Chapter 46
"Makipagkita ka sa akin kung ayaw mong ikalat ko 'to."
Napapikit ako. This will definitely destroy Ismael more than me. This shouldn't be seen by him.
I tried to call her, but the line wasn't connecting. The next thing I received was an address. At hindi ako nagdalawang-isip na puntahan 'yon. I immediately went out of the company and took a cab to go to the location Roxsielle sent me.
Naalala kong muli ang pag-uusap namin nila Ismael at Sav noon sa Europe. Of course, she would have a copy of it because she's related to Raviel, or, should I say, she's the half-sister of that guy. For sure, she has been conspiring with him since the very beginning. Because if not, why would she contact me again? Ano na naman ang kailangan niya? What does she want from me this time?
Malakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba nang makaapak ako sa isang bakanteng lote, pero hindi pwedeng hindi ako pumunta. I need to know what she wants and the reason she keeps doing this. The both of them. Anong ibig sabihin ni Raviel nang sabihin niya sa aking pinatay ni Ismael ang mga magulang nila kaya sila nagkahiwalay?
Nagpatuloy lang ako sa paglakad sa loob ng mabahong lugar. Marami pang bubog na nagkalat at mga sira-sirang gamit sa paligid. Mukhang tambakan pa ata ng basura ang lugar na ito.
Nakarinig ako ng mabagal na yabag ng paa, at halos mawalan ako ng hininga nang makita ko si Raviel na naglalakad papunta sa akin. His appearance now is different from the last time I saw him. Putol na ang isa niyang kamay. Isa na lang din ang mata niya. Maging ang labi niya ay ma bakas ng tahi na mukhang tinastas niya. Anong nangyari?
I gulped. Napahakbang ako paatras dahil sa takot na nanunuot sa buto ko. Gusto kong maluha dahil kung anong guwapo ng mukha niya noon na kinahuhumalingan ni Sav at ng ibang babae, ay siyang nakakatakot at nakakapanindig balahibo lalo na kapag tinitingnan ako nang malalim ng isa niyang mata.
"Para ka namang nakakita ng multo, Jothea," sambit niya habang nakangisi. Agad na nagsitayuan ang balahibo ko lalo na nang mapaunta ang mata ko sa tagiliran niya. May baril siya.
"A-anong ginagawa mo rito? Roxsielle was supposed to meet me here, not you," sambit ko sa matapang na paraan. Ayokong ipakita sa kaniya kung gaano ako natatakot kahit ang sa totoo'y nanglalambot na ang mga tuhod ko.
"Why? Hindi mo ba ako na-miss?"
Muling bumalik sa alaala ko ang kahayupang ginawa niya sa akin. "Ano bang kailangan mo sa akin? Kayong magkapatid, ano ba talagang gusto niyo?"
"I don't need anything from you. I just want my revenge for what that professor did to me. He even cut my dick, you know?" Ibinaba niya ang zipper ng kaniyang pantalon nang walang pasubali at napapikit na lang ako nang mahagip ng mata ko ang ipinakita niya. Totoong wala na nga ito. Pero imbes na galit ay mas nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Ano bang klaseng poot ang natanim sa kaniyang puso para umabot siya sa ganitong kalagayan? And Ismael did this to him? I doubt. Why would he do this to him?
"I will kill that guy, Jothea."
Bumigat ang paghinga ko.
"Until the end, I didn't get justice for my family because of his family," nanggagalaiti niyang saad habang ibinubuhos sa paligid ang laman ng lalagyan na hawak niya. Was that gas? Balak nya bang sunugin ang buong lugar? "He killed my parents for keeping his silence when he knew the truth. I should do the same. I should kill him."
"What are you talking about?" lakas-loob kong tanong sakaniya, kahit na ang mga paa ko'y hindi makakilos o makatakbo man lang palayo. "Mabubuti ang pamilya ng Mondalla! Mabubuti sila sa akin!"
"To you, yes, because they will benefit from you, but to us? Do you know what his grandfather did to us? That professor's grandfather produced an arson in the city of Laranez in 2008 which killed my parents. Pinasunog niya ang mga bahay namin para lumikha ng problema para matulungan...para magpabango sa mga tao."
City of Laranez? That's where we lived before.
Hold on. Arson in 2008?
Namutla akong lalo nang maalala ko ang sunog na nalikha ko sa bayan ng Laranez noon. Iyon ba ang tinutukoy niya? I was five years old that time when my mother and father divorced. I was so heartbroken to experience having a broken family that I chose to kill us all, putting our house on fire.
No. That fire...it wasn't because of anyone...it was because of me. That's what my mother told me before, kaya ganoon na lang kasukdulan ang pagsumpa niya sa akin. But, she never mentioned to me na may namatay dahil sa sunog na nagawa ko.
Bumagsak ang luha ko nang mapatitig ako sa mukha ni Raviel. Does that mean I was the reason he became like this? Was I the one who really killed his parents? Napaluhod ako habang tinatakasan ng lakas. Nakatuon ang mga kamay ko sa sahig habang patuloy na lumuluha.
