19

REBEL CELESTINE

Last year of senior high.

It has been more than 365 days since Thrasher and I started fake dating each other. The day I am most grateful of. The day I would never forget.

"Ano 'yan? Application form sa Paroxysm?" tanong ni Thrasher habang lumalapit sa'kin. Tinignan niya ito at sumulyap sa'kin bago bitawan.

"Nag-apply ka na?"

"Oo, noong nalaman kong start na ng applications for colleges nila." Isang beses siyang tumango at sinubo ang gummy bear na nakapatong sa lamesa.

"Samahan na kita magpasa niyan sa guidance." dagdag niya.

Simula kanina, hawak ko lang itong papel at tinitignan nang mabuti. Wala akong nararamdaman kundi kaba. Gusto kong makapasok dito, dati pa lang.

"Gusto mo talaga doon noh?" he asked while chewing the gummy bear inside his mouth. Talk about etiquette.

I glanced at him before silently smiling and returning my sight to the. "Dream school eh."

Alam ko. Alam kong maraming university diyan na naghahabol sa kanyaㅡsa kanila, sa buong Placard Doré. Hindi siya mahihirapan sa pagpili dahil kailangan lang niya ay ituro kung saan niya gusto. Hindi ko nga lang alam kung meron ng nakapaglahad ng kamay nila para sa kanya.

"Paroxysm offered me a scholarship though," he murmured before looking at me. I stayed silent, knowing it was kind of expected for me.

"Tinanggap mo?" He shook his head before getting another piece of gummy bear.

"Hindi pa. I was waiting for a signal that would tell me to confirm." He scooted toward me and whispered to my ear, "Think I should confirm it now?"

Nahirapan ako bigla magsalita. Nararamdaman ko pa rin 'yung paghinga niya sa bandang tenga ko. Napatango na lang ako.

Sa wakas, lumayo na siya nang konti sa'kin bago i-subo 'yung hawak na gummy bear. "Pag-iisipan ko pa. Madami ring magagandang university na nag-alok sa'kin."

Suddenly, my recent conversation with Riot struck through my mind.

"Did Gleam University also offer you a scholarship?" His brows creased as he shook his head. "Iba ang habol ng Gleam, hindi ako habol nila."

I don't know how to tell him how I can't be supportive with his school of choice if it only means him leaving me.

The blaring sounds of the music from the gymnasium can't be overpowered by the piercing screeches of the audience which also includes me holding this long, hotdog balloon with face paint on my face.

Kakatapos lang ng laban nila Thrasher at sila ang idineklarang nanalo. Kilala ko itong university na kalaban nila, medyo mahina ito in terms of impact although magaling talaga sila sumayaw.

Napaupo na lang ako sa pagod kahit hindi ako sumayaw tulad nila. Medyo sumasakit na rin 'yung lalamunan ko kakahiyaw habang sumasayaw sila Thrasher. Pinaglaruan ko na lang 'yung hotdog balloon habang naghababol ng hininga.

I felt someone's lips touch my cheek and I was immediately taken aback. Agad kong tinaas ang hawak na hotdog balloon na walang kalaban-laban at napahiya noong nakita ko kung sino 'yung gumawa sa'kin nun.

"Akala ko naman kung sino."

Tumatawa siya habang tinatanggal sa kamay ko 'yung lobo at binaba ito sa sahig. Inabutan niya ako ng tubig at tumayo lang sa harapan ko.

Pinatong ko sa gilid 'yung tubig na hawak ko. Nilahad ko 'yung dalawang braso ko sa kanya, agad siyang umiling nang malaman ang nais kong ipahiwatig.

"Bawal yumakap. Pawis ako, Belle." Kumunot ang akin noo at pinanatili kong nakaganun lang ang aking pwesto. "Pawis nga ako."

Napagod ako sa kaka-deny niya sa hiling ko kaya ako na 'yung tumayo para yakapin siya. Medyo napaatras siya nang konti pero nakabawi rin siya. Hinalikan niya ang noo ko at yumakap din pabalik.

Pabebe pa.

Tinignan ko ang mga kagrupo niya na nagsasayaw sa gitna ng gymnasium. Hawak-hawak ni Archie ang trophy habang sumasayaw lang sa gitna at nakikisabay sila sa kanya habang hinihiyawan siya.

"Bakit hindi ka sumama sa kanila doon?" Inangat ko lang ang tingin ko sa kanya, hindi pa rin ako bumibitaw sa pagkayakap ko.

"Saan?" Tinuro ko ang likod gamit ang aking nguso. Sumulyap siya saglit doon bago ipatong sa ulo ko ang ulo niya. "Mas masaya ako dito."

Maya't maya, naisipan na rin niya umalis. Nakaakbay siya sa'kin habang pinapakita ko sa kanya ang mga litrato niya na kinuha ko kanina.

"Ang dami kaya blurred pics! Kailangan ko pang ayusin 'tong pagkuha ko ng pictures mo." sabi ko habang isa-isang dinedelete ang mga malalabong kuha. Si Thrasher ay ginigilid ako dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko.

Pagtapos ko i-delete, tinago ko ito kaagad sa'king bulsa tsaka inakbayan sa bewang si Thrasher. May papalapit na lalaki sa'min. Kung titignan, iisipin mong siya ay nasa bandang 30's to 40's.

Nakasuot siya ng suit at may suot din siyang salamin. May bluetooth earphone na nakasuot sa kanyang tenga. Hindi ko namang maiwasang mainggit sa kagandahan ng kanyang ngipin. Pero ang pinaka-nakaaagaw ng pansin ko ay ang makintab niyang ulo.

"Mr. Wilder, congratulations!" bati nito habang naglalahad ng kamay. Tinanggal muna ni Thrasher ang pagkaakbay niya sa'kin at tinugunan ang handshake. Binalik ni Thrasher ang pagkapulupot ng kanyang braso sa balikat ko.

"Thank you, Mr. Imongmama."

Nanatili lang akong tahimik habang kinakausap niya si Thrasher. Pero hindi ko maiwasang magtaka kung sino siya at ano ang pakay niya kay Thrasher.

"We are still waiting for your confirmation, Thrasher. We hope you can join our team soon." Tinignan niya ako sandali bago ibalik ang tingin kay Thrasher at ngumiti ito sa paraang hindi ko ma-explain pero biglang nangilabot ang buong katawan ko.

Nagsimula na ito maglakad papunta sa likod namin kung nasaan ang ibang mga tao. Naglakad na rin kami ni Thrasher at hindi ko maiwasang hindi siya tanungin.

"Sino 'yun?" tanong ko habang sumusulyap ulit sa likod kung nasaan siya pumunta.

"Ah! Si Mr. Imongmama. Isa sa coordinators ng Grouch Uni, 'yung kalaban namin kanina." Napatango na lang ako.

"Inalok ka rin nila? Tatanggapin mo ba?" Binaba niya ang tingin niya sa'kin at umiling. "Isa sila sa mga nag-alok sa'kin na talagang tatanggihan ko."

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Bakit?"

Nagkibit-balikat lang siya. "Just don't like their environment there."

Bago kami umuwi, mas lalo naging malinaw sa'kin kung gaano kadami sila na gusto siyang makuha. At habang mas dumadami sila, mas nahihirapan ako sa pag-intindi sa'minㅡkung paano namin magagawang patagalin ang lahat.

━━━━━━━━━━

j: hallelujah! may update na rin! hsuqkdkqldkqlldw. tagal na ngang walang update, parang pang ewan 'yung update. hehehehehehehehehehe. i miss you all! spend your day with a smile and never end it with a cry.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top