LIGHTS OUT II

[Kabanata 2 - Dangerous Bulb]

NANATILI akong tulala, pilit na iniintindi ang sitwasyon ko ngayon. Ilinibot ko ang paningin ko sa mataas na kisame dahil baka may speaker na nakakabit at doon nanggagaling 'yong boses ng doll pero wala naman akong nakita. Nang magbaba naman ako ng tingin, bigla na lang sumilay ang ngisi sa labi ko matapos mapagtantong nasa loob na nga ako ng laro.

Maaari nga namang maging posible ang imposible pagdating sa fantasy. Kung nananaginip man ako ngayon, sana ay hindi na ako kailanman magising.

"There will be two teams, good and bad side. You all have a different roles. It up to you on how will you play the role perfectly. Killer and detective will take the lead," patuloy ng system. Masasabi kong ang creepy ng boses niya, para talagang 'yong mga doll sa horror movies.

Napaisip naman ako. Ano nga ba 'yong role ko? Innocent? Anong gagawin ko sa role ko, Magpapaka-inosente? Edi nalaman agad ng murderer na good team ako tapos pinatay din agad? Kung sa bagay, 'yon din naman ang gusto ko noong una pa lang so ano naman kung ako agad ang unang mamatay? Whatever na lang.

"Every night, one of you will get killed by the killers. Once the light turns out, expect a body being drowned by its own blood tomorrow." Napataas ang kilay ko at wala sa sariling napangisi muli matapos marinig iyon mula sa system. Grabe, exciting nga!

"The killer can kill his or her own teammate since the leader of the bad team doesn't know what role do you all have, even everyone. The killer has the chance to stay alive if she or he wanted to since the killer is the one that will be responsible for everyone's death." Lumawak ang ngiti ko. Maraming salamat at hindi ako ang naging murderer. I don't want to live with this life anymore.

"I would tell a role that will help everyone, it's a neutral category. Neutral isn't with good or bad team, it is neutral. Neutrals can be teamed with everyone, it's up to them what team they will choose. The role is named 'Photographer', it can captures a role every night. One of you have that role."

"Good luck to everyone's death. May you all stay alive until the lights on!" Matapos niyon ay wala na akong boses na narinig pa mula sa kaniya. Sino kaya 'yong boses doll na 'yon? Si Maria, Leonora, or Theresa?

Lumingon na ako sa likuran ko at natagpuan ko ang mga taong mukhang nakinig sa lahat ng sinabi ng doll kanina. Wala akong ibang nakilala sa kanila dahil sa suot nilang maskara. Ang gaganda nga ng design ng maskara nila, lakas maka-props sa masskara festival. Sa akin kasi ay hindi ko makita dahil wala naman akong salamin na nakikita rito. Ang alam ko lang ay maskara akong suot.

"Valeria!" Napatigil ako at napalingon sa likod ko nang sa hindi inaasahang pagkakataon ay may tumawag sa pangalan ko. Laking gulat ko matapos makita si Renee na kumakaway sa akin ngayon mula sa tapat ng isang kwarto. Nagawa ko siyang makilala dahil hawak-hawak ngayon ng kamay niyang kumakaway sa akin ang maskara niya!

Maging ang lahat ng tao tuloy ay napatingin sa akin at sa kaniya dahil sa pagtawag niya sa akin. Naglakad na siya papalapit sa akin habang ako naman ay napapikit sa inis. Ano ba 'yan! Dapat ay secret ang pangalan ko, e! Kaso, isinigaw na niya. Ano pa nga ba ang magagawa ko?

"Valeria! Oh my gosh, anong ginagawa mo here? I miss you!" nakangiting tanong at saad ni Renee sabay yakap sa akin. Napapikit muli ako sa hiya dahil ang drama niya talaga. Mabuti na lang at may suot akong maskara kaya mata lang ang nakikita nila sa akin ngayon.

Sandali, paano ba ako nakilala ng babaeng 'to? Nakasuot kaya ako ng mask! "Huwag ka ngang maingay," pabulong na asik ko sa kaniya at tinapik muna ang likod niya bago tuluyang kumawala sa kaniya.

