1.1
“ Ano ba yan! Ang ingay ng aso mo!”sigaw sa akin ng babaeng kaharap ko.
Hindi ako natinag sa naging sigaw niya bagkus nanatiling deretsyo ang aking paningin na para bang walang naririnig, tanging ingay lang nang tren at ingay sa paligid ang aking pinagtuunan ng pansin. Patuloy lang sa pagtahol si Chantel hinayaan ko lang siya.
“Kairita ang ingay! Bakit hindi moba yan patigilin!” galit na saad ulit ng babae.
Nagkaron ng maraming bulungan ng bigla pa niyang ipadyak ang sapatos sa sahig, ganoon nalang ang kaniyang pag-iinarte na naging sanhi ng lalo na pagtahol ni Chantel sa kaniya.
“Kairita! Dapat hindi nagpapasakay ng aso dito sa tren,” reklamo pa ulit sabi niya.
Tumayo ako ng maramdaman ang pagtigil ng tren.”Hindi rin dapat sumasakay ang maarteng tulad mo dito.”
“ What! Seriously?” may pag-iinarte pang sabi pa niya.
Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paglabas. Iniisip kong napakawalang kwentang makipagtalo sa katulad niyang napaka-arte.
Nakarating kami ng unit na hindi nagrereklamo si Chantel tahimik siyang pumunta sa balcony napagod siguro kaya hinayaan kona siyang magpahinga.
Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang pinto at itinapat ang mukha sa monitor.
“Welcome back Ms.Jaci!”
Bumukas ang pinto tulad ng inaasahan ko. Bago hubadin ang gloves sa kamay ay kumuha muna ako ng tubig mula sa mine ref. Tulad ng pag-alis ko kanina nanatiling tahimik ang bahay. Walang bago, tanging ang huni lang ni Tayler ang nag-iingay sa sala.
Nagsimulang kumalam ang tiyan ko marahil gutom na. matapos kong ubusin ang isang basong tubig ay pinili ko nalang magtungo sa sala at umupo sa sofa. Hihintayin ko nalang si Yenne para sa umagahan. Umakyat muna ako sa kwarto para makapagpalit.
Hindi rin nagtagal narinig ko na ang malakas na boses nito. Nariyan narin siya matapos ang maraming taon. Bumaba narin ako dahil sa gutom.
“ Ya! Stop calling me soju! I am Che-ye-nne not Soju!” sigaw ni Yenne.
Nagmumula ang boses sa harap ng pinto, Kinakausap na naman niya siguro si Aji na system monitor nitong unit.
“ Magluto kana, gutom na ako,” saad ko para makuha ang atensyon niya,
naamoy korin ang dala nitong hipon. Mukhang namalengke pa siya. Hindi ko nalang ‘yon pinansin at dumiretsyo agad ako sa sofa at naupo.
“ Phew! Anong magandang gawin sa hipon?” tanong pa ni Yenne ng makalapit ito sa’kin.
Napakunot-noo ako dahil ang ingay ng takong ng heels niya. Namalengke lang ang ginawa niya, nakaheels pa. Pambihira.
Bored na bored naman akong binuhay ang TV, Pinatay rin ng marinig ang mga balita tungkol sa murder, Napakawalang kwenta.
“Adobohin mo nalang,” walang-gana kong tugon.
“ What? Ptt… anong adobo? Seryuso ka ba? Ngayon ko lang nalaman na inaadobo pala ang hipon,” nangi-insulto niyang sabi.
Sa’kin pa kasi nagtanong tsk nilaga at pritong itlog lang ang alam ko, malasado pa.
“ Iprito mo,” walang-gana ko ulit na saad.
Sinandal ko ang aking likod sa sofa. Gusto ko siyang asarin, pustahan na napataas ang kilay niya sa biro ko. Hindi ito kumuntra at nagsimula ng mag-ingay ang heels niya papuntang kusina.
Kabisado ko na ang buong bahay kahit gano pa ito kalaki kahit sulok nito amoy ko kung saan. Habang hindi pa tapos si Yenne sa pagluluto nagtungo ako sa balcony. Naupo ako ng marahan sa swing sofa na narito kung saan katapat nito ang kabilang building. May mga lights dito na siyang nagsisilbing liwanag. Tulong kami ni Yenne para maayos ito.
Hindi ako nagkamali na nandito si Chantel. Paborito naming tumambay dito. Dito ang presko sa pakiramdam dahil sa mga halaman na inaalagaan ni Yenne. Sabihin na nating plantita siya at ako naman ang taga sira ng halaman niya. Madalas tuloy niya akong pagalitan dahil namamatay ang halaman niya tuwing hinahawakan ko.
Kinapa ko ang balahibo ni Chantel. “Hmp.. gusto mo bang kumain ng hipon , Chantel?”
Kinapa ko ang balahibo niya at hinimas ‘yon ng mainam. Nilaro rin ng daliri ko ang buntot niyang kulot kulot, medyo basa pa ‘yon , akala ko natural lang ‘yon galing sa pagta* niya pero hindi.
Napatigil ako sa pag-suyud sa buntot nito ng makapa ang malapot na likido. Nacurious ako at tinapat ang daliri sa ilong. Muntik akong masuka dahil sa mabahong amoy no’n buti napigilan ko. Tumayo ako at kinuha ang kadena. Ramdam ko ang sakit ng tiyan niya, Dinala ko siya sa sala, si Yenne nasa kusina parin.
