Chapter 24

"Let's get married. Marry me, Xyrus Stephen Perez."


He looked at me. Amusement was dancing in his eyes. Naka awang ang mga labi nito habang nakatingin sa akin. He lick his lower lip and the next thing he do stunned me. He dropped his knees on the floor!

"Fuck! Huy?! Ayos ka lang?" natatarantang tanong ko sakanya. Nakayuko siya habang nakaluhod ang mga braso niya ay nasa binti ko.

Niyugyog ko ang balikat niya at pilit na inaangat ang ulo para matignan ko ang mukha niya. Nag-uumpisa na akong mairita sakanya.

"Babe... wait lang nanlalambot pa ang tuhod ko." he said between his nervous laugh. Putcha malambot parin!

Huminga siya ng malalim at natatawang itinaas ang ulo niya para makita ako. He shake his head and fix his posture, bahagya niyang hinila ang cabinet ng table niya. It's a small black box.

"You caught me off guard." he uttered. "I was planning to proposed, yung sweet ang ambiance? May dinner date, memorable yung lugar kasi diba ganoon yung pangarap niyong mga babae? Nakalimutan ko na iba ka nga pala..." napakamot siya sa ulo niya.

"My answer is yes." he said and showed me the ring. "Tara? Pakasal na tayo?" he playfully asked.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko habang sinusuot niya sa daliri ko ang isa pang singsing. Damn, dahil sa takot ko na mawala pa siya sa akin ako na ang nag-aya ng kasal. Nabulilyaso ko pa ata ang plano niya.

Hindi man kasing effort katulad ng proposal ni Brylle kay Mj, memorable parin naman para sa akin 'to. I mean, napaluhod ko siya. That's an achievement for me and well, at least magpapakasal pa rin naman kami kahit biglaan ang proposal.

"Stand up, baka kapag may nakakita sayo dyan ano nalang ang isipin." I said as I stared at my rings. Dalawa na sila na nasa daliri ko.

"Hindi ba ako pwedeng umisa? Na lock ko yung pinto," he said and caressed my legs upwards. I throw a death glare at him and he just chuckled.

"Xyrus hindi kita pakakasalan!" banta ko sakanya nang ipagpatuloy parin niya ang ginagawa niya. Umiling siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Sino tinakot mo? Ako?" he scoffed. "Sus! Ikaw nga nag-aya na magpakasal diba?" mayabang na sabi niya habang iniipit ako sa yakap niya. Inirapan ko lang siya at binaklas ang mga braso niya sa akin.

"Tapos kana?" naiiritang tanong ko sakanya. He nod his head while typing something on his phone. Bahagya pang naka kunot ang noo.

"May dress kaba sa condo?" he suddenly ask. Pilit kong inalala kung may nadala ba akong dress noong mag empake ako.

"Wala yata. Bakit?" He intertwined our hands and pulled me up. His side of his lips rose, still looking at his cell phone.

"Tara, date tayo. Bili muna tayo ng damit mo." he said at basta nalang ako kinaladkad palabas ng office.

"Ayos naman ang damit ko ah?!" reklamo ko sakanya.

I am wearing a off shoulder light pink wide leg jumpsuit paired with my white ankle strap heels. He looked at me and scanned my outfit. Sinamaan ko siya ng tingin sa ginawa niya.

"Dumbass!" I hissed. He raised his brow and hel on his chin.

"Ayaw mo talaga mag dress?" tumingala ako para pahabain ang pasensya ko sakanya. I stared at him blankly.

"Bakit ba pilit mo akong pinag d-dress?! Ayos naman na tong damit ko ah?" singhal ko sakanya. "Kapag ako naasar mo uuwi nalang ako sa condo at matutulog." sinimangutan ko siya. I crossed my arms over my chest.

"Hindi na. Sige na hindi ka na magpapalit." parang bata niya akong inamo bigla. Hinila niya ang braso palapit sakanya at ikinulong ako sa bisig niya.

"Saan ba tayo mag d-date?" tanong ko sakanya habang sinisiksik ang katawan ko sa kanya. He's arm was wrapped around my shoulder, and my arm was wrapped around his waist.

"PDA!!!" napalingon kami ni Xyrus sa sumigaw. It was Kitten, kasama niya si Nilo. I smiled when I saw how Nilo possessively wrapped his arm on Kitten's shoulder.

"Saan kayo pupunta?" nagtatakang tanong ko sakanilang dalawa. Nilo is wearing his usual attire while Kitten wears a fucking dress paired with a heels? "Kuting bakit ka naka heels? Sa construction site trabaho mo ah?" natatawang sita ko sakanya. She playfully rolled her eyes on me and pointed her finger to Nilo.

"Pinasuot niya. May pupuntahan daw kami after work." walang ganang sagot niya sa akin. Lumingon ako kay Xyrus, I saw him gesturing something to Nilo. Pero agad din tumigil nang makita ako na nakatingin na sakanya.

