Chapter 3

"Disoras kana ba nakauwi kagabi, Greta?"

Tanong sa akin ni Lola, nadatnan ko nalang siya dito sa kusina na naghahanda ng almusal. Sapo sapo ko ang ulo ko na umupo sa lamesa namin. Na late ako ng gising dahil sa lintek na pagkalasing ko kagabi, dumagdag pa ang sakit ng ulo ko! Hindi na talaga ako iinom!

"Nagka-ayaan lang po kina Kitten, La." inaantok na sagot ko sakanya. Naglapag si Lola ng mainit na kape sa harap ko at isang basong tubig na may kasamang advil.

"Nakita kita kagabi," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Lola.

Bigla nalang nag flashback sa utak ko ang kagagahan at kalandian na ginawa ko kagabi! Putcha! Napahawak ako sa labi ko at pinaglaruan 'yon gamit ang mga daliri ko. Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa kung gaano kalambot at kasarap humalik ang mga labi niya. He's too gentle, the way he kissed me, the way he hold my waist and my neck. Naestatwa ako nang may na realise ako.

"LOLAAAAAAAA!" sigaw ko at tinakbo ang pagitan namin para yumakap sa kanya. Napahawak sa dibdib si Lola dahil sa gulat.

"Bata ka! Bakit ka biglang naninigaw!" hinampas niya ng mahina ang braso ko. Tiningala ko lang siya at maluha luhang tinignan.

"Lola!" naiiyak kong tawag sakanya.

"Ano?!" sigaw niya sa akin.

"Lola ang apo mo!" sinubsob ko ang mukha ko sa may tiyan na. "Malandi na ang apo mo, Lola!" sigaw ko with matching paiyak iyak na drama pa sakanya.

"Edi mabuti!" pumalakpak pa ito. Nagtataka ko siyang tinignan, bakit parang masaya pa siya? Diba dapat sinesermonan na niya ako?

"La? Bakit mabuti?" nagtatakang tanong ko sakanya. Pinagpag ko ang tuhod ko at umupo sa upuan, itinaas ko pa ang isang paa ko.

"Aba! Hindi na ichichismis ni Baby na tomboy ka! May ipanglalaban na ako sa kanya!" Aniya na parang ako si Mareng baby na kaaway niya.

Teka? Bakit diko alam na ginagawan na pala ako ng kwento ni tanders? Ginawa pa akong tomboy? Ayos naman ni Mare. Porket marami akong kaibigan na kasapi sa LGBT ganon na din ako?

"Ano ho ba yung ipanlalaban niyo sakanya, Lola?" naiintriga kong tanong sakanya habang humihigop sa kape na tinimpla niya para sa akin.

"Na may kahalikan kang gwapong lalaki sa labas kagabi!"

Mabilis kong naibuga ang kape na ininom ko! Mayroon akong nalunok at mayroon din lumabas sa ilong ko! Hinampas hampas ko ang dibdib ko para kahit papaano mawala yung sakit. Putek! Proud pa si Lola sa pagkakasabi niya! Edi lalo akong na chismis?! Headline pa ako sa chismis ng barangay namin!

"Lola naman!" reklamo ko sakanya habang pinupunasan ang bibig ko gamit ang dulo ng t-shirt ko.

"Hay nako! Yang ganyan kilos mo, naku! Walang papatol sayo! Kababae mong tao ganyan ka kumilos!" nanggigigil na sabi sakin ni Lola.

"La! Kung mahal talaga ako ng lalaki, tatanggapin niya kung ano ako. Walang tapon, ganon!" pagdadahilan ko pero totoo naman.

Ganoon naman dapat diba? Kung mahal mo ang isang tao tatanggapin mo siya kung anong klaseng tao pa siya, tatanggapin niya kung ano yung maganda at pangit sa pagkatao mo. If that man thinks that you are the worst, then he doesn't deserve the best and better version of yourself.

"Osya! Mag-ayos ka na at baka ma late ka!" agad na taboy sa akin ni Lola. Napatawa nalang ako sakanya at umalis na sa kusina.

Aga-aga lalim ng hugot ko sa buhay. Never pa naman akong nagka jowa, kahit kalandian nga hindi ko na experience dahil busy ako sa pag-aaral ko, wala akong oras para i-entertain ang ka bullshit-an ng mga fuckboy at sadboy na kinulang sa pansin na bigla nalang susulpot sa harapan ko at sasabihin na type ako. Ulol nila!

Tamad kong kinuha ang towel at pumasok na sa banyo. Tamad na tamad ang bawat kilos ko, masakit pa ang ulo ko at medyo may tama pa ata ako. Lutang pa ako habang nagsha-shampoo ng buhok ko, muntik pa akong makatulog sa banyo! Buti nalang at kinatok ako ni Lola.

"Oh, heto! Ingat sa pagpasok!" inabot niya sa akin ang 50 sa 200 na ibinayad ko sakanya. Isosoli ko sana sakanya kaya lang inambahan ako ng kamao ni Lola.

