LIGHTS OUT XVIII

[Kabanata 18 - The Unexpected]

TILA saglit na tumigil sa pagtibok ang puso ko matapos mapagtantong si Kiel pala ang tinitignan nila at siyang pinagbibintangan din ngayon ng lahat. Humakbang si Coraleen palapit kay Kiel habang nasa likod ang kamay niya. Pinanood ko siyang mag-angat ng tingin sa lalaking pinakaiingatan ko sa larong 'to. "About you, Kiel."

Nanatili lang namang diretso ang tingin ni Kiel sa kaniya nang hindi nagpapakita ng kahit anong takot. "It's weird that you're still alive until now when it's should be not," mapaglarong saad ni Cora. Nakatalikod siya sa amin kaya hindi ko makita ang reaksyon ng mukha niya.

Hindi ko alam kung bakit dahil sa sinabi niya ay tila umakyat ang dugo ko sa ulo ko. Hindi ko napigilan ang sarili kong maglakad papalapit sa kanila, napasunod naman sa akin si Nadya at Ariadna.

Napalingon sa akin si Cora dahil sa pagdating ko at nakita ko na ang nakaguhit na ngisi sa labi niya. Gusto ko na siyang hambalusin ngayon pero mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko. "Excuse me, wala bang nagmamahal sa 'yo?" puno ng katarayan na tanong ko dahil sa inis.

Gusto ko na siyang saktan ngayon pero hinawakan ni Nadya ang kamay ko para pigilan. Napataas ang kilay ni Cora dahil sa sinabi ko. Black pa ang kulay ng labi niya kaya mukha talaga siyang mangkukulam.

"We are here because we were unloved." Napatigil ako nang malamig niyang sabihin 'yon pero hindi ko na pinahalata pa ang naging reaksyon ko. Hindi pa rin humuhupa ang inis na nararamdaman ko ngayon dahil si Kiel ang pinagbibintangan nila.

"Then tell me, bakit si Kiel? Paano siya naging suspicious sa inyo?" matapang na tanong ko. Handa kong patunayan sa lahat na hindi dapat nila iboto si Kiel kahit pa hindi sapat na sabihin kong kasama ko lang siya palagi.

Basta, gagawin ko ang lahat para hindi mawala si Kiel sa larong 'to. Nanatili lang ang tingin ko sa harapan hanggang sa lagpasan ako ni Cora. Nilingon ko na rin siya at naglakad siya papunta sa mga kasama naming magkakasama ngayon sa luma at pahabang mga upuan ng lobby.

"Tell them what we talk about," utos ni Cora nang makalapit sa mga nakasama niyang kabilang si Renee, Sean, Kio, Kioa, at Gabriel. Bigla naman akong napalingon kay Nadya matapos maalalang naiwan nga pala siya rito habang nasa underground kaming lima. May nalalaman kaya siya?

Napatingin din sa akin si Nadya at napatahimik. Malamang, mayroon nga dahil kanina pa siya nandito at alam kong nakinig din siya sa napag-usapan ng mga 'to.

Nauna nang magsalita si Coraleen, "First of all, napakatahimik mo. They say that the one who always choose to be silent knows everything... and killers also do." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Dahil lang tahimik, killer na agad?

Lumipat naman ang mga mata ko kay Renee nang tumayo siya at sulyapan si Kiel. "Sorry... but everytime I go to a place, you're always there. You have always been everywhere and that's suspicious for me," lakas loob na pagsasalita niya. Napahinga naman ako nang malalim, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi nila ngayon.

"The way you look, it's always been different compare to the good ones."

"Parang papatayin mo na nga kami sa tingin mo, e."

"Expect the unexpected. You may be good but also not."

Napapikit ako dahil sa mga sagot na natanggap ko. Sa dami namin dito, bakit si Kiel pa ang napansin at napag-usapan nila? Kapag ba tahimik, killer na agad? Kapag tumingin lang, suspicious na agad? Hindi rin ba puwedeng coincidence na magkita sa isang lugar?

