Chapter 15
"What the fuck is this, Xyrus Stephen Jimenez!"
I almost jumped when her voice thundered. Naguguluhan kong tinignan si Xy na sobrang higpit ng hawak sa kamay ko. His mom looked at me, disgust is written all over her beautiful face. Maging ang kasama nitong babae ay nandidiri habang nakatingin sa akin. What have I done? Did I do something wrong?
"Xy..." I whispered. My voice is shaking, pati na din ang mga kamay ko dahil sa takot.
"Shh... It's fine... I'm here..." he whispered at mas lalo pang humigpit ang hawak niya sa akin.
"Tell me, Xyrus! What the fuck did I saw?!" sigaw ulit nito. Namumula na ang mukha niya dahil sa galit habang ang babae naman na kasama niya ay hinahagod ang likuran nito.
The lady was so pretty, maputi ito, singkit ang mga mata at mukhang inosente. Unlike mine na isang tingin palang ay parang mangangain na ng buhay.
"I asked her to be my girl." Xyrus answered.
Nakita ko kung paano nagulat ang Mommy niya at ang babae na kasama nito. Naka awang ang mga labi ng mga 'to at parang hindi makapaniwala sa sagot ni Xyrus. Am I that bad to be his girlfriend? I wanted to tear up, but chose not to.
"You asked her to be your girl. When you already have me? Xyrus may I remind you that I am already your girlfriend! Your fiance to be exact!" the lady exclaimed.
My world starts to crumble. Namingi ako sa narinig ko at hindi makapaniwalang tinignan si Xyrus, he was shaking his head and saying something to me. Pero hindi ko maintindihan dahil sa narinig ko kanina lang. He has a girlfriend already, then he fucked me. He fucking fucked me and my feelings for him!
"No... Don't listen to them... babe..." he whispered to me while kissing the back of my hands.
"Ano na naman bang kagaguhan 'to, Xyrus?!" Her mother exclaimed.
Wala sa kanila ang atensyon ko. Nasa lalaking nasa harapan ko at paulit ulit na nagmama ka-awang huwag akong makinig sa kanila. My legs weakened, pero pinanatili ko ang sarili na tumayo at hindi mapa luhod sa harapan nila.
"B-bakit? B-bakit may i-iba X-xy?" nauutal na tanong ko sakanya. Tumingala ako para mapigilan ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. I won't cry. I am Greta. I am strong.
"Look what you've done! Pity you, babae ka lang ng anak ko!" her mother spat at me. Lumunok ako at pinaglagpas ang insultong ibinato niya sa akin.
"Mawalang galang na ho... pero pwede ho ba kaming mag-usap ni Xy?" I ask her nicely. She scoffed at me and shake her head.
"And who do you think you are? You are just a mere woman that my son bedded while Zari was busy aiming for her dreams!" sigaw niya sa akin. Putangina. Ang sakit.
Bawat lumalabas sa bibig ng nanay ni Xyrus, parang patalim ang mga ito na isanaksak sa akin at ibinabaon. Xyrus held my hand tightly and faced his mother. I gulped to removed the lump on my throat. Nakatayo lang ako sa likod ni Xyrus at nakayuko, pilit isinisiksik sa utak ko ang nangyayari ngayon.
Putangina bakit?
Ang saya lang namin kanina oh? Bakit biglang ganito?
"Stop it, Mom! Will you?!" agad kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya. Kahit walang respeto ang nanay niya sa akin, nanay niya parin ang kaharap namin.
"Xyrus! Bakit mo sinisigawan ang Mommy mo?!"
"Xy... please..." I whispered and he automatically calm down.
"You!" dinuro niya ako at pilit na hinarap kahit hinaharangan na ako ni Xyrus.
"Look what you've done to my son! Hindi na siya nakikinig sa akin simula ng makilala ka niya! Ano ba ang meron sayo? Wala! There's nothing special about you! I heard a lot of rumors that my son helped you so your insane mother will be on mental hospital!" nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya.
Insulting me was okay, tatanggapin ko ang lahat ng ibabato niya sa akin wag lang niyang idadamay ang nanay ko at sasabihan ng kung ano-ano. Hindi niya kilala ang mama ko kaya wala siyang karapatan na sabihan siya na baliw.
"Hindi po baliw ang nanay ko." naiiyak na sagot ko sakanya.
"Mom please stop..." Pumagitna sa amin si Xyrus.
"Xy! Paalisin mo na siya dito! Baka kung ano pa ang mangyari kay Tita dahil sa babaeng yan!" sigaw ng babae. Matalim ko siyang tinignan.
