Chapter 8
"Binili kita ng damit, sukat mo nga."
Inabot niya sa akin ang paper bag na dala niya. Kaya pala ang tagal niya sa labas, ang paalam kasi niya ay bibili lang siya ng pagkain dahil nauubusan na siya ng stocks. Isa isa kong inilabas ang pinamili niya. An oversized sweater, a jogging pants and a pair of undergarments. Wow. Just wow.
"Hindi naman mainit sa pilipinas, ano?" sarkastikong tanong ko sakanya at itinaas ang sweater at jogging pants na binili niya.
"What? I don't want you to wear those thin clothes! What do you call 'em? Crop tops?" maarteng tanong niya sa akin. Nakasalubong pa ang kilay niya.
"Sana T-shirt nalang binili mo." I looked at him flatly.
"Kuha ka nalang sa closet ko," he said and turn his back on me. Probably going to prepare our foods.
Hindi na ako nahiya at nagkalkal na ako sa Closet niya. He has a lot of branded clothes, start from the not so famous clothing line up to the famous one like Gucci. Kingina ang sarap talaga mabuhay sa mundong ibabaw kung ganito ka kayaman!
Hindi ko intensyon ang mangalkal ng sobra pero inaakit ako ng mga collection niya. Sobrang organise niya sa mga gamit niya, nakasalansan ng maayos ang mga briefs at boxer shorts niya, my face heated up when I remember his friend down there. Fuck, it's huge! Paano ko nakaya 'yon?!
"Nakapili kana?" tanong niya sa akin. He walked towards me and immediately grab my waist. Lagi siyang nakapalupot sa akin kapag kami lang dalawa.
"Ang mamahal ng mga damit mo," I scratch my head using my pointing finger. He laughed a bit and kiss my temple.
"Pili ka lang ng gusto mo," he whispered while caressing my stomach.
"Bat kasi ang mahal?!" reklamo ko sakanya. Humiwalay siya sa akin at siya na mismo ang pumili ng damit para sa akin. He opened another door, bumulaga sa akin ang mga damit na usually suot niya. He picked the simple white T-shirt and gave it to me.
"Hindi yan mahal wag kang mag-alala," he chuckled before pushing lightly towards the bathroom. "Ligo na! Aalis pa tayo diba?" paalala niya sa akin.
I quickly get into the shower room and freshen up. Nag chat na ako kay Ninang kanina para ma schedule ulit ang check-up ni mama, pero kung ganoon pa din ang gustong mangyari ni Ninang baka pumayag na ako. I badly want to see her smiling and talking happily to me again. Nami-miss ko na ang mama ko.
Kumain lang kami ni Xyrus bago kami umalis sa condo niya. Dumaan din kami sa Drive thru para sa pagkain nina Lola at Mama. Tiyak na matutuwa si Lola sa iuuwi ko ngayon. Wala sina Kitten sa usual spot nila kaya tumuloy na kami sa bahay, nakita ko si Lola na nagwawalis sa may harapan habang si mama naman ay nakaupo.
"Lola!" I shouted the moment na makababa ako sa sasakyan. Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya.
"Batang 'to! Parang hindi tayo nagkita ng isang taon!" tinampal niya ako ng pabiro. "Kaninong sasakyan iyan?" tanong ni Lola, habang nakapamaywang at nanliliit ang mata.
Paunti unti iyong nagbabago habang bumababa sa sasakyan si Xyrus na dala ang pagkain na binili namin kanina. He walked towards us like an international model, kulang nalang ay red carpet at mga paparazzi! Gwapo ni Mayor.
"Good morning po, Lola!" he greeted at agad nagmano kay Lola. He's smiling widely at Lola. Habang si Lola naman ay kinikilatis ang mukha nito.
"Gwapo," bulong ni lola. Namula agad si Xy at nagkamot sa batok. Pa humble ampotek.
"Salamat po." he bit his lower lip. Ako den pakagat.
"Aha!" nagulat kaming dalawa ni Xy sa biglang pagsigaw ni Lola.
"Bakit po, Lola?" nagtatakang tanong ko sakanya.
"Siya yon! Yung kahalikan mo sa labas ng bahay at yung pinatungan mo noong nakaraan!" tuwang tuwang sabi ni Lola sa amin.
Sunod sunod na umubo si Xy, nabulunan ata sa sariling laway ang gago. Hawak pa niya ang dibdib niya at nakatalikod sa amin, his ears was now so red, as usual. Sinuway ko si Lola at lumapit kay Xyrus para hagurin ang likuran nito at bahagyang tinapik tapik. Pasalamat siya at hindi ako sinumpong ng kademonyohan.