Does that mean, after all this time, my mom was right? That I am an evil woman. I killed two people, which made my family hate me and curse me. They have reasons for why they left me. I killed Raviel's parents, which I did not know that I did until now. And I realized, hindi pala ako dapat magalit kay Raviel dahil sa ginawa niyang panghahalay sa akin. Kulang pa iyon para makabawi siya sa kasalanang nagawa ko sa kaniya at sa pamilya niya. They have the right. I was the one who made him and her sister suffer in this world, and yet here I am still blessed.
"I am sorry, Raviel..." nasambit ko na lang. Nanginginig ang mga labi ko habang nagsalita sa kaniya. "Hindi si Ismael, hindi ang pamilya ni Ismael ang pumatay sa mga magulang mo..." Tumunghay ako para tagpuin aag kaniyang nakakaawang mukha. Nasasaktan ako dahil nakikita ko siyang nasa ganitong kalagayan dahil sa akin. Ako ang gumawa nito sa kaniya. "Ako ang may kasalanan. Ako ang pumatay sa kanila, Raviel... I am so sorry..."
Bakas ang pagkagulat sa kaniyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa narinig. "What do you mean, Jothea?"
"It was me w-who started that fire, Raviel," I said between my hiccups and sobs, habang pilit na inaalala ang bangungot na matagal ko nang kinalimutan. "When I was five years old, sinunog ko ang b-bahay namin without knowing that it would affect our neighborhood. I am sorry. I was full of hatred towards my parents."
He scoffed and smirked, even wiping his tears from his eyes. "Hah! So, Roxsielle was right after all? It was you who killed our parents?" He unbelievably asked. "I was in denial because of the evidence I gathered that proved it was his family's deed. But hearing your admission, then it must be true that the professor protected you again."
I bit my lip. What does he mean? Does Ismael know my crime and yet still choose to be with me?
What is this? He's cleaning up all my mess when it was me who ruined everything I stepped my foot on.
"And it irritates me." Ipinagpatuloy niya ang pagbuhos ng gas sa paligid. Nagtangka akong humakbang palayo ngunit binantaan niya akong bubuhusan ng gas kapag umalis ako.
"Subukan mong umalis, pasisiklabin ko 'tong lahat."
I was brave enough to accept that this was my end since I deserved it all, but when I suddenly remembered the thing inside my belly now, I started to become more scared. What if this baby is Ismael's and I couldn't protect it? Would that mean I failed to become a mother? At magiging tatlo na ang buhay na tinapos ko dito sa mundo?
"I am pregnant, Raviel; hayaan mo muna akong maipanganak ito bago mo ako gantihan, please," pakiusap ko na mas lalong nagpabugnot sa kaniya.
"Ginagago mo ba ako?" Ibinagsak niya ang lalagyan ng gas, bago lumapit sa akin at hilahin ang buhok ko. "You are pregnant? Kanino? Sa lalaking 'yon? Lalo mo lang akong binibigyan ng dahilan para mapapunta siya rito."
Kinuha niya ang baril niya at itinapat sa baba ko. My breathing became shallow. It is my first time to see a gun this close. At ang pagiging palaban ko ay hindi ko mailabas dahil sa takot na baka pati ang magiging anak ko ay madamay. I don't know what to do now.
"Call him," he ordered. "Call that professor."
Nanginginig kong kinuha ang phone ko sa bag ko habang nagdadalawang-isip kung tatawagan ko ba si Ismael o hindi. I remembered our call a while ago. He's in the middle of his meeting, but because I cried over the phone, he immediately wants to see me. He's probably on his way to the Safira.
"I said, call him, if you don't want me to pull this trigger!" Mas lalo niyang idinutdot ang baril sa baba ko na siyang dahilan ng pagkatinag ko, pero ayoko. Ayokong maging apat na ang buhay na mawawala dahil sa akin. Ayokong pumunta rito si Ismael. Alam kong iyon ang gusto ni Raviel. Alam kong iyon ang binabalak niya.
"Ayoko! Ako ang pumatay sa mga magulang mo, bakit hindi ako ang gantihan mo? Huwag mo nang idamay si Ismael! Ako na lang!"
Malakas na sampal ang natanggap ko. Sampal ng baril. Dahilan para mapasubsob ako sa lupa. I held my chin and tried to stand up again, but he pushed me using his knee, pinning me on the floor while I got my phone out of my possession. I growled in pain. Tiyan ko ang tinutuunan niya ng kaniyang tuhod.
"Give it back, Raviel!" sigaw ko, habang hinahataw ang hita niya para alisin 'yon ngunit lalo niya lang itong diniinan kaya napangiwi ako sa sakit. My baby...what will happen after this?
Impit na pag-iyak ang namutawi sa bibig ko. Ito na ba ang kapalit ng lahat ng sayang ipinaramdam sa akin nitong mga nakaraang araw? Hindi ba talaga pwedeng maging masaya lang? Bakit kapalit ng ligaya ay malaking sampal ng katotohanang hindi ako nararapat doon? Bakit grabe naman yata itong sakit?
I was waiting for this to happen—to have a baby, because I know every man wants this to have. I was eager to see Ismael's reaction, pero parang maging ang balitang ito ay hindi para sa kaniyang tainga na marinig.