"What you all said... was nonsense," pandidiretso ni Felix kaya napatingin ang lahat sa kaniya. "And pointless," dagdag ni Leo at napahalukipkip.

"Can you two shut up and let Kiel defend himself?" inis na tanong ni Cora. "Bakit ba palagi niyo na lang siyang pinagtatanggol? Abogado ba kaya sa totoong buhay, ha? At ikaw naman, Vale--" hindi na siya natapos sa pagsasalita nang may mas nanaig kaysa sa boses niya.

"Crystal got the most votes..." Ang boses ng doll ang siyang nagpatigil kay Coraleen. Nakita ko ang lihim niyang pagngiti at 'yon ang nagbigay ng kaba sa dibdib ko.

"She died because of the killer. She was murdered and gets hanged on the chandelier. Discuss who the killer is." Matapos 'yong sabihin ng system ay may nagpakita nang screen sa pader.

Nakita ko ang isang babaeng duguan at nakabigti ngayon sa isang crystal chandelier na wala nang liwanag tulad ng buong hotel dahil wala na kami roon.

Crystal's Last Note:

I am the healer and I just found out who the killer is. Thankfully, I still have the chance to write this on my journal while I'm still alive. He can't be healed which only leaves one reason, because he is the killer.

And the person I am talking about is none other but Kiel.

Pakiramdam ko ay tinalikuran ako ng mundo matapos mabasa ang last note ni Crystal. Alam kong nakatingin na silang lahat ngayon kay Kiel. Gusto ko man din siyang tignan pero hindi ko magawa. Dahil sa pagkagulo ay wala sa sarili akong napahakbang at linisan ang lobby kung nasaan silang lahat.

Narinig kong may mga tumawag sa pangalan ko pero nagpatuloy lang ako sa paghakbang. Pakiramdam ko ay gusto akong sundan ni Kiel pero hindi niya magawa dahil may mga tanong na kailangan niya pang sagutin at patunayan. Gusto ko siyang tulungan pero hangga't nakikita ko sila ay hindi ako makakapag-isip ng tama at hindi ko rin siya matutulungan.

Tuluyan na akong nakalayo sa kanila. Kinailangan ko munang umalis at mag-isip para sa oras na bumalik ako ay maging maayos na rin ang lahat.

MALAMIG na hangin ang yumakap sa akin habang nakatulala ako ngayon sa kawalan. Gabi na, kasalukuyang bumubuhos ngayon ang malakas na ulan kaya kahit papaano ay kumalma na ako pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip kung ano ba ang dapat kong gawin para hindi mawala si Kiel sa larong 'to.

Mas marami sila sa amin. Kahit magtulungang pa kaming anim na iboto ang isang tao ay sila pa rin ang mananalo. Ngayon pa lang ay natatakot na ako dahil hindi ko maisip ang sarili kong nagpapatuloy nang wala si Kiel sa tabi ko.

Nakasandal ako ngayon sa pader ng isang madilim na kwarto, nasa labas ako. Nakabukas ang mga bintana kaya pumapasok sa loob ang malamig na ihip ng hangin. Napatigil naman ako nang matunugan ang paghakbang ng isang taong papalapit na sa akin ngayon.

Nanatili lang ang tingin ko sa harapan hanggang sa tuluyan na siyang makalapit sa akin. Nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko kaya mabilis akong napaangat ng tingin sa lalaking hindi ko inaasahang mapaparito ulit ngayon para sa akin.

"Gabriel... ikaw pala," mahina ang boses na saad ko at kumawala na sa pagkakahawak niya dahil ang uncomfortable para sa akin pero nagulat ako nang hindi niya ako bitawan kahit anong hatak ko.