"Ayos na ako," he said hoarsely.
"Inumin mo na yung soft drinks," natatawang sabi ko sakanya. He glared at me playfully.
"Siya yon diba?" bulong sa akin ni Lola. Nangungulit pa din.
"Opo, La. Gwapo no?" bulong ko pabalik sakanya. Ngumisi siya sa akin at kinurot ang magkabilang pisngi ko.
"Ang galing mong pumili ng papatungan!" she sounds so proud of me dahil gwapo ang pinatungan ko. Natatawang napailing nalang ako kay Lola.
"Ano daw?" tanong ni Xyrus sa akin. Agad kong itinulak palayo ang mukha niya sa akin, napaka chismoso talaga! "Si mommy ba yun?" he ask and pointed my mother. Tumango lang ako sakanya.
Umalis siya sa tabi ko at agad nilapitan si Mama. Kinuha niya ang kamay nito at agad nagmano, parang may humaplos sa puso ko dahil sa ginawa niya. He didn't judge my mom and he respect her so much. Umupo siya sa tabi ni Mama at masigla niya itong kinausap, even though my mom didn't response at all, patuloy pa rin si Xyrus sa pagkausap.
"Ang bait na bata, Greta." nakangiting sabi ni lola sa akin. She's smiling like me while watching Xyrus trying to make a conversation with my mother. Bagay na madalas hindi ko magawa dahil sa trabaho at pag-aaral na pinagsasabay ko.
"Wag kang umiyak, inayos ko na ang mama mo. Papa check up mo ba ulit? May pera ka pa ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
"Tumulong po yung mga kaibigan ko, La. Sakto pa naman po yung pera." nakangiting sagot ko sakanya. Hinagod niya ang likod ko at niyakap ako sa may baywang.
"Proud ako sayo nak. Kinaya mo ang buhay kahit ganito ang sitwasyon niyo," mangiyak iyak na sabi ni Lola sa akin.
"Ilan taon din po akong nasa dilim lola, may nagbibigay na ng liwanag sa buhay ko ngayon. Sapat na para maka ahon ako sa dilim." I said and smiled genuinely to her.
"Wag mo nang papakawalan yan ah? Osya. Uuwi muna ako sa bahay at maliligo. I text mo nalang ako okaya tawagan kapag nakauwi na kayo!" paalam sa akin ni Lola. Tumango lang ako sakanya at hinabilinan pa niya ako ng kaunti bago siya lumipat sa bahay nila.
Nakangiti akong lumapit sa lugar nina Mama at Xyrus. Hawak hawak ni Xyrus ang kamay ni mama habang nagk-kuwento nang kung ano-ano, kung paano niya ako kausapin ganoon din siya kay mama.
"Miss na po kayo ni Greta. Pagaling napo kayo, Mommy!" nakangiting sabi niya kay mama pero hindi ito kumibo. Umangat ang tingin niya sa akin.
"Thank you..." I mouthed.
"Lahat... Para sayo." he said with his outmost sincerity.
Hawak niya ang kamay ko habang kinakausap niya si mama, nakangiti lang ako habang pinapanood ko sila. He's casually talking to my mother like he already knew her for a long time. Ganoon siya ka feeling close or should I say ka komportable na tao. Isa yon sa mga nagustuhan ko sakanya, alam niya kung paano huliin ang kiliti ng isang tao at makasundo agad ito.
"Greta, still the same. I suggest to bring her in to mental health hospital." Doctora said while playing her pen on the table.
"Paano po yung gamot?" tanong ko. Matagal na 'yon iniinom ni mama.
"Her body refused to take the medicines, Greta. I also suggest to stop that one, Possible na magka complications sa internal organs ni Margo." tumango tango ako kahit wala na akong naiintidihan sa sinasabi ni Doctora. "Bilisan mo mag desisyon, Greta. It's been a long overdue. Hindi aayos ang mama mo sa katigasan ng ulo mo." madiin na sermon sa akin ni Doctora. She's now talking to me as a friend of my mom. At bilang isang Ninang sa akin.
"Isang araw po. Isang araw nalang po, mag-iisip ako at gusto ko pang makasama si Mama." Doctora Jiongco sighed and nodded her head.
Wala ako sa sarili habang pauwi kami. Patingin tingin lang sa akin si Xyrus at paminsan minsan na hinuhuli ang kamay ko at pinipisil. I forced myself to smile whenever he do that. Tumingin ako sa likod at nakita si mama na nakatingin sa labas ng bintana. Magiging maayos ba talaga si mama kapag pinasok ko siya doon?
