Chapter 8

"He's with another woman. Much older than you."

Nagngitngit ang ngipin ko habang nakatitig nang masama sa kaniya. Kahit na parang pag-aalala ang nababakasan ko sa mukha niya ay hindi ko magawang magpasalamat. He really does know how to ruin my life.

"Ano namang pakialam ko?"

Tuluyan na akong sumakay sa cab, pero hindi para umuwi sa bahay ko, kung hindi para pumunta sa Island Motel Bar. Kahit naninikip na ang dibdib ko sa katotohanang pwedeng sumampal sa akin sa sandaling pumunta ako roon, tinibayan ko ang loob ko. Mas okay nang masaktan, kaysa magmukhang tanga habang buhay. Kung totoo nga ang ipinaparatang ni Raviel, mabuti nang makita ko nang harapan, para alam kong puputulin ko na ang katiting na pag-asang babalikan ako ng taong mahal ko.

Nagsimulang bumigat ang paghinga ko, maging ang nararamdaman ko. Para akong mamamatay sa sakit sa puso. Kung mayroon na palang iba si Ismael, bakit hindi niya sinabi sa akin? Wala ba talaga akong karapatan kahit malaman lang iyon mula sa kaniya? Sana ay malinaw na sa akin na wala na akong aasahan. He should've faced me, just like how he got balls when he showed me his dick to have sex with me. Iniwan niya na nga ako at pinamukha sa aking ginamit niya ako, bakit hindi niya pa nilubos? Bakit hindi niya kayang sabihin sa akin nang harapan at patunayan na lahat ng sinabi niya ay kasinungalingan?

Kapit-kapit ko ang dibdib ko habang inaayos ang paghinga, pero sa tuwing naiisip ko ang ibinalita sa akin ni Raviel ay kinakain ako ng galit. Kakayanin ko bang makita siyang may kasamang iba?

Bumaba na ako sa sasakyan nang makarating ako sa Island Motel Bar. Nanginginig ang mga kamay ko. Ganito ba ang naging pakiramdam ni Mrs. Enciso nang sumugod siya sa Marcus University? Pero magkaiba kami. May karapatan siya. Ako wala. Hindi naman ako asawa.

Nanghihina ang mga tuhod ko na para bang may sariling pakiramdam. Kapwa natatakot sa maaaring masaksihan at gusto nang umatras. Anong sasabihin ko kung makita ko siya? Anong gagawin ko?

Napatigil ako sa paglakad nang makitang papalabas sa bar na iyon ang lalaking matagal ko nang hinahanap—si Ismael. Tinakasan kaagad ako ng lakas. Paano niya nagagawang tumayo sa sarili niyang paa habang ako'y nahihirapan? Wala lang ba talaga ako sa kaniya? Kasinungalingan lang ba talaga ang lahat?

"Mael!"

Para akong sinaksak ng ilang libong kutsilyo nang may babaeng tumawag sa kaniya. Nakangiti iyong kumapit sa braso niya.

Napakahirap huminga. Bakit ganito?

I was trying to look away, but I became a statue because of what I witnessed. Raviel was right. Ismael is with someone else, a woman. Maganda ang babaeng iyon at kung ikukumpara sa akin ay wala akong panama. Totoong makakalimutan nga ni Ismael ang isang katulad ko kung may ganoong babae siyang nakita. Wala na talaga kami, dahil narito na ang lahat ng sagot sa mga tanong ko. Ginamit niya lang ako.

Buong lakas akong tumalikod sa lalaking unang tumalikod sa akin. Para akong pinatay nang ilang libong beses na pilit kong isinusumpa sa langit na sana literal na lang na ginawa. Sana sinaksak na lang talaga ako. Kasi ganoon din naman, ganoon din naman kasakit.

Ilang gabi na akong umiiyak. Akala ko ay naubos na ang mga luha ko. Hindi pa pala.

Ilang interview na rin ang hindi ko napuntahan dahil hindi ko talaga kaya. Hindi ko kayang lumabas nang ganito, na namumugto ang mga mata at nawawalan ng boses.

Nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Ang laki na ng ipinayat ko. Ako pa ba ito? Kapag hindi pa ako kumain, siguradong tuluyan nang hihina ang resistensya ko.

Naaawa ako sa itsura ko. Nagkakaganito ako dahil lang sa isang lalaki. Nagpapakatanga ako nang sobra-sobra at pakiramdam ko, ako pa ang may pagkukulang. Hindi ba talaga karapat-dapat mahalin ang isang tulad ko?