Kunot noo ko na siyang tinignan, "Ano ba?" reklamo ko at sinubukan ulit na bawiin ang braso ko pero ayaw niya talaga akong bitawan. Bigla na akong nakaramdam ng kaba dahil kaming dalawa lang ngayon ang nandito sa tahimik na hallway.

"Hindi mo ba talaga ako nakikilala?" Napatigil ako nang bigla ay magbago ang boses niya kaya napamilyaran ko na siya. Humigpit ang hawak niya sa braso ko, "Valeria... you have always been so beautiful..." Matapos niyang sabihin 'yon ay hinawakan niya ang maskara niya at dahan-dahan 'yong tinanggal.

Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko habang ako naman ay hindi nakagalaw matapos tuluyang makita ang hitsura na kay tagal itinago ng maskara niya. Nanginig ako at hindi makapaniwalang pinagmasdan ang lalaking hindi ko lubos akalaing ang siya palang nagpadurog sa puso ko noon kaya napunta ako rito.

"K-kaiden..." nanginginig ang boses na pagsambit ko sa tunay niyang pangalan. Kusang namuo ang luha sa mga mata ko habang nararamdaman ang muling pagkadurog ng puso ko matapos maalala ang panloloko niya sa akin noon.

Hinawakan niya ang kamay ko at hindi ko nagawang kumawala dahil sa panghihina. "Tell me... you still love me, right?" tanong niya. Napatingin ako nang diretso sa mga mata niya at pilit na hinanap ang kasagutan sa puso ko.

Hindi rin nagtagal ay dahan-dahan na akong bumitaw sa kamay niya at sa pagkakataong ito ay namutawi na ang galit sa mga mata ko dahil sa kapal ng mukha niyang itanong 'yon sa akin matapos lahat ng ginawa niya. Dahil sa galit ay hindi ko napigilan ang sarili kong sampalin siya.

Naghari ang tunog ng malakas na sampal sa buong kapaligiran. "Ang kapal talaga ng mukha mo," puno ng galit at nasasaktan ding saad ko dahil lumipas na ang lahat pero hindi pa rin siya nagbabago.

Simula noon ay parang wala lang sa kaniya ang nararamdaman ko, siya lang palagi ang nasasaktan sa amin. Ang role ko sa relationship namin ay mag-sorry nang paulit-ulit para lang hindi niya ako iwanan dahil noong kami pa ay doon din nagsimula ang pagdating ng problema ko sa pamilya at kailangan ko siya.

Kahit siya ang mali, pinagbibigyan ko pa rin siya dahil ayokong maiwan. Kahit na paulit-ulit niya akong sinasaktan, okay lang kahit masakit dahil mahal ko siya. Pero nang lokohin niya ako ay doon na ako tuluyang bumigay at piniling magpakamatay na lang.

Ngayon ko lang na-realize ang worth ko, simula nang makilala ko si Kiel na pinaramdam sa akin kung ano ba ang tamang pagmamahal. Pero ngayon naman ay hindi ko inasahang nandito rin pala ang ex ko at hindi ko na alam ang dapat gawin.

Nagbalik na siya ng tingin sa akin. Nakita ko ang poot sa mga mata niya habang nakatingin ngayon nang diretso sa akin. "You don't love me anymore because of what? Because of that Kiel?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba dahil baka kung ano na ang tumatakbo ngayon sa isipan niya, kilala ko siya. "Alam niya na ba ang tungkol sa ating dalawa?" tanong niya ulit at sa pagkakataong 'yon ay tuluyan na akong nabalot ng takot.

Gumuhit na ang ngisi sa labi niya matapos mapagtanto ang naging reaskyon ko. Akmang maglalakad na siya paalis pero agad ko siyang pinigilan. "S-saan ka pupunta?" nanginginig na tanong ko. Ngayon pa lang ay natatakot na ako sa magiging reaksyon ni Kiel sa oras na malaman niya ang nakaraan ko.

