LIGHTS OUT XXII

[Kabanata 22 - Darkness]

MALAMIG na ihip ng hangin ang yumakap sa amin hanggang sa muli nang nagsalita ang system, "Leo died because of the killer. He was tied on a tree and gets killed on the woods," patuloy ng system, tinutukoy ang kagubatan kung saan nagpunta si Nadya paalis.

Leo's Last Note:

I've finally remembered you, Nadya. You were the girl I used to hate before because you always follow me when we are just a kid back then. Little didn't I know, you would be the girl I'll follow silently in the future. In this game, in Lights Out.

I've also realize that it's not just a little feeling, what I felt to you was love. Thank you for this feeling, Nadya. I'll wait till we meet again.

Follow what Nadya said, stay alive.

"Discuss who the killer is." Napayuko na lang ako matapos 'yong marinig na ang tanging ibig sabihin lang ay wala na talaga si Leo at wala na rin kaming ibang magagawa pa tungkol doon.

Wala na si Nadya... at ngayon, wala na rin si Leo. Sino pa ang susunod?

Nilingon ko si Kiel at agad siyang yinakap dahil sa takot na siya na ang sunod na mawala sa akin, niyakap niya naman ako pabalik. Namumuo ang luha sa mga matang nag-angat ako ng tingin kay Ariadna at Felix, maging sila ay tila naubusan na ng pag-asa ngayon.

Tinanggap ko ang nakalahad na kamay ni Ariadna at malungkot na dinama ang malakas na ihip ng hangin habang nakasandal sa balikat ni Kiel. Lahat kami ay nababalot na ng dilim at kalungkutan dahil kulang na naman kami at wala na rin kaming maibabalik pa.

Masakit man, pero kailangan naming tanggapin ang katotohanang wala na ngayon si Leo at Nadya.

SINUNDAN ko ng tingin si Ariadna at Felix hanggang sa nawala na sila sa paningin ko, maging ang mga kasama namin ay naglaho na rin sa paligid ko dahil umalis na sila. Umalis muna ang dalawa para magpahangin.

Nandito pa rin ako ngayon at nakaupo sa hagdanan dahil nakaramdam bigla ako ng panghihina. Nag-angat ako ng tingin kay Kiel na kasama ko pa rin hanggang ngayon, nakaupo siya sa ikatlong baitang ng hagdan habang ako naman ay nasa ikalawa kaya mas mataas siya sa akin.

Ang sabi ko ay puwede naman siyang umalis pero ang sabi niya ay dito lang daw siya dahil sasamahan niya ako. Pambihira talaga ang lalaking 'to.

"K-kiel?" tawag ko sa kaniya nang mahimasmasan mula sa pag-iyak. Napababa naman siya ng tingin sa akin habang patuloy na hinahaplos ang likod ko para patahanin ako.

"Why? Is there a problem?" tanong niya, bakas sa boses ang pag-aalala. Napahinga naman ako nang malalim bago pagmasdan ang isang malaking puno na nasa tapat ko.

Ang mga patay na dahon ng punong iyon ay marahang bumabagsak sa sahig na nabagsakan din ng bawat buhos ng ulan kanina. Kasalukuyan ngayong umiihip ang malamig na hangin at sa sandaling ito habang kasama si Kiel, kahit papaano ay kumakalma pa rin ako.

"Nakakalungkot talaga dahil wala na ngayon si Leo at Nadya, nakaka-miss sila. S-sana..." Napatigil ako nang bigla ay gumaralgal ang boses ko dahil nanikip na naman ang dibdib ko.

Napapikit ako bago nagpatuloy sa pagsasalita, "S-sana, okay lang sila ngayon. Sana, magkasama na rin sila sa kabilang mundo..." nakapikit na saad ko dahil sa oras na dumilat ako ay mag-uunahan sa pagbuhos ang mga luha ko.

Ang sikip sa dibdib, hindi ko akalaing iiyakan ko nang ganito ang mga taong dito ko lang naman nakasama. Dahil sa totoo lang, mas napamahal pa ako sa mga taong naririto kaysa sa mga taong nakasama ko sa reyalidad.

Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Kiel at inakbayan ako. "Sana nga, Val. Pero sana rin, huwag ka nang umiyak. Alam nating dalawa na hindi matutuwa si Nadya kapag nakita ka niyang ganiyan. Mahal na mahal ka kaya no'n..." Malungkot akong napangiti dahil sa sinabi niya.

"Ganoon din ako sa 'yo kaya ayokong nakikita kang umiiyak..." saad niya at hinawi ang buhok na tumatama sa maskara ko. "I'm not really good at comforting but I hope... what I said cheers you up," patuloy ni Kiel bago pinagdikit ang ulo namin.

Napangiti ako nang kaonti bago siya lingunin dahil gusto ko siyang makita. Pinagmasdan ko siya, sa totoo lang ay hindi ko kakayanin sa oras na mawala ulit siya sa akin.

Hindi lang ako mawawalan ng iniibig, mawawalan din ako ng kaibigan na handa akong samahan at pakinggan sa larong ito.

"N-natatakot ako, Kiel. Natatakot ako na kapag pumatay ang ilaw, mawalan na naman ako," mabigat ang loob na saad ko habang pinagmamasdan siya, tulad noon ay pinakikinggan niya lang ako. Hinawakan ko ang pisngi niya bago nagpatuloy, "natatakot akong mawala ka sa akin..."

Hinawakan niya naman ang kamay kong nasa pisngi niya bago iyon idinikit sa labi ng maskara niya. "I would never leave your side... unless, you're the one who'll do it..." pangako niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.

Muli ay namuo ang luha sa mga mata ko bago siya yakapin nang mahigpit. Isinandal niya ang ulo niya sa akin habang nakaakbay pa rin sa balikat ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at nangako rin na gagawin ko ang lahat para sa huli ay hindi namin mawala ang isa't isa.

NAPAKAGAT ako sa labi ko habang patuloy na ilinilibot ang paningin ko. Makulimlim ang kalangitan, mag-isa ako ngayon sa isang malawak na farm field but empty. Hinahanap ko kasi si Felix at Ariadna dahil nararamdaman kong papasapit na ang gabi.

Pero iba na yata ang nangyari ngayon dahil naliligaw na ako. Lumingon ako sa likuran ko at nanlumo ako nang makitang wala talagang katao-tao sa lugar kung nasaan ako ngayon.

Nakakainis, dapat pala ay hindi na lang ako umalis sa tabi ni Kiel.

Tinakasan ko siya nang saglit siyang umalis dahil may titignan lang daw siya sa malapit pero dahil pasaway ako, umalis pa rin ako nang mag-isa dahil isa akong strong independent women. Ayoko na rin naman siyang abalahin dahil nahihiya na ako, palagi niya na lang akong sinasamahan.

Malapit na akong mahimatay sa kaba dahil maggagabi na tapos hindi ko pa alam kung saan ang daan pabalik pero nagulat ako nang may kumalabit sa akin mula sa likod. Gulat akong napalingon sa likod ko at nakahinga ako nang maluwag matapos makitang si Ariadna 'yon.

"My gosh! Ikaw lang pala, kanina ko pa kayo hinahanap ni Felix. Saan ba kayo nagpupupunta at hindi ko kayo makita?" tanong ko at pinagmasdan siya nang may mapansing kakaiba.

"I'm actually finding him right now..." nakatulalang sagot niya bago ako tuluyang tinignan. Napatigil ako nang makita ang kabang namumutawi ngayon mga mata niya. "K-kailangan ko nang umalis." Matapos niyang sabihin 'yon ay linagpasan na niya ako at mabilis pa sa hanging umalis sa harapan ko.

"Huy! Saan ka pupunta?" pasigaw na tanong ko sa kaniya pero hindi niya pa rin ako nilingon, nakakalayo na rin siya. Akmang hahakbang na ako para habulin at samahan siya pero biglang nabalot ng dilim ang kapaligiran nang sumapit ang gabi sa isang iglap.

