Chapter 50

"Later, Jothea. You'll know later, but for now, cooperate with me." Hinayaan ko na lang si Savannah na gawin ang gusto niya hanggang sa tuluyan niya na akong maayusan. Naguguluhan akong bumaba ng sasakyan nang akayin niya ako papunta sa isang lugar kung saan may magagandang palamuti. May mga bulaklak sa paligid.

"Here." Napalingon ako sa kanan ko nang makita si Miss Levanier na may inaabot sa akin. Isang maganda at malaking palumpon ng mga daisy. "Congratulations on your wedding," sambit pa niya na siyang ikinagulat ko. Akmang tatanungin ko siya tungkol doon nang umalis na siya.

My wedding? Today? How come?

Lumingon ako sa kabila para sana tanungin si Sav tungkol doon ngunit maging siya ay nawala na. Nakita ko na lang sarili kong nakaharap sa malaking pintuan habang suot ang engrandeng traje de boda na hindi ko alam kung paano nagkasya sa akin ganoong medyo malaki na ang tiyan ko.

Unti-unting bumukas ang pinto at sa isang iglap tila ba tumigil ang mundo ko. Maluha-luha kong pinagmasdan ang lahat ng taong naroon sa loob ng kwarto. Lahat sila ay nakatingin sa akin.

Kasal ko ngayon?

Paanong nangyaring hindi ko alam?

Tumulo ang luha ko nang makita ko ang lalaking iniwan ko. Kahit siya, ay hindi matagalan ang pagtingin sa akin. May kalayuan man ang puwestong kinatatayuan niya, kita kong nagagalak siyang makita akong muli katulad ng kagalakang nararamdaman ko ngayong nasisilayan ko na siya.

"Ismael..."

Hindi ko napigilan ang mga paa kong mabilis na tumakbo sa kaniya. Wala na akong pakialam kung nararapat na maglakad nang mabagal aisle. Ayoko nang maghintay pa nang ilang minuto para mahawakan siya.

I opened my arms to ask for a hug, but what he gave me was a kiss. His hands are on my cheeks, cupping them, feeling as if I am real.

"Ismael, I'm sorry," sambit ko nang bitiwan namin ang labi ng isa't isa. "I'm sorry that I am so selfish. Sorry, kung palagi kitang pinahihirapan at iniiwan. Hindi na kita iiwan kailanman. Pangako."

Hinaplos niya ang mukha ko at tinulungan akong pahirin ang mga luha ngunit parang mas marami nga yata siyang luha kaysa sa akin kaya pinunasan ko rin iyon. "Nasanay na ako." Tumawa siya. "Alam ko, namang babalik ka sa akin."

Napakapit ako sa damit niya at dagling napatingin sa maraming tao na ngayon ko lang nabalikan na nanonood pala sa amin. "Ano ito? Bakit ikakasal na tayo nang hindi ko alam?"

Tumawa siya. "Anong hindi mo alam? Hindi ba't ikaw ang nag-isip nito?"

"Ha?"

Muli siyang tumawa. "Makakalimutin ka talaga. Today is our first anniversary. Huwag mong sabihing pati iyon ay kinalimutan mo?"

My eyes widened when I remembered our conversation at that time. Noong nasa dalampasigan kami. Nagkabalikan kami noon at nagplanong magpapakasal.

Hindi ko alam na ako pala ang mabibiktima ng sarili kong kalokohan. "I'm sorry."

"It's okay. I'm glad that you're here now. Sinaktan ka ba ng mga kapatid ko?"

Kumunot ang noo ko at ibinaling ang mga mata sa grupo ng mga kalalakihang kumuha sa akin kanina. "Natakot ako sa kanila. Akala ko kung sino. Bakit naman ganoon? Bakit kailangan akong kidnapin?"

"Dahil hindi ka nadadala sa mabuting usapan. Gusto mo palaging dahas," biro niya. "Anyway, you look so lovely today, my love. I can't wait to finally have you as my wife."

