Chapter 49
Dinala ako ng paa ko sa mabulaklak na paraiso ng Baguio, kung saan namin nabuo si Cal. Hindi ko alam kung bakit sa pag-apak ng paa kong muli sa lugar na ito ay nakahinga ako nang maluwag. Pakiramdam ko, sa isang iglap, nawala lahat ng sama ng loob ko sa sarili ko.
It has been weeks since I decided to live by myself. Nope, hindi na nga pala ako nag-iisa. Kasama ko si Cal na ngayo'y tila ba mas lumalaki na kumpara noong huli kong iwan ang Mondalla Residences. I am living in peace. Kahit minsan ay wala akong natanggap na tawag mula kay Ismael at kahit na sino mula sa pamilya ko at sa pamilya niya. They are really respecting my decision to have some time for myself. Totoo naman daw kasi na masyadong napuno ng masasamang alaala ang buhay ko nitong mga nakaraang araw, pero dahil sa desisyon kong ito, mas nangingibabaw ang mga alaalang ginawa namin ni Ismael nang magkasama.
Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi nang muli itong tumulo. Kahit kailan talaga kapag tungkol kay Ismael, kusa akong napapaluha. I admit it, I miss him so much. Pakiramdam ko, ganoon din siya sa akin dahil gabi-gabi siyang dumadalaw sa panaginip ko. Napalitan niya ang lahat ng bangungot na gumugulo sa akin noon.
Narito ako ngayon sa farm kung saan pansamantalang naglilibang at gumagawa ng pabango. Noong una pa nga ay hindi nila ako tinatanggap dahil buntis daw ako, pero dahil nakahanap sila ng trabahong para sa akin na nakaupo lang ay pinayagan na nila ako. Isang perfumer, literal na taga-amoy lang ng pabango kung maganda ba ang timpla nila o hindi. Lalo raw kasi na buntis ako, mas matapang ang pang-amoy ko, kaya naman humihingi din sila ng suhestiyon sa akin. Mabuti na nga lang din at marami akong natutunan sa Safira at LMC, lalo na kay Ismael noong bumisita kami sa Europe, kaya naman natutuwa sa akin ang may-ari ng maliit na perfume shop na ito. Ako rin ay natutuwa dahil nakakalibre ako ng supply ng bulaklak. Hinahayaan nila akong pumitas ng daisy.
Muli na naman akong napangiti. Napakasarap sa pakiramdam na pagmasdan ang mga magaganda at mababangong bulaklak sa paligid. Parang ang gaan-gaan nang mundo. At hindi lang ako ang natutuwa dahil kanina pa likot nang likot si Cal sa tiyan ko. Mukhang nagugustuhan niya rin itong ginagawa namin nang magkasama.
Nagpaalam na ako sa kanila nang pumatak na ang alas singko ng hapon. Dumeretso ako sa palengke para bumili ng mga gulay na siyang iluluto ko para sa hapunan. Hindi ko rin kinalimutan ang mga prutas katulad ng mansanas at saging. Ang sabi kasi sa akin ng doctor ay mas mainam na kumain ako ng masusustansiyang pagkain na siya namang madalas ko na talagang kinakain sa araw-araw. Gamit ko ang perang ibinigay sa akin ni Sir Mikael noon. Hindi ko gustong gamitin ang black card na ibinigay sa akin ni Ismael dahil alam kong kapag ginamit ko iyon ay malalaman niya kung nasaan ako.
I was about to hop into a trycicle when someone called my name. "Jothea?"
Napalingon ako, upang hanapin ang boses na tumawag sa pangalan ko. And I was surprised to see someone I hadn't expected to see.
"Mrs. Veonna?"
"What are you doing there? Come in. I'll drive you home!" pagyaya niya sa akin. Ipinakita ko sa kaniya ang mga dala kong gulay sa iluluto kong pinakbet, and I was oblivious when she told me it's fine.
Sakay ako ng kotse niya, habang binabaybay namin ang daan papunta sa maliit kong bahay. Hindi ako makapagsalita at nanatili na lamang na nakamasid sa bintana. Siya naman ay abala lang sa pagmamaneho ng sasakyan.
I don't really know if she's aware of my requests to Ismael, but seeing her be kind to me, I don't know anymore.