"Kanina pa malalim ang iniisip mo.." he said as he kissed the back of my hand. Nasa loob na kami ng bahay ngayon, at nagpapahinga na si mama sa kwarto naming dalawa.
"Gusto ni Ninang na ipasok na si Mama sa Mental health hospital. Xy hindi baliw si mama!" naiiyak na sumbong ko sakanya. He pulled me closer and let me sit on his lap. He hugged me sideways and draw a small circle on my stomach. It helps me to calm down. I felt so relax.
"Why don't we try it, hmm? Let's take the risk, babe." he whispered as he planted a small soft kisses on my jaw. "I'll be with you, babe." he said and make me face him, he kissed me fully on the lips.
"Okay, sasabihin ko kay ninang." I said and he smiled at me. Looking so proud because of my decision.
"That's my babe, right here." he playfully said and tried to tickled me.
We we're laughing happily when his phone rang. I glance at his phone screen, his mother was the caller. But he didn't answer it, nagtataka ko siyang tinignan.
"I think, I need to go home babe." malungkot niya akong tinignan. Para siyang mawawala ng taon kung makatingin siya sa akin.
"Uuwi ka lang, Xy. Hindi ka mag a-abroad!" natatawang tinampal ko ang magkabilang pisngi niya at pinaggigilan. Damn this man features, kabaligtaran ng ugali niya! He's to soft for this rough features!
"Good bye. See you tomorrow..." paalam niya at dahan dahan akong ibinibaba sa sofa. He claimed my lips one more time. He suck my lower lip harder, bahagya niya pa itong kinagat at pabirong hinila.
"Alis na! Good bye." tulak ko sakanya. He kissed me again but this time sobrang gaan lang.
"Bye..." he whispered and turned his back on me. Nakatingin lang ako sa may puwetan niya habang naglalakad siya palabas ng bahay. Biniyayaan talaga siya. Ang unfair!
Hindi ko na inistorbo si Lola dahil wala naman akong gagawin ngayon maliban sa mga nakatambak kong assignments at activities, nagpaalam din naman ako kina Bree na hindi ako papasok dahil sa check up ni Mama. They automatically say yes, para din daw makapagpahinga sila.
I didn't notice the time, hindi tuloy ako nakapagluto ng dinner. Buti nalang talaga at kapit bahay lang namin si Lola, siya na ang nagpakain kay mama at sinabihan ako na ituloy nalang ang mga gawain ko. Lintek na mga minor subjects! Wagas magpa assignments at activities, demanding pa kaysa sa mga major! I glance at my phone. My lips formed into a smile when Xyrus name popped up.
Xyrus Stephen: What are you doing babe? Still awake?
May bago na siyang endearment sa akin. In all fairness.
Greta: Gising pa Ako. Gumagawa ako ng assignments. Nakauwi kana?
Okay. I sounded like a girlfriend here.
Xyrus Stephen: Yep and Same. Send some ideas..
Below his chat was a photo. Buti nalang at naisipan kong mag pa load! Ang ganda ng pagkaka sketch niya! Hindi ako agad naka reply sa kanya dahil inuna ko munang tinapos ang essay sa sinasagutan ko.
Xyrus Stephen: Seen. May ka chat ka na banag iba? Ayaw mo na sa akin? Bakit? Tell me why?
Anong drama 'to?
Greta: Slr. Tinapos ko lang yung essay ko.
Xyrus Stephen: Ain't nothing but a heart ache...
Pinagsasabi neto?
Greta: ???
Xyrus Stephen: Awts. Pain. Cold.
Greta: Baliw ampota! HAHAHA
Napailing nalang ako sa trip ng lalaking 'to. I smiled when I realized something. He called me pearl, but among the pearl in the ocean. Ako yung madilim. I may be smiling and do some silly stuff in front of him and my friends but the truth is... Darkness is slowly swallowing me. My life is problematic that I choose to smile and tried many times to light up my world but miserably failing.
Xyrus Stephen: Busy ka ba? Mamaya nalang ako mangungulit. :)
Ilang taon na ba akong nabubuhay sa dilim? Nasasanay na ako, but god gave me a light. Naalala ko yung sinabi ko kay Lola kanina. May nagbibigay na ng liwanag sa buhay ko ngayon.
You set the nickname for Xyrus Stephen to Light.
I smiled when I saw his nickname on messenger. The word 'Light' suits him well. He became my light the moment he entered my life.
Xyrus Stephen: Light?
I want to teased him but decided not to.
Greta: You became The Light of the Pearl, Xy.
I replied. He is the Light thats keeping me sane, the light that gives me a lot of reasons to live.
____________________________________________
New book cover yay! Thank you Dawnvellichor 💙
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top