Chapter 2: Something's Wrong

Ang unang inatupag ni Joanna pagbalik ng bahay ay ligpitin ang mga pinagkainan. Hugasan ang mga bowls, coffee mugs at ang coffee pot. Ibinalik niya ang butter at milk carton sa ref, ang mga cereal boxes sa cabinet, at pinunasan ang breakfast table gamit ang cleaning spray. Niligpit din niya ang pinaggawaan ng sandwiches. Sa Sabado pa siya makakapag-grocery, bibili na lamang siya ng ilang cold cuts sa convenience store para bukas.

7:20 AM.

Nagulat si Joanna nang biglang tumahol si Ruffles na nasa ilalim pala ng mesa.

"Oh, my God, I'm sorry, Ruffles," sabi niya sa aso.

Sa ibabang cabinet sa kitchen, kinuha niya ang dog bowl at pinakain ng dogfood si Ruffles. Si Macy ang nagpangalan sa aso, gusto ni Marco ay Stryker pero nag-agree ang lahat na hindi ito bagay sa isang Shih Tzu, maliban sa babae pa si Ruffles. Naupo si Joanna habang pinagmasdang kumain ang aso, iniisip ang susunod na mga gagawin. Napabuntong-hininga siya, disappointed. Nagiging makakalimutin na ako, aniya sa sarili.

Pagkakain ay nilabas ni Joanna si Ruffles sa garahe para doon ito dumumi. Nais niya sana doon sa tapat na damuhan pero araw ito ng pagva-vacumm ng bahay at ayaw niyang masayang ang oras pagka't maraming seremonyas si Ruffles kapag nilabas mo ng bahay. Amoy dito, amoy doon.

Nilinis muna ni Joanna ang kuwarto ng mga bata. Pagpasok niya'y hindi na siya nagulat na makitang nagkalat ang mga damit ni Marco sa sahig: shorts, medyas, tuwalya. Hindi siya tulad ni Macy na maimis sa mga gamit—isa pang bagay na namana sa ina. Double-deck bed, study table, at shelves kung saan naka-display ang mga action figures ni Marco at mga Barbie dolls ni Macy. At least ang mga laruan ay maayos na nakahilera, pansin ni Joanna. Inayos niya ang bedsheets at mga unan.

9:05 AM.

Nagva-vacumm si Joanna sa living room. Bukas ang TV kahit na hindi naman rinig ang sound dahil sa ingay ng vacumm cleaner. Lifestyle channel. Hindi rin naman talaga nanonood si Joanna, pagka't focused siya sa ginagawa—walang sulok ng living room, dumi't alikabok ang nakakaligtas sa kanya. Si Ruffles na nakaupo sa tabi ang siya pang tutok sa TV, uusog lamang ng puwesto kung padaan na ang vacumm cleaner. Minsa'y inaaliw ni Joanna ang sarili at hinahabol si Ruffles ng vacumm. Ganoon na lang ang gulat at inis ng aso.

Nang matapos ang pagva-vacumm ay para bang naginhawaan ang tenga ni Joanna. Ganoon din si Ruffles na tumahol ng pagsangayon. Kumuha si Joanna ng baso ng tubig at naupo sa sahig ng living room para manood saglit ng TV, hindi sa sofa pagka't ayaw niya itong mamarkahan ng pawis. Nang maubos ang tubig ay tumayo siya't nagspray ng air freshner sa living room at ibinaba ang vacumm cleaner sa ground floor.

10:34 AM.

Silhuoette ni Joanna sa frosted door ng shower sa Master's Bedroom habang siya ay naliligo. Matapos maligo ay pinunasan niya ang basang sahig. Kahit na nasa bahay lang ay ugali niyang magsuot ng maayos: pantalon na khaki o capri at sleeveless na blouse. Nag-blush on pa siya't lip gloss. Ito'y sa kadahilanang baka may dumating na bisita anytime. Dati kasi'y nag-surprise visit ang in-laws niya kasama ang ilang kaibigan ng mga ito at hindi pa siya nakakaligo't palagay niya'y hindi maayos ang hitsura niya noon. Sobrang na-conscious si Joanna at pagkatapos ay panay ang tanong niya kay David kung may nabanggit ba tungkol sa histura niya. Natawa lamang si David.