"Okay, ingat nalang kayo!" I said. Tumango lang si Kitten sa akin at hinayaan na kaming Maka-alis.

Todo alalay sa akin si Xyrus habang pasakay sa sasakyan ko. We left his car, babalikan nalang daw niya mamaya o bukas. Hindi ko rin naman ma pilit na mag convoy nalang kami, dahil lagi siyang may pinambabara sa akin. Hindi ko alam paano kami nagkakasundo ng lalaki na 'to.

Hawak niya ang kamay ko habang nag d-drive siya at sinasabayan ang kanta sa radio. I tried my best na huwag makatulog habang nasa biyahe kami but I failed. Napaka lambing kasi ng boses niya at hihilain ka talaga para makatulog!

"Babe gising... andito na tayo." I felt him kissed my lips and my cheek.

I slowly opened my eyes. Napaayos agad ako ng upo nang tumambad sa akin ang bahay namin ni Mama dati. Ganoon parin ang harap nito at walang pinagbago, yung upuan na madalas inuupuan ni Mama kapag nagwawalis sa harap ng bahay si Lola nandoon pa din.

"A-anong..." my lips parted. Humarap ako sakanya at nagkibit balikat lang ito. Nauna na siyang bumaba sa sasakyan at umikot para pagbuksan ako.

"Tara?" he playfully bowed his head and offered his hand in front of me. Kinuha ko iyon at dahan dahan bumaba sa sasakyan.

Damn, para akong bumalik sa umpisa. Noong ihatid niya ako, noong nalasing ako at inalalayan niya ako. Doon nag-umpisa ang lahat. Because of my drunken state, bigla nalang lumabas ang kalandian na nagtatago sa katawan ko.

Tumigil ako sa may tapat ng pintuan namin, nagtatakang nilingon niya ako. He crossed his arms over his chest and stared at me, I smiled at him.

"Naalala ko lang... Dito mo ako unang beses na hinalikan." natawa ako ng maalala ko si Lola. Kung paano ako sumubsob sa may tiyan na habang mangiyak iyak na sinasabing malandi na ang apo niya. Tuwang tuwa pa siya sa binalita ko noon.

"Gusto mo ire-make natin?" nang-aasar na tanong niya sa akin. I lightly punch his arm.

"Damn, ang daming memories ng bahay na 'to kaya hindi ko mapakawalan." umakbay siya sa akin habang pinagmamasdan ang bahay. Nanliit ang mga mata ko nang may mapansin akong kakaiba.

"Isa lang ang kwarto ng bahay na 'to. Wala ding aircon, ano yan?" turo ko sa parte ng kwarto namin ni Mama dati. He kissed the top of my head at mas hinapit ako.

"Ayaw mo siyang ipa renovate right? But I'm sorry," he laughed. "Medyo iniba ko. Kumuha ako ng idea doon sa bahay na ini-sketch mo. Nagdagdag lang ako ng isang room and inextend yung bahay." he explained.

Na curious ako bigla kung ako na ang itsura nito sa loob kaya nagmamadali akong pumasok. But before my hand reach the door knob, nahila na agad ako ni Xy. I glared at him.

"May sasabihin pa ako. Wag kang atat," masungit na sabi niya sakin. Inirapan ko lang siya at humarap ulit sakanya.

"When you asked me to marry you... I know this is insane but I really want to be married with you before this day end." he said as he held my hand playing my ring finger.

"Are we... Getting married?" marahan kong tanong sakanya at agad siyang tumango. "Nagyon? Dito? Agad?" sunod sunod na tanong ko sakanya. He smiled at me and nodded as he opened the door.

Bumungad sa akin ang mga kaibigan ko at sina Papa na nagkakagulo sa salas. May maliit na altar din sa salas, at nandoon ang Judge na naging kleyente ni Tito Stephen. I know him because he personally asked me to sketch a good design for his daughter house. Ngumiti ito sa akin ng makita ako at ganoon din ako sakanya.

"Shall we start? They're here!" excited na tili ni Mommy Khallex.

"Hoy ikaw! Kapag iniwan mo pa yan humanda ka sakin!" Bree shouted at Xyrus but her face saying otherwise. Masyadong anghel ang mukha nito kaya ramdam ko ang pagkalito ni Xyrus.

"Pearl? Galit ba siya? Ang amo masyado ng mukha." natawa ako sa binulong ni Xy.

"I can see that you love our friend, hindi na kami tututol. Sayo'ng sayo na siya!" itinulak ako ni Mj buti nalang at nakaalalay sa tabi ko si Xyrus. "Sawa na kami sa kabalastugan niyan. Diba?" She looked at Breeyana, naghanap pa talaga ng kakampi niya.

