12

REBEL CELESTINE

"It amuses me to see Belle bake, Tita Jade." pabibong sabi ni Thrasher kay Mommy.

Naabutan kasi kami ni Mommy dito sa kitchen habang pinapanuod ako ni Thrasher mag-bake ng brownies na inutos niya sa'kin. Demanding.

"Tita, alam niyo naman po na may bakeshop si Mommy pero nirerenovate 'yun ngayon. Madalas ko siyang nakikitang nagbabake. Tuwing nagbabake si Belle, parang umiinit 'yung puso ko." Tinignan ko lang siya pero kinindatan niya ako bago pa lumingon si Mommy sa direksyon namin.

"Ano namang pinagkakaabalahan ni Ingrid ngayon dahil nakarenovate 'yun?"

"Online selling na lang muna ginagawa ni Mommy para may pagkaabalahan siya." simpleng sagot nito bago pumunta sa gilid ko.

Hinihintay ko na lang naman matapos 'yung brownies sa oven. Nakatayo lang ako sa likod ng countertop habang pinapaunuod mag-usap si Thrasher at si Mommy. Tuwang-tuwa kanina si Mommy nang makita niya si Thrasher dito. Mas excited pa siyang makita si Thrasher kaysa sa'kin.

Iniwan kami ni Mommy at dumiretso na siya sa kwarto niya para makapagpahinga. Ako nga, pagkauwi ko, nagbake kaagad ako dahil sinundan ako ni Thrasher papasok.

"Ano ba 'yan. May dumi ka pa sa mukha." nakangising asar ni Thrasher sa'kin at pinunasan ang pisngi ko na may flour pa.

Sinimangutan ko lang siya at pinunasan ulit ang mukha. Umupo siya sa countertop at ikinulong ako sa gitna ng kanyang mga binti. Inipit niya ang dalawang pisngi ko sa kanyang mga kamay at binigyan ng isang mabilis at malambot na halik sa labi. Mas lalo ko siyang sinimangutan.

"Harot mo." sabi ko kahit nasa gitna pa rin ng kanyang mga kamay ang mukha ko. Tinawanan lang niya ako dahil sa sinabi ko. 

"Cute mo."

May tumawag sa cellphone niya na nasa dulo ng countertop. Ibinuka niya ng kaunti ang binti niya at tinuro ang cellphone gamit ang nguso. Pinanliitan ko siya ng mata at pinitik ang kanyang nguso. "Aw!" daing niya. Kinuha ko pa rin kahit ang tamad tamad niya kumilos.

Nanlamig ako nang makita ang pangalan ni Jordyne na tumatawag. Parang tumamlay ako para kunin. Kinagat ko ang labi ko at tumingin lang kay Thrasher.

Have they been contacting each other this whole time? Akala ko ba hindi na...

Kumunot ang noo ni Thrasher dahil sa reaksyon ko. "Bakit? Sino ang tumatawag?" Lumapit siya para tignan ang tumatawag at nakita kong napatigil siya.

Guilty ka ba o ano?

Lumunok ako at lumayo nang kaunti sa kanya. Sakto namang natapos na ang brownies sa oven kaya may rason ako para lumayo.

"Sagutin mo." malamig kong sabi habang sinusuot ang oven gloves at binuksan ang oven.

"Il-loudspeaker ko 'to. 'Wag kang manlamig sa'kin, Belle." saway nito sa'kin kaya napasimangot ako kahit hindi naman niya ako nakikita.

Nawala ang pag-ring ng pho e at napalitan ito ng hindi malilinaw na tunog.

"Jordyne?" tawag nito sa kausap na walang iba kundi ang pinakamamahal niyang si Jordyne.

"Thrasher? Nasaan ka? K-Kailangan kita..." nauutal na sagot ni Jordyne.

Nilapag ko sa countertop ang tray ng brownies at pinalamig ito. Sumulyap sa'kin si Thrasher pero iniwasan ko siya ng tingin.

"Jordyne, hindi ako pwede ngayon."

"Thrasher, please!" Lumakas ang boses ni Jordyne at sunod kong narinig ang kanyang mga hikbi. "Please, I need you."

Hindi inalis sa'kin ni Thrasher ang mga tingin niya. Nanginginig ang mga mata ko para balikan ang mga tingin niya pero ayaw ko. Tinitigan ko na lang ang brownies sa tapat ko.

"Hihintayin kita. You know where to find me." 'Yun ang huling sinabi ni Jordyne bago niya pinatay ang tawag.

Binaba niya ang cellphone at pinatong ulit sa countertop. Wala ni isa sa'min ang nagsalita, ni ang paghinga namin ay hindi rin maririnig.

Narinig kong bumuntong-hininga siya. Bumaba siya sa countertop at lumapit siya sa likod ko at pinatong ang baba sa balikat ko.

"Hindi ito tulad ng iniisip mo. 'Wag kang magalit sa'kin." malambing niya sabi at yinakap ang baywang ko.

"Kailangan ka niya... Puntahan mo siya." Umiling-iling siya sa balikat ko at sinandal ang noo sa balikat ko.

"Ayaw ko." bulong niya.

Ikinalas niya ang isang kanang kamay sa baywang ko at hinanap ang kaliwang kamay ko para hawakan ito.

"Hindi ako galit pero kailangan ka niya ngayon. Thrasher, hindi ako madamot. Narinig kong umiiyak siya at hindi maganda ang kalagayan niya ngayon. Puntahan mo muna siya, ayaw kong may mangyaring masama sa kanya." Hindi siya nagsalita pero panay ang iling niya.

Naging kaibigan ko si Jordyne at hanggang ngayon, kaibigan pa rin ang tingin ko sa kanya. Matagal naging sila ni Thrasher at naiintindihan ko kung kailangan niya si Thrasher.

Kahit masakit.

Tinanggal ko ang pagkahawak ng kamay namin. Umikot ako para harapin siya kahit nakayakap pa rin siya sa baywang ko. Binaba niya ang ulo at sinandal sa balikat ko ulit.

"Pinamimigay mo ba ako sa kanya?" mahina niyang tanong at hinigpitan ang yakap sa'kin.

Parang napunit ang puso ko sa tanong niya.

Umiling ako. "Hindi kita pinamimigay. May tiwala ako sa'yo kaya hinahayaan kita na puntahan si Jordyne."

Itinaas niya ang ulo niya at hinarap ko siya sa'kin. Tinignan ko siya nang mabuti. Nalulungkot ang mga mata niya pero nginitian ko siya nang tipid.

Bakit ka nalulungkot? Para sa'kin o para kay Jordyne? Kasi kung para sa'kin, sinasabi ko na sa'yo, 'wag ka na malungkot at malaki ang tiwala ko sa'yo.

"May tiwala ka ba sa'kin?" Tumango lang siya sa tanong ko. Nginitian ko siya. Hinaplos ko ang kamay niya at siniguro kong mapapansin niya sa mga kamay ko na magiging okay lang ako.

"'Edi unahin mo siya, tsaka na tayo mag-uusap pagbalik mo."

Ang sunod ko na lang na naramdaman ay ang unti-unting pagkaluwang ng yakap niya sa baywang ko at ang mga yapak niya habang lumalabas sa bahay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top