LIGHTS OUT IX

[Kabanata 9 - Deja Vu]

"ANO ba 'yan, ang sakit niyo sa mata." Hindi na ako nag-abalang tignan pa kung sino ang nagsalita dahil alam ko namang si Felix 'yon. Napalingon si Ariadna kay Felix habang si Kiel naman ay napasulyap sa amin ni Nadya na magkasama ngayon.

Tumaas ang kilay ni Ariadna at tinignan ng pagtanggi si Felix, "Ewan ko sa 'yo. Ano bang ginagawa mo rito?" masungit na tanong ni Ariadna at naglakad palayo kay Kiel.

Nakita ko nang matalim na tignan ni Ariadna si Felix at siniringan bago naglakad na papunta sa hagdan para bumaba, pero dahil nandoon kami ni Nadya ay napatingin siya sa amin at sa akin.

"Nandito ka pala," saad niya at saglit na ngumiti. Lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko bago sulyapan si Nadya at naglakad na paalis sa rooftop.

"Maldita talaga," rinig kong bulong ni Felix kaya napatingin ako sa kaniya. Naglakad na siya pababa pero bago 'yon ay nakasalubong niya muna ako kaya napatingin siya sa akin. Ano ba 'yan, bakit ba kasi kami nasa tapat ng hagdan.

"Hey, Ms. Abogado. Nandito po ang client niyo," pang-aasar niya at sinulyapan si Kiel na nakatalikod na sa amin ngayon dahil nakaharap na siya sa lumang railings na kinakalawang na.

Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya at naglakad na pababa ng rooftop. Sandali akong napatulala sa kawalan bago mapahinga nang malalim at lingunin si Nadya pero nagulat ako dahil wala na siya sa likod ko.

Sinilip ko ang hagdan at nakita ko sila ni Felix na magkasunod na bumaba ng hagdan pero nawala na rin sila sa paningin ko. Napapikit na lang ako saglit at dinama ang malamig na ihip ng hangin para kumalma.

Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakayuko ako kaya sa sahig tumama ang mga mata ko. Akmang maglalakad na ako paalis tulad ng tatlo pero napatigil agad ako sa paghakbang matapos mahagip ng mga mata ko ang isang kakaibang bagay na gumagalaw ngayon mula sa malayo.

Napatakip ako sa bibig ko pero sa maskara ako napahawak. My gosh, pusa ba 'yon? Naglakad ako papalapit sa kaniya at nagulat ako nang makita ang color blue niyang mata dahil nag-angat siya ng tingin sa akin. Bigla naman akong napadura.

Sabi ni Daddy, kapag nakakita raw ng itim na pusa o aso, dumura dahil baka malasin ka raw. Pero bakit ba ako naniniwala pa sa kaniya? Sinungaling siya, linoko niya si Mommy.

Malapit nang magdugtong ang kilay ko nang bigla akong matauhan dahil biglang tumakbo paalis 'yong black cat. Napakamot ako sa ulo ko bago siya sundan. Kapag nakuha ko na ang pusang 'yon, aangkinin ko na siya at ibebenta pagkalabas ko sa larong 'to.

Pero naalala kong hindi na pala ako makakaalis sa larong 'to. Pakiramdam ko kasi, dito na talaga ako ma-de-deads. Pero feeling ko lang naman. Saang lugar naman kaya ako mamamatay kung gano'n?

Napangiti ako nang maabutan ko na si Muning dahil tumigil siya para maligo. Akmang kukuhanin ko na siya pero imbis na balahibo, kamay ang nahawakan ko dahil may nauna na sa akin. Gulat akong napaangat ng tingin sa harapan at si Kiel nga 'yon.

Hindi ako ang taong mapagparaya kaya agad kong hinatak si Muning para sa akin siya mapunta. Binuhat ko ang pusa at napayakap ako sa kaniya dahil ang bigat niya pala. Ang taba naman kasi. Sino bang nagpapakain dito?

"Nandito ka pala," kunwari pang sabi ko habang hinehele si Muning na parang baby. Na-miss ko tuloy 'yong pusa ko, si Violet at malamang, natutulog pa rin 'yon sa kama ko ngayon. Kahit 'di na 'yon sweet sa akin tulad no'ng bata pa siya ay miss ko pa rin siya.

