04
Thrasher Jax Wilder
Active Now
THRASHER JAX
hello, belle.
REBEL CELESTINE
wat u want
THRASHER JAX
gawa tayo ng sarili nating love story.
REBEL CELESTINE
uhm???
THRASHER JAX
ibig kong sabihin, gumawa tayo ng
sarili nating kwento. pagdating ng
monday, sige ka, dudumugin ka ng
fansclub ko.
THRASHER JAX
tHr4sh3rnH@t!Kz lH4n6 xH4p@T nÜ4h
REBEL CELESTINE
sabihin na lang natin na you started
me a week before school started. break
naman na kayo ni jordyne nun, 'diba?
REBEL CELESTINE
. . . 'diba?
THRASHER JAX
i honestly slept with her a week
before school started.
REBEL CELESTINE
oh.
REBEL CELESTINE
that's okay.
REBEL CELESTINE
nobody knows that. except the three
of us.
THRASHER JAX
ang tanga ko.
REBEL CELESTINE
u aren't.
REBEL CELESTINE
stop saying that!
THRASHER JAX
so, 'yun na 'yun? nagdate tayo a week
before school, basta ganun na 'yun.
THRASHER JAX
and if there are any more questions. . .
REBEL CELESTINE
we won't entertain them kasi they need
to "sTaY ouT oUr pErsOnaL liVeS."
THRASHER JAX
good job, bbg.
━━━━━
Ardent Chronicles @ardentchronicles
[ TRENDING ] Rebel Celestine Alvarez and Placard Doré's Thrasher Jax Wilder are officially dating! The couple started dating a week ago and they're currently enjoying their fresh relationship. It is said that Thrasher announced it unknowingly to the whole school last Friday and he is not denying it either.
REPLY • RETWEET • LIKE
4,669 replies • 36.9k retweets • 66.9k likes
↪ tHr4sh3rnH@t!K #1 @eupornia
Replying to @ardentchronicles
BEBE Q HUHUHUHU HOW DARE U MAKE TAKSIL TO ME
↪ tHr4sh3rnH@t!K #1 @eupornia
Replying to @ardentchronicles
KDOXOWOELWKW SA LABAS KA MAMAYA. 'YUNG DIVORCE PAPERS NASA LAMESA NA.
↪ san layp @pinansyal
Replying to @ardentchronicles
#SherDyne PA RIN AKO, MGA ULOL.
↪ bdo @wipayndweiz
Replying to @ardentchronicles
ew? ano bang nakita ni thrasher at pinagpalit niya si jordyne para kay rebel? o baka naman bininggwit siya ni rebel? 🤔
↪ tHr4sh3rnH@t!K #1 @eupornia
Replying to @ardentchronicles and @wipayndweiz
HOY! IKAW NA PIGSA KA NA TINUBUAN NG MUKHA! 'WAG MONG GINAGANYAN 'YANG SI
REBEL HA? ABA, SAPAKAN.
━━━━━
"How come your sandwiches always taste nice?" Tanong ni Misty habang tinitignan ang sandwich na gawa ko. She shot me a bored look and continued eating her sandwich.
"I don't know. Egg sandwich lang 'yan!" Sabi ko habang pinaglalaruan ang water jug ni Misty. Nakatayo lang kaming dalawa dito sa labas.
Ihahatid ni Mommy si Misty ngayon sa school dahil on the way naman daw siya. Ako? Ayun, pinabayaan.
May humintong Audi sa tapat ng gate namin. Agad nagpanic ang sistema ko. Hindi ko alam kung kanino ako titingin, sa papalabas na Thrasher o sa nagtatakang Misty.
Pinasok ko ang ulo ko sa loob ng bahay para sumigaw. Nasa kusina lang naman si Mommy kaya maririnig niya ako. "My! Hatid ko na si Misty, late na raw siya!" Um-okay naman siya kaya hinatak ko na si Misty papunta sa kotse ni Thrasher.
"Hello, Belle," bati sa'kin ng isang Thrasher na may nang-aasar na ngiti ang nakadikit sa mukha niya. Sarkastiko naman akong ngumiti sa kanya pabalik.
"Sasabay si Misty ngayon." Matalim akong tinignan ni Misty pero pinandilatan ko na lang siya. Binigyan ko siya ng makisama-ka-na-lang look pero inirapan lang niya ako.
"You sure?" Kunot-noo niyang tanong. "Alam kong alam mo na two-seater lang 'to." Mabilis akong tumango sa kanya. "Itatabi ko na lang sa'kin. Maliit lang naman siya eh."
Nagkibit-balikat naman si Thrasher at pinagbuksan kami ng pinto ni Misty. "Fine, then." Unang sumakay si Misty tapos ako naman. Naglahad pa ng kamay si Thrasher pero tinaboy ko 'yung kamay niya.