Ang tutoo'y may time kasi isang weekend na nagpunta si Joanna sa bahay ni Carol para sunduin si Macy na naglaro roon kasama ni Polly. Na-surprise siya na maayos ang histura ni Carol kahit nasa bahay lang—may konting make-up at alahas. Napulot niya ang practice na ito walang iba kundi kay Carol.

Bumaba si Joanna at nagtungo sa kitchen para magluto—lunch nila ni Macy. Hindi naman maselan ang bunso sa pagkain, at hindi matakaw. Nagboil siya ng tubig para sa spaghetti at nag-saute ng canned meat sauce na dinagdagan niya ng konting hotdog. Mabilis lang naman ang pagluluto pagkat portions lang iyon na pandalawa. Matapos magluto ay naupo si Joanna sa sofa para magpahinga, binuksan niyang TV at sumandal, at siya'y napapikit.

12:20 PM.

Nagising si Joanna sa pagkakaidlip. Tumingin siya sa wallclock, pasado alas-dose ng tanghali. Napaisip siya kung nagising ba siya sa tahol ni Ruffles o sa busina ng school bus ni Macy pagka't dapat ay dumating na ito mga 15 minutes ago pa. Hindi naman mukhang kay Ruffles pagka't nasa sulok ito't natutulog. Daliang tumayo si Joanna, sa isip niya, baka kanina pa nasa labas ang school bus at hindi makapasok si Macy. Nagmamadali siyang bumaba ng bahay at malayo pa lamang sa gate ay sinisilip na kung nakaparada ang school bus sa labas. Binuksan niya ang maliit na pintuan ng gate.

Wala.

Tumingin siya sa magkabila ng kalye. Wala siyang makitang school bus. Napaisip siya kung dumating ba ang school bus at umalis din pagka't walang nagbubukas ng pintuan pagka't tulog siya? O baka naman hindi pa dumadating, na-traffic siguro o kaya'y may delay sa paghatid sa ibang bata—ikatlo sa pinakahuli na hinahatid si Macy, may lima pang nauuna sa kanya. O baka naman may program sa school na hindi nasabi sa kanya at late na pala ang dismissal. Huminga nang malalim si Joanna. Baka naman naprapraning lang siya. Baka itong sobrang pag-aalala sa mga bagay-bagay ang dahilan ng mga kamalian niya, ang pagkalimot.

"Relax, Joanna," aniya sa sarili.

Bumalik siya sa loob at nagset ng table. Pinainit niya ang spaghetti sauce at kinuhang parmesan cheese mula sa ref. Pagkatapos ay naupo siya sa sofa at nagpalipat-lipat ng channel sa TV, pero hindi siya maka-concentrate. Tinignan niya ang relo sa wallclock, pagkatapos sa cellphone. Nagsisimula na siyang maging aburido dahil wala pa ang school bus ni Macy. Hindi niya natiis at kanyang kinuha ang cellphone at nagdial.

Nagring ang cellphone. May sumagot na babae.

"Hello? Si Mrs. Ruiz ito. Mommy ni Macy," sabi ni Joanna sa phone.

"Hi po, ma'm," sagot sa kanya.

"Nakaalis na ba ang school bus?"

"Yes po, ma'm. Kanina pa po. Bakit po?"

"Wala pa kasi si Macy. Hindi pa sila dumadating," concerned tone ni Joanna.

"Baka po na-traffic lang."

"Can you call the school bus?"

"Sige po, ma'm, tatawagan ko. I-text ko po kayo," sabi ng babae.

"Okay."

Ibinaba ni Joanna ang cellphone. Nabawasan ang kaba niya na nakaalis naman na pala 'yung school bus. Pero, nakasimangot siya dahil sa problemang dinulot nito, lalo na mentally. Baka nga na-traffic lang. Nagtungo siya sa kitchen para magtimpla ng juice sa pitcher. Kumuha siya ng ice tray mula sa freezer at habang nilalagyan ng ice ang pitcher ay narinig ang text tone.