"Gusto mo ba siyang buhatin?" tanong ko at sinulyapan siya. Nakatingin lang siya sa akin so hindi ko alam kung oo or no ba 'yong sagot niya kaya sa huli, ako na ang nagdesisyon at pinabuhat sa kaniya 'yong pusa.

"Magkamukha kayo." Matapos kong sabihin 'yon ay tumalikod na ako at dire-diretsong naglakad pababa sa rooftop at iniwan siyang mag-isa ro'n habang buhat-buhat si Muning the great.

Bahala na siya.

NAKATULALA ako ngayon sa kawalan habang lahat sila ay nagdadaldalan. Nandito na ulit ako ngayon sa classroom kung saan ako nagising kanina. Feeling ko naman ay dito kami magtitipon-tipon mamaya dahil nandito ang magical lamp.

"Valeria! Na-miss kitang maging kaklase." Napatingin ako kay Renee nang sabihin niya 'yon at maglakad paupo sa tabi ko, may isa kasing upuan sa tabi ng arm chair ko. Gulo-gulo ang upuan dito sa room na 'to at parang napunta ako ngayon sa lowest section.

"Ako hindi," tugon ko sa kaniya bago tumango sa desk dahil wala akong gana sa hindi malamang reason. Nasaan na ba kasi sina Nadya at Ariadna? Pero kung nandito naman sila, wala pa rin ako sa mood.

"Ang sama mo talaga!" paglalabas niya ng sama ng loob at napahalukipkip bago tumayo na. "Kung sa bagay, alam ko naman kung bakit." Napasiring na lang ako dahil sa pinagsasasabi niya.

Nang umalis ako sa pagkakatango ay nakita kong bumalik na si Renee kina Gabriel. Liningon pa ako ni Renee bago nakipagdaldalan na ulit sa kanila na tila isang estudyante. Napailing na lang ako, kahit kailan ay ang weird niya talaga.

Dumapo naman ang mga mata ko sa pinto nang bigla ay may pusa na bumungad doon. Maging sina Renee, Gabriel, Cora, at Kio ay napatingin sa pinto. Dahan-dahan akong napanganga. My gosh. Pati rito, nakarating na si Muning!

Napatingin naman ako sa bintana nang makita si Kiel na mukhang dito ngayon sa room pupunta. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa magkasabay silang pumasok ni Muning sa pinto. Nagulat naman ako nang tumakbo si Muning papalapit sa akin at tumungtong sa desk ko tapos naligo lang pala ulit.

Sinulyapan ko na si Kiel at nakatingin siya kina Renee, hindi ko alam kung sino sa apat ang tinitignan niya. Ilang sandali lang ay umiwas na siya ng tingin at sa akin naman tumingin pero lumipat din agad 'yon sa likod ko. Narinig ko ang malakas na kulog.

Bigla ay napalingon ako sa bintana na nasa likod ko nang bumuhos na naman ang malakas na ulan na sinabayan pa ng malakas na ihip ng hangin kaya bumukas ang ilan sa mga bintana. Napatayo ako nang biglang bumigay ang salamin ng ilang mga bintana at nabasag. Nagkalat sa sahig ang mga bubog.

Nagulat si Muning kaya tumalon siya at tumakbo papunta sa taas ng book shelf at umupo sa tabi ng desk globe. Ako naman ay umalis na rin sa malapit sa kinauupuan ko dahil malapit lang doon ang bubog.

From Kiel:

Want to go with me?

Napatingin ako kay Kiel at naglakad siya papunta sa mababang bookshelf kung nasaan si Muning at sumandal doon bago tignan muli ako. Sandali ko siyang tinignan bago tinanguhan at nauna nang maglakad paalis sa room dahil masyado nang makalat doon.

Habang naglalakad sa hallway ay naramdaman ko ang presensya niyang nakasunod sa akin ngayon at hindi ko alam kung bakit pamilyar 'yon sa akin, mala deja vu ba.