Pinigilan kong muli ang pagluha ko dahil sa sinabi niya. Ilang sandali ko pa siyang pinagmasdan hanggang sa marinig ko na ang mga kapatid niyang sumisigaw.

"Ano? Ikakasal pa ba kayo? Kanina pa kami naghihintay!"

"Oo nga! Mamaya niyo na ituloy ang paglalandian! May pupuntahan pa ako!"

Natawa naman ako nang sinaway sila ni Miss Veonna. Napatingin din ako kina Sir Mikael at Miss Elisse na kapuwa nakangiti sa akin. Ganoon din sila Miss Sapphire at ang workmates ko na hindi ko inaasahang iimbitahin din ni Ismael. Pero ang mas ikinahagulgol ko ay nang makita ang mga magulang ko na nasa likod. Mukhang handa na silang samahan akong maglakad sa aisle, pero dahil tumakbo ako ay hindi ko sila napansin.

"Should we proceed, or should we start from the beginning?" tanong ng lalaking magkakasal sa amin ni Ismael. Kahit sa pagkakataong ito ay hindi ko alam ang magiging desisyon ko.

"We should start from the beginning so she can walk with her parents," sagot ni Ismael para sa akin.

Hinatid niya ako sa dulo, sa mga magulang ko, bago siya muling bumalik sa altar. Nanginginig ang mga kamay ko nang isakbit kong iyon sa mga braso ng mga magulang ko.

I never thought that they would be here. Hindi ko alam na maging dito ay pagbibigyan nila ako. Patong-patong na saya ang nararamdaman ko. Kahit pa, hindi nila ako tinuring na anak at hindi nila ako minahal nang tama, sa pagkakataong ito ay napatawad ko sila dahil sinamahan nila ako. They made me feel complete on my special day.

"Listen to your husband every time," my father said, which made me astounded.

"So you will never be like me," komento ni mom na para bang may pinahihiwatig.

"Yeah, dahil namana niya sa 'yo ang pagiging matigas ang ulo," sagot ni dad.

"But that's what makes you fall for me, don't you?"

Namangha ako sa pag-uusap nila. It was the very first time I heard them do this.

"But I get tired."

"Look, who's been inviting me every night until now?" sarkastikong sagot ni mom.

"But you always show up."

"Because I listen to you."

"Yes, when we get divorced, but not when we're still together."

Kahit ako'y nagkaroon ng pagtataka kung bakit nga ba kinailangan din nilang maghiwalay noon kung ganito naman talaga sila.

"Jothea, a man will leave you if he wants to leave you. No man gets annoyed by a woman he loves. Just be yourself," mom shared as she rolled her eyes at my father. Now, I think I get why they divorced.

Ibinaling ko na lamang ang tingin ko kay Ismael na hanggang ngayon ay matiyagang naghihintay para sa akin. Napangiti ako nang makita siyang tinatawanan ni Danjer at Mr. Roize. Well, hindi ko rin naman inakalang iiyak siya sa kasal namin. Akala ko noon ay hindi siya umiiyak, tao rin pala siya na may puso na lumalambot pagdating sa akin.

Hindi ko namalayang nasa tapat ko na pala siya at ibinibigay na ni dad ang kamay ko sa kaniya. May ibinulong sa kaniya si Dad na hindi ko narinig. Ganoon din si Mom, nang magyakapan sila bago tuluyang umalis para maupong muli sa kani-kaniyang upuan.

"What did they tell you?" tanong ko.

"Secret," sagot niya.

"Wow, may secret ka na kaagad?" sarkastiko kong hirit na siyang tinawanan niya lang.

"I still have lots, Jothea, that I never wish you to know."

Inirapan ko siya. "Ano naman iyon?"

"Gusto mong malaman?" bulong niya nang sabay kaming tumalikod sa madla upang humarap sa lalaking magkakasal sa amin. "Ayoko, baka tawanan mo 'ko."

"What?" naiinis ko siyang kinurot.

"Your picture... I used it... when you're away."

