Chapter 17: The Ruse

11:43 AM. MONDAY.

Magtatanghali nang magdatingan ang ransom money sa townhouse ng mga Ruiz. Dala ito ng ibang mga miyembro ng PNP-AKG kasama ang representidad ng bawat pamilya ng pito pang batang nakidnap: Apple, Elly, Louella, Joy, Anna, Stephen at Christopher. Karamihan ay ang tatay ng mga bata, mayroon ding nanay, may ilan ang kilala na nina Joanna at David sa mukha dahil nakabatian na nila tuwing may school program. Nag-usap ang mga magulang at nagpalitan ng mga hinaing sa nangyari habang nilatag ng mga pulis ang pera sa mesa. Naghanda sina Joanna ng makakain at maiinom para sa lahat.

Nagpakilala si Inspector Tiglao bilang head ng task force at ipinakilala rin ang kanyang team. Maya-maya'y dumating mismo si Chief Superintendent Brigadier General Batac, ang chief ng PNP-AKG sa Luzon, kasamang ilang pulis para tignan ang proceedings. Halos mapuno ang second floor ng townhouse at sa labas, hile-hilera ang mga sasakyan, may mga bantay pang pulis.

***

Sumilip si Carol sa bintana at nakita sa kalye ang dumaraming sasakyan na nagsisipagparadahan. Kinabahan siya na makakita ng ganoong karaming pulis, although alam naman niyang hindi sila naroon para sa kanya.

"Ano na bang nangyayari doon?" tanong ni Carol.

"Dinadala na nila ang ransom money," sagot ni Andy.

Nilagyan ng private investigator ng cream ang tasa niya ng kape at hinalo ng kutsarita. Maaga siyang nagpunta rito para muling kausapin si Carol. Sa sala, pinaghandaan siya ni Carol ng kape't lemon tarts. Hindi nahihiyang kinain ni Andy ang tarts pagka't sa hitsura palang ay masarap na ito. Pinahid niya ng tissue ang kanyang bibig. Gusto rin niyang ipakita na siya'y confident.

Bumalik si Carol para maupo katapat niya. Noong una silang nagkita ng P.I. ay suot niya'y one-piece na gray dress na hanggang tuhod, naka-tali pang buhok niya noon. Ngayo'y siya'y naka-tank top at maikling skirt na nang siya'y umupo'y litaw na litaw ang kabuuan ng kanyang hita. Nakalugay pang kanyang buhok.

Sinadya niya ito. Gusto niyang testingin ang P.I. kung bibigay, kundi man ay i-distract. Alam ni Carol ang lakas ng kanyang sexual powers.

"So, where were we?" tanong niya. "You were asking?"

Nilapag ni Andy ang hawak na tart at habang kinuhang kanyang maliit na notepad sa bulsa ng leather jacket na nakapatong sa sandalan ng sofa ay nasilip niyang ang suot na panty ni Carol ay kulay itim. Bumilis ang pintig ng kanyang puso. Relax, Andy, sabi niya sa kanyang isipan. Tinitesting ka.

"Last na paguusap natin," umpisa ni Andy habang binasa ang notepad. "Nabanggit mo 'yung babaeng census taker..."

"Yes," confirm ni Carol.

Ipinakita muli ni Andy ang computer print out ng police sketch ni Cora.

"At inidentify mo na siya ito."

"I said I'm not sure," sabi ni Carol, kabisado rin niya ang sinabi last time. "Maybe? I mean, I can't be definite, after all, sketch lang 'yan."

"Yes, yes, I see," tango ni Andy.

"I'm sorry, inspector," pag-apologize ni Carol, nag-cross ng legs at napatingin pa si Andy. "Gusto kong tulungan sina Joanna and David, but...'yun lang ang alam ko..."

Na-interrupt si Carol nang biglang nag-ring ang cellphone ni Andy at kanyang sinagot. Sa tono ng pag-uusap ng P.I. ay tila may urgent na pangyayari. Medyo na-alarma si Carol lalo na nang biglang tumayo si Andy at kinuhang kanyang jacket.