Napatigil ako at hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko matapos mapagtanto ang katotohanang magkakahiwalay kaming apat ngayon.

"The discussion has to end..." Kusang kumabog nang malakas ang puso ko matapos 'yong ibulong ng hangin sa tainga ko. "Lights out..."

Laking gulat ko matapos marinig ang dalawang salitang 'yon kahit pa hindi nagsisimula ang botohan. Sinubukan kong humakbang at tumakbo palayo pero sa huli, napabagsak lang din ako sa sahig matapos mawalan ng malay sa gitna ng dilim.

MALAKAS na pag-iyak ang narinig ko nang tuluyan akong magising. Idinilat ko ang mga mata ko at agad akong napatigil ako makitang nasa ibang lugar na ako, sa isang kagubatan.

Umalis ako sa pagkakasandal at napahawak sa noo ko bago lingunin ang malaking puno na sinasandalan ko ngayon. Ilinibot ko ang paningin ko sa kapaligiran at kahit saan man ako tumingin ay mayroong nagtataasang mga puno dahil nasa kagubatan nga ako ngayon.

Patay na dahon din ang nakakalat sa sahig kung saan ako nakaupo ngayon. Napatingin ako sa harapan at may campfire roon pero napuksa na ng malakas na ihip ng hangin.

Napalingon na ako sa gilid ko kung saan ko naririnig ang pag-iyak na siyang gumising sa akin kanina at laking gulat ko matapos makitang si Ariadna pala ang umiiyak ngayon.

Lumipat naman ang mga mata ko kay Kiel na siyang kasama niya ngayon, hindi ito nakahawak kay Ariadna at malungkot lang na pinagmamasdan. Magkatabi lang ang puno na kadikit namin ni Ariadna at malapit lang pala silang dalawa sa akin.

Napalingon na sa akin si Kiel nang matunugan ang pagtingin ko sa kanila ni Ariadna. Napatigil siya matapos makitang gising na ako, agad niya akong linapitan at hinawakan ang kamay ko.

Napatingin naman ako nang diretso sa mga mata niya nang maghari sa akin ang isang katanungan na maaaring ang dahilan kung bakit sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita kong umiyak si Ariadna.

"Kiel... n-nasaan si Felix?" puno ng kaba na tanong ko bago sulyapan si Ariadna na ngayon ay patuloy na umiiyak. Umihip ang malakas na hangin, nagsimula muling maging makulimlim ang kalangitan.

Nagbalik ako ng tingin kay Kiel at tila gumuho na naman ang aking mundo matapos niyang yumuko na nag-iwan na naman sa akin ng isang malungkot na kasagutan.

Agad akong tumayo at naglakad paupo sa tabi ni Ariadna para yakapin siya, humihikbi niya akong yinakap pabalik. Napapikit ako nang sa akin niya ilabas ang kaniyang malakas na pagtangis habang nakayakap sa akin nang mahigpit.

"Felix has fallen..." Humigpit ang kapit sa akin ni Ariadna matapos iyong marinig. Naiintindihan ko ngayon ang nararamdaman niya dahil ganito rin ako noong nawala si Kiel, at natatakot akong mangyari na naman ulit 'yon.

"He died because of the killer. He was murdered on a white house and gets buried alive." Gusto kong takpan ngayon ang tainga ni Ariadna para hindi niya marinig kung paano pinatay si Felix pero narinig niya na rin ang lahat.

Mabuti na lang at hindi sa amin nagpakita ang screen kaya hindi namin nakita ang patay na katawan ni Felix sa libingan.

Felix's Last Note:

Stay alive.

I hope that the foods I gave to you every night makes you forgive me. I love you always and forever, palagi mong tatandaan 'yan.

To my sweetheart,
Ariadna.

"Discuss who was it," pagtatapos ng system. Napatulala ako nang maalala na hanggang ngayon ay hindi pa rin naging makatarungan sa akin ang nangyari kagabi, bigla na lang nawala ang liwanag kahit hindi pa namin naboboto ang taong patuloy na umuubos sa amin.

