Chapter 16
Chapter 16
We can't
EHRETT
I maybe gay pero hindi ko inakala na this moment na magagamit ko ang lakas ko para lang makaligtas sa mga iyon. We are covered with fear and frustrations. Iyak ng iyak si Oxene dahil sa nangyari kay Kage. Kahit ako nalulungkot sa nangyari kay Kage. I look after him hindi dahil gwapo siya at may ipagmamalaki dahil simula ng magkakilala kaming lahat. Kage bonded us together, pinipilit niyang magkakilala kaming lahat kahit labag sa loob ng iba.
Now that he's gone, hindi namin alam kung paano babawiin 'yong saya no'ng nakilala namin siya. It's our burden that we didn't choice to be happy beside him kaya kung ano ano ang nangyari.
"Oxene, hush, we can't Kage back." Patuloy lang ang paghagod ni Risel. "We did our best to keep ourselves safe, siguro hindi lang natin nakita kung gaano siya kaimportante sa atin. Not until we lost someone, then we realize what they had to us."
"We lost Kage for nothing." Patuloy na hikbi ni Oxene.
"We'll do something to bring justice to him, Oxene." Kathaleen said. "He's the reason why we are talking to each other right now. Then we could bring it back to him."
"Tama na drama guys!" Maryel interrupted.
Inirapan naman siya ni Kathaleen, "dapat pala ikaw na lang 'yong pinagpyestahan ng mga piranha doon Maryel ano? Matutuwa pa kami, wala ka naman kasing natutulong!"
"Anong sabi mo?!" sigaw at pagdilat pa ni Maryel sa kanya. "Ang kapal din pala talaga ng mukha mo eh!"
"Stop!" saway naman ni Risel. "Kung mag-isip sana kayo kung paano tayo makakaalis dito hindi 'yong nagsusumbatan pa kayong dalawa!"
"Natatandaan niyo pa ba 'yong announcement kanina bago tayo dinala rito?" napatingin naman kami kay Vantell.
"Ako natatandaan ko pa." Ani Serita. "Ano namang pakelam mo 'don Vantell? Makakatulong ba 'yon sa atin?"
Tumango naman kaagas si Van sa sinabi ni Serita, "yes, let's think deeper to it. What was it, Serita?"
"Hmm..."
"Akala ko ba natatandaan mo?" tanong ko naman.
"I remember it bakla! Tumahimik ka muna!" irap pa nito sa akin at saglit na natulala sa itaas at nagliwanag ang mukha. Mukhang naalala na nga niya. "Running from death, the key is to behold together. If not, cannot tell who'll die. Yes that's it!"
"Running from death?" taka ni Risel.
"Let's think of it," panimula ni Vantell. "Death is where we are, the creatures around us. If we could just run from it, we could survive. Running away from those could spare our lives from dying right?"
"So dahil hindi lang tumakbo si Kage kanina, namatay na siya?" aniko pa.
"Tanga nito!" Ani Maryel. "Makinig ka na nga lang! Ang dami mong sinasabi, wala namang kwenta!"
"Ewan ko sayo, sana ikaw ang sumunod!" sagot ko.
"Manahimik na guys, okay?!" saway ni Van. "So running away is the answer. When we are the key to get rid of it. Please, trust everyone this time. Kung gusto niyong mabuhay, then we could survive..."
"Then what if we won't?" Oxene asked.
"As the message said, we can't tell." Vantell sighed.
Kinamusta naman namin ang kabilang grupo. They were only six from beginning of seven. Mas lalo silang hindi makakilos dahil ang halimaw ay nasa ilalim lamang nila. Ang mga sanga ng puno na aming kinahihiligan ngayon ay siyang matibay naman pero hindi pwedeng dito na lang kami buong araw. Kailangan naming bumalik ng mansyon sa paglubog ng araw.
Kung hindi namin magawa iyon ay hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari.
"Guys, do you have a plan?" tanong ni Stefen mula sa kabilang puno.
"We're still on it but we need your cooperation guys!" sabi naman ni Vantell.
Nag-agree naman ang dalawang grupo sa gagawing strategy para makababa ng puno na ito at makabalik sa mansion. From our view to the mansion, kita namin na bukas ang pinto nito. It's like its waiting for us to go back.
"Guys, ready?" Tanong ni Risel kila Marco.
"Yes, do your thing and we'll do ours." Ani Marco.
Tumango naman si Risel sa kanya. They did what Vantell told them to do, they distracted the dog-like creature. Habang ginagawa nila iyon isa isa naman kaming bumababa ng puno, doing by that ay nagagawa naman namin iyon ng maayos. Pinauna kaming tumakbo ni Vantell until he gets the attention of that monster para ang grupo naman nila Marco ang makababa.
"Bitch! Ang bagal mo!" Serita hit me and so I stumbled upon running away. Tiningnan lamang ako ni Serita at nginisihan.
"Ehrett! Get up!" sigaw ni Vantell sa akin.
Malapit na sila. Paparating na sila pero hindi ko magawang ikilos ang paa ko dahil naipit iyon sa sanga, maging napuruhan pa ata ang pagkakatumba ko.
"Oh, damn! Ehrett!" lumapit sa akin si Maryel at tinulungan ako.
"Go Maryel, hayaan mo na ako dito! Go save your life."