Napababa siya ng tingin sa pulso niyang hawak ko bago muli sa akin. Tulad ng sa akin, nandoon pa rin ang figure eight tattoo sa pulso niya pero wala nang ibig sabihin pa ang bagay na 'to sa akin ngayon.

"If you won't tell that guy the truth then I'll do it." Matapos niyang sabihin 'yon ay dire-diretso na siyang naglakad paalis at wala na akong ibang nagawa pa para pigilan siya.

"KAIDEN! Please..." Wala na akong ibang nagawa pa nang tuluyang makatapak si Kaiden sa lobby. Huli na ang lahat, wala nang magagawa pa ang paghabol at pagsigaw ko sa kaniya dahil nandito na kami ngayon kung nasaan sila.

Napatingin sa amin ang lahat at nagulat matapos makita ang paghabol ko kay Kaiden na kinikilala nila bilang Gabriel. Hindi na ako nakagalaw pa sa puwesto habang nanginginig na nakatingin ngayon kay Kaiden. Nilingon niya ako, isang salita niya lang at maaaring magbago ang takbo ng masaya kong mundo.

Sinulyapan ko sina Ariadna at Nadya na nagulat matapos akong makitang pawisan. Sunod ko namang tinignan si Felix at Leo na gulat ngayong nakatingin sa amin ni Kaiden lalo na't ang isa sa amin ay wala na ngayong suot na maskara.

At ang huli... si Kiel.

Tulad ng dati ay nakatabingi ang ulo niya at inosenteng nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Kaiden. Mukhang katatapos niya lang magsalita at patunayan sa lahat ang sarili niya. Tuluyan nang namuo ang luha sa mga mata ko nang makita siya.

Nagkatinginan si Nadya at Ariadna bago naglakad palapit sa akin. "My gosh, anong nangyari?" naguguluhang tanong ni Ariadna at hinawakan ang likod ko. Nagbalik ako ng tingin kay Kaiden at nakatingin na siya ngayon kay Kiel.

Akmang hahakbang na si Kiel palapit sa akin dahil sa luhang bumubuhos ngayon sa mga mata ko pero pinigilan siya ni Kaiden. "Where would you go?" tanong ni Kaiden. Wala na siyang suot na maskara kaya kitang-kita na ngayon ng lahat ang mapaglarong ngiti sa labi niya.

Seryoso lang siyang tinignan ni Kiel. Dahil hindi ito nagsalita ay nagpatuloy na siya, "Will you go... to my girlfriend?" may diin na tanong ni Kaiden na ikinatigil ng lahat.

Napapikit ako dahil sinimulan niya na nga. Tinatagan ko muna ang loob ko bago dali-daling naglakad palapit sa dalawa. "Stop this, Kaiden. Hindi mo ako girlfriend. Matagal na tayong tapos," seryosong saad ko. Nakakahiya dahil dito niya pa talaga sinimulan sa harapan ng lahat, nakakahiya siya.

Napaisip naman si Kaiden, "I'm sorry Valeria but I can't remember any memory that you and I broke up. Ikaw, may naaalala ka ba?" ngiti niya na mas lalong nagpainit sa ulo ko.

Napapikit ako sa inis. Wala nga kaming naging opisyal na hiwalayan dahil nang mahuli ko siya ay umalis na lang agad ako. Pero hindi ko man lininaw 'yon sa kaniya, dapat lang na alam niyang wala na kami noong mga panahong 'yon dahil nanloko siya.

"Nag-aral ka naman, 'di ba? Bakit 'di mo ma-gets na wala na tayo simula nang magloko ka?" Hindi ko napigilan ang sarili kong magtaas ng boses.

"Nanloko ka tapos wala pang sorry. A-anong inaasahan mo, patatawarin pa rin kita?" tanong ko at napahikbi dahil sa poot na nararamdaman ngayon sa kaniya.

