Chapter 5
"Sama mo na ako..."
Pangungulit sa akin ni Xyrus. Kanina pa ito nangungulit na sumama sa Cafe at tulungan akong mag trabaho. Holiday ngayon kaya napagdesisyunan nalang namin na kami nalang ang magbubukas ng Cafe. Sayang din ang araw, laman ng tiyan na din 'yon. Nakasuot lang ako ng simpleng T-shirt na puti at faded pants at pinarisan ng sneakers, yung nabibili sa tiangge dahil kapos kami sa pera.
"Anong gagawin mo dun? Umuwi ka nalang sa inyo at magpahinga!" I hissed. Para siyang bata sa pangungulit sa akin ngayon.
"Ayoko nga sa condo ko. Sama nalang ako sayo." he said while pouting. Yumakap pa siya sa may baywang ko kaya napatingin ako sakanya. My heart skip a beat whenever he will hugged me sideways.
"Oo na!" sagot ko para tanggalin na niya ang kamay niyang nakapalupot sa baywang ko.
Baka mamaya ay bigla na naman pumasok si Lola dito sa bahay at sigawan na naman kami ng "Bakit kayo sa sala nag sh-shoot ng porn?!". Tangina, buti nalang dumating si Lola. Kung hindi wala na ang pinaka ingat ingatan ko ngayon, kung hindi dumating si Lola malamang talaga na nagpadala ako sa kalandian ng katawan ko! My gosh!
"Yes!" Umupo siya ng maayos at sumuntok pa sa ere.
Hinayaan ko nalang siya at inayos ang gamit ko. Ang sabi ni Breeyana, susunduin nila ako ni Mj. Kaya hindi ako sasabay kay Xyrus papunta sa Cafe kung pupunta man talaga siya doon at tatambay.
"Hatid na kita," pinalupot niya ulit ang braso sa may baywang ko.
"Sasabay ako kina Bree, baka nasa kanto na ang mga 'yon." Tinapik ko ng marahan ang pisngi niya pagtapos ay hinalikan. Namula ako sa kahihiyang ginawa ko.
"Ingat, pupunta muna ako sa condo para magpalit." he said and kiss my forehead before letting me go.
Sabay kaming lumabas ng bahay, siya na din ang naglock ng pintuan. May susi naman si Lola kung sakaling iuuwi niya si Mama, masyado na kasing nawili si lola kay mama. Para daw itong nagka-anak ulit. Nasa ibang bansa na kasi ang mga anak ni Lola at may kanya kanya ng pamilya pero hindi naman Kinalimutan si Lola na padalhan para sa pang araw-araw nito.
"Bye!" kumaway ako at ganoon din siya sa'kin.
Pinanood ko lang ang pag-alis ng sasakyan niya bago maglakad papunta sa kanto para abangan sina Breeyana. Hindi naman ako nagtagal sa paghihintay at dumating na sina Bree.
"Mukha kang zombie, gourl?" pang-aasar sa akin ni Bree habang nag d-drive.
"Di ako natulog." sagot ko sakanya bago sinandal ang ulo sa bintana.
"Bakit?" swabe niyang ginalaw ang manobela ng sasakyan niya. Tulog si Mj sa harap. "Nadiligan ka ba?" tanong niya pagtapos ay humagalpak ng tawa.
Muntik na.
"Sinong didilig? E ikaw? Nadiligan kana ba ni Nichos?" I crossed my arms over my breast. Pangiti ngiti ako sakanya ngayon. She throws a death glare to me through the rearview mirror.
"Forever tigang ako kung si Nichos ang hihintayin ko, Greta!" she hissed as she parks her car outside the Cafe.
Ginising ko lang si Mj at nauna ng lumabas sa sasakyan. Nang buksan namin ang Cafe naglinis muna kami sandali, pero yung dapat sandali lang biglang tumagal dahil sa pagbabangayan ng dalawa.
"Nayayamot na ako sayo, Breeyana! Doon ka nalang." stress na sabi ni Mj kay Bree.
Tumawa lang ako sakanilang dalawa. Wala naman bago, gabi gabi nalang ganito ang eksena. Tutulong si Bree sa paglilinis pero ang ending, magiging kalat lang. Hindi na siya natuto at hindi na namin pinilit matuto. Hinayaan nalang namin siya sa may cashier at sinisiguro na mag gagawin siya para hindi na makialam sa ginagawa namin.
Mahigit isang oras din kaming naghintay bago kami nagka customers, hindi naman ganoon karami pero sapat na para maging busy na kami. Tatlo lang kami, kaya mabuti nalang at hindi kami dinagsa. Napalingon ako sa may pintuan nang tumunog ang wind chime.
"Thank you," sabi ko sa customer namin.
Pinilit ko ang sarili ko na huwag lingunin ang lalaking pumasok, he looks so handsome in his Khaki short paired with a T-shirt and a balenciaga shoes. May suot din itong wrist watch ngayon at bagong gupit! Kaya pala ang tagal niyang dumating. Nagpa gwapo pa.
