Chapter 17

"Greta? About the old house. May plano ka na ba doon?"

My father asked. I bit my lower lip and sumandal sa swivel chair ko. I worked now. Papa is still the C.E.O pero hati kami sa trabaho niya.

"Gusto ko pa sana ulit tumira doon," I said while playing with my pen.

"Ipapa renovate mo ba?" he ask again.

I smiled and shake my head a little. The house was fine, maganda na ito. Matibay din kaya hindi na kailangan pang ipa renovate, konting linis lang naman at palit sa mga gamit na nandoon okay na ulit 'yon.

"If that's what you want. By the way, I have a meeting. You can go now," finally!

Humalik lang ako sa pisngi niya bago ako umalis. Ganito lang ang role ko dito, tutulungan si Papa sa mga pinapa approved na design then ako yung mag re-review sa mga papeles na kailangan niyang pirmahan. Kaya napapadali ang trabaho niya. Oh well, I am an efficient worker. That's what I think.

To: Bree

Nasa office ka? Punta ako.

Sumakay ako sa elevator at nginitian ang mga empleyado na bumati sa akin.

"Hi, Miss Caguiat. It's nice to see you." I arched my brow when I heard that voice. Argh! Mr.Lagman. Ang makulit na Finance manager, na pilit parin akong pinapadalhan ng kung ano-ano sa opisina ni Papa. Nag-uumpisa na ngang mapikon si Papa sa kanya.

I faked my smile and look at him. "Likewise." i replied, kahit hindi.

"Wanna go on a dinner with me?" he offered.

From: Bree

Yes. I'm in a monster mode, please bring some comfort food.

"Margaret?" lumingon ako kay Mr.Lagman, he have this smile plastered on his face.

"Sorry, ano nga ulit yon?" tanong ko sakanya habang nirereplyan si Bree.

To: Bree

Sure. I'll bring Nichos.

I smiled to myself. Uusok na naman ang ilong ni Bree.

"I said, do you want to have dinner with me? Later?" he ask once again. Umiling lang ako sakanya sakto naman na bumukas na ang elevator kaya nagmamadali akong lumabas.

"Maybe next time! I'm busy." sagot ko nalang.

From: Bree

Fuck you. From the bottom of my heart.

I laughed on her reply. Mainit na naman ang ulo ni Boss.

Sumakay na ako sa kotse ko, still the same, the graduation gift from my Father. BMW 5 Series Sedan. Kingina, nalula ako sa presyo nang matrip-an ko na i search 'to sa google. It's too pricey, okay lang naman sakin kahit yung mga maliliit na sasakyan lang.

Dumaan muna ako sa paborito naming kainan at bumili ng Nachos na gustong gusto na pinapapak ni Bree kapag ganitong stress siya sa trabaho niya. I also ordered Tacos, knowing Bree. Hindi na uso sakanya ang Diet ngayon. But still, she's so sexy.

Kilala na ako dito sa building ni Bree kaya lahat ng nakakasalubong ko ngumingiti sa akin, syempre ganoon din ako. I'm friendly.

"Looking good, Greta!" bati sa akin ng isang ka blockmate namin before sa akin. I smiled at him and playfully punch his arm.

"Ikaw din. Nag-iba yung katawan mo!" puna ko. Kung dati patpatin ito ngayon ma muscle na.

"Tambay sa Gym e." nagkibit balikat ito. Habang nasa elevator kami nag-uusap lang kami, tungkol sa mga kabalastugan namin nung College pa kami. We waved our goodbyes nang makarating na siya sa floor na pupuntahan niya, may meeting pala dito ang gagi.

"Hi Bree!" agad akong pumasok sa opisina niya. Walang paki alam kung may ka meeting siya. Sanay na siya sa akin.

I widened my smile when she look at me flatly. Nakasandal siya sa swivel chair niya at naka cross arms. Salubong ang kilay at hindi maipinta ang mukha. This is the Gorgeous monster that her employees doesn't want to see. Mga empleyado niya ang bumansag sakanya nang ganoon pangalan, maganda pa din daw kasi ito kahit mukhang mangangain na ng buhay.

"Wala ka bang trabaho?" sarkastikong tanong niya sa akin. I playfully put my hands on my chest and acted like I'm wounded.

"Oh. Nichos mo, este Nachos." I said while smirking at her. Mas lalo lang nalukot ang mukha niya habang inumpisahan ng nilantakan ang pagkain na dala ko.

"Ilang buwan ka nang nakabalik tapos ngayon mo lang naisipan manggulo?" tanong niya sa akin. I played my nails and look at her.

