LIGHTS OUT WAKAS

Now playing: Somewhere Only We Know by Keane.

[Ang Wakas]

A few months later...

"HAPPY birthday, ate Valeria!" Napangiti ako matapos akong batiin ni Victor, ang nakababata kong kapatid. Nandito kami ngayon sa kwarto naming dalawa dahil dito siya nagpapagaling mula sa sakit niya.

"Salamat, Vic. Ang sweet mo talaga," ngiti ko at kinurot ang baba niya. Pinakain ko na rin sa kaniya ang natitirang lugaw na nasa mangkok bago 'yon ipinatong sa lamesang nasa tabi ng double deck namin.

"Magpahinga ka lang d'yan, ha? Aalis muna ako," saad ko at sinimulan na siyang kumutan. Dito siya sa kama ko nakahiga dahil baka mahilo pa siya kung papanik siya sa taas.

"Birthday mo, aalis ka?" Napatingin ako sa kaniya dahil sa tanong niya. Napahawak siya sa labi niya at saglit na nag-isip. "Wala ka namang trabaho kasi day off mo, 'di ba?" tanong niya, napangiti lang ako.

"Basta, 'wag ka nang maraming tanong d'yan. Alis na ako." Matapos kong sabihin 'yon at pinahiga ko na siya sa kama at pinatulog. Mukhang ayaw niya pa pero dahil ako ang boss dito ay ako pa rin ang nasunod.

Tumayo na ako at pinatay ang ilaw bago lumabas sa kwarto namin, share lang kasi kami sa iisang kwarto pero wala naman 'yong problema sa akin. Lumipat na kami ngayon sa mas maayos na tirahan nang makakuha ako ng mas magandang trabaho at makaipon para sa amin.

Sa wakas ay nakuha ko na ang trabahong gusto ko, naging flight attendant na rin ako.

Pero dahil day off ko ngayon, wala ako sa trabaho at nandito sa bahay para umalis ulit dahil birthday ko. Kinuha ko ang sling bag ko at akmang aalis na sa bahay nang makasalubong ko si mommy Valencia.

Napatingin siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Oh, saan ang punta mo?" tanong niya, tinignan ko rin tuloy ang sarili ko.

Nakasuot ako ngayon ng lace white dress na hanggang tuhod at nasuot din ng sandals. Nakalugay lang ang wavy hair ko at wala akong ibang suot na alahas kung hindi ang hikaw na ibinigay sa akin ng isang taong napakahalaga sa akin.

"Lalabas lang po ako, Mommy. May gusto lang akong puntahan ngayong birthday ko," sagot ko at napahinga nang malalim. Saglit niya akong pinagmasdan bago dahan-dahang tumango.

"Sige. Mag-iingat ka, ha?" bilin niya, tumango naman ako at tinanggap ang yakap niya. Ipinikit ko ang mga mata ko, masaya ako dahil nagkaroon ng pagbabago sa pakikitungo sa akin ni Mommy matapos kong makabalik sa totoong mundo.

Simula nang makabalik ako sa kanila at magsimula ulit ay sinamahan ako ni Mommy at hindi iniwan sa isang bagong simula. Nag-sorry pa nga siya sa akin no'n. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari pero naging masaya na lang ako dahil hinayaan niya na akong magdesisyon para sa sarili ko at naging okay na ulit kami.

Nagtulungan kami ni Mommy para sa pamilya namin. Kahit kami na lang, kahit wala na si Daddy, masakit man pero okay lang. Tinanggap ko na lang ang katotohanang habang buhay na siyang wala na sa buhay namin.

Nang kumawala si Mommy sa akin ay nagpaalam na ako sa kaniya at umalis na sa bahay dahil tumila na ang ulan. Pagkalabas ay sumalubong sa akin ang malamig na ihip ng hangin at tuluyan na rin akong umalis dahil muli na naman akong dinalaw ng malungkot na nakaraan.

DUMAAN muna ako sa simbahan bago pumunta sa lugar na ibig ko muling balikan dahil gusto kong magpasalamat sa panibagong bilang na dumagdag sa edad ko.

Hindi ako makapaniwala na 24 years old na ako ngayon, napakabilis talaga ng panahon. December 24 din ngayon, bukas na ang pasko. Pinanganak ako bago magpasko kaya ang sabi nila ay christmas gift daw ako.

Habang patuloy akong naglalakad palabas ng simbahan ay napatingin ako sa mag-asawang magkahawak ang kamay dahil makakasalubong ko sila ngayon. Napatulala ako sa kanila hanggang sa tuluyan na nila akong nalagpasan.

Naramdaman ko na lang ang pagkirot ng puso ko dahil sa pangungulilang bigla ko na namang naramdaman. Bigla kong na-miss noong panahong palagi ko pang nahahawakan ang kamay niya. Kung maaari lang sanang bumalik sa umpisa.