Na-miss ko rin naman siya kahit papaano. Renee is my college best friend but since sa U.S na niya ipinagpatuloy ang pag-aaral niya noon ay nagkahiwalay kami. Ngayon na lang ulit kami nagkita after how many years at dito pa talaga, how should I react?

Nakangiti naman siyang tumango ng dalawang beses. Kitang-kita ko ngayon ang dimple niya dahil wala naman siyang suot na maskara. Ang brave talaga ng babaeng 'to kahit kailan. Kababata ko siya kaya naman sobrang kilala ko na siya kahit nagkawalay pa kami.

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko naman sa kaniya. Napatigil siya matapos marinig ang malamig kong boses, alam kong alam niya na hindi naman ako ganito noon.

Kasama ko pa ang walang kwenta kong ama during my college days kaya masaya pa ako no'n, hindi pa niya kasi kami ipinagpapalit no'n sa babae niya. Sumama tuloy ang timpla ng mukha ko matapos silang maalala.

Nagitla man ngunit pinili pa rin ni Renee pagaanin ang sitwasyon. "Huh? Hindi, ah! Hindi naman kasi ito ang gusto kong laro. May epal kasing Ginie na tumulak sa akin dito kaya ngayon makikipaglaro na ako sa buhay ko," sagot niya at biglang napasimangot. Napangiti ako ng kaonti dahil sa sinabi niya pero mabuti na lang at nakasuot ako ng maskara.

Sabay naman kaming napalibot ng tingin sa kapaligiran nang magsimulang umugong ang usapan. Nagsimula nang mag-usap at magkilalanan ang lahat. Nagpaalam din muna si Renee bago umalis sa tabi ko dahil mukhang gusto niya ring makipagkaibigan sa iba. Sinundan ko siya ng tingin at nakipag-usap nga siya sa iba. Infairness, ang ganda at classy tignan ng mga tuxedo na suot namin.

Naiwan na akong tulala at mag-isa sa tabi ng upuan. Ang gulo talaga ng mga tao kahit saang parte ng mundo. Ano ba talaga ang point para magpunta kami rito? Magpakamatay o makipagkaibigan?

Napailing na lang ako bago mapadapo ng tingin sa isang lalaking nakasandal ngayon sa pader, siya ang lalaking nasulyapan ko kanina. May mga taong dumadaan sa harapan niya papunta sa iba't ibang direksyon pero mukhang wala naman siyang pakielam. Hindi nga nagalaw sa pwesto, e.

Pero napatigil ako nang bigla ay dumapo ang mga mata niya sa akin. Nakasuot din siya ng maskara na kulay itim pero nagawa ko pa ring masilayan ang mga mata niyang nakahahalina.

Napalunok ako bago wala sa sariling humakbang papalapit sa kaniya ngunit 'di kalaunan ay agad din akong napatigil matapos mapagtanto kung ang ginagawa ko ngayon. Bakit ko siya lalapitan? Ano 'yon, feeling close?

Para tuloy akong ewan na naka-stop-by ngayon sa direksyon papunta sa kaniya. Hindi rin naman siya masyadong mapapansin dahil malayo siya sa orange light bulb na siyang tanging nagbibigay liwanag sa kapaligiran. Black pa ang suot naming lahat. Mabuti na lang at naaninag ko pa rin siya.

Napalingon ako sa mga taong nagtitipon-tipon na ngayon sa mahabang lamesa kung saan ako nagising kanina. Saan ba nanggaling ang mga taong 'to? Hindi ko sila mabilang pero sa palagay ko ay nasa twenty plus kami rito sa laro. Para kasi silang mga kuto na nagsisiksikan ngayon sa lamesa.

Nang magbalik naman ako ng tingin sa direksyon ng lalaking loner ay laking gulat ko matapos ma-realize na naglalakad na siya ngayon papalapit sa akin!

Sa hindi malamang dahilan ay hindi ako nakagalaw. Tila naistatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa gulat. My gosh! Ano nang gagawin ko? Babatiin ko ba siya? Ngingitian? Sasakalin?