Napatahimik naman ang lahat dahil sa sinabi ko. Napatingin na ako kay Kiel na nasa gilid ko at nakatulala siya ngayon sa kawalan. Akmang lalapitan ko na sana siya pero nag-angat na siya ng tingin sa akin. Nagulat ako nang tignan niya kaming dalawa ni Kaiden bago naglakad paalis.

"Kiel..." Sinubukan kong tawagin siya pero ayaw niya pa ring lumingon. Sa huling pagkakataon ay nag-aalab ang mga matang nilingon ko si Kaiden na simula noon ay walang ibang ginawa kung hindi guluhin at pahirapan ang buhay ko.

Susumpain ko siya hanggang sa kamatayan. Hindi ko magawang punasan ang luha ko kaya dali-dali na lang akong tumakbo para sundan si Kiel. Kaonti na lamang ang liwanag sa bawat pasilyo ng lumang hospital na 'to pero bahala na, ang importante lang sa akin ngayon ay makausap ko si Kiel.

Nakalayo na ako sa lobby dahil nakalayo na rin siya. Makalipas ang ilang sandali ay napatigil na ako sa pagtakbo nang maabutan siyang nakaupo at nakasandal ngayon sa isang pader.

Hindi niya ako sinulyapan, nanatili lang ang tingin niya sa harapan. Napahinga naman ako nang malalim bago lakas loob na naglakad paupo sa tabi niya. Itinaas ko ang tuhod ko bago siya malungkot na sulyapan.

"K-kiel, sorry... sorry sa nangyari. Pasensya na kung hindi ko agad nasabi sa 'yo ang tungkol dito. Matagal naman na talaga kaming tapos para sa akin," nakayukong paghingi ko ng tawad. Napapikit ako nang kumawala na naman ang luha sa mga mata ko.

"Val... 'wag mo akong isipin, isipin mo ang sarili mo at ang problema. 'Wag ka na ring umiyak. Nalulungkot din ako, e." Napatigil ako matapos marinig ang sinabi niya. Pinagmasdan ko siya, nakatingin na siya sa akin ngayon at tila iniisip kung paano pupunasan ang luha ko gayong may suot akong maskara.

"G-galit ka ba?" tanong ko. Hinawi niya ang buhok kong sumabit sa maskara ko bago umiling. "No. I'm just confused a little," sagot niya na siyang tuluyang nagpagaan sa loob ko.

Tuluyan na akong napangiti at hinawakan ang kamay niya. Ang akala ko ay sa masayang wakas na kami magtatapos nang bigla ay hawakan ni Kiel ang bow tie na suot niya at hatakin 'yon. Naguguluhan ko siyang tinignan lalo na nang ilagay niya 'yon sa kamay ko.

"Whatever happens, please take this ribbon with you..." Tila gumuho ang mundo ko matapos niyang sabihin 'yon. Agad akong umiling at niyakap ang braso niya dahil sa takot matapos maalalang siya nga pala ang gustong iboto ngayon ng lahat.

"It's time to vote." Dumating na ang kinatatakutan ko. Nakasandal na ako ngayon sa balikat ni Kiel habang nararamdaman ang patuloy na pagbagsak ng luha sa mga mata ko dahil sa lahat ng nangyari at maaaring mangyari pa.

Ang bawat pagpatak ng segundo ay naging mahalaga bigla sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit hiniling na sana ay 'wag mawala si Kiel sa akin. Ang mabilis na pagtibok ng puso ko ang naghari sa pandinig ko hanggang sa tuluyan nang magtapos ang botohan.

"Gabriel got the most votes..." Tila nabunutan ako ng tinik sa puso ko matapos 'yong marinig. Sa wakas ay nakahinga na ako habang nakakapit ngayon nang mahigpit sa lalaking lubos kong pinahahalagahan.

Wala man ako sa lobby pero alam kong maging silang lahat ay nagulat dahil sa naging resulta ng botohan. Alam kong sa mga oras na 'to ay nagsisimula nang maglaho ang katawan ni Kaiden at tuluyan nang lilisanin ang larong 'to.