"Table 4 yung Latte at Sliced cake, Table 9 yung espresso. Dahan dahan mainit yunh espresso," Marahan na itinulak sa akin ni Mj ang tray na may lamang dalawang tasa ng Latte at isang slice chocolate cake.
Inilibot ko ang paningin ko at nakita si Xyrus na bored na bored habang pinaglalaruan ang table number. Nakalabi pa ito at naka palobo ang pisngi, he caught all the girls attention without efforts. Uupo lang siya at makaka sungkit na siya ng babae.
"Here's your order sir." mabilis na lumipat sa akin ang tingin ni Xy. Kinalma ko ang sarili ko para hindi manginig sa harapan niya, baka maitapon ko pa ang kape.
"Pahinga ka muna," napaigtad ako dahil sa boses niya. Kingina, lumambing!
"Hindi pwede, mamaya pa." sagot ko sakanya at inilapag ang isang tasa ng Latte at sliced chocolate cake sa mesa.
"Sinong kakain niyan?" masungit na tanong niya sa akin.
"Malamang ikaw? Ikaw nag order e. Timang ka ba?" natatawang tanong ko sakanya. Nagsalubong ang makakapal niyang kilay dahil sa sinabi ko.
"Tabi mo muna, okaya inumin mo na yan. Order ka nalang ulit mamaya kapag free na ako, ayos?" tanong ko sakanya at dahan dahan itong tumango. "Good sa kabilang ——"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko sakanya dahil narinig ko ang maarteng boses ni Trish sa may counter at kung ano ano ang pinagsasabi kay Bree, umikot ang mga mata ko ng makitang nakangiti lang sakanya si Bree. Malamang nagtitimpi ang isang 'to. Naaagaw na din niya ang pansin ng iba naming customer sa loob. She really likes attention.
Even Xyrus was now curiously looking at her direction, salubong ang makakapal na kilay nito at konti nalang magiging giraffe na siya. Pasimple ko siyang sinamaan ng tingin pero hindi ako pinansin, I cleared my throat. He immediately look at me and ask,
"You okay?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.
"Ayos ng titig mo ah?" pang-aasar ko. Pero ang totoo gusto ko na siyang hilain palabas at ikulong nalang sa sasakyan niya. Lintek! Ano ba 'to?! Kinginang selos, ilugar mo Greta! Paalala ko sa sarili ko.
"Nakiki chismis lang naman ako, Pearl." nakangusong sagot niya sa akin pero inirapan ko lang siya. Palusot pa ampota.
"Sure ka? Nakita kita nakatingin sa legs." nakataas ang kilay na sabi ko sakanya.
"Legs mo lang ang maganda sa paningin ko, wag kang mag-alala!" kinindatan niya ako habang marahan na tumatawa.
"Bastos!" I hissed and left him laughing to him self.
Pabalik na sana ako sa kabilang table para i serve ang espresso na umuusok pa nang bigla nalang kunin yon ni Trish sa tray na hawak ko. Nabigla ako sa ginawa niya kaya hindi ko napansin na ibubuhos niya sa may kamay ko ang mainit na kape at basta nalang binitawan ang tasa dahilan para mabasag Ito. Kingina nito! I hissed and let go of the tray I was holding. Nakaiwas din ako agad kaya hindi ako natamaan sa mga tasa na binitawan niya.
Kung hindi, hindi lang kamay ko ang may problema ngayon may sugat na din sana ako sa paa. Pasimple kong tinignan ang kamay ko, namumula na ito sa hapdi. Mainit na kape ba naman ang ibuhos.
"Masakit?" nang-aasar na tanong niya. Tumatawa pa ang mga alagad niya na mukhang suman sa soot na damit. I glared at them and about to wage a war, when Mj held my hand.
"What happened? Come on, punta tayo sa kusina. Hugasan muna natin iyan." bago pa ako mahila paalis ni Mj, nahila na ni Trish ang kamay niya.
Punyeta talaga ang babae na 'to. Sarap ilibing ng buhay!
Nakatayo lang ako at iniinda ang sakit ng kamay ko habang siyang siya sa pan lalait si Trish sa kaibigan ko, gusto kong makialam at basta nalang sunggaban si Trish ngayon. Pero nauunang pumasok sa utak ko ang Scholarship ko, sa kalandian at koneksyon nito kahit hindi siya ganoon kayaman. Pwedeng mawala sa isang iglap ang scholarship na pinag hirapan kong makuha.
Napatingin ako sa lamesa ni Xy, nakatayo na ito at akmang lalapit sa amin pero umiling lang ako at ngumiti sakanya. I saw dissapointed he was when he shake his head.
"Mainit na kape ba ang ibinuhos mo sa kaibigan ko?" maangas na tanong ni Mj kay Trish. Trish only smirk and raised her brow. Puta proud pa. Hintayin mo na mag graduate tayo di ka na makakangiting hinayupak ka.
