Chapter 48
"Then was it because of what happened to you?"
Hindi ako nakapagsalita. I knew it. They probably knew that the woman Ismael wanted to marry was raped by someone else. They wouldn't want their son to marry someone like me; it would tarnish their reputation.
"It might be hard for you, Jothea, but we're here for you. Don't worry. Walang makakaalam ng bagay na iyon, bukod sa amin. Our relatives won't know, even Isa, Jothea. Hindi niya iyon malalaman. I assure you." Hinawakan niya ang kamay ko, para pagaanin ang loob ko. Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko. "Hindi mo naman ginusto ang nangyari, at hindi iyon magiging kabawasan sa iyo. I still want you for my son, hija."
Hinaplos niya ang buhok ko at dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin na may halong pagtanggap ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Mahigpit ko siyang niyakap.
Patuloy niyang hinaplos ang buhok ko na para bang iniibsan niya ang bigat na nararamdaman ko sa puso ko. "That memory might be difficult for you to get rid of, but we're here to help you. Papalitan natin ng magagandang alaala ang nangyari hanggang sa hindi mo na mabaon mo na iyon sa limot. Tatabunan nating lahat."
I keep on nodding. It was the comfort I'd been yearning to experience from my mother. I never thought that someone who's not related to me would give me that kind of love. I am really thankful. "Stop crying na anak, baka isipin ni Ismael, pinaiiyak kita," biro niya.
Just like she promised, she keeps on visiting the mansion to invite me to her daily activities. Tinuturuan niya ako sa maraming bagay lalo na sa pagiging first lady—sa pag-o-organize ng events, kung sino ang mga taong tatawagan ko kapag kailangan ko ng ganito, ng ganiyan.
Naglakas-loob na rin akong magsabi kay Miss Sapphire na mawawala muna ako dahil nga lumalaki na ang tiyan ko't malapit nang matapos ang second trimester. Mabuti at pinayagan niya ako dahil mas makabubuti raw na pagtuunan ko muna ang pagbubuntis ko lalo't ito ang una. Hindi niya raw maiwasang mainggit, dahil nauna pa akong mabuntis kaysa sa kaniya. Tungkol naman sa muntikang mangyari, hindi ko raw dapat sisihin ang sarili ko dahil hindi ko iyon kasalanan. Dahil nga raw roon ay napagtanto niyang hindi dapat siya maging complacent. She also stated that she had improved and strengthened the company's security.
Savannah also kept calling me about what happened. Nabalitaan niya raw na nakulong na si Raviel. She also told me that she will come home next next month kaya siguraduhin ko raw na magkikita kami at mag-uusap.
I heaved a sigh, not because I was exhausted but because I felt relief. Everything feels surreal, but I am getting used to it. This is the life with Ismael that I chose to have. Living here in this mansion would be better for Cal. Narito ang pamilya niya. Although sometimes nami-miss ko ang buhay ko sa syudad ng Lourdez, maging ang trabaho ko kung saan binubuo ko roon ang pangarap ko.
Tama si Ismael na hindi biro ang pagiging isang ina at asawa. Ngayong hindi pa kami naikakasal, pakiramdam ko ganoon na rin ang turing sa akin ng lahat lalo na't dinadala ko ang anak ng magiging presidente ng angkan ng Mondalla.
Bumukas ang pinto ng kwarto ni Ismael, at agad akong napangiti nang makita siya. Mula sa veranda, ay tumakbo ako papunta sa kaniya.
"Hey, don't run," sambit niya bago ako sinalubong at hinalikan. Maging ang tiyan kong lumalaki na ay hinaplos niya at hinalikan. "Cal might wake up."
Natawa ako. "He's awake. He keeps on kicking every side of my tummy."
"I have something for you," he said, bago ipinakita ang bouquet of daisies na nagtatago pa kanina sa likod niya.
"Ismael!" reklamo ko. Bigla na lang akong napaluha dahil sa nag-uumapaw na sayang nararamdaman. "Magkakasipon ka sa ginagawa mo!"
He flashed a smile. "I don't mind. As long as I can see you smile, I'm willing to give you flowers every day."
"Ismael naman, eh." Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. "Thank you. I love these."