Agad na kinuha ni Joanna ang cellphone na nakapatong sa kitchen table. Binasa niya ang text at na-alarma. Nag-init ang ulo niya at agad na nag-dial. Ring ng cellphone. Limang ring bago may sumagot.

1:20 PM

Pagkahello na pagka-hello pa lamang ng babae ay sinalubong agad siya ng mataas na boses ni Joanna.

"Hello? Mommy ito ni Macy. What do you mean hindi n'yo makontak ang school bus?"

"Ma'm, hindi po namin makontak 'yung driver pati na 'yung kasama niya," sabi ng babae.

Nalito si Joanna sa sagot na iyon.

"Hindi makontak? What do you mean?"

"Nakapatay po mga cellphones nila."

"WHAT?" nanlaki mata ni Joanna. Hindi ito ang sagot na inaasahan niya. "Anong klaseng school kayo?!"

"Pinuntahan na po ng iba naming driver para hanapin."

Namumula sa galit si Joanna, nagiging hysterical na siya.

"ANONG ORAS NA?! WALA PA ANG ANAK KO!" sigaw niya.

"Ma'm, huwag naman po kayong sumigaw," sabi ng babae. "Hindi ko naman po kasalanan ito."

Lalong nagalit si Joanna.

"ANONG HUWAG SUMIGAW? DAPAT KANINA PA SILA NANDITO! MAGDADALAWANG-ORAS NA!"

"Baka na-traffic lang po."

"ANONG NA-TRAFFIC?!" sigaw ni Joanna. "15 MINUTES AWAY LANG ANG SCHOOL MULA DITO, KAHIT NA-TRAFFIC DAPAT NANDITO NA SILA KANINA PA!"

"I know, ma'm, pero..."

Hindi pa tapos sa sinasabi'y in-end call na ni Joanna ang tawag. Ayaw na niyang marinig ang boses ng babae at lalo lang siyang naiinis. Hinihingal siya sa galit, hinahabol niyang kanyang hininga. Gusto niyang magmura, gusto niyang magwala. Sa isip niya, pagdating ni Macy, malilintikan ang school na 'yan, susugurin niya bukas. Lalo na ang babeng nakausap niya. Sa lakas ng boses ni Joanna ay nagising si Ruffles at ngayo'y kumakahol.

"Ruffles..."

Patuloy ang kahol ng aso.

"RUFFLES!" sigaw ni Joanna.

Nagulat ang aso at napaatras at nanahimik. Nag-dial muli si Joanna. Ring ng phone. May sumagot—si David.

"Hello, David?"

"Yes, dear?"

"Where are you?"

"Kakatapos lang ng meeting. Papunta na ko para sunduin si Marco," sabi ni David.

Medyo nagka-crack ang boses ni Joanna. Pinipigilan niyang hindi maging hysterical.

"S—si Macy wala pa. 'Yung school bus hindi pa dumadating."

Saglit na may pause.

"What? Kanina pa dapat dumating..." sabi ni David.

"Yes, I know. Sabi sa school hindi daw nila makontak 'yung driver or 'yung mga kasamang babae sa school bus," sabi ni Joanna. "Malayo ka pa ba?"

Hindi agad nakasagot si David.

"N-nasa parking na ko, pasakay na sa kotse."

"Tawagan mo agad ako, okay?" sabi ni Joanna.

"Okay."

Ibinaba ni Joanna ang cellphone. Mabilis ang pintig ng puso niya, pero nagagawa naman niyang pakalmahin ang sarili. Nakatulong din na hindi isinawalang-bahala ni David ang bagay na ito, na siya'y siryoso rin.

Biglang narinig ang busina mula sa labas. Nabuhayan ng loob si Joanna at nagmamadaling bumaba. Pero paglabas niya'y school bus pala iyon ni Polly na pumarada sa tapat ng bahay nila. Binuksan ng driver ang pintuan sa likuran at inalalayan si Polly na makababa. Bumukas ang gate ng townhouse at lumabas si Carol.