"Oo bakit gusto mo din? Sagot ko na. Baka kasi hindi mo afford." mayabang na sabi niya kay Mj.
Napahiya na siya dahil sa sinabi ni Mj kanina tungkol sa nanay niya pero eto siya ngayon at manlilibre ng kape? Hindi ko alam kung sadyang bobo si Trish o may saltik lang talaga siya sa utak. May ganoon na tao pa pala. Na kagaya ni Trish.
Akala ko hindi na siya papatulan ni Mj pero ganoon nalang ang gulat ko ng kunin ni Mj ang kape ng isa naming customer at basta nalamg iyon binuhos sa ulo ni Trish. Gusto kong tumawa pero mas nanaig sa akin ang gulat. Nagsisigaw na si Trish at ako na naman ang pinagdi-diskitahan. Pinapatawag ang manager namin.
Hilo ba siya? Bakit ko tatawagin? E siya itong bastos na customer, kung tutuusin dapat kanina pa 'to pinakaladlad palabas ng Cafe. Sana ayos lang siya.
"No need. I'm the owner of this Cafe, dumbass." Mj said proudly. My eyes widened, kingina bakit hindi ko alam?
Hinila ako ni Mj sa may kusina at tahimik na nilapatan ng first aid and napaso kong kamay. Hindi na ako nagbalak magsalita dahil mukha siyang papatay sa itsura niya ngayon.
"Mag pahinga ka muna." nginitian niya ako at dahan dahan binitawan ang kamay ko.
"Gagi, kaya ko pa naman mag trabaho!" pamimilit ko sakanya. Nakakahiya naman sakanya!
"No, uuwi ka at magpapahinga. Period." itinaas niya ang kamay nito sa may harapan ko para patigilin ako. "Isasara ko na din ang Cafe, pagod na ako." reklamo niya habang minamasahe ang batok niya.
Tumango nalang ako sakanya at kinuha ang gamit ko. Nagpaalam lang ako sakanila. Pagkalabas ko nang Cafe nakita ko si Xyrus na nakasandal sa hood ng sasakyan niya at parang pasan ang mundo sa mukha niya. Pinaglalaruan nito ang susi ng sasakyan niya sa mga daliri.
"Uy, bakit nandito kapa?" nakangiting tanong ko sakanya. He didn't bother to smiled back. Mas lalo lang siyang sumimangot.
"Hinihintay kita." he said while looking intently at me, then his gaze dropped to my burnt hand. Agad ko iyong tinago sa may likuran ko, tiniis ang hapdi dahil dumikit ito sa damit ko.
He breathed heavily. Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. "Let me see," may pagsuyo ang boses nito pero kabaliktaran naman ang mukha niya.
Mukha siyang mangangain ng buhay na tao!
"Ayos lang naman," Puta. Hindi ayos yun! Mahapdi!
"Isa." he counted. Balak ko sana siyang asarin at magbilang din ang kaso sobrang sama na talaga ng tingin niya sa akin. Pero walang masama kung susubukan ko...
"Dalawa?" I tried but I failed. Mas lalo lang sumama ang mukha niya, kaya inabot ko na ang kamay ko na may paso sakanya.
"Namumula pa. Bumili ako ng ointment para sa diyan. Nasa loob ng sasakyan." he held my wrist with so much gentle.
Siya na din ang nagbukas ng pintuan, iniharang pa niya ang palad nito sa may uluhan ko para hindi ako maumpog. Isinara na niya ang pintuan at umikot na siya para makasakay na din. Nang makapasok siya agad niyang kinuha ang ointment na binili at binuksan.
"Ipatong mo dito yang kamay mo," tinapik niya ang binti niya. Naiilang ako pero hindi na ako nag inarte.
I hissed loudly when he spray alcohol.
"Sorry, " he whispered.
Nakatulala lang ako sakanya habang seryoso niyang nilalagyan ng ointment ang napaso kong kamay. He looks so serious while doing that. Para bang malubha ang sugat ko sa kamay. Nakahinga ako ng maluwag nang matapos na siya sa ginagawa niya. Ang bigat kasi ng kamay niya, hindi ko nalang sinabi dahil mukhang nag eenjoy siya sa ginagawa niya.
"Thank you," I urge myself to smile a little.
"I know you're not okay. Stop faking it." he hissed and looked at me with his bored eyes.
"Ang sakit niya," natawa ako nang kaunti.
"Bakit hindi ka lumaban?" tanong niya sa akin. Pero hindi man lang nag-abala na tignan ako.
"I can't. May Scholarship ako na iniingatan," I smiled sadly at him. Hindi ako pwedeng mapasama sa kahit anong gulo, inside or outside the school.
"Sa susunod, hindi ko na hahayaan na may manakit sayo." he seriously said while looking straight to my eyes.
___________________________________________
☕
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top