"Valeria!" Napapikit ako matapos marinig ang boses ni Kaiden na isinigaw ang pangalan ko mula sa malayo pero tuluyan na rin siyang naglaho. Sa wakas, nawala na rin siya sa buhay ko. Nagtapos na ang matagal na pagsasama naming dalawa simula pa no'ng una.

Gabriel's Last Note:

Happy ever after doesn't exist.

Wait for me, Valeria.

Wait for the end.

"Lights out..." Napatulala ako matapos mabasa ang huling tala ni Kaiden. Natauhan lang ako nang pisilin ni Kiel ang kamay ko, magkahawak ang mga kamay namin. Nagbalik ako ng tingin sa kaniya, nagsimulang kumurap ang ilaw dito sa hallway.

Nakatingin kami ngayon nang diretso sa isa't isa at hinihintay na lang ang muling pagpatay ng ilaw. Nakasuot man ako ng maskara, umaasa akong nakita niya pa rin ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko na ang tanging ibig sabihin lang ay ayoko siyang mawala sa buhay ko.

Hindi rin nagtagal ay naghari na ang dilim sa buong kapaligiran. Sumandal na ulit ako sa balikat niya at niyakap ang braso niya, naramdaman ko naman ang pagsandal niya rin sa ulo ko. Tahimik na ang buong kapaligiran at ipinikit ko na ang mga mata ko para itulog ang lahat ng nangyari ngayong gabi.

Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay, naramdaman ko ang paghiwalay ni Kiel sa akin sa hindi malamang dahilan.

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa mga pabulong na boses na naririnig ko ngayon sa paligid ko. Idinilat ko na ang mga mata ko at bumungad sa akin si Ariadna at Nadya na nasa harapan ko pala ngayon. Umalis na ako sa pagkakasandal bago lumingon sa tabi ko.

Saglit akong napatulala dahil hindi prumoseso sa utak ko na wala ngayon si Kiel sa tabi ko. "Two players died last night." Matapos kong marinig 'yon mula sa system ay kusa akong napatayo at ilinibot ang paningin ko dahil sa kabang bigla ko na lang naramdaman.

Napatayo rin naman ang dalawang kasama ko. Nagtataka ko silang tinignan dahil sa mukha nilang puno ng pag-aalala. "Nasaan si Kiel?" tanong ko at dali-daling humakbang para libutin ang buong hospital.

Patagal nang patagal ay unti-unti na rin akong nabalot ng kaba hanggang sa makarating na ako sa labas na siyang huli ko nang pupuntahan ngayon. Sumalubong sa akin ang malakas na ihip ng hangin. Patuloy ngayon sa pagbuhos ang malakas na ulan na sinabayan pa ng kulog.

Inisa-isa ko na ang bawat kwarto pero hindi ko siya nakita. Pumunta na ako sa lugar na maaari niyang puntahan pero wala siya. Hinanap ko na rin siya sa lahat ng taong puwede niyang makasama pero wala siya sa kanila.

Dahan-dahan na akong napatigil sa paghakbang matapos tuluyang malibot ang paningin sa labas ng hospital kung saan kami unang beses na nagkita sa lugar na 'to. Nanghihina ang loob kong nilingon si Ariadna at Nadya na ngayo'y napayuko na lang dahil maging dito ay wala rin siya.

"Kiel has fallen..." pagpapatunay ng system sa tanong na naghahari ngayon sa dibdib ko. Nagsalita lang naman ang siya pero ang bagay na 'yon ang siyang tuluyang nagpaguho sa aking mundo.

Ang akala ko noon ay hindi na ako muling masasaktan pa sa oras na tumapak ako sa bosque de muerte pero ang tatlong salitang narinig ko ay ang siyang tuluyang nagpadurog sa puso ko ngayon.

Wala na si Kiel.

********************
Æ | Cєѕѕ
© aestheticess

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top