"Ano ba ang kailangan mo sa anak ko ha? Pera? Dikit ka ng dikit sakanya dahil alam mong may pera ang anak ko? Kaya ka nagpa galaw?" she spat.
"You!" Lumipat ang tingin niya sa anak niya. "How dare you to cheat on your girlfriend! She didn't do anything behind your back! She was loyal and faithful to you at ito lang ang madadatnan namin sayo!" dinuro nito ang dibdib ni Xy.
I was expecting Xyrus to fight for us but he remained silent after her mom shouted at him. Nakatingin lang siya sa Mommy niya at nagmamaka-awa ang mga tingin. Yumuko ako at nag-umpisa ng tumulo ang mga luha sa mga mata ko, tangina. Ang sakit makita na yung taong mahal mo hindi ka kayang ipaglaban.
"You said... gagawin mo ang lahat para sa akin." I mumbled. Agad siyang lumingon sa akin. "Ipaglaban mo naman ako..." I sobbed.
Putangina. Ngayon mo patunayan sa akin na mahal mo ako, na lahat ng pinaparamdam mo sa akin simula sa umpisa, totoo. Kasi nagsisimula na akong magduda.
"I'm sorry..." he whispered. Humigpit ang hawak niya sa akin. Pinunasan ko ang luha na pumapatak sa mata ko.
"Aalis na ako, Xy." my voice broke.
"No please... don't... don't leave me..." he plead at lumuhod sa harap ko kaya mas lalo lang akong naiyak.
Naalala ko yung usapan namin. He made me promise na hindi ko siya bibitawan. I won't. Unless...
"Let her go. Xyrus." utos sakanya ng nanay niya. Please don't... piping dasal ko.
Dahil sa nakikita ko ngayon mas lamang ang nanay niya kaysa sa nararamdaman niya sa akin.
"Pero bago siya umalis sabihin mo sakanya ang mga ipinangako mo sa akin, sa amin ni Zari." madiin na utos nito kay Xyrus.
Pumikit ako ng mariin ng tumayo siya sa pagkakaluhod. He hugged me and paulit ulit na bumubulong ng 'I'm sorry'. Tangina.
"I promised to my Mom that I will marry Zari." he whispered to me. Bumagsak ang balikat ko sa narinig ko.
"But... you also promised to me, Xy." hindi ko na napigilan ang sarili ko na mag break down sa harapan niya.
Mas lalo lang akong naluha nang marahan niyang pinunasan ang mga luha na pumapatak sa mga mata ko. His touch was so gentle, para akong babasagin na porselana sa paraan ng paghawak niya sa akin. I stared at him for a moment. Tangina.
"I— I am very sorry, babe. I can't fight for now, Pearl..."
Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tinignan siya. That's it? He's being a good dog with his mother. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Isa na lang... pipi akong humiling na huwag niyang bitawan ang mga kamay ko. Kahit 'yon nalang ang tuparin niya. Huwag na yung ako yung pakakasalan niya.
"Let. Her. Go!" madiin na utos ng nanay niya.
I looked at them. Masama ang tingin sa akin ng nanay ni Xy at ang kasama naman nitong babae ay sobrang talim din ang tingin sa kamay namin na magkahawak ni Xyrus.
"Hon, please..." her voice was so soft. Even her face pero kabaligtaran iyon ng mga mata niya.
"Ang sabi mo hindi mo ako bibitawan diba?" para akong tanga na nagmamaka-awa sakanya. Binitawan niya ang isang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit. He kissed the top of my head while slowly letting my hands go.
Putangina...
Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ko. Wala na doon ang kamay niya, putangina. Napaka daya. Parang may kutsilyo na tumarak sa puso ko. Mas masakit. Mas masakit pa sa mga salitang binitawan ng nanay niya ang ginawa niya sa akin ngayon. I looked up to him and saw him walking towards the other girl. I laughed bitterly as I watch him hugging her waist.
Putangina. Ako dapat 'yon diba?
I shake my head as I walked towards the door. I wanted to wait for him... Gusto kong bagalan ang lakad ko dahil may parte pa rin sa akin na umaasang hahabulin niya ako. Pero mas nanaig sa akin ang parte ko na 'Binitawan na niya ako'.
Ang sabi ko hindi ako bibitaw. Pero siya ang bumitaw. Tangina.
"Puta!" I cursed.
I tapped my chest hoping that it will lessen the pain that I'm feeling. Hindi ko alam kung paano ko 'to mapapatigil. Is there even a cure for heart break?