Nanlaki ang mga mata ko at napahalakhak, dahil naintindihan ko kaagad ang ipinahiwatig niya. What the hell?

Ngunit ang malakas kong pagtawa, ay napalitan ng mga luha nang nagpatuloy ang seremonya ng aming kasal. Tila ba bumabalik sa mga alaala ko ang mga pagsubok na nalampasan namin, ang mga hirap na dinanas para lang mapunta kami sa ganitong sitwasyon. Hindi lang talaga pagmamahal ang kailangan para maging matagumpay ang isang relasyon. Kung may isang nanghihina, hindi dapat magpadala ang isa roon at dapat manatiling matibay at malakas. Nagpapasalamat ako sa Diyos, dahil hanggang ngayon ay inilaban ni Ismael ang sa aming dalawa.

"I pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."

Humarap si Ismael sa akin at kahit ako'y punong-puno na ng mga luha na parang baliw dahil ngumingiti rin. Itinaas niya ang belo ko, upang pagmasdan ang mukha ko.

"Walang kupas," bulong niya. "You're still beautiful, my wife."

Naluha ako nang halikan niya ako. Mainit at matamis. Ramdam na ramdam ko ang buo niyang pagmamahal na walang pagdadalawang-isip na inaalay sa akin.

This is it. I am now Mrs. Mondalla, just like he promised me. Niyakap ko siya nang mahigpit. Narinig ko ang malakas na palakpakan ngunit hindi no'n matatalo ang malakas na tibok ng pinagsamang puso namin ng lalaking mahal ko. I am so happy that this day has come. Hindi yata matatapos ang pagpapasalamat ko sa Diyos.

Umalis na ang lahat at hinayaan nila kaming maiwan sa lugar kung saan kami ikinasal ni Ismael. We decided to exchange our vows privately. Narito kaming dalawa nakaupo sa unahan habang magkahawak nang kamay at walang sawang nagtitinginan.

"Sinong mauuna?" tanong ko. Hindi ko alam bakit nakakaramdam ako ng sobrang kaba gayong mamamanata lang naman ako sa kaniya. Ganito ba talaga kapag tunay ang pag-ibig na pinagsasaluhan?

"Should I go first?" Natawa ako sa kaniya. Pinagmamasdan ko palang ang namumugto niyang mata, kinikilig na ako. Naiiyak na naman tuloy ako. Why am I so lucky?

"Ako na, kanina pa tayo umiiyak. Gusto ko namang tumawa. Patatawanin kita."

"You always do that, Jothea. You always make me happy."

"Mas masaya ako ngayon, dahil hindi ko inaasahang tutuparin mo itong napag-usapan natin. Masyado akong nabigla sa mga plano mo. Hindi mo man lang ipinagpaliban. Ang laki ng tiyan ko," reklamo ko.

"Then let's get married again after our child is born. Problema ba 'yon? Gusto mo taon-taon tayong magpakasal?"

"Wow, para taon-taon din ang honeymoon?"

"How did you know?" Hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya. "At tsaka sinunod ko lang naman ang payo mo. Ang sabi mo anakan na kita at pakasalan, para hindi mo na ako iwanan. Masyado mo na akong iniiwan nang maraming beses. Kailangan na kitang itali sa akin."

"Masyado mo namang sineryoso lahat."

"Because I am serious with you, my love. Thank you also for patiently waiting." He kissed my hand.

"No, I am the one who needs to say thank you to you." Hinaplos ko ang mukha niya. "Ismael..." Nabasag ang boses ko. "Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa 'yo, sa walang sawang pag-intindi at pagpapasensya sa akin. Sa mga panahong nasasaktan kita, pinatutunayan mo lalo sa akin kung gaano mo ako kamahal kahit sa mga panahong puro ako pagdududa, you prove to me na pagdating sa 'yo, sigurado ako," panimula ko.