Nanatili akong nakatitig sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang makalapit. Itinaas ko ang kamay ko at kumaway bilang pagbati pero napanganga ako nang lagpasan niya ako. Gulat ko siyang sinundan ng tingin at tila tinalikuran ako ng mundo matapos mapagtantong ang lalaking nasa likuran ko pala ang linapitan niya!

Nag-shake-hands sila. Mabilis ko namang ibinaba ang kamay ko at hinawakan 'yon bago lumayo sa kanila na tila walang nangyaring kahihiyan sa akin. Napakagat ako sa labi ko at napapikit dahil sa hiya. Ano ba 'yan! Mamamatay na nga lang ako, napahiya pa!

Nanatili akong nakapikit, hinihiling na sana ay pumatay na ang ilaw at ako na ang mamatay ngayon din. Matapos ang napakahabang panahon, ngayon ko lang ulit naranasan na mapahiya ng ganito! Sana ay hindi napansin ni Kuya ang pagkaway ko sa kaniya. Magpapalamon na talaga ako sa lupa kung nakita niya man kahit pa walang lupa rito!

"Miss..." Napatigil ako matapos marinig ang malalim na boses ng lalaki mula sa likuran ko. Nanatili akong nakatalikod, sinisiklaban na ako ngayon ng kaba dahil sa naisip na baka si Mr. Loner ang nasa likod ko ngayon.

Makalipas ang isang minuto ay wala namang nagsalita pa. Napahinga ako nang malalim at humarap na matapos maisip na baka umalis na rin siya dahil hindi ko siya liningon at pinansin. Ngunit hindi na ako muling nakatalikod pa matapos tumambad ng lalaking iyon sa harapan ko ngayon!

"Nahulog," patuloy na niya at ilinahad ang kamay sa tapat ko. Napatingin ako sa palad niya at nakita ko ang isang pirasong hikaw na siyang hikaw ko. Napahawak ako sa kabilang tenga at may nakasuot doong earrings habang sa kabila naman ay wala.

Hindi ko napansin na may suot pala akong earrings. Siguro ay nahulog 'to kanina dahil sa biglaan kong pagtalikod. Kinuha ko na sa palad niya ang hikaw kong silver at muli iyong sinuot sa tainga ko. Habang sinusuot ko 'yon ay sandali akong napatulala sa kawalan matapos maalala ang taong nagbigay sa akin nito noon.

Nang tuluyan ko nang mabalik sa tainga ko ang hikaw ay muli na rin akong nagbalik ng tingin sa kaniya. Nakatingin pa rin siya sa akin ngayon. Pareho kaming nakasuot ngayon ng maskara pero hindi ko alam kung bakit tila pamilyar na siya sa akin.

"Valeria, right?" tanong niya, nanatili naman akong nakaangat ng tingin sa kaniya dahil hanggang balikat niya lang ako. Nagmimistulang kulay kahel ang kulay ng balat niya dahil sa light bulb na umaabot na ngayon sa amin pero sa palagay ko ay tan ang kulay ng skin niya, ganoon din naman ako. Siguro ay narinig niya rin kanina 'yong pagsigaw ni Renee sa pangalan ko.

"Just call me VVV." Tinanggihan kong sagutin ang tanong niya. Valeria Vien Velazquez is the name, VVV as acronym. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin kaya medyo nahiya na ako.

Napatikhim ako bago ilahad ang kamay ko, nakikipag-shake-hands sa kaniya. Mukhang natauhan na siya mula sa pagkakatulala sa akin at tinanggap ang kamay ko. "Kiel," pakilala niya naman. Napatango ako habang magkahawak pa rin ang mga kamay namin.

Nakababa ang mga mata ko kaya napatingin ako sa pulso niya. Bigla ay may naalala na naman ako. Isang tao na siyang dahilan para mapunta ako rito, my ex. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin 'yong araw na nagpa-tattoo kami sa palapulsuhan, noong kami pa.

Dumapo naman ang tingin ko sa pulso ko at tulad ng dati ay nakita ko na naman ang maliit na tattoo roon na siyang palaging nagpapaalala sa akin sa kaniya. It was the figure eight symbol. Pareho kaming nagpalagay ng tattoo noon sa pulso namin para partners kuno. Ang sabi nila, infinity symbol signifies the concept of limitlessness or eternity. And all I thought that time is that... our love will be unending.

