Chapter 16

"Every thing will be okay, Greta."

Papa and Tita Khallex consoled me. Binurol lang namin si Mama sa lumang bahay namin ng dalawang araw at inilibing din agad. I almost lost my shit that night, umasa ako na baka dumalaw si Xyrus kasi naging malapit din naman siya kay mama pero ni anino niya hindi ko nakita. Dalawang linggo. Dalawang linggo akong laging umiiyak.

"Greta... Life goes on. You need to get up." inalog nang kaunti ni Tita ang braso ko. I urge my self to smile at her pero hindi yon umabot sa mata ko.

"Your mom will be happy for sure... kapag nakita ka niyang umaakyat sa stage at kinukuha ang diploma mo." she said and fix my hair with a hair brush she's holding.

"Wala po ba talaga kayo?" mahinang tanong ko sakanila.

"I want to attend your graduation, darling. You know it, ang kaso masyadong papansin ang isang company natin sa ibang bansa." reklamo niya sa akin kaya mahina akong natawa.

"Tita... Pwede naman po na hindi ako mag trabaho agad after ng graduation ko diba?" tanong ko habang sinusuklay niya ang buhok ko.

"Oo naman. You want to travel with me?" she offered. Nakangiti siya sa akin ngayon.

"Paano po yung trabaho niyo?" tanong ko.

"Kaya na ng Papa mo 'yon!" she answered without thinking twice. "There... Smile okay? Mas gumaganda ka." she said and pinch my chin lightly.

"Mag prepare kana. May pasok kapa right? Breakfast is ready ang kaso hindi kita masasabayan kasi yung Papa mo minamadali na ako." sumimangot siya sa akin. Ngumiti lang ako at tumango.

She tapped my cheeks and kiss my forehead before leaving my room. I sighed. Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang mukha ko. Puffy eyes, red nose and paled face. I tapped my cheeks para magka kulay naman kahit papaano. Then a picture caught my attention. It was me and Xyrus. Naka likod ako at nakasandal naman siya sa akin. We are both smiling on the picture.

"Ano na kayang balita sayo tangna ka?" I stared at our picture bago ito ibinasura. Hindi naman din nagpaparamdam e.

Kinuha ko lang ang towel ko at dumeretso na sa banyo, siniguro ko na malinis ang katawan ko at maayos na ang pagmu mukha ko bago lumabas ng banyo. I don't want to worry my friends. Kaya kahit ang pagkamatay ni mama hindi ko na nasabi sakanila. Maybe after our graduation.

Kumain ako ng breakfast mag-isa. Hindi ko din naman tinapos dahil naaalala ko lang si Mama... at si Xyrus. Kung paano niya ako asikasuhin sa umaga. Crap!

I waited for him until our graduation day came. Ang sabi ko sa sarili ko, kakalimutan ko na binitawan niya ang mga kamay ko basta magpakita siya sa akin sa mismong graduation ceremony namin o kahit pagtapos nalang. Pero natapos ang proposal ni Brylle kay Mj hindi ko siya nakita, kahit text or chat man lang na i-congratulate niya ako. Wala akong natanggap.

"Na aksidente daw sina Mj! Come on!" hinila ako ni Bree papuntang hospital.

Good thing, galos at mga pasa lang sa katawan ang natamo ni Mj pero masyado ata siyang na stress sa nangyari kaya humina ang kapit ng bata. While Brylle, siya ang maraming sugat sa katawan at pasa. But all in all they're good.

Nagpalipas pa ako ng dalawang linggo na nanatili ako sa Pilipinas dahil sa nangyari kay Mj. Hinintay ko muna silang maka recover bago ako magpa-alam na sasamahan ko si Tita Khallex na mag travel.

"But what about the guy?" tanong sa akin ni Mj habang kumakain ng mangga at ang sawsawan ay mayonnaise. Yuck.

I shrugged my shoulder and a tear unexpectedly rolled down my eyes.

"Oh God!" Greta exclaimed at dinaluhan ako kaagad. "Tell me you crush his balls!" she hissed that make me laugh a little.

"He's going to marry someone... and that someone is not me." malungkot na sabi ko sakanila.