"I'm busy." sagot ko sakanya.

"Busy huh? Ano ba position mo sa company niyo ha?" maangas na tanong niya sa akin.

"C.O.O!" proud na sagot ko sakanya. Tumaas ang kilay niya sa akin.

"C.O.O?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.

"Di mo alam yon?" napailing ako sakanya. "CEO ka niyan?" nakangising tanong ko sakanya. She glared at me.

"COO. Child of the owner." sagot ko sakanya. Umilag ako nang ibato niya sa akin ang tissue na pinag gamitan niya!

"Bobo mo Greta!" singhal niya sa akin. Tumawa lang ako sakanya at may inilapag akong paper bag sa harap niya. Well, pasalubong. It's just a simple anklet, natipuhan ko lang for her. At Birthday gift ko na rin sakanya.

"My gift for you, by the way. Belated Happy Birthday. 25 kana shet." I exclaimed. She just rolled her smile and grab the paper bag and open it.

"Wow! Thank you." she smiled at me when she saw the anklet. "25 ka na din next next month. Any plan?" tanong niya sa akin. Paubos na niya yung isang nachos!

"Wala pa, pero baka mag swimming nalang tayo. Ayoko sa party, Bree." walang gana kong sagot sakanya.

I don't like parties ever since dahil hindi naman talaga ako uma-attend before. Kahit noong nasa poder na ako ni Papa hindi ako uma-attend. Because I don't want to. At isa pa, feeling ko hindi ako belong. Lalo na at puro mayaman ang mga bisita.

"Hi!" Sabay kaming napalingin ni Bree sa pintuan. It was Mj with her son, Jv.

"Jyrelle!" I shouted at agad na nilapitan sila at kinuha si Jv sa bising ni Mj.

"Wow, I feel so loved Greta." sarkastikong saad ni Mj. I just smiled at her and kiss her cheeks.

"M-ma..." Jv mumbled while touching my face.

"Yes baby, I'm your mama." pinanggigilan ko ang pisngin niya. He really looks like Brylle!

"Inangkin ang anak ko. Gawa ka ng sayo oy!" barumbadong sabi ni Mj na agad kong sinimangutan.

"Why are you here ba?" Bree ask at tumayo sa upuan niya at hinalikan muna si Jv na hawak ko.

"May meeting kasi ako, at walang magbabantay kay Jv. Wala sila Mama, and Brylle is busy." sagot niya kay Breeyana. Napakamot si Bree at alanganin tinignan ang lamesa niya na tambak na mga papeles na kailangan niyang pirmahan.

"Try to ask that fucking COO, if she's busy or nah." sabi ni Bree na nakapamaywang.

"Fucking COO? Bakit may fucking?" nagtatakang tanong ni Mj kay Bree.

"Minamaliit niya ang puwesto ko sa company namin." I pouted my lips. Nagpapa-awa kay Mj.

"Iba ang meaning ng COO niyan." walang ganang sagot ni Bree at bumalik na sa upuan niya.

"Ano ba?" tanong ni Mj sa akin.

"Child of the owner?" patanong kong sagot sakanya. Napangiwi sa akin si Mj at inabot sa akin ang bag ni Jv.

"I'm going to leave him to you. Take care of my son." She said and kissed her son forehead.

"M-mamama." Jv mumbled. Pinisil ko ang ilong niya at binuhat na siya. I'm going to take him with me, pabalik sa company namin. I'm sure Mommy Khallex will be happy if she saw Jv with me.

"I'm going now!" I said and she just nod her head. Hindi na nag-abala na tignan ako dahil nag-uumpisa na siyang magbasa ng reports at pumirma.

Bitbit ko si Jv hanggang sa makasakay kami sa sasakyan. I made sure first na tama ang pagkaka upo niya at naka seat belt siya. He keeps on mumbling some cute words kaya nagkakalat ang laway nito sa bibig.

"Milk.." he said while playing with his hands. I smiled at him at binigay ang bote niya na may lamang gatas.

Dahan dahan lang akong nag drive pupunta sa company namin. At nang makarating ako, the guard helped me carry the bag of Jv. Tulog na tulog ang bata sa bisig ko. And it's also a good thing na pakalat kalat ngayon si Nilo.

"Good afternoon po, Engineer." bati ni manong guard sakanya. Tinapik lang niya ang balikat ni Kuya at kinuha na ang bote at bag na hawak nito.

"Gwapo talaga netong anak mo." he said and lightly pinch Jv's cheek. Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Arte mo naman sa anak mo!" he hissed.

"Himala? Nandito ka?" tanong ko sakanya.