"Uh, Kiel. Nagkakilala na ba tayo dati?" wala sa sariling tanong ko at sinabayan siya sa mabagal na paglalakad. Ang sarap kaya sa feeling na damahin ang buhos ng ulan.

"You think?" pagbabalik niya ng tanong at tahimik na nakipagpalitan ng puwesto sa akin. So, siya na ngayon ang malapit sa railings at ako na 'yong malapit sa room. Siguro, iniisip niyang baka acid rain ulit ang buhos ng ulan ngayon.

Pero napatigil ako matapos ma-realize ang ginawa niya. Tinignan ko siya, ang pamilyar niya talaga. "Who do you think is the killer?" bigla ay pag-iiba niya ng usapan. Nang-uusisa ko siyang tinignan dahil sa kakaibang paghihinala na nararamdaman ko ngayon. "Parang ikaw."

"Me?" Napatigil ako dahil 'yon na naman ang tila walang gana niyang boses. "Charot lang! Wala kasi akong matunugan sa kanila. Kahit ikaw nga, hindi ko malaman kung anong role. Parang kasali ka sa good team pero p'wede ring hindi," pagbabawi ko sa sinabi ko, baka kasi mamaya ay bumawi 'to sa akin.

Valeria's Last Note:

Kapag namatay ako, wala kayong ibang sisisihin kung hindi si Kiel, okay? #Kabado

Natauhan ako nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa. Kunot noo akong napaangat ng tingin sa kaniya. My gosh! What if nababasa niya pala 'yong paiba-iba kong last note? No way. Nakakahiya!

"Andrei has fallen..." Napatigil ako sa paghakbang matapos marinig 'yon. Hindi humina o lumakas ang boses ng doll dahil kahit nakalayo na kami sa room ay normal pa rin ang naririnig ko. Nag-angat ako ng tingin kay Kiel, parehas kaya kami ng naririnig?

"Bakit gano'n? Saan kaya nanggaling 'yong boses niya?" pabulong na tanong ko sa sarili ko pero dahil nasabi ko ay narinig din ni Kiel kung ano ang nasa isip ko ngayon.

"Maybe it's already automatic for us to hear what she's saying," saad ni Kiel, tinutukoy 'yong doll na hindi ko malaman kung nasaan. Siguro nga ay tama siya, na automatic sa tainga namin na marinig ang sinasabi ng system kahit nasaan man kami.

"He died because of the killer. He was murdered and get crushed by a huge rock inside the cave," mahinahon ang boses na patuloy ng doll. Napatingin ako sa kalangitan kung saan patuloy na bumubuhos ang malakas na ulan. Nagawa kong mapagmasdan ang dahan-dahang pagbalot ng dilim sa asul na kalangitan.

Napatingin ako kay Kiel at nakatingin din siya sa kalangitan. Mukhang gaya ko ay mahilig din siyang pagmasdan ang bawat bagay na maaaring makita roon. Napangiti ako nang kaonti bago magbalik na ng tingin sa harapan pero napatigil ako sa paghakbang matapos makita ang screen sa harapan namin.

"Oh, sakto. Nandito tayo," saad ko at hinawakan ang pulso niya para tumigil siya sa paglalakad. Napatigil na nga siya at napatingin sa kamay kong nakahawak sa pulso niya at sa akin bago tumingin sa harapan kung nasaan ang screen.

Humigpit ang hawak ko kay Kiel matapos makita sa screen ang patay at durog na katawan ni Andrei, may napakalaking bato sa tabi niya at nababalot ng dugo. Mukhang 'yon ang naging dahilan para madurog ang katawan ni Andrei at tuluyang mamatay.

"Discuss who the killer is." Matapos niyon ay nawala na ang screen at naghari na ang dilim sa buong kapaligiran namin dahil ang liwanag lang naman ng screen kanina ang nagbibigay liwanag sa amin. Nasa isang room ang lampara at malayo na kami ro'n ngayon.

"Hala, paano tayo makakasali sa discussion kung wala tayo ro'n?" nanlulumong tanong ko at sinilip ang buwan na kahit papapano ay naghahatid ng liwanag sa amin. Binalingan ko na ulit si Kiel na nakababa ng tingin sa akin dahil ang lapit namin sa isa't isa.