"Are you sure you live here, hija?" tanong niya.
"Opo," sagot ko. "Maraming salamat po sa paghatid sa akin," dagdag ko pa at akmang bababa na nang magsalita siya.
"Can I come in for a moment?"
Napalunok ako. Hindi ko man alam kung anong dahilan, pero pinapasok ko siya sa bahay ko.
"Pasensya na po kayo, maliit lang po ang bahay ko. Ito lang kasi ang pinakamura sa La Trinidad," paghingi ko ng paumanhin bago siya binigyan ng maliit na unan para magsilbing upuan niya.
"I don't mind, hija. Mas maliit pa nga rito ang kinalakhan ko. How are you now?"
Hindi ako sanay na ganito ang paraan niya ng pananalita sa akin. Noon ay kung sumigaw siya ay parang galit na galit siya sa akin dahil sagabal kami sa plano niya para kay Danjer. Hindi ko alam kung anong nagpabago sa isip niya para kausapin ako nang ganito.
"Ayos naman po ako, Ma'am Veonna."
"Wala ka pa rin bang planong bumalik?" she inquired. This confirms that she knew about my request and my situation with Ismael.
Nanatili akong tahimik. Mag-iisang buwan na yatang wala ako sa piling ni Ismael. "You see, I am not here to convince you to go back. I just coincidentally saw you earlier, and I don't know what pushed me to call you."
"Are you here because of what I said? Are you hesitating to be in Mondalla's family?" she added. Malalim ang paraan ng pagtingin niya sa akin na para bang isang ina na nag-aalala sa kaniyang anak. I don't know why I felt that way for a moment.
I shook my head. "I am hesitating if I deserve it all, Ma'am Veonna. Everything in Mondalla seems too good to be true, and to have such a privilege to experience it, I don't think it is for me."
"Every woman feels like that, Jothea, but good things shouldn't be questioned about," saad niya. "I understand that you need time for yourself, but not everyone has the time to wait. Ismael is turning twenty-nine years old this year. How old would he be after your twelfth child?"
Napaisip ako sa sinabi niya. Although napag-usapan na namin ni Ismael na hindi naman namin kailangang sundin ang tradisyon na magkaroon ng labing-dalawang anak, hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Masyado ba akong nagiging makasarili at hindi siya naiisip?
"Maabutan pa ba niya ang mga anak niyong mag-asawa kung sakali? Makikita niya pa ba ang mga apo ninyo?" patuloy niyang tanong sa akin. "I did not mean to pressure you, hija, but just like everybody's thinking this way, we are all worried about the family and the future generations. Hindi naman ako mananatili dito kung wala akong pakialam sa pamilyang ito."
Nakatitig lamang ako sa kaniya, habang iniintindi lahat ng mga sinasabi niya na minsang hindi ko naisip. Naiintindihan ko na kung bakit gusto nilang ipagpatuloy ang tradisyon. Masyadong malaki ang kagustuhan nilang maipalaganap ang angkan ng mga mabubuting tao sa mundo. Totoo naman, kung mayroon akong nakilala pinakamabuting tao sa mundo, iyon ay si Ismael, na isa sa mga Mondalla.
Tumulo ang luha ko kahit hindi ko iyon pinayagang makita ni Ma'am Veonna, ngunit nang bigyan niya ako ng panyo tila ba lumabas lahat ng kinikimkim kong kalungkutan. Masayang mamuhay nang mag-isa. Tahimik. Walang problema. Pero napagtanto kong mahirap palang huminga lalo na tuwing gabi dahil mas nanunuot sa buto ko ang lamig dahil nasanay akong katabi si Ismael.
"No need to rush, but think about what I said." That was her last word before leaving me. She also promised not to tell anyone about our meeting. The coincidental meeting with her left me with a thought that kept me awake that night. Masyado ba akong nilamon ng nakaraan, kaya nahirapan akong tanggapin ang magandang ngayon?
Lumipas pa ang maraming araw ng pag-iisip ko hanggang sa hindi ko namalayan kung anong petsaa na ba ngayon. Mataas na ang araw, kaya napagdesisyunan ko munang magbilad at maglakad-lakad sa labas. Wala akong pasok ngayon, kaya naman libre akong mamasyal kasama si Cal.