I pushed the elevator button bago ako tuluyan na napaupo. I looked like a lost child. Hindi ko akalain na mararamdaman ko 'yong ganitong sakit. At mas lalong hindi ko inaakala na yung taong todo ingat sa akin, siya rin pala ang magpapa ramdam sa akin ng ganito.
I felt like a worthless piece of shit in front of her mother. He didn't even bother to look at me while I'm leaving his place, parang nakalimutan na niya ang mga pinangako niya sa akin. Yung masayang araw namin ngayon nauwi sa ganito. Kasi putangina nagpaka duwag siya!
"Miss? Ayos lang po ba kayo?" natatarantang tanong sa akin ni Manong Danny.
"Magiging maayos po kung ibibili niyo ako ng maraming alak tapos kung idadala niyo po ako sa tahimik na lugar. Gusto ko lang po mawala yung bigat sa dibdib ko." nakita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya pero tumango pa rin siya at pinasakay na ako sa loob ng sasakyan.
Nakatulala lang ako at panay parin ang tulo ng luha sa mata ko. Paulit ulit na nag p-play sa utak ko ang nangyari kanina. Yung first date namin, yung pagkanta niya... hanggang sa lumuhod siya sa harapan ko. At ang biglang pag bitaw niya sa mga kamay ko.
"Miss? Dito nalang po, hindi ko na po nilayo para kung sakaling tumawag na po ang Papa niyo maiuuwi ko kaagad kayo. Mag a-alas dyes na din po kasi." nagkamot ito sa batok at tumango lang ako.
Lumabas ako ng sasakyan at umupo sa may damuhan. Dinala ako ni Manong Danny sa isang numang park, walang tao dito at tahimik ang lugar. Just like what I wanted. Inumpisahan ko ng buksan ang isang can ng Red Horse, mahina pa akong natawa sa choice ng alak ni Mang Dan. Inisang lagok ko lang ito, habang naka titig sa kawalan.
"Putangina. May nalalaman kapang ihaharap moko sa altar at pakakasalan!" I hissed and continue drinking.
"Pero bakit mo ako binitawan? Ang sabi mo ako lang. Pero bakit may iba?" natawa ako sa sarili ko. Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko?
"Kasi putangina, umasa ako sayo! Hindi ako humingi ng lebel sayo kasi pinanghahawakan ko yung pangako mo sa akin. Na ako... ako lang! Walang iba. Pero ano yun?!" sigaw ko. Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa galit na nararamdaman ko.
"PUTANGINA ANO YUN?! AKO YUNG NILANDI PERO IBA YUNG JINOWA?!" sigaw ko. "Ang sabi mo ako lang yung pakakasalan mo... Pero putangina ikakasal kana pala sa iba!" I hissed and cried.
Umiyak lang ako at inubos mag-isa ang alak na ibinili sa akin ni Manong Danny hanggang sa mamanhid ako. Pero hindi sapat yung alak na naubos ko para tuluyang mamanhid ang puso ko. Kasi bawat pagtibok nito... Sakit nalang ang nararamdaman ko.
"Miss Greta. Kailangan na po nating umuwi. Itapon na po natin yang hawak niyo?" pinunasan ko ang mga luha ko at sinubukan tumayo, pero hindi ko hinayaan na makuha ni Manong ang isang can na hawak ko. Buti nalang andito si Manong Danny. Inalalayan niya ako hanggang sa maka sakay ako.
Tahimik lang ako buong biyahe namin habang iniinom ang natitirang red horse ko. Tangina. Hindi naman nakakalasing 'to! Nang makarating kami sa bahay naunang lumabas si Manong Danny at sinalubong sina Papa.
"Greta! What happened to you?" naiiyak na tanong sa akin ni Tita Khallex. Nakatingin lang sa akin si Papa. Seryoso ang mukha nito.
"Bakit ka uminom?" mahinahon na tanong sa akin ni Papa. Doon na tumulo ulit ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. "Alam mo na ba?"
Ang alin? Nagtataka ko siyang tinignan.
"Nak, wala na si Margo." parang may sumabog na bomba sa harapan ko dahil sa sinabi ni Papa.
"Pa, wala namang ganyanan." pilit akong tumawa.
"Tumawag kanina ang Hospital nak. Your mom overdosed herself."
Doon na bumagsak ang mga tuhod ko. Nawalan na ako ng paki kung masusugatan man ako. Tangina, bakit ngayon pa? Hindi ba pwedeng isa isa lang?! Isa lang ako oh!
"Shhh.. Nandito lang kami ng Papa mo." umiiyak na sabi ni Tita Khallex. I hugged her tight and cried in her arms.
Tonight, I lost my Light and my Mother.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top