Napaatras naman ako at binitawan na siya. Baka mamaya, sabihin niya na hokage ako, e. "Ang dilim naman. Kung maliwanag lang, matagal na akong tumakbo pabalik sa classroom," nakasimangot na saad ko at lumingon sa likod kung nasaan ang daan pero nababalot na ng dilim ang hallway.

I mean, may naaaninag ako pero 'di sapat 'yon. "Dito muna ako." Bumalik ang tingin ko kay Kiel nang magtagalog siya. Wow! Parang ngayon na lang ulit siya nagtagalog after a year. Naglakad siya papunta sa classroom na nasa tapat namin at sumandal sa tabi ng pinto.

"Sige. Pupunta rin muna ako sa rooftop pero 'wag kang mag-alala, babalik naman ako," paalam ko at ngumiti kahit alam kong hindi niya naman 'yon makikita. Tinignan niya lang ako hanggang sa naglakad na ako papunta sa hagdan at pumanik papunta sa rooftop.

Dahil madilim ay kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa isip ko. Feeling ko, maya-maya lang ay magkakaroon na ng zombie apocalypse. Anong gagawin ko kapag nagkaro'n nga? Gagawing shield si Kiel?

Napailing na lang ako hanggang sa tuluyan na akong makapanik sa rooftop, nababaliw na talaga ako. Umaambon na lang ngayon at hindi naman siya nakakasunog ng balat so malaya akong makakapag-stay dito sa rooftop.

Naglakad ako papunta sa railings kung nasaan kanina sina Ariadna at Kiel. Ipinatong ko ang kamay ko sa railings bago pagmasdan ang tanawin ng buong kapaligiran. Sumalubong sa akin ang malamig na ihip ng hangin.

Sa puwestong 'to, nagagawa kong pagmasdan nang malapitan ang buwan at mga bituin sa kalangitan. Sa baba naman ay naroon ang malawak na court, hindi ko na masyadong maaninag kung anong mayroon doon dahil ang dilim na. Sa totoo lang, habang dinarama ang malamig na ihip ng hangin ay bigla akong nakaramdam ng kapayapaan.

Hindi ko akalaing puwede pala 'yon kahit nasa death game pa ako. Napahinga ako nang malalim at naglakad na paalis dahil may tao akong sinabihan na babalik ako. Ayoko namang maging paasa.

Tuloy-tuloy na sana akong maglalakad pababa nang biglang mahagip ng mga mata ko ang isang bagay dahil may ilaw siya. Dahil curious ako ay naglakad ako papalapit doon. Nasa likod siya ng isang box pero buti na lang at nakita ko pa rin.

Nang makalapit ay sinilip ko na kung ano ba ang bagay na 'yon pero saglit na tumigil ang tibok ng puso ko matapos mapagtanto kung ano ba ang bagay na 'yon. Tinignan ko ang kulay pulang timer at 20 seconds na lang ang natitira bago sumabog ang bomba na hindi ko alam kung saan nanggaling.

Gulat akong napaatras pero napatigil ako nang tumama ako sa isang tao. Nilingon ko kung sino ang taong 'yon at bumungad sa akin si Kiel na napatingin sa timer na patuloy ngayong nagbibilang paatras.

"H-halika na," nagmamadaling sabi ko sa kaniya. Sa pagkakataong 'to ay siya naman ang humawak sa kamay ko at tinignan ako bago ako hatakin paalis sa lugar na 'yon.

Sabay kaming tumakbo pababa sa hagdan at tumakbo sa hallway upang subukang takasan ang pagsabog na maaaring tumapos sa buhay namin. Nakahawak ako nang mahigpit sa kamay niya habang iniisip kung bakit pamilyar siya sa akin simula pa noong unang beses kaming nagkita.

Habang patuloy na tumatakbo ay tinignan ko si Kiel at dahan-dahan kong napagtanto na siya pala ang lalaking nasa panaginip ko noon na kasama kong tumakbo para takasan ang mapait na mundo.

********************
Æ | Cєѕѕ
© aestheticess

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top