Napakadaya. Hindi ko matanggap na sa isang iglap, maging si Felix ay wala na rin ngayon sa amin. Pakiramdam ko ay sunod-sunod na kaming naglalaho sa larong 'to.

"W-wala na ngayon si Felix... ano nang gagawin ko?" nasasaktang tanong ni Ariadna. Malungkot kong hinaplos ang likod niya upang damayan siya bago nag-angat ng tingin kay Kiel na ngayo'y nakasandal na sa puno at malungkot din kaming tinitignan ngayon ni Ariadna.

Nakaangat ako ng tingin sa kaniya dahil nakatayo siya kaya nakita ko ang dahan-dahang pagkulimlim ng kalangitan na nagbibigay balala sa amin ng muling pagbuhos ng ulan.

"H-hindi man lang siya nagpaalam sa akin bago siya umalis sa tabi ko. Hindi ko man lang siya nayakap bago siya mawala sa akin..." patuloy ni Ariadna habang patuloy na nababalot ng luha ang mga mata niya. Kaya pala pala noong nagkita kami kagabi, wala si Felix dahil umalis ito nang walang paalam sa kaniya.

Namuo na rin ang luha sa mga mata ko matapos maalala ang sandali kung saan unang beses kong nayakap si Felix. Kamamatay lang ni Leo noong araw na 'yon at yinakap namin siya ni Ariadna dahil alam naming siya ang pinakamalapit kay Leo at tulad niya ay nawala lang ito sa isang iglap.

Niyakap ko na lang nang mahigpit si Ariadna. Umihip ang malamig na hangin, malungkot akong nag-angat ng tingin kay Kiel. Nandito na kami ngayon sa isang bagong lugar na nagbibigay din sa amin ng isang bagong simula nang wala na ang tatlo sa aming anim.

Isang malungkot na simula nang wala si Nadya, Leo, at si Felix.

MAG-ISA akong naglalakad ngayon sa may kung saan sa loob ng kagubatan. Payapa ang buong kapaligiran habang sumasalubong sa akin ang malamig na ihip ng hangin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang tatlo na lang kami nila Ariadna at Kiel na kakampi ko sa loob ng larong 'to.

Iba rin pala kapag sa isang iglap ay bigla na lang nawala sa tabi mo ang mga taong palagi mong nakakasama.

Sa totoo lang, natatakot ako. Wala akong kaalam-alam kung sino na ba sa amin ang sunod na mawawala mamayang gabi. Natatakot ako na sa muling pagsapit ng dilim, may isa na namang mawala sa amin.

Paulit-ulit na tinatanong ng isip ko kung paano kapag mawala na naman sa akin si Kiel? Paano kung isunod nila si Ariadna? Paano kung ako na 'yong mawala?

Hindi na matapos pa ang tanong sa isipan ko pero ang tanging alam ko lang ngayon ay kailangan ko nang kumilos at gumawa ng paraan para malaman kung sino ba ang killer. Kapag nahanap ko na siya at ang mga kasama niya, puwede na rin kaming makatakas nila Kiel sa larong 'to.

Kahit mahirap, susubukan ko pa rin. Si Kiel at Ariadna ang unang mga tao na nakasama ko sa larong 'to kaya alam kong mas masakit kapag sila na ang nawala sa akin.

Iniwan ko muna ang dalawa, ibinilin ko muna si Ariadna kay Kiel. Ang sabi ko ay samahan niya si Ariadna kahit ano man ang mangyari.

Noong una ay ayaw niya pa dahil hindi raw siya puwedeng mawala sa tabi ko dahil delikado pero sa huli ay ako pa rin ang nasunod dahil kaya ko naman ang sarili ko.

Alam ko rin naman kapag papasapit na ang gabi. Kapag naramdaman ko na, babalik na rin agad ako sa kanila para samahan hanggang sa muling pagsapit ng umaga.