Napahinga ako nang malalim at nagpatuloy na sa paglalakad dahil tumigil ako ngayon sa gitna ng mga taong abala sa kani-kanilang mga buhay. Nagpatuloy na rin ako dahil baka mamaya ay hindi ko mapigilan ang luha kong bigla-bigla na lang kumakawala.

Tuluyan na rin akong umalis sa lugar na iyon dahil baka abutin ako ng gabi bago pa ako makapunta sa kagubatan ng kamatayan.

MALAKAS na ihip ng hangin ang sumalubong sa akin nang tuluyan akong makapunta at makabalik sa bosque de muerte. Ang pamilyar na kapaligiran ay agad nagbigay sa akin ng pamilyar na pakiramdam.

Napahinga ako nang malalim bago nagsimulang humakbang papasok sa loob ng kagubatan. Tulad noong unang beses akong pumunta rito, nakasuot na naman ako ng puting bestida pero sa pagkakataong ito ay hindi na ko gustong mamatay pa.

May mga bagay na nagbigay sa akin ng dahilan kung bakit hanggang ngayon ay gusto ko pa ring mabuhay. Sa tuwing naaalala ko ang taong pinili na mabuhay ako kahit na kapalit pa niyon ang buhay niya, agad nawawala sa isip ko na magpakamatay ulit.

Kahit na mag-isa na lang ako ngayon, pinipili ko pa ring maging masaya kahit na mahirap. Ang pagpunta ko rito sa bosque de muerte kung saan nagsimula ang lahat ay nagbibigay ng saya sa puso ko kahit papaano.

Tuluyan nang sumapit ang dilim pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad dahil hindi naman ako natatakot sa lugar na 'to. Imbis nga na matakot ay naging comfort zone ko pa ang forest na 'to sa kabila ng nakasulat na nakaraan ng lugar na 'to.

Kahit madilim ay may nakikita pa rin naman ako dahil maliban sa buwan ay may dala rin akong lampara. Hindi na rin ako maliligaw dahil kabisado ko na ang bosque de muerte kahit gaano man kalaki ang guhat na 'to.

Makailang beses na rin kasi akong nagpunta rito at kinabisado ang bawat parte na madadaanan ko pabalik sa dulo ng kagubatan.

Napahinga ako nang malalim habang ilinilibot ang paningin ko. Simula nang makabalik ako rito ay walang kahit sino man ang sinabihan ko tungkol sa Lights Out dahil alam ko namang walang maniniwala sa akin.

Wala man lang naghanap sa akin noong napunta ako sa Lamp World dahil hindi naman tumakbo ang oras noong araw na 'yon hanggang sa tuluyan na rin akong nakabalik.

Tila lumipas lang ang isang segundo rito pero sa akin ay napakahabang panahon ang lumipas bago ako muling nakabalik.

Minsan ko nang naisip na baka ginawa lang ng isip ko ang pagpunta ko sa Lights Out pero nang malaman kong hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi sina Renee sa kanila ay napatunayan ko rin na totoo nga ang nangyari sa amin.

Tanging ang mga taong nakasama ko lang sa Lights Out ang makakaintindi sa akin pero dahil wala na silang lahat ngayon ay tanging sarili ko na lang ang umiintindi sa akin.

Napakahirap noong mga panahong sariwa pa sa akin ang lahat, kay hirap pagalingin ng sarili ko lalo na't sinarili ko lang ang lahat hanggang sa kinaya ko na ring mabuhay muli kahit na hindi na iyon naging tulad pa ng dati.

Ngayon ay nandito ulit ako sa bosque de muerte para dito ipagdiwang ang birthday ko. Kahit na kakausapin ko na naman ang sarili ko dahil mag-isa na lang ako, okay lang dahil alam kong dito ko naman mababalikan ang mga taong minahal ko ng lubos.

Kumapit ako sa lubid at tatapak pa lang sana sa hanging bridge para tumawid na sa kabila nang mapatigil ako nang maramdaman ang tuluyang pagkawala ng luha sa mga mata ko.

Saglit akong napapikit nang muling maramdaman ang pagkadurog ng puso ko. Naalala ko na naman sila, naalala ko na naman si Kiel na kailanman ay hindi naman nawala sa puso't isipan ko simula nang maglaho siya sa buhay ko.

August 26 ang birthday ni Kiel at 26 years old na rin sana siya kung buhay pa rin siya hanggang ngayon.

Nasasaktan man ay pinunasan ko na ang luha sa mga mata ko at tumuloy na sa paglalakad patawid sa hanging bridge na ngayo'y buo pa rin. Ayokong umiyak dahil birthday ko pa naman din ngayon.