Humalakhak si Thrasher bago isarado 'yung pinto. Hindi rin niya pinaglapas ang nararamdaman ko sa pagkindat niya. Gago.
Pagpasok ni Thrasher sa loob, sinara niya ang pintuan. Habang pinapaandar niya 'yung kotse, nagsalita si Misty. "Sino ka?"
"I'm Thrasher, your sister's boyfriend." Biglaang humarap sa'kin si Misty kaya tumama 'yung buhok niya sa'kin na ikinatuwa naman nitong katabi ko. "You have a boyfriend?!"
Umandar na ang kotse kaya inayos ko ang upo ni Misty. "Uh, yes. I have." Sinamaan ko naman ng tingin si Thrasher. Kailangan ba niya sabihin kay Misty 'yun?
"Since when?" Binasa ko ang labi ko na nanunuyo dahil sa mga tanong ni Misty. "Just recently."
Misty doesn't know Thrasher, but Thrasher knows Misty. Misty is practically a baby when Thrasher knew her. I don't think it even bothers her that I have a boyfriend.
Tignan mo siya ngayon, nakikipag-usap sa boyfriend ko habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa pag-uusap nila. Misty is even unusually talkative and she's even smiling at him. Akala ko naman tutol siya?!
Nang binaba namin si Misty sa school niya, aba, ngingiti-ngiti si gaga. Masyadong natuwa kay Thrasher?
Okay, everybody loves him. That's just the way he is. It's like it's in his nature to be naturally liked by people.
"Late ba ako kanina? Na-late kasi ako ng gising eh." Tanong niya habang nananatili ang tingin sa kalsada. "Sakto lang naman 'yung dating mo kanina."
Sakto lang naman talaga siya. Madalas akong umaalis ng bahay ng ganung oras. Hindi porket hinatid namin ni Misty ay dumagdag pa ito sa sched ko. I always make sure I have enough time to buy food at school.
"Nice. Ganung oras na ako lagi pupunta sa bahay niyo."
Bumuntong-hininga siya at sumulyap sa'kin. "Sorry about Misty. Kailangan natin sabihin sa kanila. You think she would believe if I told her I'm your friend pero araw-araw kitang sinusundo? Risky." Tinanguan ko na lang siya. "I understand."
Eventually, it will take a lot of time for me to get used to this set-up. Nakatatakot kapag mas nasanay pa ako.
• • • • •
"RC, legit? Like, is this shit getting real?" Natutuwang tanong ni Hurricane nang pumasok siya sa bintana ng kwarto ko. Siya lang naman ang dahilan kung bakit iniiwan kong nakabukas ang bintana ko.
"No!" Tinaasan niya ako ng kilay dahil sa sagot ko. "No? Ano 'yung pinapakita niyo sa buong school kanina? Holding hands? Separate canteen tables? RC, you even went to his practice."
Napangiwi naman ako dahil sinabi ulit ni Hurricane mga pinaggagawa namin sa school. "Fine, it's real." Sinundot naman ni Hurricane 'yung tiyan ko at inasar-asar.
If she only knew...
"But I only went to his practice because he asked me bring him food." Depensa kong sabi habang dinuduro-duro siya. Hurricane spent the night at my house, but when the clock striked twelve, umalis na siya.
Hurricane spent the night talking to me while eating popcorn. Natutuwa raw siya na nagkaroon na ako ng boyfriend. She said, "I'm happy you finally have a boyfriend. Hindi lang ako natutuwa na si Wilder ang una. C'mon! We've been friends since high school started. You saw how he and Jordyne were crazy over each other."
Kumuha ako ng popcorn at kinain 'yun. "I know, alright? Suportahan mo na lang ako, please?" Umirap lang siya sa'kin bago nagpatuloy sa pagkain ng popcorn. "Okay, fine. Para sa'yo."
Ngumiti naman ako sa kanya, pero hindi ako nagpasalamat. Kokonsensiyahin ako. Ano na lang mararamdaman ni Hurricane kapag nagtagal ay nalaman niya na niloloko lang naman silang lahat at pati siya niloloko namin? She would hate me to the bones.
"Ugh, I hate leaving your house at midnight. You know that you already feel at home when it's not really your home?" 'Yan ang mga huling salita ni Hurricane bago umalis mula sa bintana ko.
She always does that. My mother doesn't even know, Misty knows. Hurricane and I, we don't really match. She's your go-to kind of friend, 'yung sasamahan ka sa lahat. Sa mga late night parties, sa unexpected roadtrips, and more importantly, sa inuman. She never says no to booze.
Opposites attract, they say. Guess they really do attract.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top