Napatigil na ako sa tuloy-tuloy na paghakbang nang mapatingin sa isang luma at maliit na bahay, gawa ito sa pinagdikit-dikit na kahoy. Ito lang ang nag-iisang bahay na nakita ko sa loob ng malawak na kagubatan.

Napalingon ako sa hanging bridge na nadaanan ko lang kanina, sa ilalim niyon ay may bangin. Napahinga ako nang malalim bago humakbang na papunta sa bahay na 'yon.

Nagsisimula na naman ako sa mga ganitong gawain ko. Umaasa na lang ako na hindi ito ang maging dahilan upang mamaya ay umuwi na naman akong luhaan.

Walang ingay akong kumapit sa doorknob nang makalapit sa bahay. Nakauwang ang pinto kaya puwede akong sumilip sa loob pero hindi ko na gagawin 'yon dahil makikilala ko naman ang taong nasa loob gamit lang ang boses niya.

"You killed him?" rinig kong tanong ng boses ni Coraleen. Saglit akong hindi nakahinga habang nakahawak nang mahigpit sa doorknob. Bigla akong nagkaroon ng kutob na si Felix ang pinag-uusapan nila ngayon.

"Yeah, but not really..." Tila tumigil sa pagtibok ang puso ko matapos 'yong marinig, matapos makilala ang boses na siyang tumugon ngayon sa tanong ni Coraleen.

Narinig ko ang mala-demonyong tawa ni Cora na siyang naghari sa buong kapaligiran. "You did a great--I mean, perfect job! Atleast, nawala na ngayon ang kalakasan ni Ariadna. That girl who keeps exposing the roles. Wala tuloy thrill!" saad niya at sabay silang natawa ng kasama niya.

Dahil sa galit na biglang naghari sa dibdib ko ay hindi ko napigilan ang sarili kong hatakin ang pinto pabukas kaya bumungad na sa akin si Cora at ang taksil na kasama niya.

Sabay silang napalingon sa akin at nagulat matapos akong makita. Nakita ko pa lang sila pero uminit na agad ang dugo ko. Humakbang ako patapak sa loob, tinignan ko si Coraleen bago ang kasama siya.

"Renee, ikaw pala..." puno ng galit na saad ko habang nakatingin nang diretso sa mga mata ni Renee na ngayon ay wala nang takas dahil narinig ko na mismo ang pag-amin niya sa katotohanang siya pala ang killer ng Lights Out.

Namutawi ang kaba sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. "Valeria, don't you dare. Just shut up!" sigaw ni Renee. Nagkatinginan sila ni Coraleen na agad nagbigay sa akin ng masamang pahiwatig.

Akmang hahablutin na ni Cora ang buhok pero agad akong napaiwas at humakbang paatras. Susugurin na dapat nila akong dalawa pero agad kong binalibag ang pinto pasara at sinandalan 'yon para hindi sila makawala sa kwarto.

"Sandali lang kasi! Ang duya niyo, e! Kung isa-isa lang ang susugod, kaya ko pa. Pero dalawa kaya kayo!" sigaw ko habang patuloy na itinatali ang pinto sa bakal para makulong na sila.

Sa totoo lang ay hirap na hirap na talaga ako dahil dalawa silang tumutulak sa pinto habang ako naman ay mag-isa lang pero mabuti na lang at strong independent woman ako kaya tuluyan ko na silang nakulong sa loob ng kwarto.

"Valeria, you'll pay for this!" rinig kong sigaw ni Coraleen habang patuloy na kinakalabog ang pinto, hinihingal naman akong humakbang paatras sa kanila.

"Wala akong pakielam kung patayin mo man ako. Ang importante lang sa akin ay mawala na kayong dalawa rito..." hinihingal na bulong ko sa pinto bago naglakad na paalis habang nakahawak sa braso kong sumangga sa pinto para hindi sila makawala.

Tumawid na ako sa bridge pabalik kina Ariadna at Kiel dala-dala ang balitang sa wakas ay maihahatid ko na rin sa kanila.