"Okay, okay, pupunta na ako d'yan," sabi ni Andy sa kausap sa telepono at natapos ang tawag.

"A-ano 'yon?" curious na tanong ni Carol.

"May nahuli silang suspect na babae, nasa presinto ngayon," ulat ni Andy.

Napatayo rin si Carol, gulat lang.

"Ms. Bertrano, kung maaaring sumama kayo sa akin sa presinto," sabi ni Andy.

"A-ako? Bakit?" na-tense si Carol.

"Since ikaw lang ang nakapag-I.D. sa police sketch. Kailangan mong i-identify 'yung nahuling suspect."

"B-but, I told you, hindi ako sure!" tutol ni Carol.

"At ngayon makaka-sure ka na," sabi ni Andy. "Dahil i-i-identify mo na mismo 'yung suspect in person."

"Pero..."

"Let's go, Ms. Bertrano."

"'Di ba kailangan muna nating i-inform ang mga Ruiz about this?" pahabol ni Carol.

"Wala na tayong oras."

Mabilis na isinuot ni Andy ang kanyang leather jacket at nagmamadaling lumakad. Walang nagawa si Carol kundi sumama na nakalimutan pa nga niyang magbihis ng maayos.

***

Napuno ang mesa sa sala ng patong-patong na bundle ng pera. Nang lumapit si Marco'y halos kasintaas na niya ang bundok ng pera. Ang walong milyong ransom money. Sanay naman na sina Inspector Tiglao at General Batac na makakita ng ganoong halaga, may kaso pa nga sila na ang ransom ay umabot ng P50 million. Ganoon rin si David na nagtratrabaho sa bangko. Pero, hindi pa rin nila maiwasang mag-imagine na kung anong magagawa nila kapag sila'y may ganoong halaga.

Binilang nila'ng pera gamit ang electronic money counting machine. Pansin lang ng iba, na hindi lahat ay tig-P1,000 kundi'y may tig-P500 pa. Mayroon pa nga silang nakitang mga P100 na bills.

"Hindi ba mas mabuti kung tig P1,000 lahat ng pera?" tanong ng isang magulang. "Mas kokonting bag ang gagamitin, mas magaan?"

Curious sila. Lalo na si David nang marinig ito. Oo nga naman. Kung tig-P1,000 lahat ay kasya na sa dalawang malaking gym bag, pero ngayon, mukhang kakailanganin ng tatlong bag para pagkasyahin ang walong milyon. Sinabi ni Tiglao na in fact, iyon ang intensyon nila. Dahil wala namang instruction ang kidnapper ay sinadya nila ito nang sa gayon ay mabigatan ang kidnapper sa pagbuhat at ito'y magsilbing delay, posibleng daan pa para siya'y madakip.

Nang mailagay ang mga pera sa tatlong malaking gym bag ay sinubukang buhatin ang mga ito ni SP01 Suratos at siya'y nahirapan.

"Paano pa kung nag-iisang babae ang bubuhat..." komento ni Suratos.

Updated na rin ang ibang mga tatay ng nakidnap sa sitwasyon. Alam na nilang kasabwat sina Noel at Sarah, pero dahil nga identified sila'y itong ikalawang babae ang nakikipag-negosasyon sa kanila. Kung kaya't ipina-try nila kay P01 Laperna na buhatin ang mga bag, at siya'y nahirapan.

"We're dealing with someone na hindi propesyunal," sabi ni General Batac sa lahat. "Magkamali ang kidnapper, we move in..."

Dinisclose ng heneral na may mga kaso na sila kung saan after o during drop-off ng ransom ay nagawa nilang mahuli ang mga kidnappers at marecover ang mga kidnap victims, lalo na kung hindi mga experienced kidnappers ang kasangkot, na tulad na lang ng ikalawang babae. Sa kanyang salaysay ay nakikinig na mabuti si David habang sa isang tabi ay pinagmamasdan naman siya ni Inez.

