LIGHTS OUT XX

[Kabanata 20 - Has Fallen]

HINDI pa nagtatapos ang isang segundo at agad ko nang sinunggaban ng yakap si Kiel. Dahil biglaan 'yon ay sabay kaming napatumba sa sahig pero wala na akong pakielam pa. Humihikbi ko siyang yinakap nang mahigpit habang siya naman ay tinapik ang likod ko at yinakap din ako pabalik.

Sandali kaming nanatili sa ganoong puwesto bago siya maingat nang umupo habang yakap pa rin ako. Sumandal ako sa balikat niya habang nakayakap sa kaniya nang sobrang higpit. Hindi ko siya magawang bitawan dahil natatakot akong panaginip lang pala ang lahat ng 'to.

"V-val, hindi ako makahinga..." Dahan-dahan akong kumawala sa kaniya nang natatawa niyang sabihin 'yon. Saglit akong napatulala sa mukha niya bago siya hawakan kung saan-saan para malaman kung totoo bang nandito siya ngayon.

Napatigil lang ako sa ginagawa ko nang abutin niya ang kamay ko at hawakan 'yon nang mahigpit. Sayang, mahahawakan ko na 'yong abs niya, e! "You think... this is just a dream?" malambing na tanong niya at pinisil ang kamay ko.

Emosyonal naman akong napangiti bago hawakan ang pisngi niya. "Oo, e. Patay ka na kasi kaya alam kong nananaginip lang ako ngayon. Sobrang miss na siguro talaga kita kaya napanaginipan pa kita ngayon. Puwede ba, dito na lang ako?" tanong ko at biglang nakaramdam ng lungkot dahil alam kong maya-maya lang ay magigising na naman ako.

Maghihiwalay na naman ulit kami.

Hindi na siya ulit nagsalita at yinakap na lang ako. Yinakap ko rin siya at hinayaang kumawala ang bawat luha na pumapatak mula sa mga mata ko nang dahil sa kaniya.

"Kiel, bakit parang... nararamdaman kita?" tanong ko makalipas ang ilang saglit. Tinatapik niya kasi ngayon ang likod ko habang magkayakap kaming dalawa. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, matunog lang siyang ngumiti.

Gusto ko mang isipin na baka hindi talaga ako nananaginip pero ayoko namang umasa. Habang nakasandal sa kaniya ay nag-angat ako ng tingin sa harapan at ngayon ko lang napansin na wala na pala ako sa hallway ng hospital.

Ilinibot ko ang paningin sa buong kapaligiran at napatigil ako matapos makitang nasa ibang lugar na nga ako. Dahil lumulutang ang kaluluwa ko, ngayon ko lang napansin na nasa ibang map na pala kami.

Magsasalita na sana ako para daldalin si Kiel kahit sa huling pagkakataon na lang pero dumapo ang mga mata ko sa likod niya nang magsidatingan sina Ariadna, Leo, at Felix na napangiti matapos kaming makita.

Sandaling hindi prumoseso sa utak ko ang mga nangyayari. Nagpalipat-lipat ang mga mata ko kay Kiel at sa kanila. Paanong nakikita rin nila si Kiel? Kasama rin ba sila sa panaginip ko?

"He's alive, Valeria..." nakangiting saad ni Leo na ikinagulat ko. Gulat akong napatingin kay Kiel na kahit nakasuot ng maskara ay alam kong napangiti rin.

Agad ko siyang yinakap ulit nang mahigpit matapos malamang totoo pala ang lahat ng nangyayari ngayon. "K-kiel, anong nangyari? Paanong nandito ka ulit?" naguguluhang tanong ko at napangiti dahil sa saya.

Pinagmasdan akong ngumiti ni Kiel bago lingunin si Leo na noo'y inayos ang buhok niya habang nakatingin sa amin ni Kiel. "Nabuhay ulit siya dahil sa Liberator," simpleng sagot niya at ngumiti sa akin.