"Hoy! Putangina naman niya! Bakit ganon?!" sigaw ni Mj at napaupo pa.

"EROS! I HEARD YOU!" sigaw ni Brylle mula sa kusina kaya natawa kami. He's like Xyrus, ayaw sa nagmumura. Pero si Xyrus nakasanayan na ang bunganga ko at hinayaan nalang ako.

"That brute! Huwag siyang magpapakita sa akin. Bubugbugin ko siya kagaya ng ginagawa ko sa mga ex nito!" sigaw ni Bree at dinuro pa si Mj.

"Hayaan na... Kakalimutan ko nalang." mapait akong ngumiti sakanila.

"That's good..." Bree mumbled under her breath.

"One more thing..." yumuko ako at huminga ng malalim.

"What is it?" sabay na tanong nilang dalawa.

"My mother passed away... last month." Sinugod ulit ako ng yakap ng dalawa. They whispered some comforting words to me. Umiyak ako ng panandalian pero agad din akong ngumiti sakanila para ipakita na kaya ko... kakayanin ko.

"Susuportahan ka namin sa Travel na naisip ni Tita, that's a good diversion." nakangiting sabi ni Mj at umakto na magsusubo ng mangga sa akin. I was about to turn her down, pero agad siyang lumabi at maluha luha na ang mga mata.

Putangina.

Pikit mata kong kinain ang mangga na may mayonnaise. Ang weird ng lasa putek! She claps her hand happily habang ako ay hindi na maipinta ang pagmumukha. Susubuan pa sana niya ako kaso biglang tumawag sa akin si Tita Khallex.

"Hello po," sagot ko.

[Hey, where are you? We're going to leave this afternoon diba?] oh shoot! Bakit ko ba nakalimutan na may pupuntahan muna kami bago kami umalis ng bansa?!

"Pupunta napo." natatarantang sagot ko at pinatay na ang tawag.

"Gagi! Alis na ako ah?!" mabilis kong paalam at humalik ako sa mga pisngi nila. Kinawayan ko lang si Brylle nang makasalubong ko siya sa may sala at may dala dalang pagkain.

"Bahay napo," sabi ko kay Manong Danny at sumakay na sa sasakyan. Next time I will learn how to drive.

Pagkadating namin sa bahay agad kong hinanap si Tita Khallex at Papa. They say we're going to Cebu first so we can check our village  there. Ang alam ko may pinapagawa na naman bagong subdivision si Papa and it will be named after me or ako mismo ang magpapangalan. But I don't have any idea for now kaya hinayaan ko na muna silang mag decide.

"May taste ka sa mga designs sa bahay, Greta. Masyado ka din precise sa mga details. Well, Archi tatay mo. May dugo ka niya so? It still runs in the blood I guess?" natatawang sabi ni Tita sa akin.

Maliit lang ang subdivision dito sa Cebu kumpara sa subdivision namin sa ibang lugar. But I can say na maganda ang plano ng napiling Architect ni Papa para dito. The village was so fine.

"It's good, Pa. Wala naman pong dapat baguhin." sagot ko ng magtanong sa akin si Papa ng opinion ko about sa design ng village na ipinakita sa amin.

"Is she your daughter?" tanong ng Architect kay Papa. Papa nods his head proudly. "My son is an Architect too, wanna date him?" he wiggled his eyebrows. Nahihiya akong umiling sa kanya.

"No, our daughter will not date any man...for now." protective na sagot ni Papa.

"Then, maybe after a year? Well, I like you for my son." he said. Still pushing his luck pero pabiro lang siyang sinuntok sa braso ni Papa.

"Let's see if my daughter will like your boy, Stephen." natatawang sagot sakanya ni Papa. I smiled bitterly upon hearing the name 'Stephen'.

"We're going now, Tiph! Bye!" Tita Khallex waved her hands to him at ganoon nalang din ang ginawa ko. Habang si Papa naman ay nakipag man to man hug.

We stayed in a hotel for overnight. I checked my phone and stalk Xyrus Facebook account if may update siya, bumagsak ang balikat ko nang makitang wala kahit isa. I slapped my face, nang maramdaman ko na basa na naman ito dahil sa luha ko.

