LIGHTS OUT IV
[Kabanata 4 - Survivor]
"WILBERT has fallen..." Nagising ang diwa ko matapos marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Idinilat ko na ang mga mata ko at agad akong napatigil matapos tumama ng mga mata ko sa kalangitan na nababalot ng mga ulap ngayon.
Umalis na ako sa pagkakasandal bago mag-angat ng tingin sa malaking puno kung saan ako nakasilong ngayon. Infairness, kamukha niya 'yong puno sa bosque de muerte kung saan ako tumigil noon bago ako tuluyang mapunta sa mundong 'to.
Napahawak ako sa noo ko bago tignan ang mga taong kani-kaniya ngayon ang paglilibot sa lugar na 'to. Ngayon ko lang na-realize na nasa simenteryo na pala kami ngayon matapos mapatingin kay Ariadna na nasa tapat ng isang lapida. Maging sa buong kapaligiran ay mayroon niyon. Inshort, nasa sementeryo na nga ako ngayon.
Napaisip naman ako. Paanong nandito na kami ngayon sa ibang lugar after ng lights out? Ano 'yon? Biglang nagbago ng map? Hindi ako masyadong informed, ha.
Habang nag-iisip ay dumapo ang mga mata ko sa lalaking kasama pala ni Ariadna, si Kiel. Magkasama pala sila ngayon at mukhang nag-uusap, si Ariadna ang nakatalikod sa akin. Napasiring na lang ako bago sumandal ulit sa puno. Hays, mga malalandi nga naman.
Ganito na ba talaga ako ka-bitter? Trying hard? Second choice? "Oh, gising na pala si Ms. VVV." Kahit may kalayuan sila sa akin ay agad napabalik ang mga mata ko kay Ariadna nang sabihin niya 'yon.
Ms. VVV? Saan nanggaling 'yon? Lumipat ang mga mata ko kay Kiel na hindi man lang tumingin sa akin at ilinibot lang ang paningin niya sa likod kung saan wala ako, malamang ay siya ang nagsabi niyon kay Ariadna. Nakalagay sa bulsa ang mga kamay niya. Ako naman ay napahinga nang malalim bago umalis na sa punong sinasandalan ko kanina pa.
Naglakad na ako papalapit sa kanila. Ang ibang tao sa paligid ay napatingin sa akin pero dedma naman agad. Nang makalapit ay tinignan ko silang dalawa nang ka-bitter-an. Buti na lang at may suot akong maskara kaya 'di nila nakikita ang buong mukha ko at tanging mga mata ko lang.
"He died because of the killer. He was killed on the comfort room," patuloy ng system na siyang nagsalita rin kanina kaya nagising ako.
Hindi ko pa sila tapos sumpaing dalawa nang bigla ay tignan na ako kay Kiel. Napalunok ako bago wala sa sariling humakbang paalis sa tabi nila. Dire-diretso akong naglakad, may mga nalagpasan pa akong mga tao na nag-uusap pero 'di ko lang din naman sila pinansin. Kinikilabutan ako ngayon.
Naalala ko kagabi bago tuluyang pumatay 'yong light bulb, hindi ko alam kung bakit gano'n 'yong nakita ko. Parang nakikita ko 'yong mukha ni Kiel pero 0.1 second lang tapos malabo pa kaya 'di rin malinaw sa akin kung ano ba talaga ang mukha niya. Bakit ba kasi ayaw niya na lang tanggalin 'yong mask niya?
Kung sa bagay, nakasuot pa nga rin din ako ng maskara ngayon tulad niya. Napasulyap ako sa kalangitan at madilim ang mga ulap ngayon, parang uulan. Napababa naman ako ng tingin sa damuhan na siyang tinatapakan ko ngayon at may pabilog na tubig na naipon sa puwesto na 'yon. Sa wakas ay nagawa ko nang pagmasdan ang sarili ko.