"Jothea, tama na," pakiusap ko sa sarili ko. "Umayos ka na. Please. Isipin mo naman ang sarili mo."

Ilang sandali pa akong tumitig sa sarili ko nang mabalik ako sa katinuan dahil sa isang tawag. Hinang-hina man ay pinilit kong abutin ang phone ko upang sagutin ang tawag na iyon. Unknown telephone number.

Sinagot ko iyon. "H-hello po?"

"Hi! This is from Loeisal Malmdan Company. Is this Miss Jothea Alvandra?"

I was left with no words. Napatingin pa akong muli sa phone ko para kumpirmahing may kausap nga ako. Pinunasan ko ang pisngi ko tsaka ko inayos ang sarili. "Speaking."

"Great! I am inviting you tomorrow for a job interview for the position of marketing associate as you are one of the applicants who have good credentials. May I know if you can make it at nine in the morning?"

"Y-yes, Sir. I will be there."

Habol ko ang hininga ko habang nakatingin sa sariling repleksyon. Kung kanina ay umiiyak ako dahil sa miserable kong buhay, ngayon ay nakangiti ako na parang baliw. Muli ay umiyak na naman ako, pero sa ibang kadahilanan na—makakatapak na ako sa LMC. Well, bilang interviewee, pero malaking bagay na rin iyon. I need to prepare.

*****

Napatingala ako sa laki at taas ng building ng LMC. Fuck. Am I dreaming? Is this true that I am here in front of my dream company?

Gosh, I need to calm down. Iinterwiewhin palang nila ako. Relax, Jothea. Chill.

I inhaled and exhaled as I tried to maintain my composure. I am wearing simple corporate attire and holding my envelope which has my curriculum vitae. I just can't believe this is truly happening. I guess, this is me becoming an adult. Even if I have a lot of problems in front of me, I still need to work and move forward.

Pumasok na ako sa building at dumeretso na sa isang room kung saan naroon ang iba pang applicants. Ang sabi ng guard kanina, dito raw maghintay ang mga applicant. Sa totoo lang, abot langit ang kaba sa dibdib ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag mag-a-apply ng trabaho lalo na sa pangarap ko pang kumpanya. Noong pumasok naman kasi ako sa casino ay may backer ako kaya hindi ganoon kagrabe ang takot na hindi makapasa. Backer ko ba naman ang may-ari.

"Good day, everyone. I am Martin. I would be your interviewer for today," pakilala ng lalaking may katangkaran sa amin. Mapayat ang kaniyang pangangatawan ngunit hindi maitatangging may angking kagwapuhan...at kagandahan? He glanced at his wristwatch before he looked toward us again. Sumulyap ako sa likod ko sa pag-aakalang may mga tao pang naroon. Doon ko napagtantong lima lang kami, kaya naman mas lalong nanaig sa akin ang kaba. Ganito ba ka-strict sa pagpili ang LMC ng kanilang mga applicants na lima na lang ang natira para sa screening? I wonder how many of us can be successful in employment. Makakapasa kaya ako?

"So it's nine already, and we will be starting our group interview. Here with me is the marketing supervisor, Mr. Yves Roize. He will be one of the assessor," dugtong pa ni Sir Martin sabay pakilala sa lalaking nasa tabi niya na may magandang tindig at pangangatawan. Katulad ni Sir Martin, ibang klase din ang dating ng lalaking iyon. May angkin ding kagwapuhan, ang kaso lang parang masungit lalo na sa paraan niya ng pagtingin sa amin. Nakakatakot. Pero infairness, kung makakapasa kami, siya ang makakasama namin sa floor sa marketing department?

I gulped in shock when his eyes approached mine. His eyes were cold, staring at me; it seemed like he was scrutinizing my whole being. What the hell? Dahil sa ginawa niya, na-conscious ako.

"Our marketing manager, Miss Jenna Levanier, will be here later to do the final assessment."

So, ibig sabihin, tatlong assessment ang gagawin namin ngayon? Bakit pakiramdam ko hindi ako makakalabas ng buhay dito? Normal naman sigurong kabahan, hindi ba?

Huminga ako nang malalim. I know I can do this. Sinasagot-sagot ko nga lang ang iba, ito pa bang interview ang hindi ko masagot?