Liningon naman niya si Ariadna dahil may sasabihin din ito. "I just found out din last night kung ano ang use ng role na 'yon. The liberator can revive someone once. Puwede niyang buhayin ang namatay na," saad ni Ariadna habang nakangiti.

"Ang ewan din kasi nitong powers ko. Kung ano ang nalaman ko kaninang umaga, iyon din ang magpapakitang role sa akin mamayang gabi so wala rin," patuloy niya bago sulyapan naman si Felix na mukhang may sasabihin din.

"Siya nga pala 'yong Liberator natin," ngiti ni Felix bago ininguso si Leo na noo'y natawa dahil ibinunyag na ni Felix ang totoo niyang role sa amin. Napatakip naman si Ariadna sa bibig niya dahil katabi siya ni Felix at baka mahalikan pa siya nito.

Nakangiti kong sinulyapan si Leo at nagpasalamat sa kaniya, ganoon din naman si Kiel. Napakamot si Leo sa ulo niya dahil nasa kaniya ngayon ang atensyon ng lahat at mukhang nahihiya siya dahil doon.

"Kay Nadya ko nga sana gagamitin 'yong powers ko kapag namatay siya kaso hindi ko matiis na makitang umiiyak si V, e. Kaya 'yan, binalik ko na siya sa 'yo." Naging emosyonal ako dahil sa sinabi ni Leo. Ngumiti siya sa akin at tumango.

Napatingin naman ako sa likuran niya nang dumating si Nadya out of nowhere at tahimik na naglakad patabi sa kaniya. "Really? You'll do that for me?" malambing na tanong ni Nadya at inakbayan si Leo na noo'y muntik nang mahimatay dahil sa biglaang pagdating ni Nadya.

Napatingin si Nadya sa amin, alam kong nakangiti siya ngayon dahil palagi naman. "Masaya ako sa naging desisyon mo. Valeria's happiness is mine too," ngiti niya at nagbalik ng tingin kay Leo na noo'y naistatwa na sa kinatatayuan niya.

Hindi ko mapigilang matawa habang pinagmamasdan silang dalawa. May ibinulong si Nadya kay Leo bago tapikin ang likod nito at maglakad na papalapit sa akin. Nakita ko ang pagsilay ng matamis na ngiti ni Leo bago mapailing at matawa na lang.

Napatingin naman ako kay Kiel nang pisilin niya ang kamay ko kaya pinisil ko rin ang kamay niya. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na natawa.

Napahinga nang malalim si Ariadna bago magsalita, "I'm glad na buo na ulit tayo. Mag-iingat kayo, ha? Alam kong may mga role pa akong hindi nalalaman kaya mag-ingat tayo," ngiti ni Ariadna. Naglakad si Felix paupo sa tabi ni Kiel at dahil hawak niya ang kamay ni Ariadna ay napaupo rin ito sa tabi niya.

"Group hug?" tanong ni Leo at natawa. Tinawag siya ni Nadya at sinabing umupo na siya sa tabi nito kaya mabilis pa sa hanging nawala si Leo sa harapan namin at umupo sa tabi ni Nadya.

"Group hug!" Matapos kong sabihin 'yon ay nagyakap-yakap na kaming anim. Sumandal ako sa balikat ni Kiel at napangiti dahil sa saya. Hindi ko rin napigilan ang luha kong bumagsak dahil sa katotohanang nandito na si Kiel, buo na ulit kami.

Buo na ulit ako.

ILINIBOT ko ang paningin ko sa buong kapaligiran. Tulad ng dati ay makulimlim ang kalangitan. Umihip ang malamig na hangin, napatingin ako kay Kiel na kasama ko ngayon. Naghiwa-hiwalay muna kaming anim matapos naming magyakap-yakap kanina sa loob ng lumang bahay kung saan ako nagising.

Para akong nasa isang lumang farmstead ngayon. Dahil luma na nga, wala na ring mga tanim na makikita. Para kaming nasa isang sakahan na napagdaanan na ng panahon. May ilan ding mga lumang bahay sa paligid at hindi naman aabot sa second floor ang taas.