"May pera naman po ako?" patanong na sagot ko sakanya.

"Kilala kita! Ipupusta mo yang napalanunan mo." inirapan ako ni Lola at pinagpatuloy ang ginagawa sa loob ng bahay.

"Salamat dito, La! Una na po ako!" kumaway lang siya sa akin. Kaya nagmadali na akong tumakbo sa kanto at nagmamadaling sumakay sa tricycle.

Kinuha ko ang lollipop sa may bag ko, binuksan ko muna ito bago isubo. Malamang, alangan naman isubo ko ng may plastic? Inis na linakad ko ang parking lot papunta sa building namin kahit sobrang init! Peste naman kasi, ayaw papasukin yung tricycle. Paka arte!
Nakita ko pa si Xyrus na bumaba sa sasakyan niya, nang magkasalubong ang mga mata namin tinaasan ko siya ng kilay at siya naman ay agad na umiwas. Problema non?

"Xy—" naputol ang pagtawag ko sa buong pangalan niya dahil tinalikuran ako ng walang hiya at mabilis naglakas papalayo sa akin.

Punyeta. Na kiss and run ata ako!

"Meron ba nun?" bulong ko sa sarili ko at nagkamot nalang ng ulo.

Hindi ko nalang pinansin ang hindi pag pansin sa akin ni Xyrus. Gago amp, diba dapat ako ang umiiwas kasi ako yung babae? Bakit parang baliktad ata? I mentally rolled my eyes. Naiiling nalang ako na naglakad takbo papunta sa building namin, sana maabutan ko si Mj at Bree sa room! Putek, makikipag pustahan pa ako sa ML bago mag-umpisa ang first class namin.

"Gourl!" sigaw ko ng makita si Mj sa room. Nakatulala 'to at parang may sakit. Pinitik ko ang noo niya para mapansin niya ako.

"Kanina kapa?" bangag na tanong niya sa akin. Tumango lang ako at inilahad ang palad ko sa harap niya. 

"Makikipag pustahan ka?" nakataas ang kilay na tanong niya ulit sa akin.

"Oo," napakamot ako sa ulo ko. Nagiging hobby ko na ang pagkamot sa ulo! "Ipupusta ko yung napanalunan namin kagabi, wala ng pambili ng gamot si mama." nakangiting sagot ko sakanya pero hindi siya umimik.

"Last na pera mo nalang? Bakit mo pa ipupusta?" sermon niya sa akin.

"Hindi naman ako papabayaan matalo ng mga 'yon. Promise, mananalo kami.." nag alanganin pa ako sa sagot ko, hindi ko alam kung kakampi namin ngayon si Xyrus. Wala naman kasing sinabi si Kitten sa akin.

"Sabi mo e," she said at inabot na sa akin ang phone niya.

When the game started, doon ko na tinuon ang buong atensyon ko. I used Guinevere kahit na best pick ko si Lesley. Pinilit ako ng hinayupak na si Kitten, palit daw muna kami ng heroes! I smiled when I saw Xyrus. Pasimple kong tinignan si Mj at tulala parin ito, lunod na siguro sa iniisip niya ngayon.

Sinita ko siya pero ang gaga, sinabihan lang ako ng 'laro well' kaya ayun ang ginawa ko. Hindi ko maiwasang mapamura ng malutong ng bigla nalang makipag trash talk-an ang mga kasama ko sa kapustahan namin, pati ang inaasahan kong aawat na si Xyrus ay nakisali pa!

xxxx: Bobo, bulok

XyRus: Ikaw bobo

xxxx: yabang mo pota 1 on 1 oh?

XyRus: Sure ka kaya mo?

I smirked. Iba talaga ang kayabangan ng isang 'to. Nakipag 1 on 1 nga si Xyrus doon sa ka trash talk-an niya, na mas lalong nag apoy sa galit dahil palaging napapatay ang hero niya. Habang kami naman ay todo push para bumagsak lahat ng tore nila sa gitna, easy way.  Iwas na iwas ako na mamatay ang character ko, buti nalang talaga nag Guinevere ako.

"Victory!" Sigaw ko. Agad kong hinatak si Mj at niyakap ng mahigpit! May swerte talagang dala sa akin kapag cell phone niya ang gamit ko sa laro!

"Greta! Can't breath!" she shouted and tap my arms. Doon ko lang napansin na sobrang higpit na pala ng pagkakayakap ko sakanya.

"We won! May pangdagdag na ako sa pambili ng medicine ni Mama!" maluha luha kong sabi  sakanya habang binabalik ang phone niya.

Paubos na kasi yung antidepressants na nireseta ni Doc kay mama noong huli naming check-up. Isa pa wala na din siyang gamot pampakalma kapag nagwawala siya.

"Do you want to work?" tanong ni Mj kaya agad akong napatingin sakanya. Sakto kasi ayoko na magising ng maaga at magtinda sa palengke pagtapos magkano lang ang sahod.

