Chapter 20

"You became close again, I see."

I stopped brushing my hair. I smiled when I saw Mommy Khallex leaning on my door, smiling so bright at me. Nilapag ko ang hair brush na hawak ko at humarap sakanya.

"Walang nagbago Mom..." I said as I played my hand.

Ayun yung na realize ko. Walang nagbago sa nararamdaman ko sakanya, he's really a part of me na hindi ko kayang i-let go. The strong feelings for him, yung kilig, yung sparks, the butterfly in my stomach, lahat lahat ng pwedeng maramdaman kapag nakita mo na yung para sayo. Nararamdaman ko parin sakanya. Sakanya lang. Kay Xyrus lang.

"I knew it!" she squeezed my cheeks. "Alam ko na hindi ka pa nakaka move on sakanya kahit na ipakita mo pa sakanya noong umpisa na wala na, sinungitan mo pa nga diba?" natatawang sabi ni Mommy.

"Ahh.. I remember his face when Engineer Nilo kissed your cheek, it's so dark. He's jealous." natatawang kwento ni Mommy.

"Ang sabi niya sa akin noong isang araw gusto na niyang sapakin si Nilo noon, nagpigil lang siya." Mom and I laugh because of that.

He's so possessive of me now unlike before na ayos lang, kasi alam niyang sakanya ako uuwi. But now, I guess may nagbago. Pareho kaming naga-adjust sa sitwasyon namin ngayon, ilang taon din kaming walang communication sa isa't isa. Madali na din siyang mag selos ngayon kumpara noon.

"So... Kayo na ba ulit?" tanong ni mommy at inilapit ang mukha sa akin.

Marahan akong umiling sakanya, I don't really know. Hindi ko alam kung itutuloy ba namin yung no label relationship namin or we're going to start a new. Hindi ko pa naman siya tinanong but I am hoping that this time, umpisahan namin siya ng tama. Yung may label.

"Hindi pa po niya ako tinatanong maging girl friend, hindi ko din po alam kung nanliligaw ba siya sa akin or ano." I pouted my lips.

Mommy cupped my face and caressed it using her fingers. She stared at me lovingly.

"Kahit anong mangyari nandito lang kami ng Papa mo, we're going to support you. And you know your Father, he likes Xyrus for you." she said and squeezed my cheeks one more time. "And you like him also, it's time for the both of you to work your relationship out." she smiled at me and left.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama ko. It's been a week since we talked, at sa loob ng isang linggo na yun ginagawa niya ulit yung ginagawa niya sa akin before. Inaalagaan ako, pinagdadala ng pagkain, and making me laugh and fall for him hard again.

Pinilit ko nalang ang sarili ko na matulog at huwag mag-isip ng kung ano ano, but if he's not going to put label on our relationship again then I'm going to kick his fucking balls for not taking responsibility of me again!

Kinabukasan, the groundbreaking ceremony started and it went well. Papa pulled me every now and then so I can talk to other business man and woman, syempre hindi nawala yung pag rereto ng mga anak nila so they can merge their company with ours.

"No, my daughters going to marry someone and that's not your son." sarkastikong sagot ni Papa sa isang lalaki na nirereto ang anak niya sa akin.

Natawa ako ng bahagya dahil sa sagot ni Papa. He's so sure. I apologetically look at the man in front of us, ngumiti lang siya sa amin at nagpa alam na.

"Alex!" napalingon ako sa sumigaw. It was Tito Stephen wearing a hard hat and holding a blueprint. Lumapit siya kay Papa at hinila nalang basta. Iniwan ako dito.

Inilibot ko ang paningin ko para hanapin si Mommy or kahit si Nilo nalang. Bakit naman kasi ang daming tao dito?!

"Hi! Looking for someone?" tanong ng isang lalaki. He's smiling from ear to ear pero nang tignan ko siya bigla nalang siyang napa atras.

"Scared?" I teased. His ears reddened.

"No, nabigla lang ako." he said and smile.

"Masyado bang nakakatakot ang mata ko?" natatawang tanong ko sakanya.

"Yes. Parang anytime mananakmal kana." natatawang sagot niya sa akin. I stared at him, may kamukha siya. His eyes, nose and lips. It's very familiar.

"Matunaw ako ah?" he smirk.

"You look like someone." I said. Agad akong tumayo ng maayos nang makita ko sa malayo si Xyrus na nakatingin dito sa pwesto ko.

"Your ex? He's my cousin. I'm Khairus Perez," inilahad niya ang kamay sa harap ko. I shake his hand and was about to say my name when someone interrupted us by hugging my waist and pulling me towards him.