"Val?" Napatingin ako kay Kiel nang tawagin niya ako. Ang cute talaga ng nickname na ibinigay niya sa akin. Sa totoo lang, ang dami ko na talagang pangalan sa larong 'to.

"Kiel?" tawag ko rin sa kaniya pabalik. "Na-miss mo ba ako?" bigla ay hirit ko kaya natawa siya. Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako.

Hinawakan niya ang balikat ko at iniharap sa kaniya. Nagulat ako nang gumapang ang kamay niya pababa sa baywang ko at doon lang tumango. "Yeah, I missed you so much..." sagot niya bago ako muling yakapin kaya napangiti ako dahil sa kilig.

Yinakap ko rin siya pabalik dahil napakasarap sa pakiramdam ng yakap niya. Umihip ang malamig na hangin na sadyang sumakto sa moment naming dalawa ni Kiel. Siya lang talaga ang nagparamdam sa akin na totoo ang fairytale.

Natigil lang ang pagyayakap naming dalawa nang may dumating, si Cora. Himala at mag-isa lang siya ngayon, walang mga minions. Nagulat siya matapos makita kung sino ang kayakap ko pero hindi na niya ipinahalata 'yon sa amin.

"Wildcard, huh?" tanong niya at napangisi. Tinignan niya kaming dalawa bago naglakad na paalis, mga kontra bida nga naman.

Gusto ko na sanang hablutin ang buhok niya dahil noong nakaraan pa siya pero pinigilan ako ni Kiel. Kunot noo ko siyang tinignan dahil ako na nga ang babawi para sa kaniya pero linagay niya lang ang buhok ko sa likod ng tainga ko at umiling.

Hindi ako ang taong masunurin pero kapag sa kaniya ay nakakalimutan kong maging tao. Napahinga ako nang malalim bago tumango para sabihing hindi na ako magiging war freak. Hahawakan niya na sana ang kamay ko nang bigla ay may dumating na naman.

"Kiel! V! Sama kayo sa akin," ngiti ni Ariadna at hinawakan ang kamay ko. Lihim akong natawa at sinulyapan si Kiel na ngayo'y napabuntong hininga dahil naunahan siya ni Ariadna.

Kung dati nga, ako ang nagseselos sa kanila. Ang weird alalahin. Hinatak na ako ni Ariadna pasama sa kaniya habang si Kiel naman ay sumunod sa amin tulad ng dati.

NANG makarating kaming tatlo sa likod ng malaki at madilim na bahay ay namangha ako matapos makitang may campfire sa gitna at sa paligid naman niyon ay may mga putol na kahoy galing sa puno bilang upuan.

Sinulyapan ko si Ariadna, may field trip ba kami ngayon? Tatanungin ko pa lang sana siya kung anong meron pero naglakad na siya papunta kay Felix na nakaupo sa isang pahabang wooden log at umupo roon.

Nakipagdaldalan na siya kay Felix at iniwan kami ni Kiel na parang hindi inimbita. Napakamot na lang ako sa ulo ko bago lingunin si Kiel na noo'y nasa likod ko. Tinignan ko siya, kanina ko pa napapansin ang bigla niyang pananahimik mula pa kanina.

Tatanungin ko na sana siya kung bakit pero biglang dumating si Leo at inakbayan kaming dalawa. Napapikit ako sa inis, palagi na lang akong naiistorbo. "What's up, Kieleria! Sayang walang drinks dito, tatagay sana ako." Napabuntong hininga si Leo, mahilig pala siya sa alak.

"Oo nga, e." Sumang-ayon na ako sa kaniya dahil lasinggera rin naman ako sa totoong buhay. Sinama niya kami ni Kiel paupo sa isang wooden log na malapit lang kina Felix at matapos niyon ay iniwan na niya kaming dalawa.

Nag-angat ako ng tingin kay Kiel at nakatulala siya ngayon sa kawalan. Kinalabit ko siya, "Okay ka lang ba? Kanina pa kita napapansin d'yan." Matapos kong magtanong ay nilingon niya ako at pinagmasdan.

