ACKNOWLEDGMENTS
Isang malaking pasasalamat sa lahat ng tumangkilik sa nobelang ito. Sana'y naaliw kayo't napuno ng excitement sa pagsubaybay sa istoryang ito, at sana'y huwag kayong magsasawang magbasa ng iba ko pang mga akda, lalo na't basahin din ang mga nobela na may koneksyon sa istoryang ito ng "Little Lambs," o ka-"tie-in."
To date, ang "Little Lambs" ay ang pinakamahaba kong nobela na may higit na 83,000 words. Mas mahaba sa ikatlong libro ng JHS na "Alagad ng Diyos, Kampon ng Dimonyo" (81,000+ words). Bagama't, kung tutuusin, nangyari lamang ang paghahanap sa mga nakidnap na mga bata ng ilang mga araw (kung hindi isasama ang mga flashbacks), ay marahil pakiramdam nyo'y napakahaba nito.
Marahil karamihan sa inyo'y alam na hindi ito ang unang paglabas ng karakter na si Andy Madrid, ang primerong private investigator kong karakter. Si Andy ang pangunahing karakter sa nobelang "Ang Bayang Naglaho," at isa sa mga mahahalagang supporting karakter sa ikalawang nobela ng JHS series, "Ang Dalawang Anino ni Satanas." Dito sa "Little Lambs," napakahalaga na naman ng role niya, at kung inyong napansin sa Epilogue, nabanggit na naman si Andy.
Kung inyo ring napansin, tila hindi din doon nagtatapos ang istorya ni Inspector Tiglao.
Sa mga susunod na araw matapos ng kanyang pagreretiro ay iaalay ni Tiglao ang oras niya sa pagsaliksik kung anong nangyari kay Andy. Kung iyon ma'y may kinalaman sa aliens o paranormal ay sa kanya'y unti-unting mabubunyag. At sa kanyan pagsaliksik sa katotohanan ay magtatagpo sila ng landas ng walang iba kundi ang paborito naman nating paranormal experts.
Isa itong pagtatagpo na matatawag nating isang team-up. Isang "cross-over."
Tandaan ninyo, ang huling katagang sinabi ni Tiglao ay "Araw ng Paghahatol."
Na maaring may kinalaman sa pagbabalik ng isang exorcist mula sa impiyerno.
Pagka't isang malaking kaganapan ang nasa horizon.
Kaya't abangan!
Hanggang diyan na muna, at muli, maraming salamat sa lahat!
Hanggang sa susunod na nobela!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top