Umupo si Mr. Martin sa unahan namin, katabi si Mr. Roize na kung titigan kami isa-isa ay para bang lalapain kami nang buhay. Gosh. Trabaho lang naman ho ang hanap ko, bakit parang mawawalan pa ako ng buhay?

"Miss Alvandra, tell me about yourself that is not here in your curriculum vitae," sambit ni Sir Martin na siyang nagpakaba sa akin nang lubusan.

Hindi ako agad nakasagot dahil hindi ko inaasahan ang tanong niya. Ibinaling niya ang tingin niya sa katabi ko na para bang iyon na ang tinatanong at hindi na ako. Hindi rin nakasagot ang katabi ko, kaya nagkatinginan kami. Pareho kaming nawalan ng pagkakataong sagutin ang unang tanong ng interviewee. Shit. Am I failing?

"How did you get here?" tanong naman ni Sir Martin doon sa lalaking nasa dulo. Kanina lang ay mukha siyang approachable, pero ngayon ay parang mamamatay na kami sa klase ng mga tanong niya. Ganito ba talaga ang job interview?

"Well, sir, I got here by tricycle. Actually, I rode three vehicles from my house to get here." The guy answered confidently, which made me awestruck. Ganoon din ang dalawa pang applicants na sunod na tinanong ni Sir Martin.

The group interview continues. It seemed like they were assessing how articulate we were with our thoughts. Also, they are making us comfortable with them. Of course, they'll be choosing someone who will be with them. Somehow, I got the hang of it. Napapahanga rin ako ng iba pang applicants sa klase ng pagsagot nila kay Sir Martin, habang ako ay hindi pa rin makabawi.

"Now, we're moving on to the second part of the interview. This is to test your vocabulary words and how far you understand the meaning of each of these words."

I maintain my posture and keep my chin up. I can feel the pressure in the interview room, and it is now filling my chest. Each of the applicants is way more competitive than I expected. Kinakabahan na rin ako.

"How do you differentiate loyalty from commitment?" Sir Martin asked, expecting that he was pointing for me to answer, but he was talking to the lady beside me.

"Uhmm, loyalty is different from commitment, Sir Martin. Since loyalty is about being loyal to something—"

Hindi natapos ng babae ang sagot niya nang bumaling na kaagad si Sir Martin sa akin, na siyang ikinagulat ko. Pero kailangan kong bumawi. This is my chance. Kaya naman agad kong ibinuka ang bibig ko para kunin ang pangalawang pagkakataon para patunayan ang aking sarili.

"Loyalty means choosing something even if there are a lot of choices in the pond, while commitment is like submitting yourself to that particular choice, and you'll stick to it even if you know there's something better. That's when loyalty comes in. Actually, you can be loyal even without commitment. Like in a company, if you've already resigned, meaning, there's no commitment between the two of you, you can display your loyalty as you will still patronize your brand more than the other competitors in the market," mahaba kong paliwanag, kasabay ng pananalangin na sana tama 'yong sinabi ko. Sana iyon ang hinahanap nilang sagot. Sumilip ang maliit na ngiti sa labi ni Sir Martin at mariing tumango.

"How about prudence? What is prudence?" tanong niya naman sa iba pang applicant. Nakahinga ako nang maluwag, pero iyon ay dahil sa akala kong masasagot iyon ng iba. Muli na namang tumingin sa akin si Sir Martin habang hinihintay akong magsalita na para bang hindi siya natuwa sa mga isinagot ng kasama ko.

I cleared my throat and answered. "Prudence is different from wisdom. Let me compare them so they can be easily understood. Wisdom is 'this is the right thing to do', while prudence is 'this is the right thing to do if you experienced this.'" I quoted. "Wisdom is the highest form of knowledge, more on the rational side, while prudence is making decisions with empathy and sympathy, a practical thinking that considers a good end."

Dahil sa mga nabasa kong libro nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ako ng isasagot sa kaniya ngayon. Hindi naman kasi ako palaaral na tao, pero dahil gusto kong maka-graduate, I tried my best to pass the final exams. And here I am now, applying some of what I learned.

"What about integrity? How do you define 'integrity', Miss Alvandra?"

Isang tanong na ikinabigla ko. Hindi dahil ako na naman ang tinanong ngunit dahil sa salitang itinanong sa akin ni Sir Martin. Dagli pa akong napalunok nang ay alaalang bumalik sa isipan ko.

"Integrity, Miss Alvandra."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top