"Yung dalawa! Dito na kayo. Judge madaliin mo na ang kasal ah? Baka may sumulpot na demonyo." sabi ni Tito Stephen. Causing my parents to laugh.

"Sinong demonyo?" nagtatakang tanong ko kay Xy.

"My mom. He called her demon," natatawang sagot ni Xyrus sa akin at hinapit na naman ang baywang ko at iginaya na papalapit sa altar na ginawa nila.

"So bakit dito sa mismong bahay?" tanong ko sakanya bago kami mag-umpisa.

"Kasi dito tayo nagsimula. At gusto ko din na dito tayo ikasal, dito tayo magsasama at dito tayo magkaka anak. Alam ko kung gaano mo kamahal ang bahay na 'to, Babe." nanubig ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. He kissed my forehead and wiped out my tears.

"I like you for my daughter, take care of her." bilin ni Papa kay Xyrus at niyakap ako. Ganoon din si Mommy Khallex.

"Kapag nag-away kayo at trip mo maglayas, bukas ang bahay namin ng Papa mo ah?" pang-aasar ni Mommy Khallex.

"Hindi ko naman po hahayaan maglayas itong asawa ko kung sakaling mag-aaway man po kami." nakakalokong sagot ni Xyrus. Kinurot ko lang ang tagiliran niya kaya lumayo siya ng kaunti sa akin.

"O-okay! Tama na ang drama halina kayo!" sigaw ni Tito Stephen at inakbayan kaming dalawa ni Xyrus at hinarap sa Judge na kanina pa naka ready at kami nalang talaga ang hinihintay.

"Let's start?" nakangiting tanong ng Judge kaya nakangiting tumango kami ni Xyrus.

Tahimik kaming lahat habang inuumpisan na ni Judge ang simpleng wedding ceremony. Xyrus was holding my hand and squeezing it from time to time, minsan naman ay nilalaro niya ang mga daliri ko.

Lutang ako habang nakatingin sa harapan, hindi parin ako makapaniwala na yung pangako niya sa akin... Hindi man niya natupad noon, nagawa naman niyang tuparin ngayon.

"I do." agad akong napatingin kay Xyrus na nakatingin pala sa akin. He stared at me like I am the most beautiful woman he'd ever seen.

Nakatitig lang ako sakanya at hindi napansin na ako na pala ang tinatanong ng Judge.

"Babe, wag mo naman akong pakabahin dito." he said making our guests laugh, kahit ako ay napatawa dahil para siyang iiyak sa boses niya.

"I do." I answered while biting my lip. Getting shy, dahil hindi agad ako nakasagot.

"Go baby, bigay mo kina Mama yung ring." binitawan ni Mj si Jyrelle at inalalayan na makarating sa amin.

I pinched his cheeks and kissed him after.
"Thank you, baby Jyrelle."

Xyrus hold my hand and kissed it.

"May script na ako ng wedding vows ko sayo, ang kaso nawala." maktol nito na ikinatawa ko. Isinuot niya sa akin ang singsing at tinitigan muna 'yon. I have 3 rings on my finger now.

First when he asked me to be his girlfriend, na dapat 3 years ago nakasuot na sa akin.
The engagement ring and now our wedding ring.

"I know that you already know how much this man in front of you loves you. I am the most happiest man alive in this world right now... because finally...You are now my Mrs.Perez! Noon palang paulit ulit ko nang sinasabi sayo dati na pakakasalan kita, at ito na 'yon. My dreams finally came true." humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko.

"I vow to love you more than my self, more than anything in this world. Wala akong gustong ipangako sayo kasi natatakot ako na baka hindi ko 'yun matupad. Pero isa lang ang sigurado ko... Sayong sayo lang ako."

Nakangiti kong Isinuot sakanya ang singsing.

"Xyrus Stephen Perez, pinapangako ko sayo na ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko. pasensya na wala akong nakakaiyak na speech, masyado mo akong binigla sa kasal natin." I said between my laugh.  Ngumiti lang sa akin si Xyrus.

"Baka pwede ko ng halikan misis ko, Judge?" tanong ni Xyrus sa Judge.

"Atat ka lang maka halik gago!" sigaw ni Nilo. Xyrus raised his middle finger up.

"You may now kiss the bride." natatawang announced ng Judge.

Xyrus didn't think twice, he cupped my face and french kiss me in front of my friends and our family! He pulled away when the Judge interrupt us, pinapirma lang niya kami ng marriage certificate.

"Misis ko..." he whispered huskily.

"Xy?" I called his name. He just hummed and looked at me.

"I, Margaret Caguiat, take you Xyrus Stephen Perez, to be my wedded husband, to have and to hold, for better for worse, for richer for poorer, to love and to cherish, from this day forward." I said and kiss him on the lips. "You will always be my light. Remember that,"

___________________________________________

Last cup of coffee.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top