Sumasalamin sa tubig na 'yong ang maulap na kalangitan pero bukod doon ay nagawa ko ring makita ang maskara ko. Kulay white pala ito at parang pusa 'yong bibig at design ng mask ko. Nakasuot din ako ng tuxedo at nakalugay ang wavy hair ko kaya masasabi kong pusa na mafia boss ang awra ko ngayon.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad pero agad din akong napatigil matapos mapatingin sa isang lapida. Ang nagpapatingin ngayon sa akin dito ay ang maliit na painting na nakadikit doon. Ang painting na nakaguhit doon ay ang mismong lugar kung nasaan kami ngayon.
Malaking puno ang unang mapapansin sa painting habang ang kalangitan naman ay mausok tulad na lang ngayon. Ang creepy talaga ng mga paintings nila. Sandali akong napatulala pero hindi rin nagtagal ay napangisi na ako nang kaonti. This is familiar, very familiar.
"Bakit ka umalis?" Hindi na ako nag-abala pang lingunin kung sino 'yon dahil nakilala ko na rin naman siya dahil sa boses niya, si Ariadna. Sumunod pala siya.
"Wala lang," sagot ko bago siya tuluyang lingunin pero lumipat agad ang mga mata ko sa lalaking sampung hakbang lang ang layo sa akin dahil nakita ko siya. Napaiwas din naman ako ng tingin dahil ang creepy ng maskara niya.
Sabay na lang kaming napatingin ni Ariadna sa painting. "Cemetery Lies pala ang tawag sa map na 'to," saad ko matapos makita ang nakasulat sa bandang ibaba ng painting.
"Sinabi na ng doll kanina. Tulog ka kasi no'n," wika niya sabay ngiti sa akin, tinignan ko lang naman siya at 'di rin nagtagal ay tumango na lang.
"Pero infairness, ikaw ang nakahanap sa painting. Kada map siguro ay may ganito. Ay, sandali..." Nagtaka ako dahil bigla siyang napatigil at tumingin sa akin. Sunset na ngayon, kulay orange ang naghaharing mga ulap sa kalangitan at parang painting lang din ang sky ngayon.
"Huwag mong sabihing... ikaw ang sunod na mamamatay?" patanong na saad niya at biglang napapamewang. Lihim naman akong napangiti, may pagka-weird pala ang babaeng 'to.
Siguro ay dahil namatay 'yong lalaking nakahanap ng painting sa unang map kaya ganiyan ang iniisip niya ngayon. Napailing na lang ako bago mapahalukipkip, napatingin naman ulit siya sa akin. Mukhang magkasing height lang kami pero mas matangkad siguro ako sa kaniya ng 1 percent.
"Baka mamaya, ikaw pala 'yong killer, ha?" tanong niya sabay ngisi, natawa naman ako. Maaari nga namang ang kausap mo ngayon ay siya palang pumapatay. No one will know until it's proven.
"Si Kiel 'yon," pagbibintang ko sabay sulyap ulit kay Kiel na as usual ay hindi umalis sa puwesto niya at tinitignan-tignan lang kami habang dinarama ang malamig na ihip ng hangin.
Natawa naman si Ariadna bago nakangiting ilahad ang kamay niya sa akin, nagtaka naman ako. "Ariadna. You can call me Ari for short," nakangiting pakilala niya. Tinanggap ko naman ang kamay niya kaya nag-shake-hands na kami.
"I just want to be called VVV pero para hindi mahirap, V na lang," ngiti ko at nagbitaw na ang mga kamay namin. "But I heard, Valeria ang pangalan mo? Narinig ko sa babaeng 'yon," saad niya sabay turo kay Renee na nasa bandang dulo na pala ng simenteryo kasama ang group of friends niya.
Grabe, ang bilis niya talagang makakalap ng mga kaibigan. Ilinibot ko naman ang tingin ko sa itaas, parang may pananggalang or shield ang lugar na 'to para hindi kami makalabas. Base lang naman sa nakikita ko.
"Yeah... but still, call me V." Napatango na lang siya matapos kong sabihin 'yon. Masasabi kong bagay sa kaniya ang suit na suot niya ngayon tapos nakalugay pa ang straight niyang buhok. Para ngang baggy ang black pants na suot naming dalawa tapos nakasuot pa ng black shoes. Okay na rin 'to para komportable sa katawan at madaling kumilos.
