo ay pahirapan ka. Hindi ko alam kung bakit ako nabibilang dito, kung bakit nandito ako sa lugar na 'to in the first place dahil sa tingin ko naman ay wala sa akin ang hinahanap nilang savior.

Captain ako ng cheersquad hindi ng mundo. Magkaiba iyon!

Nilapitan ko naman si Marco sa sala. Medyo may tampuhan sila ni Gyllia kaya hindi sila ang magkasama ngayon. Tiningnan naman ako ni Marco, pansin ko naman ang benda sa kanyang balikat.

"Ayos ka na ba?" tanong ko sa kanya at naupo sa tabi niya.

"I'm fine, medyo umo-okay na rin naman 'to." Aniya tungkol sa balikat. "How about you, naka-recover ka na ba?"

"I'm glad I'm okay dahil sayo Marco, siguro masasabi kong naka-recover na ako kapag nakaalis na tayo dito, diba?" aniko. "Salamat Marco ha, kung hindi dahil sayo..." napakagat ako sa labi ko, "wala na ako dito."

"That's okay," aniya. "Teka nga pala, bakit mo pala sinabi sa kanila 'yong sinabi ko sayo noon?"

Napayuko naman ako noon, "I thought you were gone kaya nasabi ko 'yon sa mga kasama ko. Diba, mas maganda 'yong maraming nakakaalam sa gagawin mo?"

"Yes, I know that pero kasi sana sinarili mo na lang muna. We're not sure if we'll survive to this plan."

"Sorry..." buntong hininga ko pa.

"That's fine, alam na rin naman ng lahat eh."

Napangiti na lang din naman ako sa kanya. Napatingin naman ako kay Risel ng umubo ito, tiningnan ko naman ito pero hindi ako pinansin. Hinabol ko naman ito papunta sa second floor pero kahit anong tawag ko sa kanya ay hindi niya ako pinapansin.

"Para kang baliw, Risel!"

"Nagawa mo pa talagang makipaglandian ah?"

Natawa naman ako sa sinabi niya, "I was just thanking him, Risel! Kung hindi dahil sa kanya, wala na sana ako ngayon. Don't be jealous."

"I'm not!" depensa nito.

Napangisi naman ako sa sinabi niya, "oh, what's with the reaction?"

"Get out of the room, magpapahinga ako." Utos naman nito sa akin.

But instead of doing what he said, I did the opposite thing. I locked the door, tiningnan niya lang ako saka ako lumapit sa kanya. Inalis ko naman ang suot kong damit sana ko siya tinulak pahiga sa kanyang kama. Mariin kong hinalikan ang kanyang mga labi habang naglalaro ang aking kamay sa kanyang katawan.

Inalis ko ang kanyang suot na shirt. Nararamdaman ko ang kanyang pagkakalaki sa paghagod ng kanyang bewang sa akin. Nang hindi makatiis si Risel ay kanyang inalis ang lahat ng saplot nito at pumaibabaw sa akin. Nag-iwan ito ng marka sa aking leeg kaya naman pinalo ko siya dahil makikita iyon ng mga kasama namin.

Wala siyang pake sa ginawa ko kundi tinuloy niya lang ang ginagawa niya.

"You stole my boredom away, Serita..." he said.

Habang nag-iinit kaming dalawa at mararating na ang kasukdulan ay may kumatok sa pinto. Natigil naman si Risel sa kanyang ginagawa at nabaling sa taong kumakatok.

"Sino ba 'yan?!" ani Risel.

"Risel at Serita! Itigil niyo na 'yang ginagawa niyo, nakikita namin ang ginagawa niyo!" nang sabihin iyon ni Vantell ay bigla kaming napatingin sa isang sulok ng kisame at may camera nga doon.

Napabalikwas kaagad kami ni Risel at sinuot ang mga damit namin. Nang buksan naman namin ang pinto ay bumungad si Vantell na nakabusangot.

"Ang baboy niyong dalawa." Iling pa ni Vantell.

Bumaba rin naman kami at pagdating namin sa sala ay pinagtatawanan nila kaming lahat. Mayamaya ay biglang may replay sa tv screen at pinakita kung anong ginagawa namin ni Risel sa kwarto.

"Infairness bro, magaling kang gumiling!" tawa pa ni Marco kay Risel.

Napapaiwas na lang din naman ako ng tingin sa mga babaeng kasama ko. Nanatili ako sa sulok ng sofa kahit na iritado sa paulit ulit na pinapakita sa tv screen. Napatingin naman ako kay Gyllia nang tapikin ang balikat ko. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o hindi eh.

"Oh tingnan niyo!" lahat naman napatingin kay Gyllia ng magsalita ito at nalipat ang tingin sa tv screen. "Nasa tabing dagat na sila..."

Hindi naman kami makapaniwala dahil inabot nilang dalawa iyon pero bumilis ang kabog ng dibdib namin ng may humabol sa dalawa. Naunang tumakbo si Erense at naiwan si Cobert. Na-corner si Cobert, sa pagkakataon ngayon ay hindi siya isang halimaw lamang kundi isa na ito sa mga alagad ng gamer.

"Cobert! Takbo dito!" sigaw ni Erense na nakasakay na sa Bangka.

Hindi makatakbo si Cobert dahil pagtalikod pa lang din nito ay tinira ito ng pana ng naka all black na iyon. Lahat kami ay napasinghap ng mangyari iyon. Bumagsak ang katawan ni Cobert sa lupa habang si Erense naman ay nakakalayo na sa dalampasigan. Tumakbo paalis ang pumana kay Cobert at nawala na muli ito sa screen.

Napabuntong hininga na lang kaming lahat ng makita iyon.

"Sabi na nga ba at hindi makakaligtas sila Cobert at Erense." Ani Marco.

"Kaya dapat hindi mo isugal ang buhay mo Marco!" bulyaw naman sa kanya ni Gyllia.

"Ewan ko sayo, Gyllia! Manahimik ka na lang pwede!"

Nag-walk out naman si Marco at natahimik naman kaming lahat sa sala.

"So, ano nang gagawin natin ngayon?"

"Tumunganga kasi 'yon lang ang magagawa natin ngayon." Birong tugon ni Vantell. "De, seryoso... wala naman talaga tayong magagawa eh."

Meron, 'yon nga lang wala kaming tiwala sa isa't isa na magagawa namin 'yon. I don't have the will to be friend with them at all. Gusto ko lang mabuhay, I wanted to live. And have fun with Risel... that's all I'm wishing for.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top