"V-VALERIA?" Napalingon sa akin si Kiel nang makita ako ni Ariadna at tawagin ako. Sumapit na ang dilim at napangiti ako nang kaonti dahil sa wakas ay nahanap ko na rin sila.

Nandito pa rin silang dalawa sa lugar kung saan ko sila iniwan, buo na rin ang campfire na nagbibigay ng init at liwanag sa malamig at madilim na paligid. Ako lang talaga ang naging problema dahil nakalimutan ko kung saan ang daan pabalik sa kanila.

Mabuti na lang at nakasalubong ko kanina si Sean na gumagala rin sa kagubatan, siya ang nagturo sa akin ng daan pabalik dito dahil alam niya kung nasaan si Kiel at Ariadna.

Naglakad na ako palapit sa kanila at pinagmasdan si Ariadna. Mabuti na lang at nahimasmasan na siya ngayon mula sa pag-iyak kahit na hindi pa rin nawawala ang lungkot sa mga mata niya. Tinapik ko ang likod niya bago sulyapan naman si Kiel at hawakan ang kamay niya.

Magsasalita na sana ako nang bigla ay mapatingin ako sa kamay niya at may nakita akong sugat doon. Kumunot ang noo ko, "Who did this to you?" tanong ko at nag-angat ng tingin kay Kiel. Nagtaka ako nang matunog siyang napangiti, anong masaya?

"Don't mind this," ngiti niya. Lumipat naman ang mga mata ko kay Ariadna matapos makita ang kaonting ngiti sa labi niya. "Siya kasi ang gumawa ng campfire kaya nagkasugat sa kamay. Halatang anak mayaman," saad niya bago kami tinignan.

Napangiti na rin ako bago napahinga nang malalim dahil kailangan ko nang sabihin sa kanila ang nalalaman ko bago pa mahuli ang lahat. "May importante nga pala akong sasabihin sa inyo. Alam ko na ngayon kung sino ang killer..." diretsong saad ko dahil ayoko nang magpaligoy-ligoy pa.

Nagulat silang dalawa dahil sa sinabi ko. "W-who?" tanong ni Ariadna, alam kong gusto niyang ipaghiganti si Felix lalo na't ang killer ang pumatay dito at killer din ang binabanggit ko ngayon.

"Si--" Hindi ko na nasabi ang pangalan ni Renee dahil dumating na siya kasama si Coraleen at Sean, mukhang alam ko na ngayon kung sino ang nagturo sa amin.

Tinignan ko lang sila hanggang sa tuluyan na silang makalapit sa amin. Lumayo si Sean sa dalawang kasama niya at sumandal sa isang puno na malapit lang sa amin para makinig.

Tinignan ko naman si Cora na ngayon ay sobrang sama ng tingin sa akin at tila ano mang oras ay hahablutin na niya ang buhok ko. Hindi naman ako nagpatalo at tinaasan siya ng kilay habang nakahalukipkip, nagtataray.

Hindi ko alam kung paano nakatakas ang mga 'to sa kwarto pero malamang ay tinulungan sila ni Sean. "Huwag niyong paniniwalaan 'yang si Valeria. Hindi totoo ang lahat ng sinabi niya," saad ni Renee na ikinatingin ko sa kaniya, ang plastic niya talaga.

Napatingin naman kami kay Ariadna nang tumayo siya sa malaking box na inuupuan niya, nasa tabi lang niyon ai Kiel. Naglakad na siya papalapit sa amin, nanatiling walang emosyon ang mukha niya bago tinignan si Cora at Renee nang makalapit.

"Wala pa ngang sinasabi si Valeria, masyado kang obvious..." malamig na saad niya. Umihip ang malakas na hangin at sa sandaling iyon, alam kong alam na rin ni Ariadna ang lahat habang nakatingin nang diretso sa mga mata ni Renee.

"Walang pang sinasabi pero ganiyan ka nang umasta sa akin? Seryoso ka ba--" Hindi na natapos ni Renee ang sinasabi niya nang diretsong tumama ang kamay ni Ariadna sa pisngi niya.