"What are you doing, Khairus." his voice thundered. I can't help but to rolled my eyes.

"What? I'm just introducing my self." defensive na sagot nito, nakataas pa ang dalawang kamay sa ere.

"Alis." singhal ni Xyrus sakanya at parang masunurin na bata si Khairus na umalis. Humigpit ang yakap niya sa may baywang ko.

"Have you eaten?" tanong niya sa akin.

"Can I eat you, instead?" I smiled innocently to him. Inirapan niya lang ako at tumingin sa ibang direction. His perfectly sculpted jaw was now on full show! Damn.

"Don't tease me, Pearl." he groaned. His hand on my waist is going up, caressing the side of my boobs. Agad kong tinanggal ang kamay niya. Hindi pwede gaga!

"I'm g-going to e-eat." nauutal na paalam ko sakanya at tinalikuran na siya. I heard him laugh while mumbling 'Weak'.

Nilapitan ko si Nilo at sakanya nalang nagpakuha ng pagkain, tinatamad ako na pumila doon at kumuha. Umupo din ako sa tabi ni Kitten na patagong naglalaro ng ML habang kumakain.

"Sa likod mo bobo," bulong ko sakanya ng may makitang kalaban na nagtatago sa damuhan. Tumingin siya sa akin at nanlaki ang mata.

"Potacca! Ginulat mo ako!" she hissed and I just laugh at her.

"Bobo, bakit ka ba naglalaro dito?" pabiro ko siyang kinaltukan. Nagkamot lang siya sa ulo at hindi na ako sinagot. She's back in her game again.

"Dig in," nakangising inilapag sa harap ko ni Nilo ang paper plate.

"Puta! Bakit puno to hoy!" singhal ko sakanya. Umaapaw ang pagkain na nasa paper plate ko! Walangya may balak ba siyang bitayin ako after ko kumain?!

Tumawa sa akin si Nilo at itinuro si Xyrus na nakatingin sa akin. "Siya naglagay boss." sabi nito at umupo na sa harap ko.

I glared at him and he glared back at me. He raised his brow while mentioning me to eat and finished the food in front of me. Naiiyak kong tinignan si Nilo. Ang dami nito!

"Ubusin mo daw, wag ako ang tignan mo. Ayaw kong mahampas ng pala." he said while eating his food.

Mariin akong napapikit at kinuha ang phone ko. This brute! May balak ba siya na gawin ang baboy! I dialed his number.

[Ubusin mo yan.] he threatened. Tumingin ako sa pwesto niya. His hand were on his pocket while looking at me intently.

"Hindi ko kaya, ang dami!" reklamo ko sakanya. Para akong bata na nagmamaktol dito.

[Hintayin moko diyan.] he said and ended the call.

"Akala ko si Stephen yung under." bulong ni Nilo kaya sinamaan ko siya ng tingin. He just laughed at me.

I saw Xyrus walking like a freaking model towards us. Tamad akong nakaupo dito habang walang gana na nakatingin sa pagkain, putek ang dami talaga! I raised my head when Xyrus sat beside me and lean his arm on the table.

"Kakain ka o kakainin kita?" he ask. Nilo choked on his food because of what he heard. Ganoon din si Kitten na tahimik naglalaro.

"Tangina, Architect pasintabi ka naman!" reklamo ni Kitten ng maka recover na ito sa pag ubo niya.

"Kakainin ampota." reklamo din ni Nilo.

Yumuko ako at pilit na itinago ang mukha ko. Kingina, bakit naman kasi sa harap pa nila Nilo?! I heard him chuckle sexily. Bahagya kong itinaas ang ulo ko, nakita ko pa na pabiro niyang inambangan ng suntok si Nilo.

"Alis na kami. Tangina magkainan na kayo." Kitten said between her laugh. Mas lalo ata na uminit ang pakiramdam ko dahil sa pinagsasabi ng mga kupal na 'to.

Kitten and Nilo left us. Nakangiti lang si Xyrus habang nakatingin sa akin, then he chuckled when he saw how red my face is!

"Kain kana, subuan kita. Wag kang mag-alala hati tayo dito." he said.

"Siraulo ka!" I hissed and pinch his leg.

"Mapanakit ka na ah!" he hissed while rubbing his leg. "Oh eto na airplane baby, kain naaaa!" he acted. Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko at tinignan siya ng masama.

"Eto na seryoso na, kain kana oh." he said and smile. Nagtaas baba ang kilay niya, inaabanga na isubo ko ang isang kutsara na may lamang pagkain. I glared at him one more time and eat the food.