Bigla ay napatingin ako sa kalangitan nang unti-unting maglaho ang liwanag doon at mapalitan ng dilim. Napatulala ako dahil sa pagkamangha, hindi ko akalaing mangyayari 'yon sa isang iglap. Ngayon ay naghahari na ang buwan at mga bituin sa kalangitan. Ang lakas talagang maka-fantasy dito dahil kitang-kita ko ngayon ang mga bituin at literal na starry night ngayon.
Natauhan ako nang kalabitin ako ni Ariadna sa braso. Kunot noo ko siyang tinignan bago sundan ng tingin ang tinitignan niya ngayon at tumigil ang mga mata ko sa malaking puno kung nasaan ako kanina.
Ngayon ay na-gets ko na ang ginawa niyang pangangalabit sa akin dahil may screen na pala ulit na nag-appear doon. Humakbang kami nang kaonti papalapit sa puno para makita namin kahit papaano, medyo nakakalayo na kasi kami tulad nila Renee na naglakad din papalapit sa puno para makita ang screen.
Totoong sa C.R nga namatay si Wilbert. Kitang-kita ngayon ng dalawang mga mata ko ang katawan niyang nakaratay sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo. Hindi rin nagtagal at nawala na ulit ang screen. Sumibol naman ang liwanag sa malaking puno dahil may nakasabit palang lampara roon, ang nag-iisang lampara na tanging nagbibigay liwanag ngayon sa amin.
Lahat kami ay humakbang na papalapit sa malaking puno dahil nababalot na ng dilim ang buong kapaligiran. May naaaninag pa kami dahil sa liwanag ng buwan pero hindi sapat 'yon. Habang patuloy na naglalakad ay napatigil ako nang itaas ni Kiel ang blazer na suot ko sa balikat ko dahil nahuhulog na pala 'yon.
Gulat akong napalingon sa kaniya, nakatingin din siya sa akin ngayon. Hindi ko namalayang siya na pala ang kasabay kong maglakad. Napatikhim ako bago ibotones na ang blazer na suot ko dahil hindi naman 'yon nakabutones simula pa noong simula ng laro kaya siguro nahulog sa balikat ko lalo na't parang siga pa naman ako maglakad.
"You may now all discuss who the killer is." Makalipas ang mahabang minuto ay nagsalita na ulit ang system. Saglit kong sinulyapan si Kiel pero nang makitang nakatingin pa rin siya sa akin ngayon ay dali-dali na akong naglakad palayo sa kaniya at tinabihan na lang si Ariadna.
Baka mamaya ay mag-transform pa siya bigla riyan at maging demonyo. "Guys, sinong sus para sa inyo?" tanong ni Renee. Nag-angat na ako ng tingin sa kanila at nakapabilog na pala kaming lahat ngayon sa tapat ng puno pero may ibang hindi na nagkasya sa pabilog kaya nasa likod na lang sila.
"Ayoko nang mag-share ng opinion, baka mamaya ay may magalit na naman diyan." Napasiring ako matapos marinig ang boses ni Felix. Wala naman kasi talagang kwenta ang opinyon niya kaya 'wag na talaga siyang magsalita d'yan.
"Tell them what you know, Ari." Lumipat ang mga mata ko kay Kiel nang magsalita siya, ang mga mata niya ay nasa tabi ko ngayon. Inshort, kay Ariadna.
Napahinga naman nang malalim si Ariadna bago magsalita, "Like I told you, what I captured last night didn't matter. Therefore, I'll still say it for you." Napatingin ang lahat kay Ariadna nang magsalita siya habang ako naman ay napatango dahil iyon nga siguro 'yong pinag-uusapan nila kanina pa bago ako dumating.
"Naks, Ari. May tawagan," rinig kong bulong ng babaeng nasa tabi ko, napatingin naman ako sa kaniya. May tattoo siya sa leeg, ahas 'yong design. Ngayon ay may palatandaan na ako kung sino siya.