"I also brought you an egg pie, which you always craved." Ipinakita niya sa akin ang isang kahon ng mamahaling egg pie na palagi kong nire-request sa kaniya na bilhin niya. Mas lalo akong napangiti.
"Thank you, but I forgot to tell you that I want an egg pie that is extra burnt on the crust."
He scoffed. "For real?" Binuksan niya ang kahon ng egg pie bago umupo sa bedside sofa. Hinawakan niya rin ang baywang ko bago ako hinila paupo sa kandungan niya.
"Hey, hindi ba ako mabigat?" tanong ko. Pansin ko kasing namimilog na ako sa kakakain ng mga pagkain pinaglilihian ko.
"Not at all. Just eat whatever you want. Tell me everything, and I'll get it for you." Muli niyang hinalikan ang pisngi ko bago kumuha ng isang slice ng egg pie. "Should we burn the crust more?" tanong niya habang tinuturo 'yong parteng taas ng egg pie.
"Like a half of it should be burned, Ismael, pero pwede naman bukas. That's fine for now," sagot ko at akmang kukunin ang slice ng egg pie nang ilayo niya sa akin.
"Let's go to the kitchen. Let's burn this thing however you want."
Hindi na ako nakaapela nang hilahin niya na ako pababa sa kitchen. Naroon din ang ibang maid na nakaalalay sa amin. Napangiti ako nang maalala ang hobby ko noon, ang mag-bake. Tila ba nagkaroon akong muli ng pagkakataon na maranasan itong gawin muli.
But Ismael is doing all the work. Kinikilig na lang talaga ako, habang pinanonood siyang nakasuot ng apron at binabantayan ang oven. Ilang minuto lang ay natapos na naming sunugin ang kalahating parte ng egg pie kung paano ko gustong kainin. I saw the maids smiling, like they were amazed by what we were doing. Nagpresinta naman silang maglilinis ng mga kalat namin nang makita nila akong maghuhugas ng bowls.
"Was it good?" tanong ni Ismael nang makabalik kami sa kwarto niya. Kasalukuyan kong kinakain ang egg pie na ibinili niya para sa akin.
I nodded. "It is. You want to try?"
Tumango siya bago ngumanga; kaya naman sinubuan ko siya. Napakagat na lang siya sa labi, habang pinipigilang gumawa ng reaksyon. I laughed because of that. Basically, he doesn't want it. Well, for me, this is really good.
"How are you here, my love?" he asked while loosening the knot on his tie.
"I'm fine. Nabasa ko na yata lahat ng libro mo rito," sagot ko. "Kahit hindi ako palabasang tao."
"So far, do you have your favorites now?" Mas lumapit siya sa akin at inamoy-amoy ang gilid ng leeg ko.
"I do. I love Pride and Prejudice," I answered, habang napapapikit at napapatigil sa pagkain.
"Good choice, my love," he whispered as he hugged me tightly. "Tell me about it." He started to plant small kisses on my neck, which made me shiver.
"I love their bickering and bantering. I remember us, Ismael. Also, Mr. Darcy's words to Elizabeth: He's so poetic, just like you."
I heard him chuckle near my ear. "Don't compare me. I'm not that romantic."
Mabilis ko siyang nilingon. "Hindi ka pa romantic sa lagay na ito?"
"Well." He kissed me softly. "If you say so, then I am." He placed his hand on my head before reaching for my lips again, but this time he deepened them. "I miss you so much, my love."
Napakapit ako sa damit niya, at sinubukang bumawi ng halik. "Things in the clan are more tiring than I expected. I need you to fill my strength again."
"Was it really exhausting?" I asked.
"Yeah, dad is turning over all the work, so..."
Bumaba ang halik niya sa leeg ko at sandaling tumigil. Napansin ko na lang na humihilik na siya, kaya naman natawa na lang ako. I stayed for a moment while my arms were wrapped all over his body, ninanamnam ang mga sandaling katulad nito. My heart is full. Ako yata ang nakapag-replenish ng energy dahil sa ginawa niya.