Pero akala ko lang pala 'yon. "Guys, Look! May painting!" Sabay kaming napalingon ni Kiel sa sumigaw. May isang lalaki sa labas ng isang pinto at may hawak na lamp. May itinuturo siya sa loob ng kwartong 'yon, tila yinayaya kaming tignan din ang nakita niya.

Napalingon naman ako kay Kiel nang bitawan na niya ang kamay ko. Sinubukan kong silipin ulit ang pulso niya pero natakpan na 'yon ng suot niyang blazer na itim. Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa humakbang na siya papalapit sa mga taong ngayon ay sunod-sunod nang naglalakad papasok sa loob ng kwarto.

Napakagat ako sa ibaba kong labi, sure naman ako na wala akong nakitang kahit ano sa pulso niya. Muli akong napaangat ng tingin sa kaniya at napatigil ako dahil tumigil pala siya sa paglalakad at nilingon muli ako. Sinulyapan niya ako bago ituro ng mga mga niya ang direksyon kung nasaan ngayon ang mga tao. Tila ipinahihiwatig niyang magpunta na kami ro'n.

Napalunok ako bago nagsimulang humakbang papalapit sa kaniya. Nang malapitan siya ay nagsimula na rin siyang maglakad papasok sa kwarto habang ang kamay niya ay nasa magkabilang bulsa. Napahinga ako nang malalim bago sundan siya at naglakad na rin papasok sa loob.

Nang makapasok sa loob ng kwarto ay ilinibot ko ang paningin ko pero wala rin naman akong makita. May mga nakasabit na lamp sa bawat sulok ng malaking kwarto at 'yon lang ang tanging liwanag na nagbibigay sa kwartong 'to. Tumingkayad ako para tignan kung ano ba 'yong sinasabi nilang painting.

Itinapat ng lalaking tumawag sa amin ang lamparang hawak niya sa painting kaya nagawa na naming makita ang misteryosong obra na itinutukoy niya. Namutawi ang pagkamangha sa mga mata matapos ma-realize na ang lugar na 'to ang siyang nakaguhit ngayon doon.

Empty na hapag kainan ang unang mapapansin sa painting at ang light bulb sa itaas na color orange ang dala. Ang dalawang 'yon lang naman ang kapansin-pansin dahil kadiliman na ang nasa paligid ng painting.

"Dangerous Bulb..." Napalingon ako kay Kiel nang mahina ang boses niyang sabihin 'yon. Nasa tabi ko siya, kaming dalawa ngayon ang nasa pinakalikod dahil kami rin ang pinaka-late na dumating sa kwarto.

"Wait, sulat ba 'yon?" tanong ng boses na alam kong galing kay Renee. Napatingin naman sila sa itinuro nito sa bandang ibaba ng painting.

"Dangerous Bulb?" patanong na basa ng isang lalaki, napatango naman ang karamihan. Mabilis akong napaangat ng tingin kay Kiel matapos ma-realize na ang pangalan ng map na 'to pala ang sinabi niya.

Paano niya nabasa 'yon? Ang liit kaya ng sulat tapos kulay itim pa 'yong pinangsulat. Natauhan ako nang humakbang na siya paalis, sinundan ko naman siya dahil ang crowded na masyado sa loob ng kwarto.

Nang bigla ay umihip ang malakas na hangin na hindi ko alam kung saan nanggaling dahil wala namang bintana rito. Namatay ang apoy sa bawat lampara kaya nabalot ng dilim ang silid kung nasaan sila ngayon. Napaangat naman ako ng tingin sa light bulb nang magpapatay-patay siya.

"Lights out..." Sa muling pagkakataon ay narinig ko ang boses ng doll at kasabay niyon ay ang tuluyang pagkamatay ng ilaw ng light bulb.

Nabalot ng dilim ang buong kapaligiran. Hindi ako nakagalaw dahil wala naman akong makita. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko ngunit hindi ko na nagawa pang makilala kung sino ang taong iyon dahil sa muling pagkakataon ay nawalan ako ng malay.

********************
Æ | Cєѕѕ
© aestheticess

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top