Chapter 18
Chapter 18
Decision
GYLLIA
Lahat kami ay natulala na lang ng matapos iyong ginawa namin sa labas. Hindi kami makapaniwala na magagawa namin iyon. It's just like we have to survive to keep ourselves safe from the danger. Hindi ko alam kung anong gagawin sa susunod. Ngayon pa lang ay hindi na namin alam kung may matitira pa ba sa amin o wala. Nakakaloka dahil kahit nagiging malapit ka na sa kanila. Kailangan mo pa rin silang lamangan para ikaw ang mabuhay imbes na sila.
"We first lost Kage ngayon naman si Maryel." Ani Risel.
"'Yong totoo, may matitira pa ba sa atin?" Cobert said.
Mayamaya lamang ay may lumabas sa screen ng tv ang mukha namin. Sa labing pitong iyon ay may apat na mukha na ang wala. Nabibilang na doon sina Earle, Maryel at Kage. Hindi mapigilan ng kabilang grupo ang malugmok dahil tatlo sa kanilang grupo ang namatay na. Kung sa amin ay si Tyda na hindi naman namin nakilala ay sobrang kawalan din sa grupo namin. Ngayon pa kaya silang nakasama na nila ng ilang araw ang tatlong iyon?
"Mukhang may nakakalimutan kayo." mabilis na lumipad ang tingin namin sa nagsalita. Pamilyar iyon sa akin dahil ilang araw ko rin iyong hindi narinig pero tandang tanda ko ang boses niya.
"Erense!" gulat na tugon ng kambal ng makita ang kanilang pinsan.
Halos hindi rin ako makapaniwala ng makita ko siya. Nakangiti lamang ito sa aming lahat. Hindi kami komportableng nandito siya sa ngayon. Knowing that she wanted to kill the twins. Kaya ba hindi pa siya nawawala sa character list ay buhay pa si Erense?
"Pa'no ka nakatakas?" tanong ni Vinea.
"Oo nga! Matibay ang pagkakatali mo doon sa metal chair at hindi ka naman kaagad makakaalis ng mag-isa lang!"
Napangisi naman ito. "Oh, hindi ko pa pala nasasabi... someone helped to escape."
"Sino?" tanong naman ni Oxene sa kanya.
Tiningnan naman siya ni Erense at nagpout pa ito. Saglit niyang inisip ang pangalan no'ng tumulong sa kanya. "If I'm not mistaken, her name is Maryel."
"Oh, nasaan na siya?!" mistulang nagliwanag ang Kathaleen ng marinig niya ang pangalan ni Maryel sa kanya.
"I'm sorry but I killed her." ngisi pa nito. "But don't worry, nandito naman na ako."
"You, bitch!" susugurin sana ni Serita si Erense pero agad naman siyang pinigilan ni Risel at Vantell. "Bakit kailangan mo siyang patayin! You could save her just like she did to you! Ang kapal din ng mukha mo!"
She twirled her hair with her fingers, "oh, I don't care, I just killed her and that's fine for all of us, right?"
"Stop, Erense!" sigaw naman ni Stef sa kanya. "Hindi ka na dapat bumalik sa amin dahil hindi ka naman namin kailangan! They deserve to live than you do! Dapat mas nauna ka nang namatay kaysa sa kanila."
"Oh well," she crossed her arms. "Person like me won't go die easily as that, okay?"
Kahit humupa na ang tension sa dalawang grupo ay nandoon pa rin ang masasamang titig nila Serita at Oxene kay Erense. Hindi ko rin naman sila masisisi sila sa ginawa ni Erense sa kaibigan nila. Kahit ako, magagalit ako kay Erense sa ginawa nito. Magagawa niyang iligtas din si Maryel pero binigyan niya ng kapalit ang pagtulong nito sa kanya.
Erense is such a selfish girl. Hindi dapat nagtatagal ang mga ganyang tao sa bahay.
Malayo rin ang distansya ng kambal kay Erense. We do not know kung ano na ang sunod niyang binabalak pero syempre, hindi na magpapahulog ang kambal sa mga pakulo ni Erense. They learn from their mistake at hindi na nila iyon uulitin pa.