"May kukunin lang. Nakalimutan ni Kitten blueprint niya, bopols amputs." sagot niya sa akin na ikatawa ko.

"Parinig mo yan kay kuting." ngumiwi siya sa sinabi ko.

"Sa office mo ba?" he ask. Sinuot niya ang bag ni Jv sa isang kamay at iniabot sa akin ang bote. "Ako na magbubuhat." kinuha niya sa bisig ko si Jyrelle at siya na ang nagbuhat.

Nilo being a gentleman, hinapit niya ang baywang ko ng muntikan na akong mabangga ng cart nung janitor. Humingi naman ito ng dispensa kaya ayos lang. Hindi na bumitaw si Nilo, sanay naman ako dahil ganoon din siya kay Kitten. He's so overprotective when it comes to us.

"Ayusin mo," bulong ko sakanya dahil hindi na komportable si Jyrelle sa pwesto niya. He immediately fixed Jyrelle the moment we entered the elevator. Magsasara na dapat iyon ang kaso may humarang.

I tiptoed so I can fixed Jyrelle's hair. Tumatabing na kasi sa mukha niya.

"Architect Perez, It's been a long time." bati ni Nilo sa pumasok. Bahagya akong lumingon para makita kung sino 'yon. My breathing stopped when I saw him again after 3 years.

He was looking at me with his longing eyes, then his gazed drop into Nilo's hand on my waist. Pagtapos ay sunod niyang tinignan ang tulog na si Jyrelle.

"Anak mo?" tanong niya. Hindi ko alam kung sa akin o kay Nilo dahil nasa may baywang ko ang tingin niya. Sunod sunod ang lunok na ginawa ko. Pinilit ang sarili na maging matigas sa harapan niya. His gazed was so intense, kaya mas lalo akong sumiksik kay Nilo.

"Anak ni Greta." natatawang sagot ni Nilo. Malamang ay pinaglalaruan si Xyrus.

"M-may a-asawa kana?" nauutal na tanong niya sa akin. Walang buhay ko siyang tinignan. How dare him to ask me?

"Wala pa, Architect. Tinakbuhan, hindi pinanagutan si Greta, tanginang lalaki na 'yon." I held Nilo's arm. I know his words was meant for Xyrus.

"Gagi, wag kang mag-alala diko babanatan 'to." natatawang bulong niya sa akin kaya hinampas ko siya.

I saw the glint of hope in his eyes pero agad din 'yon naglaho ng makita ang mukha ni Jyrelle. Idiot that's not your son!

"Mama..." agad niya akong hinanap at nagpapakuha sa akin. Mabilis kong ipinasa ang bote kay Nilo at kinarga si Jyrelle.

"Yes baby?" I ask Jyrelle. Pumungay ang mga mata nito at bigla nalang ibinagsak ang ulo sa balikat ko at isiniksik ang mukha sa leeg ko. I chuckled softly.

"Nilo, ilagay mo nalang yung bote sa bag." utos ko kay Nilo na agad naman niyang sinunod. Dumapo ang paningin ko kay Xyrus.

His face was serious and his jaw was clenching too hard. Napansin ko din ang paggalaw ng adams apple niya, he looks so livid. Pero agad lumambot ang ekspresyon niya nang makitang nakatingin ako sakanya.

"Halika na." akay sa akin ni Nilo ng tumigil ang Elevator. "Architect saan ka?"

"CEO office."

"Doon din ang punta namin!" tango lang ang isinagot niya kay Nilo. Ang gago na Nilo nag-eenjoy sa paghawak sa baywang ko, humigpit pa ito at inilapit ang katawan sa akin. Tarantado.

Si Nilo na ang nagbukas ng pintuan at nauna akong pinapasok.

"Oh God! Bakit hindi mo sinabi na dadalhin mo ang apo namin?!" tili ni Mommy Khallex. I smiled at them. Ang swerte naman ng batang 'to. Ang daming Lolo at Lola.

"He's sleeping, mommy." I put my finger in my lips and shushed her. Baka magising si Jyrelle.

"You already have a son?" tanong sa akin ni Tito Stephen. Nakakalokong ngiti lang ang sagot ko sakanya. Ganoon din si Dad, everyone thinks na kaya ako nag-ibang bansa ako dahil nabuntis ako at iniwan ng lalaki.

Kingina, hindi ako nabuntis pero iniwan ako.

"Oh, who's this guy?" tanong ni Papa habang nakatingin kay Xyrus.

"Architect Xyrus Stephen Perez, Sir. Son of Architect Stephen Perez." he proudly introduced himself.

____________________________________________

Biatchittude for you HAHAHAHA

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top