Chapter 10
Chapter 10
Welcome
OXENE
"Guys, wala talagang maglalakas ng loob tingnan kung anong meron doon?" tanong ko sa mga kasama ko.
Umatras naman ang lahat, halatang ayaw nilang tanggapin 'yong sinabi ko. Hinahanap kasi namin si Kage at hindi na namin alam kung saan hahagilapin pa ang lalaking iyon. Wala kaming idea kung saan iyon magpupunta dahil in the first place, hindi makakalabas kung sino man ang nasa loob ng mansion.
We tried to open the door near the stairs pero sarado iyon. Hindi namin alam kung anong meron doon sa loob but we could have a thought na doon pumunta si Kage at hindi lang namin mapasok ang pintong iyon dahil lock talaga siya kahit anong ipasok namin sa doorknob. Until we found a secret door near the kitchen.
"Bakit hindi na lang ikaw ang pumasok diyan, Ox?" suhestyon ni Risel.
Napa-anga naman ako sa sinabi niya, agad din naman akong umiling. "Ako? Bakit ako pa? Ang dami dami naman natin dito, kayo. Ikaw, Risel! Lalaki ka naman eh!"
He shook his head, "but that's your idea." Aniya, "I don't like to play with your ideas."
Inirapan ko na lang din naman siya. I have no choice, hindi rin naman nila ako papakinggan kaya nilakasan ko na lang din ang loob ko. If no one wants to try, then I will do. Makikita mo talaga sa mga kasama mo kung sino 'yong mga malakas ang loob at may kaduwagan.
We're eight and no one wants to go inside. Ang daming lalaki dito sa amin pero sa kanila ang gustong sumugal.
I took a deep breath before entering that door. A pat on my shoulder came from Kathaleen, she smiled. "Good luck over there, I hope you'll find him."
I nodded, "I will."
Lumuhod naman ako para tuluyan akong makapasok sa loob ng secret door na iyon. Malaki naman ang passageway na iyon sapat na ang dalawang taong sabay pero dahil ako lang naman ay kakayanin ko. Pinanood lang nila akong pumasok sa loob, hindi naman nila tinakpan ang butas para malaman ko kung saan ako manggagaling. Ni wala nga akong flashlight na dala dahil wala kaming makita.
Nang may makapa akong another passageway ay kumalma muna ako. Hindi ko na lang din iyon inintindi at pinagpatuloy ko lang ang paggapang ko until I pushed a square thin wall at doon ako sinalubong ng liwanag. Pinagpagan ko ang suot kong damit at nang makita ko naman ang taong hinahanap ko ay niyakap ko na lang ito.
As I found him, nagulat din ako ng makitang hindi lang kami ang nandito sa loob ng mansion ito. Matanong sila sa akin at ang dami nilang gustong malaman pero kailangan na namin bumalik ni Kage sa bahay namin—I mean sa parte kung saan kami nakalagi.
Bago kami bumalik ay nagtanong sila kung pwede silang sumama sa amin. Noong una ay hindi namin alam ni Kage ang isasagot pero sa huli ay pumayag kami. Niligpit nila ang kanilang mga gamit at dinala nila iyon sa pagpasok namin sa passageway.
As we arrived to the other end. Tinulungan ako ng mga kasama kong makatayo.
"Si Kage? Nahanap mo ba?" tanong ni Earle sa akin.
Tumango naman ako sa kanya at mabilis na nabaling ang atensyon nila nang marinig ang kaluskos sa loob ng lagusang iyon. Nang lumabas si Kage doon ay agad siyang niyakap ni Kathaleen at Serita. Napailing na lang ako dahil simpleng chansing lang ang dalawa. Natulala naman Risel at Vantell nang makita ang isa isang paglabas ng mga kababaihan mula sa kabilang parte ng bahay.
Nang tuluyan makarating ang lahat, tila ang dalawang grupo ay naguguluhan ng makita ang isa't isa. Kahit ako, hindi ko maipaliwanag kung bakit pinaghiwalay pa kaming grupo gayong trap naman kami lahat dito.
"Sino 'yang mga 'yan?" tanong ni Ehrett sa akin.
Napailing naman ako sa kanya.
"Wala akong idea. Si Kage ang unang nakakilala sa kanila." Aniko.
Napangisi naman ito, "pero bet ko itong matangkad na ito." aniya na pagtukoy sa lalaking maputi, katabi no'ng babaeng nagpakilala bilang Gyllia.
"Si Marco ata 'yon." sabi ko naman sa kanya.
"Guys!" naagaw naman ni Kage ang atensyon naming lahat. "Siguro naguguluhan kayo nang makita sila pero kagaya rin natin sila, nilagay sila dito at wala rin silang idea kung para saan at anong dahilan kung bakit tayo nandito."
"Hindi naman natin kilala 'yang mga 'yan! Dapat hindi niyo na sinama!" Sita naman ni Maryel.
Napasinghal naman ako sa sinabi niya, "pwedeng manahimik ka na lang muna Maryel?!" saway ko sa kanya.
Lintik na inirapan lang ako nito.
"Sabi ni Kage, mababait silang nandito, hindi ko makita." Halos pabulong na sabi ni Vinea. Nang tingnan ko siya dahil sa sinabi niya ay nginitian na lang niya ako sabay iwas ng tingin.
"Kung ayaw niyo kaming kasama dito, babalik na lang kami doon." Ani Gyllia.
"Hindi!" sabi ko. "Bakit niyo pa kailangang bumalik doon? Dito na kayo at sama sama na tayong lahat, mas maganda na marami tayo dito. Pwede naman nating kilalanin ang isa't isa para dahil for sure, isa sa inyo, kilala ang ang mga nandito, right?"
Then Gyllia rose her hands and pointed it to Maryel, "actually, she's my stepsister."
Napatingin naman ang lahat kay Maryel, "woah? Ikaw, bakit hindi ko alam 'yan?"
Napakibit balikat naman si Gyllia, "you may not know but your stepdad is my dad."
Maryel smirked, "whatever." She rolled her eyes and leaves the living room.
"Risel." Ani Cobert.
"You're the jock who kick my ass off on our highschool, I remember you."
Umiling naman si Risel, "no, why would I do that? I didn't even know you so fuck off!"
Umalis din si Risel at pumunta sa poolside.
Napatingin naman ako sa anim na galing sa kabilang bahay.
"Don't worry, mababait naman 'yang mga 'yan. Just feel free and welcome to our side."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top