Muntik nang matumba si Renee dahil sa lakas ng pagkakasampal sa kaniya ni Ariadna pero agad siyang linapitan ni Coraleen para tulungan. Nanatili lang na diretso ang tingin ni Ariadna sa kanila habang nababalot ng dilim ang mga mata niya, tila nais na niyang patayin ngayon sa tingin ang dalawa.

Linapitan ko na rin si Ariadna at hinawakan ang balikat niya para pakalmahin dahil tila kaonti na lang at sasabog na siya ngayon sa galit. Sobrang lalim nang paghinga niya, ganito pala siya magalit.

Habang hawak ni Coraleen si Renee ay liningon niya kami at sinamaan ng tingin si Ariadna. Binitawan niya muna si Renee at nagulat ako nang bigla niyang sugurin si Ariadna at sakalin. Agad ko namang hinawakan si Coraleen para itulak siya palayo.

Hindi naman nagpakita ng kahit anong takot si Ariadna at sinakal din si Cora. Kitang-kita ko ngayon ang galit na naghahari sa mga mata niya habang pilit na humihinga. "I would never forgive who killed Felix!" sigaw ni Ariadna bago malakas na itinulak si Coraleen palayo sa amin.

Napatumba si Cora sa sahig habang si Ariadna naman ay mabilis na hinabol ang hininga niya. Akmang lalapitan niya ulit si Coraleen pero agad ko na siyang pinigilan dahil baka masaktan na naman ulit siya. Maging si Kiel ay lumapit na rin at ilinayo si Ariadna.

Tumayo na si Renee at Coraleen sa sahig. Pinunasan ni Renee ang dugo sa labi niya bago kami tinignan nang masama. "You're soft but wild, Ari..." saad ni Renee at napangisi habang nakatingin nang diretso kay Ariadna.

Saglit akong napatulala dahil nakita ko lang ngayon ang isa pang katauhan ng mga taong naging kaibigan ko sa loob at labas ng larong 'to. Hindi ako makapaniwalang magkakagulo nang ganito sa pagitan naming lahat. Ang akala ko ay magiging mapayapa lang ang larong 'to hanggang wakas pero nagkamali pala ako.

"Ano, ako na ba talaga ang iboboto ninyo? Hindi ba kayo nagtataka kay VVV? After lights out, palagi na lang siyang walang malay!" sigaw ni Renee na ikinatigil ko, napatingin din sa akin ngayon ang lahat.

"H-hindi pa kayo nawawalan ng malay tuwing gabi?" tanong ko at nilingon sina Kiel. Nakatingin ngayon sa akin si Ariadna habang si Kiel naman ay nakatingin lang sa may kung saan dahil wala naman siyang pakielam sa sinasabi ni Renee.

"Nasaan ang utak mo? Nahihimatay nga siya tuwing gabi, 'di ba? Ano pa ang magagawa niya?" pandidiretso ni Ariadna kay Renee, mukhang puno na talaga siya rito.

Kung ganoon, ako nga lang talaga ang nahihimatay dito tuwing gabi. Alam kong may sakit ako sa totoong mundo pero hindi ko akalaing madadala ko pa 'yon hanggang dito.

Nasaktan naman ako nang kaonti dahil sa sinabi ni Ariadna, para niya lang ding sinabi na wala akong ambag sa larong 'to. Pero okay lang 'yon, naiintindihan ko naman na nadadala lang siya ngayon sa emosyon.

"How about you, Kiel? You know, noong nawala siya, wala na ring namatay. Pero noong bumalik siya, may namamatay na naman hanggang ngayon..." saad naman ni Coraleen kaya napapikit ako sa inis. Lahat na lang ay napapansin niya, may kwenta man o wala.

"Tumahimik ka, Cora. Wala ka nang ibang magagawa dahil nahuli ko na kayo..." nanghihina man ay saad ko pa rin sa kanila ni Renee. Nilingon ko si Ariadna at Kiel na nakatingin din sa akin, iisa lang ang maaari naming iboto ngayong gabi kaya isa lang din ang mawawala sa kanila.