Nanatili siyang nakikinig sa akin. "Ismael, napakasaya ko dahil ikaw ang lalaking pinakasalan ko. You bring out all the best in me. You met me at the worst time of my life, but you turned that moment into a lovable one. Because of you, I learned that to love someone else, you must first love yourself. You taught me that, and when I was in the process of loving myself dearly, I realized I was starting to love you too. You were the first man who told me to not focus my attention on you but on the things that could make me happy. But little did you know that it was you, my source of genuine happiness, all along. Thank you, Ismael. Thank you for preparing everything for me, even this wedding, secretly."

Nakatitig lang ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin. This is the look of love we shared. It keeps my heart beating and burning with love... "I promise that I will do my best to be the wife you wanted, to be the most beautiful in your eyes, and to be the sexiest in bed. Sasayawan kita sa mga araw na malungkot ka. Pasasayahin kita kahit sa mga paraang hindi ko gusto, pero ginugusto ko na rin dahil gusto mo. Mahal na mahal kita, Ismael... Mahal na mahal. Pangako ko sa 'yo na sa bawat desisyon ko, hindi na lang sarili ko ang iisipin ko kung hindi pati ikaw at ang magiging mga anak natin. Handa akong ibigay sa 'yo lahat ng mga taong natitira pa sa akin para makasama mo, sa hirap, sa sarap, sa sakit, at sa saya. I love you so much, Ismael. I love you."

Pinunasan niya ang kaniyang luha na hindi ko, inaasahang babagsak na naman dahil sa mga salita ko. Hindi ko alam kung may nakakaiyak ba sa mga sinabi ko, pero natutuwa ako dahil nararamdaman niya ang sinseridad ng mga iyon.

He cleared his throat. "My tiny little thing, my love, my baby, my woman, my lady, my Jothea," pagtawag niya sa akin. "I still have one last secret that I never had a chance to tell you."

"One last secret? Akala ko ba marami pa?" singit ko.

"But this one is my gift. The ultimate secret I have kept for you for twenty-one years now."

Naintriga ako sa sinabi niya at dagling kumunot ang noo. "Twenty-one?"

He nods. "The very first time I saw you was not three years ago...but indeed twenty-one years ago," he admitted.

"What do you mean?" tanong ko. Napanganga ako nang maintindihan ang sinabi niya.

"Yes, when you were born, Jothea. It was when the time I left Mrs. Estanislao at the hospital because I was heartbroken to learn that she was sick. I was lurking out on the premises when a beautiful baby cried in front of me. It was you."

I pressed my lips in disbelief. What on earth does he mean? Sandali ito ba ’yong tinutukoy ni Mrs. Estanislao noon?

Napakagat ako sa labi ko. Was it fate all along? Muli akong napaluha, dahil sa inamin niya. Maging ang puso ko'y lumakas ang pintig. Kaya ba ganoon na lang niya ako kagusto dahil nauna sa kaniyang pinatunayan ng tadhana na kami talaga ang para sa isa't isa?

"That's how I remember your name, Jothea Alvandra, and I never thought I would meet you again after eighteen years in the most unexpected time of my life. The day they told me I should marry someone to continue the tradition, you barged into me, pleading to save you, but it was you who saved me. You were the one who saved our family. Because if it's not you, I don't think I can marry someone. I don't have any plans on dating either, but you came across as if you were the answers to my silent prayers, which I never talked about. You, who just smile brightly and light up my world, who simply breathe, extend my life. I never thought that it would be so easy for me to love when it was hard for me to care for myself." He caressed my face gently.

Lalong lumakas ang pag-iyak ko dahil sa kaniya. "You always surprise me, you know?"

Hindi niya pinakinggan ang daing ko sa halip ay niyakap niya ako. "I promise to be with you in this lifetime and even in the life after this. I love you so much, Jothea Alvandra-Mondalla."

Ang pangakong iyon...

Dahil siya ang nangako, alam kong kahit anong mangyari, matutupad.

I never knew that this man who I thought take me down, lift me up all this time...from my downfall.

I never knew that he will happen to me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top