"I just remembered something," sagot niya, hindi tinatanggi na may iniisip nga siya ngayon. "About what?" tanong ko ulit. Nababahala na ako ngayon habang ganiyan siya.

"About your past..." sagot niya bago tumingin nang diretso sa mga mata ko. Napatigil ako matapos maalala na hindi pa pala namin napag-uusapan ang tungkol dito, ang tungkol kay Kaiden. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari at hindi ko pa rin naipapaliwanag sa kaniya ang lahat.

"Kiel--" magpapaliwanag pa lang sana ako nang nahagip ng mga mata ko si Nadya na mukhang ngayo'y papunta na sa tabi ko. Nagbalik ako ng tingin kay Kiel at hahawakan sana ang kamay niya pero tumayo na siya at naglakad papunta kay Leo.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo na siya sa wooden log na nasa tapat ko lang, ang campfire ang pumapagitna sa amin. Nasasaktan ko siyang pinagmasdan na kausapin si Leo at hindi na muli pa akong tignan. Pakiramdam ko ay may kumirot sa puso ko dahil sa ginawa niya.

"V, okay lang 'yan. Ganiyan naman talaga..." May luha nang namuo sa mga mata ko nang lingunin ko si Nadya, napakababaw talaga ng luha ko. Kung kagabi ay umiiyak ako dahil kay Kiel, ngayon naman ay umiiyak ulit ako dahil sa kaniya.

Sumandal na lang ako sa balikat ni Nadya nang tapikin niya ang likod ko. Napatingin naman ako kay Ariadna nang lumapit siya sa amin at umupo sa tabi ko kaya ako na ang nasa gitna nila. Ngumiti siya sa akin bago hawiin ang buhok ko. Ang swerte ko talaga dahil nandito silang dalawa.

"No one died last night..." Napatigil ang lahat sa pagsasalita nang marinig ang system. Kahit magsalita kaming lahat, mananaig pa rin naman ang boses ng system dahil tulad ng sinabi noon ni Kiel ay automatic na sa tainga namin na marinig ang boses niya.

"Discuss who was it." Matapos niyon ay hindi na ulit nagsalita ang system. Himala dahil walang namatay kagabi, ngayon lang 'to nangyari.

Malakas na tumikhim si Nadya kaya nakuha niya ang atensyon ng lahat, tulad na lang ni Kiel. "Guys... I'm actually the one who started all of this, with the help of Leo. Gusto ko kasi kayong makausap lahat," saad niya. Napatingin naman ako kay Leo na noo'y napangiti dahil special mentioned siya ni Nadya.

"About what?" tanong ni Kiel na ikinatingin ko sa kaniya. Napatigil ako matapos makitang nakatingin na siya sa akin ngayon dahil 'yan din ang tinanong ko sa kaniya kanina.

At ngayon, hindi na kami okay.

"About all of us. Nalaman ko kasi kay Leo na suicidal siya bago mapunta rito, like me. Ganoon din ba kayo?" tanong ni Nadya, nagkatinginan kaming lahat. Puno na lahat ng tao ang apat na logs na nakapalibot sa campfire. Nandito kaming anim, si Kio, Kioa, Sean, at Renee.

Habang ang iba naman naming mga kasama ay may sari-sariling mundo tulad ni Coraleen. Ngayon ko lang napansin na ang onti na lang pala namin ngayon sa lights out. Parang kailan lang, punong-puno pa kami sa Dangerous Bulb.

Parang kailan lang din, nagkakilala kami ni Kiel.

"Yeah, but before. Suicidal ako noong pumunta ako sa forest of death dahil sa lalaking 'yon," sagot ni Ariadna at sinulyapan si Felix na noo'y na-shock dahil nasisi pa siya ni Ariadna.

Napakamot siya sa ulo niya. "Ako naman, nandito ako dahil sinundan ko ang babaita. Bigla na lang akong nahimatay tapos napunta rito," saad ni Felix. Kaya pala sila nagsama rito ay dahil din sa pagtatalo nila.

