Chapter 2
"Nice to meet you, Margaret!"
He cheerfully said. Napangiwi ako nang marinig kong tinawag niya ako sa buong pangalan ko, hindi ko alam anong nasa isip ni Mama noon at Margaret ang ipinangalan sa akin. Ang kaso, wala na akong magagawa. Hindi naman ako makakapag reklamo noon.
"Greta nalang!" nakangiwing sabi ko sakanya.
"Nope!" he said popping the 'p'. "Mas gusto ko ang Margaret!" dagdag niya at tumakbo na pabalik sa lungga nila Kitten. Malamang ay maglalaro pa 'yon.
I sighed and continue walking. Maglalakad lang ako ngayon dahil wala na akong pamasahe pauwi, e hindi naman ako nakasabay kina Bree dahil sa kagagawan ni Kitten. Tapos ang ending nabawas lang ang star ng mga tanga. Babano kasi nila maglaro, di man lang napatumba yung hero ni Xy, kahit ako na binubuhat sila ilang beses niyang napatay.
Kinuha ko ang cell phone ko sa bulsa para mag text kay Lola na mali-late ako ng uwi. Nagta-type palang ako nang biglang may bumusina.
"Punyeta!" sigaw ko dahil sa gulat.
Tumalikod ako at hinarap ang lintek na kotse na pumarada sa may tabi ko, kingina nito! Akmang lulusubin ko na ang may-ari nang lumabas si Xyrus. Sakanya to? Hayop. Yayamanin pala si gago! Sana all.
"I'm sorry, nagulat ata kita." nag peace sign siya sa akin at nagkamot sa ulo.
"Ayos lang. Bakit kaba kasi nambubusina? Naka kalat ba ako sa daan?" yamot na tanong ko sakanya. Tumingin ako sa dinadaanan ko, hindi naman ako nakaharang. In fact! Nasa may pinaka gilid na ako!
"Akala ko kasi hindi na kita maaabutan," nakasimangot na sabi nito. Nagsalubong ang kilay ko sakanya.
"Bakit?"
"Bigla ka nalang kasing umalis kanina," hindi nakatakas sa paningin ko kung paano mamula ang magkabilang tenga niya pababa sa leeg. Cute.
"Ah-huh. Kasi uuwi na ako kaya umalis na ako." paliwanag ko sakanya. Kinagat ko ang dila ko para pigilan ang pag ngisi. Putcha pulang pula na ang magkabilang tenga niya!
"Ihahatid sana kita kanina, kinuha ko lang yung bag ko sa lungga nina Kitten tapos pagbalik ko wala kana." he explained. Tinitigan ko lang siya habang nakapamaywang ako, umiwas siya ng tingin sa akin.
Putcha, bat parang ang lambot nito? Kabaliktaran kung gaano katapang ang mukha niya. Makapal ang mga kilay nito at parang laging magkadikit, o siguro natural na iyon sakanya. Matangos ang ilong at parang magkatulad lang ang mata namin, para kang kakainin ng buhay kapag tinitigan mo. Manipis at mapula ang labi niya, dagdag bad boy look pa ang magulo niyang buhok.
"Tapos ka ng titigan ako? Nanginginig na ako sa takot dito, oy!" biro niya sa akin. Lambot pota.
"Lalaki ka ba?" maangas na tanong ko sakanya. Inilagay niya ang palad sa may dibdib nito at umaktong nasasaktan.
"Lalaki'ng lalaki po, master!" mayabang na bawi niya at kinindatan ako.
"Sabi mo e," walang gana kong sagot sakanya. Buti naman, sayang ang lahi niya. Iiyak lahat ng mga babae kapag naging beki ang isang 'to.
Katulad nalang sa palengke. Yung kaibigan na kargador na ilang buwan din akong ginamit para pagtakpan ang pagiging baliko nito, nagladlad. Yung mga babaeng sobrang sama ng tingin sa akin, nagsi iyakan na parang namatay ang kaibihan ko. E, nagladlad lang naman.
