Chapter 9

"It is doing what is right even without someone looking at you," simpleng sagot ko habang pinipigilan ang pagluha. Mabilis ang tibok ng puso ko at pilit na pinakakalma ang sarili, kahit na naaalala ko si Ismael.

Napalingon ako kay Mr. Roize na ngayo'y nakatingin pala sa akin nang madiin. Tila ba sinusuri ang itsura ko. I tried to act straight and normal, like nothing was bugging my mind. I need to concentrate. I am in a job interview, and I don't want to fail this. This company is my dream, I should be serious.

"Miss Alvandra, come with me," wika ni Sir Martin. Ngayon ko lang napansin na tapos na pala ang interview dahil wala na ang iba pang applicants. Ibig sabihin, ako lang ang nakapasa? How did it happen? Akala ko, mas nakakaangat sa akin ang mga kasama ko?

"This is the second part of the screening. You may start your written exam in that room. I'm giving you thirty minutes to finish that test. After you pass this exam, you will proceed to the final interview with Miss Levanier," Sir Martin added before letting me go to a separate room where I could be alone to take the second part of the assessment.

Lumipas ang tatlongpung minuto at nasagot ko naman lahat ng mga tanong na naroon sa exam. Hindi ko lang sure kung majority ay tama. Sana pasado. Itong LMC talaga ang gusto kong pagtrabahuhan. Wala akong second choice, kahit na nagpasa pa ako sa ibang companies. I really want this to be my first company after graduation, at wala na akong ibang gusto pa.

"Miss Alvandra," pagtawag sa akin ni Sir Martin na siyang naging dahilan ng pagtayo ko mula sa waiting area. Mga limang minuto lang akong naghintay para sa resulta, dahil siguro'y mag-isa lang ako kaya mabilis sila. "Unfortunately, Miss Levanier won't be here with us today to meet our CEO, so if you don't mind, we will just call you."

"Sure, sir," sagot ko sabay ngiti sa kaniya. Tumango lang siya at umalis na rin. Bumagsak ang mga balikat ko dahil sa balitang iyon. Is that a way of telling me that I failed?

I let out a deep sigh as I walked to the elevator I guess having a wide vocabulary cannot guarantee someone's success on a job application. But at least, I now know how to deal with a job interview. Nakakalungkot lang na hindi ako nakapasa sa LMC. Hindi pala ganoon kadali ang lahat.

I tapped my shoulder to console myself. This is not the ending, Jothea. You still have a long way to go. You are just starting. Marami pang ibang trabaho sa paligid. Baka hindi mo pa kasi kaya ang LMC. It's okay. Makakabalik ka rin sa lugar na ito. You can still apply for a second try next time.

I nodded, as I also decided to treat myself to ice cream later. I mean, I deserve it still.

Kinuha ko ang phone ko to check my savings at mayroon pa naman akong pambili ng pagkain kahit papaano, pambawi sa failure ko ngayong araw. It is a failure, yet an experience to know where I lack. I should retain this kind of mindset. It is what it is.

Bumukas ang pinto ne elevator kung kaya't lumabas na ako, pero hindi ko inaasahang may mababangga pala ako. Napatingin ako sa lalaking iyon. It was Mr. Roize. Kanina lang ay nawala siya noong second part na ng screening dahil ba dumating ang CEO kaya parang nag-aatubili ang lahat?

"I'm sorry, Mr. Roize!" paghingi ko ng paumanhin, pero hindi niya iyon pinansin. Sa halip ay may kinuha siya sa sahig—ang cellphone ko.

"Here," sambit niya. "I'll pay for it." Napatingin ako sa phone ko at halos manlumo ako nang makitang lalo itong nabasag. Maging ang LCD ay nagkaroon na ng linya. Sinubukan ko itong pindutin, pero hindi na gumagana. Paano na ang pera ko?

Nagpa-panic akong tumingin kay Mr. Roize habang naglalabas siya ng pera mula sa kaniyang wallet. I mean, my phone was already broken before, but even if I got the money for repair, I don't want to waste it since I can still use the phone. Pero ngayon, tuluyan na itong nasira. Paano na?

"Is this enough?" tanong niya habang iniaabot sa akin ang makapal na punpon ng one-thousand peso bill. Nangilid ang mga luha sa mata ko. Bakit ang dali lang para sa kaniya ang maglabas ng ganoong kalaking pera? "Are you going to accept this or not?"