Sumandal ako, at hinayaan lang siyang matulog sa ganoong posisyon. Ayokong istorbohin ang lalaking ito, dahil baka mamaya ako naman ang pagurin niya. Mabuti na itong nakakapahinga siya. Pumikit na rin ako, at piniling samahan siya sa paghimbing.
Nagising akong nasa kama na, habang habol-habol ang hininga. No. That was just a nightmare. It wasn't true. Hinawakan ko ang tiyan at nilingon si Ismael; he's still sound asleep.
I buried my face in my hands as I tried to cry in silence. Ang paulit-ulit na bangungot na iyon ang nagpapagising sa akin sa hating-gabi. Nakatakas daw si Raviel sa kulungan, at binalikan ako para patayin ang anak ko. The fear is eating away at my flesh. Palagi ko itong napananaginipan at kahit anong pilit kong itago o balewalain, hinahabol lang ako nito tuwing gabi.
Totoong masaya ako sa piling ni Ismael, sa lahat ng mga tao sa paligid ko ngunit sa pagsapit ng gabi, tila ba lahat ng saya ay pinapalitan ng masamang panaginip. Hindi ako pinatutulog nang maayos. Nangangamba ako na baka isang araw mangyari nga iyon, magpakita si Raviel sa harap ko at patayin ang anak namin ni Ismael.
I decided to go to the bathroom. I opened the tap and let the water run out. I closed the door and proceeded to cry over and over again. Hindi ko na kaya. Kinakain na ako ng kunsensya ko. Ako ang may kasalanan nitong lahat, pero nagagawa ko pang maging masaya. I should be dead. I should have perished.
Nanatili akong nakaupo at nakasandal sa bathtub, habang nakayuko at nakayakap sa mga tuhod. These feelings have been hurting me since the day I left the hospital. But I tried to cover it with smiles. I don't want everyone to be worried about me. They are all busy. I don't want to bother them with these petty things. Pakiramdam ko, hindi talaga ako matatahimik hangga't hindi ko pinagbabayaran lahat ng kasalanan ko.
"Baby..." I felt a warm hand on my arm. Tumunghay ako, at nakita ko si Ismael sa harap ko. Nakaupo siya. "What's wrong?"
Bakas ang pag-aalala sa mga mata niya. Dahil doon, mas lalo akong napaluha. Nasasaktan ako. Sobra.
"Did you have a bad dream?" His voice was soft and comforting. He's rubbing his hand on my arm, trying to ease my pain. "Tell me, please."
My lips curled down. "I think I need time, Ismael."
Kumislap ang mga mata niya. I can see how he stopped those tears. "What do you mean?"
"Can I ask for space?"
Kumunot ang noo niya. Halatang sinusubukan niyang intindihin ang magulong utak ko. "Why? Why do you need space, my love? Am I suffocating you?"
Umiling ako. "No. All you did was shower me with pure love, and I am thankful for it, but there's something in me telling me I don't deserve it all. I killed people. Ako rin ang dahilan kung bakit naging masamang tao si Raviel at Roxsielle. I was raped, and now I'm having a baby with you. I feel like I don't have anything for our baby to be proud of."
Hinaplos niya ang buhok ko at pinunasan ang mga luha ko. "Listen to me. It wasn't your fault. It wasn't your intention to kill someone. You were just a product of unloving parents who turned you into hating this world. And it was Raviel and Roxsielle's choice to be eaten by grudges; they wanted revenge. Hindi ikaw ang dahilan no'n. And don't think that what you did when you're just five justified Raviel to rape you. No, Jothea."
Patuloy akong humahagulgol habang nagsasalita siya, pero pakiramdam ko, wala akong marinig. Marahil desidido na talaga akong lumayo. Gusto kong ayusin ang sarili ko bago bumalik sa kaniya. I feel like it was the right thing to do.
"Please, Ismael, for the last time. Let me leave. Let me fix myself first."
"Hindi mo ba kayang gawin nang magkasama tayo? I can help you. We can fix it together."
Hinaplos ko ang mukha niya. "Let me use my feet. Let me walk to you, but before that, I need to be strong to stand up for myself again."
Hindi na natumbasan ng ingay ng mga tubig na nagmumula sa gripo ang malakas na iyak naming dalawa.
That morning, I left him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top