"Very good naman pala tong bebe ko." He playfully said at me. Inayos niya ang buhok na pilit na tumatabing sa mukha ko dahil hinahangin. "Ayaw umayos." iritadong bulong niya dahil pilit na bumabalik ang stand ng buhok sa mukha ko.

The next thing he did stunned the fuck out of me. He gathered my hair and tied it with a hair tie, salubong ang kilay niya at napaka seryoso ng mukha niya habang itinatali nang maayos ang buhok ko.

"Ayos na, oh game kain ka na ulit!" he said while clapping his hand like a kid. Inirapan ko lang siya pero sinusubo ko parin ang pagkain na pinapasubo sa akin. He's also eating and same lang kami ng spoon na ginagamit.

Hindi naman ako magrereklamo. Lagi naman namin ginagawa dati ito. Naaagaw na namin ang atensyon ng ibang bisita, even our parents was now looking at us. Nailang ako bigla sa tingin nila kaya yumuko ako.

"Wag mo nalang pansinin, ubusin mo na to. Last na," he said and brought the spoon close to my mouth. Agad ko 'yon sinubo. He handed me the water, pinunasan pa niya ang gilid ng labi ko.

Para talaga akong bata sa ginawa niya sa akin. Letche! Itinabi niya lang ang paper plate nang maubos na ang laman nito.

"Your hand please," salubong ang kilay na lumingon ako sakanya.

Nang hindi ko inabot ang kamay ko sakanya siya na mismo ang kumuha noon. He gently caressed it, like massaging it. Pagtapos ay ang mga daliri ko naman ang pinagtuunan niya ng pansin.

"What are you doing?" I ask in a low voice. I felt like my inside were melting because of what he's doing right now.

"Wala lang, ang ganda ng kamay mo. Parang hindi ka nagta-trabaho noon." he notice. His finger traced the veins in my hand. Naging visible sila ngayon dahil mas pumuti ako. Unlike his, litaw na litaw ang mga 'yon.

"Inggit ka boy?" nang-aasar na tanong ko sakanya. He just laugh softly and pinch my cheek.

"Mine looks sexy, kaya bakit ako maiinggit?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin. Mayabang amp. Now, it's my turn to traced his veins.

"Damn, perfect pang choke." I teased. He scoffed at me and patted my forehead.

"Wala ka ba talagang ibang iniisip kundi yan? Gusto mo talaga na masakal?" asar na asar na tanong niya sa akin. Hindi maipinta ang mukha nito. Tumawa lang ako sakanya habang umiiling. Kingina.

"Masama ba? I want to experience it. Ano feeling nang ganon?" I genuinely ask.

"Enough with that topic. I have something to tell you." he said and stared at me. Napaka seryoso nito habang nakatingin sa akin.

Umayos ako ng upo at humarap sakanya. He stil holding my hand, not wanting to let it go.

"Okay, what is it?" I ask.

"I wanted to ask you the same question. You didn't have the chance to answer me before because of what happened." parang kinalabog ang dibdib ko. I stared at him at ganoon din siya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita yung singsing na dapat ibibigay niya sa akin nung mismong gabing yon. The promise ring.

"Will you be my girlfriend?" he ask. Natawa pa ako ng bahagya dahil dama ko ang panginginig ng kamay niya. "Don't laugh, Babe. I'm nervous as fuck here!" he hissed kaya mas lalo akong natawa sakanya.

"Sino ba ang aayaw na maging girlfriend mo?" I smiled at him.

"It's a yes?" he ask while smiling genuinely. Tumango ako sakanya. Agad niyang pinasuot sa akin ang singsing at niyakap ako ng mahigpit. "Damn it! Finally!" he hissed.

"Pasalamat ka maganda ang singsing." biro ko sakanya. Kumawala siya sa yakap at hinawakan ang kamay ko kung saan naka suot ang singsing.

"This ring was especially made for you." he said while caressing it. It was a rose gold ring with small pearls in it. Saktong sakto lang sa daliri ko. "May naka engraved sa loob." he whispered.

"Really?!" I ask. Checking the ring on my finger now. Ang kaso medyo manipis ito.

"Yeah, maliit. Hindi gaanong makikita, kailangan mo munang titigan." he said. I was about to remove the ring so I can check it pero agad niya akong pinigilan.

"Light of the Pearl." he whispered. "I want you to remember that the one who gave you this ring, which is me. Will always be the Light of the Pearl. Kahit anong mangyari sayo at sayo parin ako babagsak."

___________________________________________

The ring :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top