"It's time to vote." Katulad nang dati ay dumating na ang sandali para bumoto. Nanatili akong nakatingin nang diretso kay Renee hanggang sa piliin ko na ang pangalan niya sa isipan ko.

Nakatulala siya ngayon sa kawalan at pumipili rin ng iboboto. Hindi ako makapaniwalang siya pala ang killer, ang best friend ko sa totoong mundo ang killer ng Lights Out. Siya ang pumatay kay Leo at Felix, siya ang pumapatay simula pa no'ng una.

"Renee got the most votes..." Saglit akong napapikit nang sa wakas ay matanggal na namin ang killer sa larong 'to. Napatulala na lang si Renee at pinagmasdan namin siya hanggang sa tuluyan na siyang sumama sa malakas na ihip ng hangin.

Renee's Last Note:

Todavía estoy aquí.
I am still here.

Bumalik na ang emosyon sa mukha ni Ariadna at napayakap sa aming dalawa ni Kiel. Napangiti ako nang kaonti habang yakap siya dahil sa wakas ay nawala na rin ang taong naging dahilan kung bakit paulit-ulit din kaming nawalan.

"Lights out..." Patuloy na umihip ang malakas na hangin. Humiwalay na kami sa isa't isa bago tinignan si Cora na ngayo'y tumalikod na at naglakad paalis. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.

Maliban sa killer, may isa pang role na maaaring tumapos sa mga buhay namin, at ang role na 'yon ay walang iba kung hindi ang terminator.

Nagsimulang puksain ng malakas na ihip ng hangin ang apoy ng campfire. Napatingin si Ariadna kay Sean na nandoon pa rin sa puwesto niya habang ako naman ay napatulala dahil hindi ako makapaniwalang lima na lang kami ngayon.

Humakbang si Ariadna palapit kay Sean pero hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil tuluyan nang nabalot ng dilim ang paligid namin.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Kiel sa kamay ko. Gusto ko siyang tignan ngayon pero nababalot na ng dilim ang buong kapaligiran kaya wala na rin akong makita.

Hindi na lang kami gumalaw kung nasaan kami ngayon. Ipinikit ko na ang mga mata ko dahil alam kong mahihimatay na naman ako mamaya. Sa totoo lang ay ayoko na nang ganito dahil mahihirapan lang si Kiel na tulungan ako pero wala rin naman akong ibang magagawa pa.

Pero lumipas ang bawat segundo at nanatili pa ring gising ang diwa ko. Hinawakan ko rin nang mahigpit ang kamay ni Kiel. Maging ang mabilis na tibok ng puso ko ay hindi ko marinig at nararamdaman ko lang.

Ang akala ko ay doon na magtatapos ang lahat pero laking gulat ko nang may biglang kumapit sa braso ko at hatakin ako paalis. Dahil sa lakas niya ay napabitaw pa rin ako sa mahigpit na kapit sa akin ni Kiel.

Sinubukan ulit akong abutin ni Kiel pero nahatak na ako palayo sa kaniya. Sinubukan kong sumigaw pero kahit ako ay walang narinig dahil sa tuwing pagsapit ng lights out ay wala rin kaming ibang maririnig kung hindi ang nakakabinging katahimikan.

Malakas akong isinandal ng taong 'yon sa isang malaking puno kaya napapikit ako sa sakit. Napahawak naman ako sa leeg ko nang sakalin niya ako at idiin sa puno. Sinubukan kong alisin ang kamay niya pero mas malakas siya sa akin kaya wala akong ibang nagawa kung hindi subukang habulin ang hininga ko.

Sa sandaling iyon habang patuloy na inaagaw ng taong hindi ko magawang makilala ang buhay ko, si Kiel na lang ang tanging pumasok sa isipan ko at ang mga masasayang ala-ala naming dalawa bago tuluyang magdilim ang lahat.

********************
Æ | Cєѕѕ
© aestheticess

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top