"Gyllia!" tawag sa akin ni Serita.
Lumapit naman sa akin si Serita at Oxene. Tumayo rin naman ako para makaharap ko sila ng maayos. Nakahalukipkip ang kamay ni Serita at walang bakas ng ngiti sa mukha ni Oxene. May gusto silang sabihin sa akin at alam kong hindi maganda iyon.
"May gusto ko kaming sabihin sa inyo at napagkasunduan namin itong lahat." Ani Serita.
"Tawagin mo ang kasama mo, papunta lahat sa living room." Ani Oxene.
Tumuloy naman ang dalawa living room. Pinuntahan ko naman ang mga kasama ko at tinawag ko silang lahat para itipon sa living room. Hindi namin alam kung anong sasabihin nila sa aming lahat pero mukhang hindi ko magugustuhan kung ano man ang napagkasuduan nilang lahat. Nang makaupo kami sa living room ay tumayo naman silang anim sa harapan namin.
"Kaming anim ay nagkaroon ng diskusyon at iyon ay para mapabuti ang dalawang grupo." Panimula ni Risel. "Gagawin namin 'to dahil hindi namin kayo gusto, iyon ay dahil mas gusto namin na kami lang ang nandito. Simula ng dumating kayo dito ay naging hindi maganda ang kinalabasan ng lahat. Kaya ngayon napagkasunduan ng lahat na bumalik na lang kayo sa dati niyong side."
Hindi namin inaasahan na iyon pala ang sasabihin nila sa amin. Umalma kaagad ang kambal sa sinabi ni Risel.
"Hindi naman pwede 'yan, as you know. Ang dalawang grupo ay nagkahiwalay lang ng bahay pero as one pa rin naman tayo dito!" ani Stefen.
"Kung si Erense ang pino-problema niyo, 'wag niyo kaming idamay dito!" dagdag naman ni Steph.
"We made our decision and that's final." Ani Serita.
"Ihanda niyo na ang mga gamit niyo, kailangan before dinner ay wala na kayo dito sa side namin. We like you guys to be here pero we don't like you around us. Mas nagiging delikado ang lahat kapag kasama namin kayo." paliwanag naman ni Kathaleen. "We're sorry pero iyon ang napagkasunduan naming anim."
"But we can come back here, right?" ani Marco.
Nagkatinginan naman ang anim sa sinabi ni Marco.
"Unfortunately, you shouldn't." ani Oxene. "Kaya nga babalik kayo doon dahil kailangan namin ng katahimikan mula sa inyo. If we could find our way, babalikan namin kayo dito then we could help you out of this place."
"So this is the way you treat people right?" I said. "You didn't even know us, I'm surely the six of you doesn't know much each other pero ano bang kailangan natin ngayon? Ang magtulungan diba? Bakit niyo kami papabalikin sa dati naming side kung sama sama tayo at makakabuo ng mas malawak na desisyon at plano diba?"
"Yes, you have point Gyllia." Vantell said. "Pero hindi na namin kakayanin kung may isa pa sa amin ang mamamatay. Glad for you guys dahil hindi niyo naman talaga nakilala si Tyda, hindi niyo naman siya nakasaup. You can enjoy yourselves pero kami? Kami na ilang araw naming nakasama 'yong mga taong 'yon, hahayaan ba namin na may sumunod pa? Hindi na!"
"Van is right!" Ehrret said. "And also, we didn't kill our mates. On your part guys, you killed one another and that's not right."
"Prepare your things, and leave our side." ani Risel.
Wala nang nakapagsalita sa amin kundi kumilos na kaagad kaming lahat. Inayos namin ang mga gamit namin. Binuksan naman ni Oxene ang passageway papunta sa kabilang side.
"I guess this is the end." Ani Marco bago siya pumasok sa loob ng passageway.
Tumingin ako sa kanilang anim. Nagpahuli ako sa pagpasok sa loob. Sa huling pagkakataon ay niyakap ko sila isa-isa hanggat sa pumasok na sa lagusan.
We are on our own selves again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top