Napatingin naman kami kay Kioa nang magtaas siya ng kamay. "Same! Gusto ko na ring humimlay noon sa bosque de muerte. May kasama pa nga ako kaya magkasama rin kaming napunta sa larong 'to," pagbabahagi niya at sinulyapan si Kio na katabi niya, tumango ito. Simula pa lang ng laro, magkadikit na silang dalawa.

"Ayoko nang maging law student kaya dumiretso ako sa bosque de muerte." Si Sean.

"Nakakainis kasi 'yong mga magulang ko, palaging kontrolado ang buhay ko. Pressured pa ako palagi sa lahat dahil sa kanila. Simula pa noon..." Si Renee.

"Pagod na kasi akong mabuhay." Mula sa pagkakatulala ay napatingin kaming lahat kay Leo dahil sa sagot niya. Mukhang akala niya ay okay na 'yong entry niya pero hindi pala.

"Wait lang kasi. Suicidal ako dahil pagod na ako sa lahat ng problemang dumarating sa buhay ko noon. 'Yon kasi," paglilinaw ni Leo, napanatag na kaming lahat.

"Ikaw, Kiel, bakit?" tanong naman ni Leo sa katabi niyang si Kiel. Nag-angat na siya ng tingin sa aming lahat dahil kanina ay nakatingin lang siya sa baba. Napatigil ako nang tumingin siya sa akin.

Naalala ko tuloy dati. Akala ko, siya ang ex ko. Pamilyar kasi siya sa akin.

Tinignan niya ako bago magsalita, "My parents wants me to get married with someone I don't even know. I would rather die than to marry someone I am not into," sagot ni Kiel. Hindi ko alam kung bakit habang sinasabi niya 'yon ay nakatingin lang siya sa akin.

"How about you, Val? Este, V." Napatakip si Leo sa bibig niya matapos matawag sa akin ang palayaw na ibinigay sa akin ni Kiel. Sinamaan ko siya ng tingin dahil ang wrong timing niya talaga.

Napahinga naman ako nang malalim bago nagsalita, "I... I wanted to die before because of my... my ex." Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko. Sahig lang ang tanging nakikita ko dahil nakayuko ako ngayon.

Pakiramdam ko ay ipinagbabawal na ngayong sabihin ang bagay na 'to dahil may iba na akong gusto at natatakot ako sa maaari niyang maramdaman. Hinawakan naman ni Ariadna ang likod ko, "It's okay, babe."

Nag-angat na ako ng tingin pero iniwasan kong makatagpo ng mga mata si Kiel. Sa ganitong paraan, malalaman na rin niyang wala na ngayong lugar si Kaiden sa puso ko.

Nginitian ko si Ariadna bago muling magsalita, "Tama kayo, si Kaiden ang ex ko. Mas kilala niyo lang bilang Gabriel. Hindi ko rin inaasahan na nandito rin pala siya sa larong 'to. Kung alam ko lang, hindi talaga ako magtatagal dito dahil hindi ko kayang makisama sa isang manloloko."

"Ginusto kong magpakamatay noon dahil napakarami ko nang problema sa trabaho at pamilya tapos linoko niya pa ako, nahuli ko siyang may kasamang ibang babae. Basta, ayoko na lang ikwento ang mga nakita ko dahil ang pangit alalahin."

"Simula nang talikuran niya ako ay wala na rin siyang naging lugar sa puso ko. Ngayon, ang gusto ko na lang ay mabuhay at makalaya sa larong 'to kasama ka..." emosyonal kong saad bago tumingin nang diretso kay Kiel na siyang tinutukoy ko ngayon.

Agad kong pinigilan ang pamumuo ng luha sa mata ko habang nakatingin kay Kiel na nakatulala ngayon sa akin. Napahinga naman nang malalim si Ariadna at tinapik ang likod ko.

Binalingan niya si Nadya, "Ikaw, anong sa 'yo?" tanong ni Ariadna. "Wala, may sinundan lang din ako kaya napunta ako rito." Napatingin ako kay Nadya nang sabihin niya 'yon, nagbaba rin siya ng tingin sa akin.