Nakaramdam ng pag-asa ang mga tatay ng mga biktima na mabawi ang kanilang pera. Pero sinabi ng heneral na wala silang ginarantiya at ang safe recovery pa rin ng mga bata ang first and foremost priority ng PNP-AKG.

Maya-maya'y nag-ring ang telepono ni Tiglao at natigilan ang lahat.

Sumenyas ang inspector sa lahat na tumahimik habang nagtungo sa kusina para sagutin ang telepono kung saan naka-ready na si Mr. Albalde, suot ang headphones, na i-record ang tawag. Na-tense ang lahat at nag-abang na makinig sa maliit na speaker sa sala. Napahawak nang mahigpit si Joanna sa kamay ni David. Si Marco ay napayakap sa kanila.

Dinampot ni Inspector Tiglao ang cordless phone.

"Hello, si Chief Inspector Tiglao ito..."

Sa speaker, ang boses ng ikalawang babae—ni Cora.

"Ready na ba ang pera?"

"Ready na," sabi ni Tiglao. "Ako mismo ang magdadala."

"Hindi ikaw."

Nagtaka si Tiglao.

"'Yung asawa ang magdadala."

Nagulat ang lahat. Nanlaki mata ni Joanna, humigpit pang kapit niya sa kamay ni David.

"Ako dapat ang magdadala ng ransom," diin ni Tiglao. "SOP ito..."

"Wala akong pake sa SOP mo," rinig nilang sabi ng kidnapper. "'Yung asawa ang gusto kong magdala ng pera. 'Yung tatay."

Napatingin si Joanna kay David. Napatingin ang lahat kay David. Nasindak sila sa matapang na dating ng kidnapper lalo na nang sabihin nito:

"Kung 'di kayo sumunod sa akin eh padadala kong parte-parteng katawan ng mga bata. Daliri, tenga...uumpisahan ko sa pinakamaliit na bata."

Na-shock ang mga nakarinig, lalo na ang mga magulang. Lalo na si Joanna na parang magkaka-panic attack na naman. Nang makita ni Tiglao ang reaksyon nila'y wala na siyang choice kundi sumunod sa sinabi ng kidnapper.

"Okay, okay, areglado," sabi ng inspector.

Nagtaka ang lahat nang sa kalagitnaan ng negosasyon ay binunot ng inspector ang cellphone niya sa bulsa at tinignan ito. Nagtaka sila na heto't mahalaga ang sandali'y nagbabasa siya ng text messages? Nguni't nakita nilang may malakas na reaksyon ang inspector sa binasang text. Na ang message ay mahalaga.

"Antayin n'yo ang tawag ko kung saan dadalhin ang pera mamayang gabi," patuloy ng kidnapper.

"Sandali," sabi ng inspector sa telepono. "Makukuha mo ang pera pero may kailangan uli kami sa iyo. Kailangan uli namin ng proof of life."

Nagulat pa lalo ang lahat sa ipinahayag ng inspector. Nagkatinginan ang mga pulis sa isa't-isa. Napataas ang dalawang kilay ng heneral.

"Anong proof of life?!" angal ng kidnapper. "Pinadala ko na ang litrato!"

"Oo, pero ang kailangan ngayon namin ay marinig ang boses ng mga bata."

"Anong pinagsasabi mo?!"

"Sigurado namang alam mo ito," sabi ni Tiglao sa telepono. "Lahat ng kidnapper alam ito. Bago namin ibigay ang pera ay kailangan naming makasiguro na buhay at ligtas ang mga bata."

Nagkatinginan naman ang mga tatay ng mga nakidnap sa isa't-isa. Nagtanguan sila. In a way, agree sila. Gusto nila ng pruweba, lalo na't tinaasan ang halaga ng ransom.

"Kahit na audio recording," dagdag ni Tiglao.

Walang imik ang kidnapper. Nakadagdag ito sa tensyon.

"Handa na ang pera," sabi ni Tiglao. "Handa na ang walong milyon mo."