"Move on, gourl! Binitawan ka na niya..." mahina kong bulong sa sarili ko. He let me go so easily when he's the one who asked me not to let him go, kahit na anong mangyari.

Hinayaan ko nalang na bumagsak ang mga luha ko at ibinaon ang mukha ko sa unan. I shouted all the pain that I am feeling.

Kinabukasan, maga na naman ang mga mata ko. Bumalik kami sa manila to do my Father's bidding, I will manage the company for 8 months bago niya kami payagan mag travel.

"I hate your father now!" reklamo sa akin ni Tita  habang nasa visitor chair siya. Kasama ko siya ngayon sa office at naka alalay sa akin all throughout the day.

"It's okay, Tita. 8 months lang naman." I shrugged my shoulder.

I spent my days, weeks, and months doing anything I can for our company. Sinubsob ko ang sarli ko sa trabo para hindi ko siya maalala, at hindi ko gaanong ma miss si mama. I even accompany my friend Mj, noong manganak siya. Ginawa ko ang lahat para hindi ako matulad kay mama.

"Ready?" excited na tanong sa akin ni Tita Khallex.

"Yes po, Tita!" I answer as I grab my stuff. After 8 month eto na at papayagan na kami ni Papa.

"I have a favor to ask..." lumingon ako kay Tita. Alanganin siyang nakangiti sa akin.

"Ano po iyon?"

"I know hindi I am not your mother but... Can you call me mommy from now?" I smiled at her request. I don't want to replace my mother but I want to feel that I have one again. So I said...

"Oo naman po, Mommy." her smile widens and attacked me with her tight hug!

"Omg! I promised, spoil kita!" she squealed. Tumawa nalang ako.

Starting that day, Mommy Khallex and I traveled as long as we want to. Hindi niya hinayaan na malungkot ako, In-open ko na din sakanya yung nangyari sa amin ni Xyrus. And she said it's a good thing... na hindi ako nabuntis sakanya.

Kapag nakita niya akong umiiyak, hihilain agad niya ako palabas sa hotel at ipapasyal sa lugar na alam niya sa bansang pinuntahan namin. We've been to Japan, Thailand, Singapore, and South Korea. Sa apat na bansang pinuntahan namin nagtatagal kami ng ilang buwan pero mas tumagal kami sa South Korea dahil nag enjoy kami ni Mommy.

2 years.

We spent 2 years travelling. And we enjoyed being a tourist.

"Time to face the real world again, Pearl." pang-aasar sa akin ni Mommy Khallex. Tinirik ko ang mga mata ko at ngumuso sakanya.

"Mommy naman!" maktol ko sakanya. I really want to go to Paris this time pero hindi na kami pinayagan ni Papa. He said he already miss my Mom kaya na niya kami pinapauwi... And of course he misses his daughter too.

"What?" inosenteng tanong niya sa akin. Naiiling na iniwan ko siya at dumeretso na sa kwarto ko sa Cabin na inupahan namin.

I started to packed my things, it's been 2 years and I still don't have a news about him. I bet his married by now, and I am still single. Fucking fuck. Tho, I enjoyed being single. Sa 2 years na yon successful na ang mga kaibigan ko. Si Mj na ang CEO ng company nila, ganoon din si Bree. At yung mga kalaro ko sa ML dati na hanggang ngayon adik parin sa larong 'yon. Ganap na Engineer na.

"While me, I am going to start a new and fresh life! No more darkness..." I whispered to myself.

Dinama ko ang init na tumama sa akin. Tanda na nasa Pilipinas na kami. Hinubad ko ang suot kong jacket at isinampay sa may braso ko. Pwede bang bumalik nalang kami sa sa Korea? Okaya sa Japan nalang. Putek init!

Ano 'to? Free Trial sa impyerno?

"Hon!" sigaw ni Mommy at hinila ako bigla. Nakita ko agad si Papa na kasama si Manong Danny. He's still our driver up until now. Nagyakapan lang sila kaya nagpa huli ako.

"Aren't you gonna hug your old man, my lady?" biro sa akin ni Papa. I run towards him ang hug him tight.

"Welcome back, anak." he whispered.

I am finally home.

___________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top