"May alam ka na pwede akong mag part time?" I asked eagerly. She just smiled at me and tap my shoulder.

"Ako na ang bahala!" sabi nito.

Sinabi niya sa akin ang details ng trabaho at kung anong oras kami magta-trabaho, buti nalang at kasama si Breeyana. Ang night shift ang pinili niya dahil maiipit kami kapag pinili namin ang pang-umaga at hapon. Ang sabi niya waitress ako at siya naman ang taga timpla ng kape. Agad naman akong pumayag, sa Cafe kami magta-trabaho kaya surebol minimum ang sahod.

Kaya na siguro nun na sagutin ang pang araw-araw namin ni Mama. Pagkain at gamot niya, idagdag pa ang gastusin ko sa school. Na minsan hindi ko na pino-problema dahil minsan sina Bree at Mj na ang gumagastos kahit na pilit akong tumatanggi.

"Oh! Parte mo!" Inabot sa akin ni Kitten ang apat na daan. Yes 4 hundred ang pustahan pero dalawang daan lang ang pera ko, ganoon ako katapang.

"Wala si Xyrus?" nagtatakang tanong ko sakanila.

"Nasa kabilang building, nagkaklase." sagot ni Nilo habang abala sa pagpindot pindot.

"Okay, magpapahinga na ako! May trabaho na ako," balita ko sakanila. Agad kumapit sa braso ko si Kitten.

"Maglalaro ka pa naman diba?" para siyang tanga habang naka puppy eyes sa akin. Agad kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko at tinulak ang mukha niya.

"Depende, kapag kailangan ko ng extra." sagot ko at nagpaalam na. Kailangan kong matulog ng maaga at ipahinga ang katawan ko.

Paglabas ko sa gate sumakay na ako sa Tricycle, feeling ko mayaman ako ngayon dahil may pang tricycle na ako. Hindi ako maglalakad ngayon pauwi. Dumaan din ako sa tindahan ni Mareng baby at nagbayad ng utang, tuwang tuwa pa ang lola mo dahil may pamalengke na daw siya bukas.

"Naks! Dadagdagan mo na ang kulang kulang mong paninda?" nang-aasar na tanong ko sakanya.

"Kulang kulang pero dito ka nang uutang?" mataray na tanong niya sa akin. Nakataas pa ang isang guhit niyang kilay, kulay blue pa nga ang gamit na eye liner. Ayos.

"No choice ako, mare!" kinatok ko ang maliit na pinto sa tindahan niya at umalis na bago pa siya maka rebut sa akin.

Kinawayan ko pa ang mga lasinggero na nakatambay dahil good mood ako ngayon. Pati ang mga chismosa naming kapit bahay nakawayan ko na. Yung iba nagtataka bakit ang saya saya ko ngayon, ang sagot ko lang yayaman na ako. Pagkauwi ko sa bahay pinakain muna ako ni Lola bago siya umuwi sa bahay nila. Pinakain na din daw niya si Mama kaya wala na akong dapat pang alalahanin.

Mabuti nalang talaga at kasama ko si Lola sa pag-aalaga kay Mama, kung wala si Lola baka nabaliw na din ako. Kawawa naman kami ni Mama. Kung bakit ba naman kasi nagpaka baliw sa isang lalaki, magdadasal nalang ako na hindi ako matulad sakanya kapag na broken hearted.

Kasalukuyan kong pinapatuyo ang buhok ko ng may mag pop-up na chathead sa cell phone ko.

Xyrus Stephen: Pearl... 

Kumunot ang noo ko sa chat ni Xy, Pearl? Yung anak ni Mr.Krabs sa Spongebob? Yung balyena? Nakabusangot ang mukha ko na pinulot ang cell phone para mag reply sakanya.

Greta: Wrong send ka ata.

Agad lumitaw ang tatlong tuldok, tanda na nagta-type ito. Ilang segundo pa bago lumitaw ang reply niya.

Xyrus Stephen: Nope. Hindi ako wrong send. Btw, I just want to say sorry for avoiding you. Kanina... Nahiya lang ako.

Bwisit! Ang lambot niya talaga! Dumapa ako sa kama namin ni mama at kinagat ang pang-ibabang labi ko habang nagta-type.

Greta: Ays lang yun. Wag ka mahiya, wala ka nun remember?

pang-aasar ko sakanya. Nagulat ako nang i set niya ang nickname ko sa Pearl. Did he really thinks that I am Mr.Krabs daughter?

Greta: Why pearl? Anak ni Mr.Krabs?

My forehead creased when he react 'haha' on my message. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago siya ulit nag reply.

Xyrus Stephen: Greta is the short form of the Greek name of Margaret meaning "pearl".

Aasarin ko sana siya kaso nag pop ulit ang message niya.

Xyrus Stephen: Your name suits you. You are a pearl, strange and hard to find, but lucky me. I found you.

Patay kana, Greta.

____________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top