Saglit pang katahimikan, bago:

"Okay, okay!" inis na sabi ng boses ng kidnapper. "Bukas. Bukas papadala ko!"

"Areglado," sabi ni Tiglao. "At..."

Nguni't naputol na ang linya.

Agad na lumapit si General Batac kay Inspector Tiglao. Galit.

"Tiglao, bakit mo dinelay? May proof of life na tayo, 'yung litrato! Drop-off na lang mare-recover na natin ang mga bata!"

Nagtinginan ang lahat. May punto rin naman ang heneral. Sa ginawa ni Tiglao ay na-delay pa sa kinabukasan ang palitan ng ransom at mga bata imbes na ngayong gabi. Humingi ng paliwanag ang mga magulang. Pinahinahon sila ni Tiglao.

"May bagong intel tayo ngayon lang dumating. May witness tayo na makakapag-identify sa suspect. Mahuhuli natin ang suspect," ani ng inspector.

Nagkatinginan sina SP01 Suratos, P01 Laperna at Mr. Albalde. Nagtataka sila. Bakit hindi nila alam ito? Wala naman silang natatanggap na intel. Pero, nang pasimpleng tumingin si Tiglao sa kanila as if saying na sumakay lang sila, ay sila'y tumango.

"Kanino galing ang intel na ito?" nagtatakang tanong ni General Batac.

"Kay Andy, general."

"Andy? Andy Madrid?" gulat na sabi ng General. Medyo inis lang na hindi niya alam ito.

"Yes, general," tango ng inspector. "Iniimbestigahan din niya ang kasong ito."

"At sino ang witness na sinasabi mo?"

Sa paligid, napupuno ng suspense ang lahat. Sa likuran kung saan siya nakatayo, kita ni Inez ang pagbabago ng expresyon ni David. Na naging tense ito at tuloy, lalo pang na-confirm sa kanya ang involvement sa kidnapping ng kanyang kapatid. At gets din niya ang ginagawa ni Inspector Tiglao, ang binanggit sa kanyang ruse ni Andy noong nagyoyosi sila, na hindi pa man sinasabi ay kilala na niya kung sino ang witness na ito.

"Carol Bertrano," sabi ng inspector.

Nanlaki mata ni Joanna. Lalo na si David.

"Si Carol?" nagtatakang bulalas ni Joanna. "Anong kinalaman ni Carol dito?

Sinabi ng inspector sa lahat kung sino si Carol.

"Mrs. Ruiz," baling ni Tiglao kay Joanna. "Hindi ba't sabi mo nagpanggap na census taker ang suspect?"

"O-oo," sagot ni Joanna.

"Namukaan siya ni Carol," sabi ng inspector. "At ngayon ay papunta siya sa presinto para i-identify ang suspect mula sa mga CCTV footages."

Ayon pa sa inspector, sa ginawang triangulation, na kung saan napinpoint nila ang mga lokasyon kung saan tumawag ang ikalawang babae, sa Quiapo at Guadalupe area, ay may mga nakuha silang CCTV footages, at lumabas na may isang kuha ng babae na naroon sa parehong lugar. At sa tulong ni Carol ay ma-i-identify nila kung sino ito, daan para siya'y mahuli.

"Bigyan n'yo lang ako ng araw na ito para ma-identify ang suspect," hiling ni Tiglao sa lahat, lalo na sa mga magulang. "May tyansa tayong ma-recover ang mga bata na hindi na kailangang magbayad ang ransom money..."

Nagkatinginan ang lahat. Of course, napaisip din ang mga magulang pagka't gusto rin nilang mabawi ang pera nila. Ano ba naman ang isang araw?

Nagtanguan sila.

"You better be right about this," paglapit ni General Batac kay Tiglao.

May pagaalinlangang tumango si Tiglao. Of course, lahat ng ito'y pawang mga kasinungalingang inimbento niya at ni Andy.

Ang ruse.

Pero, sapat ito para kabahan sina David at Carol at gumawa ng pagkakamali.

NEXT CHAPTER: "Karma is a Bitch"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top