Naghari na ang katahimikan sa aming lahat dahil wala na muling nagsalita. Umalis na rin si Kio, Kioa, Sean, at Renee dahil may iba't iba pa silang pupuntahan. Naiwan kaming anim habang nakatulala sa campfire.

Lumipat si Felix sa tabi nila Kiel dahil mag-isa lang siyang nakaupo sa log, iniwan kasi siya ni Ariadna kanina. Napatingin naman kami ni Ariadna kay Nadya nang makitang nakatingin ang tatlo sa babaeng nasa tabi namin.

Hawak ngayon ni Nadya ang maskara niya at nagulat ako nang dahan-dahan niya 'yong tanggalin. Sa wakas ay nakita na namin ang mukha niya matapos ang napakahabang gabi na nagdaan. Napatulala ako sa mukha niya matapos 'yong tuluyang makita.

"Wow, ang ganda mo!" rinig kong sigaw ni Ariadna mula sa gilid ko, sumang-ayon naman si Felix. Tama naman sila dahil mukha talagang dyosa si Nadya.

Tumango si Kiel at nag-okay sign bilang komento habang si Leo naman at napatulala at napanganga sa kagandahan ni Nadya. Ngumiti si Nadya bago nagbaba ng tingin sa akin dahil ako na lang ang walang say tungkol sa kaniya.

"You look... very familiar," saad ko habang nakatingin sa kaniya. Naging pilit ang ngiti ni Nadya at napahinga nang malalim, parang inaasahan na niyang sasabihin ko 'yon.

"Puwede ba kitang makausap?"

"Can I talk to you, Val?"

Nagkatinginan si Nadya at Kiel nang sabay silang magsalita. Nagtataka ko silang tinignan, bakit ba gusto nila akong kausapin dalawa?

Gusto ko sanang unahin si Kiel dahil gusto ko nang marinig ang sasabihin niya pero dahil masyadong mabilis si Nadya ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at itinayo sa upuan na tila inaangkin na niya ako ngayon.

"Ako na, please? Mabilis lang 'to. Bye!" Matapos niyang sabihin 'yon ay dinala na ako ni Nadya paalis at wala akong ibang nagawa kung hindi lingunin si Kiel at pagmasdan siya hanggang sa tuluyan na kaming nakalayo.

"BAKIT, Nadya?" tanong ko nang sa wakas ay tumigil na kaming dalawa sa isang bahay na walang pinto pero may bubong. Nilingon ako ni Nadya pero napayuko rin, ang weird niya talaga ngayon.

"Sabihin mo na. Kinakabahan ako sa 'yo, e." Sinubukan kong ngumiti kahit na hindi niya naman makikita 'yon. Kaming dalawa na lang ni Kiel ang nakasuot ng maskara sa larong 'to, hindi ko talaga alam kung bakit hanggang ngayon ay ayaw ko pa rin 'tong tanggalin.

Napahinga siya nang malalim bago nagsimulang magsalita, "Valeria, 'wag ka sanang magagalit sa akin dahil sa aaminin ko sa 'yo ngayon." Nanatili akong nakatingin sa kaniya. May kinalaman ba 'to tungkol sa pagiging pamilyar ng mukha niya sa akin?

"I know, narinig mo akong may kausap noon sa hotel pero sinama kita paalis. That was your ex, Kaiden. Hindi ko pa siya nakikilala noong araw na 'yon pero nakilala ko na rin naman siya pagkatapos," saad niya. Naging seryoso na ang ekspresyon ng mukha ko matapos mapagtantong may kinalaman kay Kaiden ang aaminin niya ngayon sa akin.

Hinayaan ko lang siyang magpatuloy. "I'm sorry kung hindi ko agad nasabi sa 'yo... pero gusto ko nang malaman mo ngayon na may malaki akong bahagi tungkol sa paghihiwalay niyong dalawa noon," patuloy niya na ikinatigil ko.