“ Yenne, magbihis ka. Kailangan nating pumuntang clinic,” sigaw ko para marinig niya sa kusina.
__
“ Stable na ang lagay ni Chantel, make sure na sa susunod wag siyang pakainin ng Kung ano-ano,” saad ni Dr.Rys.
Dapat lang. Sayang ang perang binayad namin dito kung hindi parin siya magiging stable. Medyo nakahinga ako maluwag.
“ So sinasabi mo Doc na pinapakain namin ng Kung ano-ano si Chantel?” tanong ni Yenne Kay doc.
Tumikhim muna si doc bago sumagot.
“ Maybe, Marami pwedeng maging cause ng diarrhea when it comes to food with different kind of taste, it depends o---”
Pinutol naman ni Yenne ang sasabihin nito.“ Okay na doc, no more chika na,Okay. I get what your point.”
“ buti nalang magaling kumilatis ng sakit itong kaibigan ko kahit b—”
Nilingon ko si Yenne at tinitigan ng matagal para matigil ito sa pagsasalita.
“ Ahh.. hehe thanks Doc,” may mahina nitong sambit.
“ No problem, Buti nalang naagapan n’yo. Diarrhea it may cause of death, lalo na sa aso. Paano mo nga pala ‘yon nalaman?” tanong pa ni doc.
Hinihintay ko kung sasagot si Yenne, Akala ko siya ang tinatanong, Ako pala.
“kadalasan naglalabas ng malapot na likido ang aso, kapag nasubrahan ang kaniyang pagdumi. Dapat alam mo ‘yon dahil doctor ka,” seryuso kong tugon.
Hindi ko naman nakita ang naging reaksyon niya ngunit isang matunog na ngisi ang kaniyang pinakawalan.
Hindi rin nagtagal ay lumabas na kami ng vet clinic. Hawak ko ang tali ni Chantel. Si Yenne naman ang may hawak ng susi para sa pag-dradrive.
“ Argh I’m starving! Kain muna tayo sa mall!” reklamo na sabi ni Yenne.
Medyo nagutom narin nga ako. Hindi na kami nakakain sa bahay dahil sa kalagayan ni Chantel, sayang ‘yong hipon ni Yenne. Inayos ko muna ang shades ko bago sumunod paloob ng kotse sa tulong ng paghigit ni Chantel sa ‘kin.
Maayos na siya hindi katulad kanina na mahina.
Nakarating kami ng mall at mabilis na nakahanap ng restaurant si Yenne. Pagkatapos namin kumain ay napagdesisyunan din naming bumili ng grocery at iba pang gamit sa bahay. Total narito narin naman kami, sayang sa gasolina.
Tumigil si Yenne sa paglalakad at pumihit ang heels paharap sa’kin “Jaci, alam mo naman siguro ang pasikot-sikot nitong mall no? Dito kalang may titingnan lang ako sa women garments. Huh?” Imbis na sumagot ay tumango Na lang ako.
“ Do I need the timer for two hours, Yenne?” seryuso kong tanong.
Sinet ko narin ang relo para sigurado,Tss. Hindi lang two hours minsan inaabot ng five hours ang pagshoshopping nya sa Isang shop
Pambihira.
“ Mabilis lang ako tsk! Wag kang aalis dyan, babalik ako!” sigaw niya. Mabilis pang tumakbo dala ang maingay na takong. Napailing ako at inilagay ang kamay sa bulsa ng coat habang ang isa ay nanatiling nakahawak sa tali ni Chantel.
Nabigla rin ako ng bigla akong higitin ni Chantel. Napasubra yata ang pag-galing niya.
“ Chantel! San ba tayo pupunta!” Napakunot-noo ako ng marami ang nakakabunggo sa ‘kin dahil sa bilis ni Chantel. Hirap ako para pigilan siya dahil sa dulas ng tali at ng gloves ko. Sabi ko naman kasi kay Yenne palitan ng tali tong si Chantel. Hindi parin pala ginawa.
Pilit kong pinakalma ang sarili gamit ang paglalim ng hininga at malalim netong pagbuga. Tumigil rin kami sa wakas, purdyos pinawisan ako!
Madiin kong tinuktok ng kamay ang noo dahil sa sakit.
Mananagot talaga sakin si Yenne sa pag-iwan niya sa ‘kin dito.
Napatigil ako sa paghinga at namula, matapos no’n ay nahatsing. Pucha..
“ Chantel! Bakit moko dinala dito?!” humihingal kong saad.
Napatakip ako ng ilong. Hindi ko talaga kinakaya ang amoy nito. Purdyos!
“Hindi ba pwedeng si Yenne nalang ang bumili ng paborito mo?” tanong ko pa.
Arggh Hindi ko na kaya ang amoy. Umungot siya ‘yong tipong nagmamakaawa.
Hinila ko ang tali niya pero siya hindi nagpahigit “ Saka nalang tayo bumili.”
Hatsing! Arggh this is driving me crazy. Napaipit tuloy ako ng ilong dahil sa amoy.
Wala rin akong nagawa kundi ang bumili no’n kahit labag na labag sa loob ko na bumili ng fresh beef. Pinabalot ko pa ‘yon sa makapal. Pambihira. Hindi pa kami nakakaalis ng beef shop ng may bumunggo sa’kin. Nalaglag ang dala kong plastic bag, Nabitawan ko rin ang tali ni Chantel, Bigla pa akong nahilo. Babae siya base sa timbang ng paglalakad nito.
“ I-Im sorry,” natataranta niyang saad
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top