"Food giver. He or she can give a food every night. That's it," pagbabahagi na ni Ariadna sa nalaman niya. Ngayon ay nauunawaan ko na siya dahil wala naman pala talagang kwenta 'yong role. Para saan 'yon? Hindi nga ako nakararamdam ng gutom dito, e.
"Nagugutom ba kayo? Ako kasi, hindi," tanong at saad ni Renee. Napatingin naman ang ilan sa kaniya at umiling. Ngayon ay naiintindihan ko nang hindi kami nagugutom o nauuhaw sa larong 'to.
"Wait, saang team siya? Good or bad?" tanong ng babaeng nasa tabi ko at may tattoo sa leeg. "Uh, neutral like me," sagot ni Ariadna at ngumiti. Tumango naman si Ms. Tattoo girl bago tumingin-tingin na sa paligid.
"Bakit, Coraleen? Papatayin mo ba mamaya?" nakangising tanong ni Renee na ikinabalik ng tingin sa kaniya ni Ms. Tattoo girl. Coraleen pala siguro ang name niya.
"Cora na lang," peke ang ngiti na saad nito bago siringan si Renee. Wala siyang suot na maskara kaya nagagawa kong makita ang mukha niya.
"It's time to vote." Nagulat sila nang sabihin 'yon ng system. Napatingin kaming lahat sa tapat ng puno nang magpakita ulit doon ang timer tulad noong nasa Dangerous Bulb pa kami.
"Ayan! Ang bagal niyo kasi mag-isip kung sino ba," epal na sabi ni Felix. Mabuti nga sa kaniya at walang pumansin sa walang kwenta niyang mga pinagsasasabi.
Dahil Felix loyalist ako, nang isa-isa muling pumasok sa isip ko ang mga pangalan nila ay siya agad ang pinili ko. Mabilis akong bumoto kaya natauhan agad ako. Agad kong sinulyapan si Kiel dahil baka makita ko siyang tulala pero napatigil ako nang makita siyang tulala nga pero kay Ariadna naman.
Sana pala ay siya na lang ang binoto ko kasi puro siya titig! Sarap dukutin ng mata. Nanggigigil talaga ako sa mga taong maharot. Kung ako lang ang killer, shut down talaga siya sa akin dahil sa kalandian niya!
"Teh, okay ka lang?" Natauhan ako nang tanungin ako ni Coraleen at kalabitin ako. Hindi ko namalayang nakakuyom na pala ang kamay ko habang naka-death-stare kay Kiel.
Tinanguhan ko na lang siya bago humakhang papalapit sa puno at sumandal ulit doon dahil nakakangalay tumayo. Nag-angat muli ako ng tingin at nakatingin sila sa aking lahat ngayon. Natauhan na ang lahat so ang ibig sabihin, nakaboto na rin ang lahat.
"Tracey got the most votes..." pag-iinform ng system. Tinignan ko sila at sinubukang hanapin kung sino 'yong tracey dahil hindi ko naman siya kilala. Napatingin ako sa babaeng nasa bandang likod nang mapahawak siya sa tapat ng puso niya.
Napatingin na rin sa kaniya ang lahat. Siya na siguro si Tracey. "You will all die..." Matapos niyang sabihin 'yon ay tuluyan nang sumama sa hangin ang katawan niya at naglaho na lang sa aming paningin na tila isang bula.
"Lights out..." Umihip ang malakas na hangin at unti-unti na naman nitong tinupok ang liwanag ng lampara na siyang tanging nagbibigay liwanag ngayon sa aming lahat.
Napatulala ako at maging silang lahat. Habang patuloy na naghahari sa isipan ko ang nakaguhit na ngiti sa labi ni Tracey bago siya tuluyang mawala, sa hindi malamang dahilan ay tila tumatak sa isip ko ang bawat salitang binitawan niya at maging ang huling tala na nagawa niyang ibahagi sa aming isipan bago tuluyang mabalot ng dilim ang aking paningin.
Tracey's Last Note:
Remember that.
- Survivor.
********************
Æ | Cєѕѕ
© aestheticess
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top