Inangat nito ang tingin at sinamaan lamang ng tingin, "how could I do that, Ehrett? We're a team here, tutulungan kita no matter what happen."
"Guys!" Si Vantell. Naririnig ko na ang pagtakbo niya.
"Dalian natin!" pagmamadali ni Maryel.
She removed my feet from the tangled roots on my feet. And when she's done, inalalayan naman ako nito tumayo. We run as fast as we can. Hindi ko inakala na tutulungan ako ni Maryel. She may be the badass girl I've known pero hindi ko inakala na may pakealam din pala ang isang 'to.
"Fuck!" napahinto kami sa pagtakbo ng may sumabit kay Maryel.
Nang tingnan koi yon ay may hiwa ang parteng hita niya. May dugong tumutulo doon, tatabi pa sana kami pero hindi niya ininda iyon kundi pinagpatuloy namin ang pagtakbo.
"Maupo muna tayo saglit, Maryel."
"We don't have much time to do that, Ehrett." Aniya, kahit pansin ko na sa mukha niya ang pag-inda sa sakit. Hindi niya pa ring inisip iyon, siguro ms mahalaga sa kanya ang mabuhay sa simpleng sugat na natamo.
"Nasaan na ba sila?" tanong ko.
Ni hindi ko na sila makita, nawala kaming dalawa ni Maryel. Nang makita namin ang mansion ay doon lang namin narealize na mali nga ang nadaanan namin. May ilang boses kaming naririnig at pangalan namin ang kanilang sinisigaw.
"Si Oxene 'yon." ani Maryel.
"Puntahan mo na sila." Sabi ko kay Maryel.
Inilingan naman ako nito, "bakit ko gagawin 'yon? Babalik tayong dalawa sa mansion ng sabay, okay?"
Hindi naman ako nakakibo sa sinabi niya. Mukhang desidido nga talaga siyang gawin iyon. Pero feeling ko ay susuko na ako sa ginagawa namin. Kung ako man ang susunod ay okay lang sa akin. Mukhang wala rin naman akong naitutulong dito eh.
Wala rin naman silang alam sa buhay ko.
"M-Maryel..." nanginig ako ng makita ko papalapit na halimaw na iyon.
Mistulang hinahanap kami nito sa kanyang pang-amoy.
"Kumilos na tayo." Ani Maryel.
Tumakbo na kaming dalawa pabalik sa mansion. Ilang saglit lang din ay may narinig kaming tunog ng mga alarm.
"Anong meron?"
Napadilat naman ako sa inisip ko, "malapit na matapos ang pagsubok na 'to, Maryel. Magsasara na ang pintuan ng mansion."
"Kung gano'n, kailangan na nating dalian!"
Ngunit napahinto kami bigla sa pagtakbo namin ng biglang humarang sa amin ang halimaw na iyon. Napa-atras kami sa dahan dahan nitong paglapit sa amin.
"Maghiwalay tayo." Ani Maryel.
"Hindi, ayoko!" usal ko.
"Para ka namang hindi lalaki! Magkita tayo sa dulo nito, okay ba?"
Wala akong nagawa kundi ang sundin ang plano niya. Kinuha niya ang atensyon ng halimaw at doon naman ako nagkaroon ng tsansa na tumakbo pabalik ng mansion. Mga sanga ng puno at putik ang nagiging hadlang sa akin para maging diretsyo lamang ang takbo ko. Nang makita ko ang dulo ng kagubatan ay hinanap ko naman kung nasaan si Maryel pero wala siya. Hindi ko siya kasunod.
"Ehrett!" nang tawagin ni Risel ang atensyon ko ay naluha na lamang ako ng makita sila sa loob ng bahay. "Dalian mo!"
"Si Maryel! Nandoon pa!"
"Dalian mo!" sigaw pa nito.
Nagmadali naman akong pumasok sa loob.
"Ehrett!" nang mapalingon ako ay nakita ko si Maryel na papasok na ngunit ilang segundo lamang ang naging pagitan ay biglang sumarado ang pinto. "Buksan niyo!" pagkalampag pa niya sa pinto.
Binubuksan ng mga kasama namin sa loob ang pinto pero hindi nila magawan ng paraan iyon.
Sumilip ako sa bintana, "Maryel! Saglit lang, bubuksan namin ang pinto!"
Pansin ko ang mga luhang tumakas sa mata ni Maryel saka ito umiling, "wala nang pag-asa, Ehrett!" bigla naman itong napatalikod at mukhang nakita na siya ng halimaw. Muli itong humarap sa amin. "Babalik ako, hintayin niyo ako..." iyon na lamang ang sinabi niya bago siya tuluyang tumakbo pabalik sa loob ng kagubatan.
"She can't save herself..." usal ni Oxene.
Hinarap ko naman siya, "she will, Oxene. Ikaw rin naman ang dahilan kung bakit namatay si Kage!"
Mabilis na lumapit sa akin si Oxene at sinampal ako sa kaliwang pisngi ko. "You didn't know how much pain it given to me. Hindi ko ginusto 'yon, Ehrett. I can die but Kage save me! 'Wag mo kong sisihin sa nangyari. Hindi ko kasalanan kung isa isa tayong mamatay dito. We're not safe anymore, we can't save ourselves anymore... we won't survive."
I shook my head, "we can if you die first instead of him."
I leave the crowd at the living room. If I could change the situation, maybe Oxene would be on the outside not Maryel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top