"Oy grabe 'to! Alam ko yang iniisip mo! Promise hindi ako ganon!" natawa ako dahil sa biglang pagsigaw niya sa akin. Mas naging lalaki pa ang boses niya dahil sa pagsigaw.
Ibinaba ko ang daliri niya na nakaturo sa akin, at tinignan lang siya.
"Nakakapanlambot ng tuhod titig mo, Miss."
"Hindi naman kita tinititigan ah?" natatawang tanong ko sakanya. Nakatingin lang ako, ang cute kasi mamula ng mga tenga niya. Putcha bat ba namumula to? Hindi naman mainit.
"Alam ko naman na gwapo ako, Margaret!" mayabang na sabi nito at hinimas himas pa ang baba niya. Inirapan ko nalang siya at nagsimula ng maglakad palayo sa kanya.
Maba-baliw ako kung kakausapin ko pa ang lalaki'ng yon na saksakan ng yabang pero ang lambot naman kapag tinitigan ko.
"Miss! Ihahatid kita oy!" sigaw niya sa akin pero hindi ako tumigil sa paglalakad.
"Putcha?!" sigaw ko nang bigla niya akong buhatin na parang sako at naglakad pabalik sa tapat ng sasakyan niya. Hinampas ko ang likod niya kaya napa igik siya.
"Bigat ng kamay mo, Miss." he said while laughing. Gamit ang isang kamay niya binuksan niya ang pinto sa passenger seat. Pagtapos ay ibinaba niya ako at inilahad ang kamay. "Get in, my lady." he said and bow his head playfully. Pabiro ko lang siyang sinabunutan at pumasok na sa loob.
Nang nakasakay na ako sa loob, mabilis siyang umikot at sumakay sa kabila. Habang ako ay patingin tingin lang sa loob ng sasakyan niya, masasabi ko na mas maganda ang loob nito kumpara sa sasakyan ni Breeyana na lagi naming gamit.
"Mag seat belt kana, miss." utos nito sa akin. Pasimple ko siyang tinignan kung paano gawin 'yun.
"Ahm... Xy kasi ano..." putol putol kong sabi.
"Wait! What did you call me?" bakas ang pagka mangha sa mukha nito. Kumunot ang noo ko sakanya.
"Xy?" patanong kong sagot sakanya. His face lighten up because of that.
"I like it! Call me Xy for now on!" masiglang sabi nito sa akin. Desisyon ampota. "Ano nga pala yung sinasabi mo kanina?" nakangiting tanong niya sa akin.
"Hindi ko alam paano mag seat belt." nakapikit na sabi ko sakanya. Akala ko tatawanan niya ako o iinsultuhin dahil seat belt lang hindi ko pa alam isuot. Instead, he pat my head at siya na ang gumawa nun.
Nahigit ko ang hininga ko kasabay noon ang pagtibok ng malakas nang puso ko dahil sa biglang paglapit niya sa akin. Gahibla nalang ang pagitan ng mukha ko sa mukha niya. Putcha, ang kinis ng mukha niya. Pwede na akong magsalamin.
"There," He said while smiling brightly to me. "Malapit ka lang kina Kitten diba?" tanong niya at sa sarili na tumango ako sakanya.
Habang nag da-drive siya kinakausap niya ako na para bang close na close kami sa isa't isa. Marami siyang tanong, yung iba tungkol sa school, yung iba personal katulad nalang ngayon.
"Bakit Entrep? Akala ko ba gusto mo mag doctor?" bahagya siyang sumulyap sa akin.
"Hindi din naman kasi ako makaka deretso sa Med.School. Mahal 'yon, wala kami ganoong kalaking pera." sagot ko sakanya. Eto ngang Entrep kung hindi lang ako nakapasok sa scholarship ng school hindi ko din mairaraos.
"Why do you want to be a psychologist?" his question stunned me.
Bakit nga ba? I want to understand my mother better. Kung bakit bigla nalang siyang naging ganon, kung bakit minsan naiisip niya na saktan ang sarili niya gayong andito naman ako kahit wala si Papa.