Napahawak ako sa tiyan ko nang sumipa ito nang malakas. Kasunod ay ang paghinto ng malaking puting van sa harap ko. My eyebrows knitted when it opened, pero mas ikinabahala ko ang paglabas ng mga lalaki at marahas na kinuha ang kamay ko para maipasok sa sasakyan.
"H-hoy! Saan niyo ako dadalhin? Sino kayo?" sigaw ko ngunit dahil doon ay binusalan nila ang bibig ko. Maluha-luha akong nagpupumilit na kumawala sa pagkakahawak nila ngunit mas malakas sila sa akin at mas marami sila.
Ano na naman ito? Bakit may ganito? Sino sila? Nananahimik na ako.
Patuloy akong sumisigaw at nagwawala sa loob ng sasakyan ngunit, hindi nila ako pinakakawalan. Hindi rin sila nagsasalita. Nakatalukbong ang mga mukha nila at kumpara sa mga natural na mga kidnaper, magagarbo ang suot nila. Dark brown na tuxedo.
Tumigil ang sasakyan at isa-isa silang bumaba, pero bago nila tuluyan isara ang pinto ay tinali nila ang kamay ko at piniringan ang mga mata ko. Ilang beses akong nagmura sa isipan ko habang binabanggit ang pangalan ni Ismael dahil siya lang ang tanging naiisip ko sa mga panahong nasa panganib ako. Siya lang ang hinihingian ko ng tulong pagkatapos sa Diyos.
Tuluyan nang kumawala ang mga luha sa mga mata ko. Gusto ko tuloy magsisi dahil umalis pa ako kay Ismael noon. Akala ko naman kasi ay tapos na ang lahat dahil nasa kulungan na ang magkapatid. May mga tao pa bang nagawan ko ng kasalanan noon na naghihiganti sa akin ngayon?
I should've stayed. Hindi ko na sana iniwan pang muli si Ismael gayong sinabi ko sa kaniyang patutunayan kong hindi ko na siya iiwan, pero dahil naging makasarili na naman ako, nagawa ko na naman.
Ismael...
Narinig ko ang biglaang pagbukas ng pinto. Naramdaman kong may pumasok sa loob. "Sino ka?" tanong ko ngunit alam kong hindi niya iyon maiintindihan dahil may nakaharang sa bibig ko.
Dumampi ang malamig na kamay sa balat ko. Nanigas ang katawan ko, nang ibaba nito ang manggas ng suot kong dress. Nagpupumiglas ako para hindi niya ako mahubaran ngunit tuluyan niya na itong nagawa. Umiiyak ako, at sinubukan na lang tanggapin ang kapalaran ko.
Hinawakan niya rin ang buhok ko, ngunit nagtaka ako nang itali niya ito. Kasunod ay ang pagsuot niya sa akin ng damit. Hindi ko maintindihan. Anong nangyayari? Mas lalo akong kinakabahan.
Tinanggal niya ang telang nakalagay sa bibig ko, kaya nagkaroon na ako ng pagkakataong magsalita. "S-sino ka?"
"Secret." Boses ng isang babae ang sumagot. Pamilyar.
"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko pa habang nag-uumapaw sa dibdib ang kama.
"Wala naman, pero 'yong naghihintay sa labas meron." May dumampi sa labi ko. Dumulas iyon sa buong labi ko. "This is the most chaotic plan I have ever known," hirit niya habang tumatawa bago inalis ang piring sa mata ko.
Humapdi ang mga mata ko nang makita ko siya. "Savannah?!"
Nakangiti siya sa akin, at katulad ng mga lalaki kanina ay magarbo rin ang suot niya. Isang elegant light brown na dress. I tried to embrace her but realized my hands were still tied. Tinulungan niya naman akong tanggalin iyon at doon ko lang din napansin ang pagbabago ng suot ko.
"What is this? Why am I wearing a wedding gown?" bulalas ko.
Hindi siya sumagot sa halip, ay iba ang sinabi niya. "Let's fix yourself. You don't want them to see you like this, right?"
Napatingin ako sa rareview mirror. Ayos na ang buhok ko, pero ang mukha ko, hindi pa dahil sa patuloy kong pag-iyak kanina. "Ano bang nangyayari, Savannah?"
"Later, Jothea. You'll know later, but for now, cooperate with me."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top