Chapter 15
Chapter 15
Prepare yourselves
VANTELL
I am Vantell Werlock, for the past few days we lived here in this mansion. Masyado nang gumugulo ang paligid. After these new comers stayed on our side, sumikip at naging crowded kami dito. Sa akin, okay lang naman na marami kaming nandito sa loob. Sinusubukan ko naman silang kilalanin isa isa pero may mga tao talagang ang hirap pakisamahan.
Isang wake-up call ang gumising sa aming lahat. Hindi kami mapakali dahil tunog iyon ng tibok ng puso. Nang tumigil din ang tunog na iyon ay parang naiwan sa aming lahat iyong kabang iyon. Hindi namin alam kung para saan iyong wake-up call na iyon. Siguro isa iyon sa mga hudyat sa announcement na lumabas kahapon.
Sila Oxene, Kage at ang kambal ay kung ano anong hinuha ang nabuo mula sa mga mensaheng iyon. Iniisip nilang hindi iyon magandang balita dahil simula ng dumating kami dito. Wala namang magandang balita ang dumating dito sa amin. Wala na nga rin kaming alam kung anong nangyari kay Earle. Nagsisisi ako kung bakit siya ang binoto ko. Siguro siya lang ang naisip ko kaya ko nagawa 'yon pero hindi ko naman alam na gano'n 'yong mangyayari. Nakakasama pa rin siguro namin siya ngayon.
Siya lang din naman ang naging close ko dito maliban kay Maryel na siyang fourth cousin ko. Hindi namin alam na magkadugo kaming dalawa until we recognize our last names. We shared the same great-great-great grandparents but we grew without knowing each other.
"Go to the storage room, prepare yourselves."
That's what the message says on the screen. Fourteen of us walk into the storage room, near the private room. Kage pointed where one of the other group stayed—he said, that's the metal room.
As we came to the storage room, there's a uniform indicated our names. As the seven of us have the black shirt while Kage is on white.
"You're with us?" takang tanong ni Vinea.
Napakibit balikat naman si Kage sa tanong ni Vinea. Sinuot naman niya ang kanyang shirt. Gayundin ang ginawa namin at matapos gawin ay bumalik na kami ng sala. Agad naming nadatnan sa living room ang ilang pares ng blindfold. May mensahe namang nakasaad sa screen na agad binasa ng karamihan.
Running from death, the key is to behold together. If not, cannot tell who'll die.
That message blew our mind. Kinabahan naman kami dahil mukhang sasabak kami sa isang challenge and we still don't know how what to do. From those message, alam kong may mga paliwanag 'yon. Hindi namin makuha kung anong gustong ipunto pero from the word itself. Hindi namin magagawa 'to ng walang tulungan.
We are grouped by two's and that could help each other to be saved, right?
An alarm rang all over. A message comes to wear the blindfolds. From that moment, hindi ko alam kung anong gagawin but I feel weak to it.
"Van!" nabuhayan na lamang ako ng may yumugyog sa akin. "Get your ass up, tingnan mo kung nasaan tayo."
Mabilis ko namang inalis ang blindfold sa mata ko. Dahan dahan naman akong tumayo pero feeling kong babagsak ako. Doon ko lang narealize kung nasaan kami. We're on the sea. Nasa isang bangka kaming apat—Maryel, Serita at Ehrett and the other three were on the other side of the sea. Nasa lupa kami habang nasa ibabaw kami ng dagat.
"Guys!" napalingon naman kami sa tumawag sa amin.
Hindi lang pala kami ang nasa ganitong kalagayan. Ang kambal—Steph at Stefen at si Marco ang nandoon.
"Lalangoy kami diyan!" sigaw naman ni Maryel.
"Hindi!" mabilis na pagpigil nang tatlo sa gagawing paglusob ni Maryel sa dagat.
"Susubukan na dapat namin 'yan pero may kung anong nilalang ang nasa ilalim ng dagat. Hindi ligtas kung lalangoy tayo!"
"Paano na tayo niyan?!" Ani Ehrett.
"Manahimik na lang pwede!" bulyaw naman sa kanya ni Serita.
Kinakawayan namin ang mga kasama namin sa kabilang parte. Mula dito ay kitang kita namin ang kabuuan ng mansyon. It's like in the top of the hill, malaki talaga iyon at malulula ka na lang.
"Tingnan mo ginagawa ni Risel!" ani Maryel.
Napatingin naman kami sa kinalalagyan no'ng tatlo. Nang lalangoy na sana si Risel ay mabilis itong napaatras at kung anong nagwawala sa ibabaw ng tubig ang nakita namin.
"Piranha ba 'yon?" tanong ni Ehrett.
"Posible." Sagot ko naman sa kanya. "Kailangan nating makaalis dito at mapuntahan sila."
"May plano na ba kayo?!" sigaw ni Marco mula sa kanilang bangka.
"Wala, kayo ba?" tugon ko naman.