Nakita ko ang pagtipa ni Raviel sa cellphone ko. Mukhang hinahanap niya ang number ni Ismael. Pero hindi pa lumilipas ang ilang segundo nang umalingawngaw ang ringtone ng phone ko.
"We're all merely passing through... Doing what we can do for a lifetime..."
Lumakas ang pag-iyak ko nang marinig ang kantang iyon. Ang kantang minsang kinanta sa akin ni Ismael. Dahil sa baba ng boses ni Jose Mari Chan, pakiwari ko'y si Ismael ang kumakanta no'n sa akin ngayon.
At dahil sa tunog na iyon, alam ko na kung sinong tumatawag. Nakangising ipinakita sa akin ni Raviel ang screen ng phone ko. It was Ismael.
Napapikit ako at napakagat sa labi habang pinipigilan ang paghikbi. "Please, Raviel, don't do this. Leave him alone..." But he remained deaf to my request. Tumayo siya at akmang babangon na ako nang apakan niyang muli ang tiyan ko. Napangiwi akong lalo sa sakit.
"What a ringtone," he bantered as he answered the call and put it on a speaker.
"Baby, where are you? I'm here at Safira. Where did you go? Hindi ka raw nagpaalam sa kanila." My tears intensified upon hearing him as I put my hands on my lips, biting my skin, attempting to calm the hiccups caused by crying.
Diniinan pang lalo ni Raviel ang pagkakaapak sa tiyan ko dahilan para mapaungol ako sa kirot. Gusto niyang magsalita ako para kay Ismael, ayoko. Hindi ko gagawin.
"Jothea? What happened? Are you okay? Where exactly are you right now? Tell me, baby, please."
Hindi ko magawang banggitin, kahit man lang ang pangalan niya.
"Hindi ka magsasalita? Sure, then, I will talk to him," sambit ni Raviel bago itinapat sa bibig niya ang telepono ko. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "If you still want to see her, come here, professor. Nasa sa iyo kung magtatawag ka ng mga pulis, but may I remind you that the woman here has a baby. Are you aware of that?"
Fuck. Rinig ko ang mabigat na hininga ni Ismael sa kabilang linya. That was supposed to be my surprise for him.
"Don't go here, Ismael! The baby is not yours," saad ko sa pagpupumilit na makagawa ng paraan para hindi na madamay pa si Ismael sa mga problema ko.
Tumawa nang malakas si Raviel. "Then, are you telling me that it was mine? Hindi ko pala dapat inaapakan ang tiyan mo." Inangat niya ang paa niya, kaya naman kahit papaano ay naginhawaan ako.
"Tell me the address, and I will go there," galit na sambit ni Ismael sa kabilang linya. "I will do everything you asked for me; just don't hurt them, Raviel."
Raviel released an evil laugh that filled the whole space. Even my heart was in horror because of the echoes of his tremendous cackle.
Mabilis akong tumayo kahit na nanghihina ang mga tuhod dahil sa masakit na kalamnan. Kinapitan ko ang phone ko habang hawak-hawak pa rin iyon ni Raviel. "Ismael, I swear! If you still want to see me, don't fucking go here! The baby is not yours, so don't waste your time!" I shouted, trying my best to convince him. Tears started to pour again and my hands were shaking in fear. I want to be saved, yet I don't want him to save me in exchange for his life. No, he better not do it. I won't ever forgive myself.
I heard him sigh. "First of all, why would you state two contradictories, Jothea? Haven't I already taught you about the chain rule? Did you not get it? Am I a bad calculus professor?"
Kumunot ang noo ko at dagling naguluhan sa mga tanong niya. Anong kinalaman ng calculus sa sitwasyon namin ngayon? At anong chain rule ang pinagsasasabi niya? This is not the right time for him to lecture me. Lalo lang akong naiiyak dahil sa mga sinasabi niya dahil naaalala ko ang lahat ng mga pinagsamahan namin. Bakit parang iba yata ang patutunguhan nito?
"I don't understand you, Ismael..." puno ng hikbi kong bigkas sa kaniya.
"We use chain rule when differentiating a function of a function. Do you think I won't understand what you really mean? Do you think I won't know why you cried in our call earlier? What do you think are my reasons of why I came for you?"
I shut my eyes. Ang hapdi na ng mga mata ko sa kaiiyak. Bakit ganito siya? Bakit lahat na lang alam niya?
"I will go to you, Jothea. Wait for me. And for the last time, I have an activity for you. I hope you finish this before I come."
Hindi ako nakapagsalita. Nanatili akong nakikinig sa kaniya. Bakit pakiramdam ko ito na ang huling beses na maririnig ko ang boses niya?
"Nine x minus seven i, greater than three, multiply by three x minus seven u." [The equation described is: 9x - 7i > 3 (3x-7u) ]
How am I supposed to solve that?
"How cheesy," wika ni Raviel. Doon ko lang naalala na narito pala siya. Nilingon ko siya at sa sandaling nagtagpo ang mga mata namin ay kadiliman ang sumalubong sa akin.
Hinampas niya ang ulo ko ng baril at tuluyan na akong nawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top