Hindi alam ni Joanna kung sisigaw o iiyak. Nagkatinginan sila ni Carol na ngumiti sa kanya pero hindi makangiti si Joanna pabalik. Nagpalingon-lingon siya sa kalsada, hinahanap ang school bus ni Macy, pero wala ng ibang sasakyan sa paligid. Umandar paalis ang school bus ni Polly. Pinauna ni Carol na pumasok si Polly sa loob nang makita niyang papalapit si Joanna—kita niya ang matinding pag-aalala sa mukha nito.

"Joanna?" pagtataka ni Carol.

Lumapit si Joanna.

"Carol, nakita mo bang dumating 'yung school bus ni Macy?"

Napaindak si Carol.

"No, I...I don't know, hindi ko nakita," aniya. "Hindi pa ba dumadating?"

"Hindi pa eh," tumataas na naman ang kaba ni Joanna.

"I'm sorry, may ginagawa kasi ako sa loob kanina..." sabi ni Carol. "Tinawagan mo na ba ang school?"

"Yes."

"Anong sabi nila?"

Sasabihin sana ni Joanna na hindi makontak ng school ang driver at mga kasama nito pero mabilis niyang naisip na mabuting hindi muna ito malaman ng iba. Na isa itong private matter.

"B-baka daw na-traffic lang," sabi ni Joanna.

"But it's late na," paalala ni Carol. "'Di ba dapat kanina pa dumating school bus niya?"

Alam din naman ni Carol na mas maagang dumadating ang school bus ni Macy kaysa kay Polly dahil mas malayo ang school ng anak niya, and since mas mataas ang antas nito'y mas late rin ang uwian. Na-concern din si Carol.

"Baka naman nasiraan lang 'yung school bus," sabi ni Carol.

Alam ni Joanna na hindi iyon ang dahilan. Kung nasiraan ay dapat nalaman na nila. The fact na hindi makontak ang driver at mga kasama nito'y may ibang dahilan.

"Or baka naman..." patuloy ni Carol.

Pero, agad na nagpaalam si Joanna, dahil patulo na ang luha niya.

"T-thank you na lang, Carol," mabilis na talikod ni Joanna at umalis. Hindi na siya lumingon pang muli pagka't alam niyang siguradong nakatingin sa kanya si Carol na nagtataka.

Pumasok siya sa loob ng townhouse at pagkasara na pagkasara pa lang niya ng pintuan ay may tumulong luha sa gilid ng kanyang mata dahil sa magkakahalong desperasyon, frustration at pag-aalala.

***

2:25 PM.

Mula sa kotseng kanyang minamaneho, tanaw na ni David ang eskwelahan ni Macy, ang sign sa wall na Holy Good Shepherd Montessori—pangalan na tinawanan niya noon. "Holy na? Good pa?" ang natatandaan niyang kanyang biro kay Joanna. Malapit sa sign ay may pambatang drawing ni Jesus Christ kasama ang mga bata sa isang green field, at may mga puno at tupa sa paligid. Pinansin na rin ni David ang drawing na ito, although nakalimutan na niya ang sinabi niya. For sure, isang nakakatawang comment. Biglang naalala iyon ni David habang palapit siya sa school. Nguni't sa pagkakataong ito, hindi niya magawang ngumiti.

Ang school ay nasa semi-residential area, isang two-storey na bahay sa loob ng malaking compound. Malalaki ang lote sa paligid kung kaya't maraming sasakyang nakakaparada sa gilid at malawak ang kalsada. Kadalasan sa oras na ito'y kakaunti na ang mga sasakyan pagka't marami na ang nag-uwian.

Ngayon, maraming mga sasakyan ang nasa paligid ng school. Kotse, SUV at iba pa. Naroon din ang ibang school bus na nakabalik na mula sa paghatid sa mga mag-aaral. Isang tingin pa lang ay alam na ni David na may hindi normal na nangyayari.

Lalo na nang makita niya ang sasakyan ng mga pulis.

NEXT CHAPTER: "A Commotion"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top