"Nevermind," he smiled at me. "Andito na tayo kina Kitten, saan banda yung sainyo?" pag-iiba niya sa usapan. Itinuro ko ang tindahan ni mareng baby.
"Malapit doon sa bulok na tindahan na 'yon." nakasimangot na sagot ko sakanya. He let out an amused laugh at me. "Bakit?" maangas na tanong ko sakanya.
"Bakit parang ang laki ng galit mo sa tindahan na 'yon?" natatawang tanong ni Xy sa akin at ipinark na ang sasakyan sa may gilid.
"Trip ko lang." kibit balikat kong sagot.
Alangan naman sabihin ko sakanya na may sandamakmak ako na utang diyaan at hindi ko pa nababayaran hanggang ngayon? Tapos ito ako at ako pa ang galit? Nakakatawa.
Agad niyang tinanggal ang Seat belt niya at sinunod ang akin, after niyang tanggalin ang seat belt nauna na akong bumaba sakanya para lumanghap ng sariwang hangin. Putspa parang uminit ata?
"See you later, Greta!" he shouted while waving his hand to me. Sumaludo lang ako sakanya at tumakbo na pauwi sa bahay namin.
Hinubad ko ang sapatos ko at itinabi sa may gilid. Putcha, ngumanganga na. Malapit na bumigay! Napairap nalang ako sa hangin, bibili nalang ako ng pandikit mamaya.
"Greta!" salubong sa akin ni Lola habang nagpupunas ng kamay sa bistida niya. Nakangiti ko din siyang sinalubong at nagmano.
"Si mama po, Lola?" tanong ko sakanya dahil wala sa sala si mama, sa madalas na puwesto nito.
"Nasa taas, kasi kanina bigla nalang umiyak. May lalaki kasing dumating dito, may kasamang magandang babae. Hinahanap ka." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Lola. Hindi basta basta umiiyak si mama kapag may dumadalaw o napapa dayo dito sa bahay namin.
"Sino daw ho?"
"Ka apelyido mo, Greta. Diko lang matandaan pangalan." nagkakamot na sagot ni Lola.
Nagpaalam lang ako sakanya na aakyat at sasamahan si mama sa kwarto namin. Tulog na ito pero yakap yakap paring ang cell phone niya, napailing nalang akong kinuha ito at inilapag sa may side table namin. Nag-ayos lang ako para magpunta na sa bahay nina Kitten.
"Greta! Kapag nanalo tayo ngayon, inom tayo. Sagot daw ni Stephen ambag mo! Bawal tumanggi!" salubong sa akin ni Kitten.
Agad umakbay sa akin ang feeling close na na ang pangalan ay Xyrus Stephen.
"Gago, Stephen! Ang bilis mo, wag si Greta!" banta sakanya ni Nilo sakanya. Natatawang umiling nalang ako sakanila at kinuha ang isang cell phone ni Kitten.
Hindi natapos ang kantyawan nila hanggang sa mag-umpisa na ang laro. Xyrus hero was always behind mine. Kapag nakikita niya na tinitira na ng kalaban ang hero ko bigla nalang siyang susulpot sa tabi ng hero ko.
"Pota, sana all." sigaw ni Nilo. Napansin siguro niya sa map na laging magkasama ang hero namin ni Xyrus.
Ako naman ay todo focus sa laro, hinahayaan si Xyrus sa gusto niyang gawin. Minsan kill steal ampota pero hindi na mahalaga sa akin 'yon. Ang mahalaga sa akin ngayon manalo sa pustahan, inutang ko lang kay Lola yung dalawang daan na ipinang pusta ko dito.
"Lakas mo, Greta!" Sigaw ni Kitten kapag kuwan ay nagmura. Patay ang bobo.
"Babe, push mo. Sa likod mo lang ako." bulong sa akin ni Xyrus.
Napatigil pa ako dahil sa tawag niya sa akin. Did he just call me babe? O nabingi lang ako sandali? I shake my head and move my hero. Na ambush nina Kitten ang mga kalaban namin sa mid kaya malaya kami ni Xyrus dito sa top na itumba lahat ng tore nila.
"Puta! Tapusin niyo na, baka bumaliktad!" sigaw sa amin ni Kitten.