Tuluyan na akong tumawid sa lumang tulay at kasabay niyon ay ang muli kong pag-alala sa sandali kung saan tuluyan nang nagwakas ang larong sadyang naging malaking bahagi sa buhay ko...

"The game is now over."

Napakapit ako sa sahig matapos 'yong marinig na ang tanging ibig sabihin lang ay tuluyan na ngayong nagtapos ang Lights Out. Napahikbi ako dahil alam kong simula ngayon ay hindi ko na ulit mayayakap si Kiel, hindi ko na siya makakasama pa.

"The evil team has won..." patuloy ng system. Napapikit ako sapagkat ang pangkat na pilit kong tinatanggal noon sa larong 'to ang nanalo dahil isa rin pala ako sa kanila.

I am the true villain of this game.

Lahat ng bawat kuwento, nagtatapos sa isang masayang wakas dahil ang mabubuti ang nanalo. Pero bakit dito, ang masama ang nanalo? Bakit ako 'yong nanalo? Bakit ako 'yong nanatili rito hanggang wakas.

Habang patuloy akong umiiyak ay napatigil ako nang may sapatos na tumapat sa akin. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa harapan dahil sa pag-aakalang kay Kiel ang itim na sapatos na 'yon pero nagkamali ako.

Nag-angat pala ako ng tingin sa isang lalaking naka-itim at nakatingin ngayon ng diretso sa mga mata ko. Ang nagpagulat sa akin ay ang kulay pula niyang mga mata. Napatingin ako sa balikat niya nang makita roon ang rabbit na nakita noon sa bosque de muerte bago ako tuluyang napunta sa Lamp World.

"We bring you here to have a reason to be alive again. Please stop comitting suicide. Everyone deserves to be love and to stay alive." Nagulat ako nang sabihin 'yon ng system. "Don't suicide, let yourself be alive."

Nagsimula muling mamuo ng luha sa mga mata ko matapos 'yong marinig. Kaya pala lahat kami rito ay suicidal dahil pinagsama-sama nila kami rito. Ngayon ay hindi ko na gugustuhing mamatay muli nang dahil kay Kiel.

"Please don't suicide, a better future is waiting for you. The lights has finally on!" Matapos iyong sabihin ng system ay namatay na ang kulay orange na lights bulb at isa-isa nang bumukas ang liwanag ng kwartong ito.

Nag-angat muli ako ng tingin sa lalaking nasa harapan ko. Nanatili akong tulala sa kaniya hanggang sa alalayan niya na akong tumayo mula sa sahig. Napatingin ako sa rabbit nang tumalon siya pababa at tumakbo papunta sa maskara ni Kiel na naiwan ngayon sa sahig.

Nagbalik ako ng tingin sa lalaking pula ang mata nang bitawan niya na ako. "S-sino ka?" tanong ko. Nanatili siyang nakatingin sa akin bago sumagot gamit ang malalim niyang boses. "Hindi mo na kailangang malaman pa."

Umihip ang malakas na hangin, nagulat ako nang hawakan niya ang linalamig kong kamay. Tumakbo ang rabbit papalapit sa amin at pumatong sa lamesa bago ako tinignan.

"Valeria, quedarse vivo... (Stay alive)" mahinang sabi niya at kasabay niyon ay ang muling pag-ihip ng malakas na hangin.

Napapikit ako habang patuloy na nararamdaman ang malakas na ihip ng hangin at nang idilat ko ang mga mata ko ay napabagsak ako sa sahig nang makitang tuluyan na akong lumisan sa larong iyon.

Napatingin ako sa sarili ko, suot ko na muli ang puting bestida at sa isang iglap ay nawala na ang mga sugat ko sa katawan. Nasasaktan kong ilinibot ang paningin ko at muling bumuhos ang luha sa mga mata ko matapos mapagtantong bumalik na sa dati ang lahat, nandito na ulit ako ngayon sa bosque de muerte.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikilala kung sino ang lalaking 'yon dahil simula nang makabalik ako rito ay wala na ulit nagparamdam sa akin na kahit ano tungkol sa Lights Out.

Ipinipikit ko na lang ang mga mata ko sa tuwing umiihip ang malakas na hangin at iniisip kong kasama ko pa rin sina Kiel kahit hindi naman. Mukha man akong baliw, pero 'yon lang kasi ang nagpapasaya sa akin sa tuwing na-mi-miss ko sila.

Makalipas ang ilang sandali ay napangiti na ako matapos matanaw ang puno na siyang paulit-ulit kong binabalikan dito. Iyon ang puno kung saan ko nakita ang lampara na nagdala sa akin sa mundong binigyan ako ng pagkakataong makatakas sa mapait na mundo.

Agad kong nakilala ang punong 'yon dahil sa mga puting tela na nakatali sa sanga. Limang tela ang nakatali roon at sa magkakaibang tela ay nakasulat ang pangalan ni Ariadna, Nadya, Leo, Felix, at Kiel.