Nagsimulang kumulog nang malakas. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan habang nakatingin nang diretso sa mga mata niya. Umaasa ako na hindi ako masasaktan sa kung ano man ang sasabihin niya, umaasa akong hindi dito magtatapos ang pagkakaibigan namin.

"V-valeria, ako 'yong babae na nakita mo noon sa bar... kasama si Kaiden..." paglilinaw ni Nadya na ikinaguho ng aking mundo. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero agad akong napalayo sa kaniya.

Hindi ko makapaniwalang tinignan ang babaeng tinuring kong kapatid simula nang maging kaibigan ko siya sa larong 'to pero siya rin pala ang babaeng naging dahilan kung bakit ako napunta rito.

"P-please, listen to me. Ang sabi niya noon, wala siyang girlfriend kaya tinugunan ko ang halik niya. H-hindi ko naman alam na may masasaktan pala dahil sa kapabayaan ko. I'm so sorry, Valeria..." pagmamakaawa sa akin ni Nadya at hinawakan ang kamay ko. Nakaramdam ako nang panghihina habang nakatulala sa kaniya.

Bakit gano'n? Bakit si Nadya pa? Pakiramdam ko ay tinalikuran ako ngayon ng mundo matapos niyang aminin ang katotohanang siya pala ang babaeng kasama ni Kaiden noong gabing nahuli ko sila sa bar. Madilim na no'n kaya hindi ko masyadong namukhaan si Nadya.

"T-totoong nagustuhan ko si Kaiden noon pero pinigilan ko naman noong nalaman kong may girlfriend pala siyang pinagtataksilan. Sinundan kita sa bosque de muerte kaya napunta rin ako sa larong 'to. Binantayan kita hanggang sa nalaman kong nandito rin pala siya..." pagiging totoo niya at napayuko na lang.

Hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinabi niya. Naiintindihan ko siya pero ang sakit pa rin sa dibdib. Hindi ko napigilang ang sarili kong bumitaw sa kamay ni Nadya at dali-daling tumakbo papalayo sa lugar kung saan ko nalaman ang katotohanan sadyang nagpabitaw sa akin sa kaniya.

HABANG patuloy akong naglalakad papalayo sa lahat ay napatigil lang ako sa wakas nang may mabunggo. Nahihirapan akong nag-angat ng tingin sa harapan at tuluyang bumigay ang luha sa mga mata ko matapos makita si Kiel.

Hindi man kami maayos ngayon pero yinakap ko pa rin siya dahil sa kaniya lang ako nakakapagpahinga. Yinakap ko siya nang mahigpit at sumandal sa balikat niya. Naramdaman ko ang dahan-dahang paggaan ng dibdib ko nang yakapin niya rin ako pabalik.

"Bakit ka umiiyak?" rinig kong tanong niya habang hinihimas ang likod ko. "Sorry..." Napapikit ako matapos niyang idugtong 'yon. Kumawala ako sa kaniya at pinagmasdan siya.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Sorry, Valeria. Nasaktan ba kita?" tanong niya, napangiti naman ako dahil inosente niyang tinanong 'yon. "I don't know... it's my first time to love. Sorry ulit," paghingi niya ng tawad, tuluyan nang natunaw ang puso ko.

Magsasalita na sana ako para sabihing okay lang 'yon pero naunahan na niya ako, "Val... puwede ba, ako na lang?" tanong niya at tumingin nang diretso sa mga mata ko. Kitang-kita ko ngayon ang takot sa mga mata niya sa oras na sabihin kong hindi.

Pero imposible namang tanggihan ko siya. Hinawakan ko ang pisngi niya bago sumagot, "Ikaw naman talaga..." ngiti ko. Nakita ko ang pamumutawi ng emosyon sa mga mata niya bago ako muling yakapin nang mahigpit.

Napapikit ako at niyakap din siya pabalik. Umihip ang malamig na hangin na nakiisa sa damdamin naming nag-iisa. Dinama ko mainit niyang yakap nang may ngiti sa labi dahil sa katotohanang mahal namin ang isa't isa.

Valeria has now fallen... to Kiel.

********************
Æ | Cєѕѕ
© aestheticess

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top