Kaya ayun ang ginawa namin. Kahit alanganin na ang life ng hero namin ni Xyrus pinasok parin namin ang base para mawasak. Binitawan ko ang cellphone ni Kitten sa lamesa at pinaltok ang mga daliri ko. Nangalay ako kingina.
"Pre! Ilabas na ang alak!"
I scoffed when I saw the liquors. Prepared ang mga gago, alam na alam na ipapanalo ko ang laban dahil gipit ako sa pera. Ayos ng mga 'to. Si Nilo ang nagtimpla ng Gin na iinumin namin, hindi uso ang tagay sa amin kaya kumuha ng baso si Kitten. Tig-iisa kaming lahat. Agad naman 'yon pinuno ni Nilo.
"Lasing kana," bulong sa akin ni Xy. Naka pitong baso na ako kaya umiikot na ang paningin ko. Putcha!
"Hatid moko," nanghihina kong paki usap sa kanya. He just nodded his head and carry me bridal style. "Gagi bitawan mo ako, baka masukahan kita." tinapik ko ang balikat niya.
Bumuntong hininga muna siya bago niya ako ilapag at hinayaang maglakad, pero ang kamay niya nakapalupot sa baywang ko para alalayan ako at hindi mag hello ang labi ko sa daan.
"Hindi mo naman pala kaya, bat ka pa uminom?" naiiritang tanong niya sa akin.
"Pake mo?" pabalang kong sagot sakanya.
"Mukha kang zombie kapag lasing." natatawang pansin niya sa akin. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
I stopped walking when I felt something in my throat. Sinapo ko ang bibig ko at tumakbo sa gilid ng poste at doon nagsuka. Naramdaman kong hinagod ni Xyrus ang likod ko, he also held my hair back. I looked up, and saw him looking on the other side. Nakangiwi pa ang loko. Arte!
"Tapos na? Here," inabot niya ang tissue sa akin.
"Langya! Tissue ng jollibee?" natatawang tanong ko sakanya. Pwede naman panyo ibigay niya sa akin. Kumag na 'to.
"Pasalamat ka nalang, Greta." natatawang sabi nito sa akin.
Nakaalalay lang siya sa akin hanggang sa makarating kami sa bahay namin. Sarado na ang pinto sa harap pero sure akong hindi ni lock ni Lola yun dahil nagpa-alam ako sakanya.
"Pasok kana," he said and pushed me lightly.
Humarap ako sakanya at tinagilid ang ulo ko, ang gwapo niya talaga walang duda. Habulin siguro ng chix to. I smiled to him. Nakita ko kung paano siya mamula kahit na madilim.
"Pwede bang dito ka muna?" inosenteng tanong ko sakanya. Kailangan ko lang ng kasama ngayon.
He pulled me closer to his well defined chest and wrapped his arms around my waist. Pinagdikit niya ang mga noo namin. I lost my shits when I smell his breath, a mixture of mint and the smell of gin we drank.
"What have you done?" he's voice became raspy and deep.
Kumalas ang isang kamay niya sa baywang ko at gumapang iyon sa braso ko, paakyat sa may leeg ko. Parang may sariling utak ang mga mata ko o dala ba ng kalasingan kaya kusa nalang akong napapikit nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Napahawak ako sa dulo ng damit niya.
I felt his soft lips pressed into mine. He moved his lips slowly, hindi ko alam ang gagawin ko kaya pinilit ko ang sarili ko na gayahin nalang ang ginagawa niya sa akin. Humigpit ang hawak niya sa leeg ko at itinutulak papunta sakanya ang mukha ko para lumalim ang halikan namin. What I did not expect is when his tongue entered my mouth. Agad ko siyang tinulak dahil sa gulat.
"Fuck! I-I'm s-sorry. I think I should go. Good night, Greta." natatarantang paalam niya. Hinalikan muna niya ako sa noo bago siya tumakbo palayo.
"Tangina? Ang landi mo self!" naasar na sinabunutan ko ang sarili ko!
___________________________________________
≥﹏≤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top