Wala rin naman naging plano ang kabilang grupo.
"Bwisit na buhay 'to!" naupo naman si Serita sa sulok ng bangka. Napansin ko naman ang taling inalis niya sa kanyang kinauupuan. Ihahagis niya sana iyon sa tubig nang pigilan ko. "Ano ba, Vantell?!"
"Magagamit natin 'yan!" aniko.
"Sige nga, paano?"
"Tingnan mo sila doon!" tinuro naman ni Ehrett ang mga kasamahan namin na nasa lupa. May mga malalaking aso—hindi namin alam kung aso nga ba iyon dahil ibang klase ang hugis ng mukha nito mula sa normal na aso.
"Shit!" I hissed.
Hindi kami mapakali ng makita naming hinahabol sila nito. Mabilis na nakatakas ang ilan pero nacorner ng isang halimaw si Oxene.
"Gaga talaga 'yang si Oxene! Ang kupad kasi!"
Mayamaya lamang ay siyang tinulungan ni Kage mula sa kabilang grupo.
"Takbo Oxene!" nabaling naman sa kanya ang atensyon ng halimaw na iyon. Mabilis na kumaripas ng takbo si Oxene habang patuloy naman sa pag-atras si Kage papunta sa dalampasigan.
"Vantell! May tali ba kayong nakita diyan?" tanong ni Marco sa akin.
"Oo meron!" sagot ko naman.
"May ilang pares kami ng kahoy dito! Magagawan siguro natin ng paraan para makapunta tayo doon sa dalampasigan!"
"'Wag." Ani Maryel.
"Anong 'wag?" taka ni Serita. Halos pabulong na ang kanilang pag-uusap.
"Hindi natin nasisiguro kung matutulungan nila tayo o baka hinihinga nila ang tulong natin para maligtas nila ang sarili nila."
"Eh kung ikaw kaya gumawa ng paraan Maryel!" sagot naman ni Ehrett sa kanya. "Marco, ihahagis namin ang tali diyan at saluhin niyo! Kapag nakuha niyo na ay hatakin niyo para magkalapit na ang Bangka nating dalawa. Then we could sail back to the shore!"
"Bahala kayo diyan." Irap pa ni Maryel.
"Mas gusto kong mabuhay Maryel, kumilos ka diyan!" bulyaw naman sa kanya ni Serita.
Kumilos din naman siya ng pagsabihan siya ni Serita. Kumilos din naman ang mga nasa kabilang Bangka.
"Guys, look at Kage..." nangingilid na luha ni Steph. "Wala na siya..."
Nang makita namin kung anong nangyayari doon ay wala nang buhay si Kage doon. Parang nawalan ako ng gana ng makita kong ang katawan ni Kage ay kagat kagat ng halimaw na iyon.
"Hindi!" sigaw ni Oxene nang itapon ng halimaw na iyon ang katawan ni Kage sa tabing dagat. Mabilis iyong pinagpiyestahan ng mga piranha. Kumalat ang kulay ng dugo ni Kage sa dagat.
"Vantell!" sigaw ni Marco. "Kailangan na nating bilisan 'to!"
Buong lakas ko namang tinapon ang tali at sinalo nila iyong tatlo. Itinali naman namin sa bangka ang dulo ng tali ay sila ang humila sa amin palapit sa kanila. Nang magawa namin iyon ng maayos ay ang sunod naman naming ginawa ay ang pagsagwan papunta sa dalampasigan.
Pero hindi namin inakala na sa ginawa naming pagsagwan ay maagawa namin ang atensyon ng mga piranha. Mabilis na lumangoy ang mga piranha sa direksyon namin. Inabot naman ni Stefen ang isang kahoy kay Ehrett at humanda sa kanyang posisyon.
Habang patuloy naming sinasagwan ni Marco ang bangka ay silang dalawa naman ang pumapalo sa mga piranha na lumilipad sa ere.
"Gahd!" sigaw ni Serita. Nakapasok sa loob ng Bangka ang isang piranha. Agad namang tiniris iyon ni Ehrett at nagtalsikan naman ang lamang loob nito sa amin. "Kadiri!"
"Malapit na tayo guys!" sigaw ni Marco.
Pero sa pagkakataong iyon ay pinagpyestahan ng piranha ang tumpok ng tali na aming ginawa para magsama ang dalawang bangka. Unti unting humiwalay ang Bangka namin mula sa kanila kaya ang ginawa namin ay may binilisan na lang ang pagsagwan at narating namin ang dalampasigan.
"Guys..." usal ni Maryel nang makita ang papalapit na halimaw. "Tatakbo ba tayo?"
"Ano bang tinatayo niyo diyan?!" sigaw ni Marco. "Takbo na!"
Wala kaming ibang ginawa kundi ang tumakbo at puntahan ang ilan naming kasamahan na nasa ibabaw ng mga puno. This shouldn't be the end of everything, we wouldn't be dead right here in this place.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top