Napasinghap ako. How am I going to accept that in front of so many people? Paniguradong maraming nakakita sa nangyari at nakakahiya kung tatanggap ako ng pera mula sa kaniya.

"I don't have a lot of time in this world, Miss Alvandra." Kinuha niya ang kamay ko tsaka ipinatong ang pera bago siya sumakay sa elevator. Naiwan akong nakatayo sa lobby, habang pinagtitinginan ng mga empleyado.

In an instant, I feel like crying. Hearing someone call me 'Miss Alvandra' really has a huge impact on my emotions. Pakiramdam ko, wala talaga akong takas kahit anong pilit kong makalimot. Kahit pilitin kong magpakatatag o magkunwari, sa loob-loob ko, narito pa rin. Nagtatago lang. Nakabaon lang. Na kaunting kibot ay biglang aalpas muli.

Ismael, bakit naman ganito ang ginawa mo sa akin? Bakit mo ako iniwang ganito?

Gusto kong manumbat sa iyo. Pero nasaan ka?

Ikaw ang dahilan kung bakit sobra akong nahihirapan ngayon. Kung hindi mo lang sana pinaramdam sa akin na may maaasahan ako, sana kaya ko pa ring mabuhay nang mag-isa.

Kinagat ko ang ibaba kong labi, habang pinipigilan ang pagluha. Tiningnan ko ang mga tao sa paligid ko. Nakatingin sila sa akin na para bang kinukwestyon ang buo kong pagkatao pagkatapos ng engkwentro namin ni Mr. Roize.

Ganoon din ang mga tingin sa akin ng mga kaklase ko noon nang malaman nilang ginamit lang ako ni Ismael. Parang isa akong basura sa paningin nila. Hindi nararapat na makatapak sa lugar na ito. Hindi nababagay sa mamahalin. Hindi bagay mahalin.

I plucked up the courage to step out of that place. Biglang may pumaradang kotse sa labas. Narinig ko pang iyon na raw ang CEO ng Loeisal Malmdan Company, pero hindi na ako nag-usyoso pa. Hindi na ako interesado pang makilala ang taong nasa likod ng pangarap kong kompanya. Para saan pa? Hindi naman na ako makakapasok doon. At isa pa, ayoko na roon. Nagbago na ang isip ko. I am giving up on my dreams.

Patuloy na akong naglakad palayo habang hawak ang nasira kong phone pati na rin ang pera na galing kay Mr. Roize.

*****

Lumipas ang maraming araw at hindi ko na napaayos pa ang phone ko. Sira na raw talaga at hindi na kaya pang magawa. Mabuti na lang at nai-report ko sa bangko. They issued me a savings card, so I can still withdraw my last money. Another good thing was the money Mr. Roize gave me. It was as if a God given, since I used that money to process my bank account and also to process my job applications to other companies.

I am currently using my laptop to check my emails, hoping that one of the companies will invite me for a job interview, but as of now, I have none. Maybe they prefer to have an applicant who has a phone number that they can access immediately.

Pahiga na ako sa couch nang biglang tumunog ang laptop ko. It is a reminder. Medyo napaluha ako nang makita kong birthday ko na pala bukas. April 9. Ni hindi ko man lang naalala. Masyado akong naging abala sa paghahanap ng trabaho at pagreresolba sa mga problema ko, kaya hindi ko namalayan. I am turning twenty-one tomorrow, and still, nothing is happening in my boring life. Ni hindi man lang ako makainom o makapanigarilyo dahil wala na akong extra money para doon.

I heaved a sigh as I lay down on the couch. I guess, just like the usual days, my birthday will also pass like nothing happened.

Pumikit ako at maya-maya lang ay naramdaman kong tumabi sa akin si Mael. He's purring like comforting me. How I wish someone would sing for me on my birthday.

Tuluyan na akong nakatulog.

*****

"We're all merely passing through

Doing what we can do for a lifetime

We have more than one adventure to take

More than one dream to make in our lifetime..."

Nagising ako nang may maramdaman akong humahawi sa buhok ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata at sa sandaling iyon ay hindi ako nakahinga.

"Ismael?" tanong ko. Ngumiti siya sa akin habang hinahaplos ang pisngi ko. Nakahiga ako sa mga hita niya. Bumugso ang luha sa mga mata ko. Hindi ako makapaniwala. Narito siya. Narito si Ismael. He's singing for me.

"As for me, there's only one dream

And that's to love you, my love

With a love to last a lifetime..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top