Nang tuluyang akong makalapit ay ilinapag ko na sa tabi ng puno ang bulaklak na dala ko para sa kanila, ang dami na ring patay na bulaklak ang naipon doon galing sa akin. Wala naman kasi silang naging libingan kaya ito na lang ang ginawa ko.

"Kumusta kayo?" tanong ko at humakbang paatras sa puno para mapagmasdan ito, iniwan ko ang lampara sa tabi ng puno. Umihip ang malamig na hangin.

Sa totoo lang, gusto ko nang tapusin ang sumpa ng bosque de muerte. Pero paano ko gagawin 'yon? Ngayong mag-isa na lang ako.

"Birthday ko ngayon, Kiel. Naaalala mo ba noong nagkakilala tayo sa birthday ko?" nakangiting tanong ko kahit alam ko namang walang sasagot sa akin.

Naging mapait ang ngiti ko dahil mas pinili ko pa ring magpunta sa madilim na kagubatan na ito kay sa kalimutan na lang sila dahil hindi ko kaya. Kahit anong pilit kong maging masaya sa iba, sa kanila pa rin ako bumabalik.

Pilit ko mang sinusubukang abalahin ang sarili sa kung anu-anong bagay, sila pa rin ang sumasakop sa isipan ko. Na-mi-miss ko pa rin sila kahit busy ako. Miss na miss ko pa rin si Kiel kahit anong mangyari.

Naglakad ulit ako papalapit sa puno para kuhanin sa tabi ng lampara ang isang maskara na nadala ko pa rin hanggang dito, ang kulay itim na maskara ni Kiel.

Tumalikod ako sa puno at humakbang habang pinagmamasdan ang maskara niya. Naka-display ang maskara na 'to sa kwarto ko upang kahit ano man ang mangyari ay palagi ko siyang maaalala.

Mapait akong napangiti dahil ang daming ala-alang pumapasok sa isipan ko sa tuwing pinagmamasdan ko ang maskara ni Kiel. Ang mga sandali kung saan palagi kaming magkasama, noong hinalikan niya ako sa pisngi, at sa lahat-lahat na.

Naramdaman ko na lang ang mainit na likidong biglang kumawala sa mga mata ko habang inaalala ang lahat ng pinagsamahan namin ni Kiel sa loob ng Lights Out. Yinakap ko ang maskara niya at nasasaktang ipinikit ang mga mata ko dahil hindi ko na talaga sila makakasama pa.

Hindi ako gumalaw nang marinig ko ang kaluskos mula sa 'di kalayuan. Idinilat ko lang ang mga mata ko at ibinaba ang kamay ko bago lumingon sa likod. Pinagmasdan ang malaking pader na siyang tumapos sa daan ng malaking kagubatan na 'to.

Umihip ang malakas na hangin at napatigil ako nang mula sa likod ng mga puno ay isa-isang lumabas doon ang mga taong nakasuot ng itim. Ang bilang nila ay ang siyang nagpagulat sa akin nang lubos.

Hindi na ako nakagalaw pa hanggang sa tuluyan na silang makalapit sa akin. Napatingin ako nang diretso sa lalaking pumunta ngayon sa harapan ko. Hinawakan niya ang itim na telang humaharang sa ilong at bibig niya bago 'yon tinanggal at tumingin ng diretso sa akin.

"Happy birthday, Val..." pagbati niya sa akin at ngumiti. Tinanggal na rin ng mga kasama niya ang suot nilang mask at tuluyang namuo ang luha sa mga mata ko matapos silang makilala.

Pinagmasdan ako ni Ariadna, "You're so beautiful, Valeria..." ngiti niya. Tumango naman ang mga katabi niyang si Felix, Leo, at Nadya habang nakangiti ring nakatingin sa akin.

Sunod kong tinignan ang lalaking nasa harapan ko nang tuluyan siyang lumapit sa akin at hawakan ang kamay ko. Kinuha niya ang sarili niyang maskara at saglit 'yong pinagmasdan bago muling nagbalik ng tingin sa akin.

"Thank you... for keeping this with you..." nakangiting saad ni Kiel habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. Tuluyan na rin akong napangiti at tinignan silang lima habang nararamdaman ang luha sa mga mata ko dahil sa saya.

Sa wakas ay tuluyan na ring nabuo ang birthday ko dahil nandito na sila.

Sa huling pagkakataon ay umihip ang malakas na hangin pero sa sandaling iyon ay hindi na lungkot kung hindi saya ang dala nito sa akin dahil nakita ko na ulit sila, nandito na ulit ang liwanag ng madilim kong mundo.

Buhay sila...

Wakas.

********************
Æ | Cєѕѕ
© aestheticess

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top