Chapter 39
Wala na akong nagawa nang maglakad na siya papuntang hagdan. Maliit lang ang hotel na ito kumpara sa hotel na pagmamay-ari ni Ismael, but the interiors are sophisticated. Unlike sa hotel ni Ismael na may touch of white, gold, and glass, dito naman ay black and red with a hint of wood.
Binuksan niya ang pinto gamit ang keycard at tuluyan nang bumungad sa amin ang maganda at malinis na kwarto, maging ang mabangong amoy nito, napakapamilyar.
"You can sleep on the bed in the meantime while we wait for the storm to stop. I'll be on the couch, so don't worry," said Ismael before he took the box of cake from me. He placed it in the refrigerator.
"Take a shower first,'' sambit ko na nagpatigil sa kaniya at napatingin sa akin. Kita ko sa mga mata niyang gusto niyang manigurado sa ibig kong sabihin. "I mean, nabasa ka ng ulan. Pagkatapos mo na lang ako maliligo, bago ako matulog."
"Alright."
Dumeretso na siya sa banyo. Hindi ko alam kung bakit nagtagal siya roon, kaya hindi ko na rin namalayan na nakaidlip ako sa carpet sa kahihintay.
"Tsk. Such a sleepyhead." Rinig kong boses ng lalaki, kaya naalimpungatan ako. Nagulat na lang ako nang may bumuhat sa akin at inihiga ako sa kama.
Ismael?
Nagtagpo ang mga mata namin. Kita niya na ngayon na nagising ako. Ilang segundo kaming nagkatitigan at hindi ko maitatangging napapatingin ako sa mga labi niyang tinutukso akong angkinin.
"Sorry, did I wake you up?" he inquired. "I was just worried because you slept on the floor. You might catch a cold."
Umiling ako. "I-I'm fine. I just slept on the floor for a moment because I was waiting for you. Thank you; I'll take a shower now."
Nagmadali akong bumangon bago dumeretso sa banyo. Kapit ko ang puso kong kumakaripas ng takbo. Nakita ko palang ang mukha niya sa malapitan para na akong masisiraan ng ulo. Ang hirap huminga lalo na't narito kami sa isang kwarto nang magkasama. Paano niya nakokontrol ang sarili niya? Samantalang ako, bumabalik lang sa alaala ko ang lahat. Mahirap makalimutan.
Lumabas na ako sa banyo pagkatapos kong maligo. Suot ko ang bathrobe, habang pinatutuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya. Nakita ko si Ismael sa couch. Nakahiga siya roon. Tulog na ba siya?
Naglakad ako papunta sa kaniya upang silipin siya. Tulog na nga. Kinuha ko ang kumot mula sa kama bago ko siya kinumutan. Nabasa siya kanina ng ulan, siguradong lalamigin siya kung bathrobe lang din ang suot niya.
"What are you doing?"
I almost leapt when I heard his voice. Akala ko tulog na siya!
"Ahh, w-wala. Kinumutan lang kita," kinakabahang sagot ko nang makita kong bukas ang mga mata niya. Kung alam ko lang na magigising siya, sana'y hindi ko na lang siya kinumutan! "Para fair, sa 'yo na ang kumot kasi ako naman ang matutulog sa kama," sabi ko na lang.
"How can you say that it was fair?" he asked, but it seemed he was talking about something else.
"H-ha? Bakit? Gusto mo bang matulog sa kama? Kasi kung oo, ako na lang dito pero iwan mo sa akin ang kumot," wika ko naman.
Suminghap siya. "Are you dense or are you doing it on purpose?" Kumunot ang noo ko. "Are you really okay after all that happened or are you just like me, pretending?"
Seryoso ang mga tanong niya katulad ng paraan niya ng pagtitig sa akin. Sabi ko na nga ba, iba ang tinutukoy niya. Alam ko, pero hindi ko magawang harapin. Natatakot ako.
"Matulog na tayo."
*****
Umaga na at tumila na ang ulan. Lumabas na raw sa bansa ang bagyo, kaya naman nagdesisyon na kami ni Ismael na bumalik sa resthouse.
Sinalubong ako ni Miss Levanier na hanggang tainga ang ngiti. Nakita ko ring naroon si Miss Sapphire sa cottage, maging sina Erl, Caylie, Zedee, Mill, at Miss Ayu, kasama pa ang ibang taga-LMC.
"Kumusta? Nagkabati na ba kayo?" tanong ni Miss Levanier at halatang kinikilig. Pansin ko ring nagkakasulyapan sila Caylie at Zedee at sabay na humahagikgik.
Anong meron?
"Nagkabati?" Kunot-noo kong sagot bago ko inilapag ang cake sa table na binili namin ni Ismael. "Happy birthday, Erl!" masiglang bati ko sa kaniya.
Agad namang nawala ang mga ngiti ni Miss Levanier at Miss Sapphire.
"Birthday ko?" nagtatakang tanong ni Erl habang itinuturo ang sarili. Siniko naman siya ni Caylie. "Ha? O-oo nga pala! Birthday ko today! Thank you, Jothea!"
Niyakap niya ako. "Walang anuman, pero—"
"Seriously?" Miss Levanier exclaimed, cutting what I'm about to say. "After all my efforts, hindi kayo nagkaayos ng pinsan ko?" Bakas ang pagkadismaya sa kaniyang mukha. "Nasaan siya? Bakit hindi kayo magkasama?"
"Ha? Ah, nagpa-park? Nauna na ako rito," matabang kong sagot.
Napaupo nalang siya at napasapo sa ulo. "Uuwi na tayong lahat, pero walang nangyari."
She walked out, but after a few minutes, she came back. Kasama niya si Ismael at para bang may seryoso silang pinagtatalunan.
"No! Hindi ko ihahatid si Jothea! Ikaw ang maghatid sa kaniya! How dare you? She's living in a small studio-type room and you're just letting her in? You have a lot of rooms in your hotel; you have a lot of money; you can even buy her a piece of land; why are you not doing it?"
Napanganga ako nang marinig ko iyon kay Miss Levanier. Hindi ko alam na may pagka-O.A. din pala siya.
Napansin ko naman si Mr. Roize na nakatingin sa akin na para bang sinusuri ako. Ngumisi siya at umiling. Dala niya na ang ilang mga bagahe namin.
Hays. Ang bilis naman ng araw. Ni hindi ko man lang na-enjoy masyado ang two days and one night naming outing dito sa Tagaytay. Ni hindi man lang ako nakaligo sa hotspring. Sana sila, nag-enjoy, kahit hindi ko naramdaman dahil binagyo kaming dalawa ni Ismael sa daan.
Katulad ng kagustuhan ni Miss Levanier, iniwan nila ako sa resthouse kasama si Ismael. Pinaharurot na nila ang sasakyan paalis.
Ismael cleared his throat, which is why I glanced at him. "Let's go in the car?"
Tumango ako. "Okay."
Pinagbuksan niya ako ng pinto bago niya inilagay sa likod ang maliit kong maleta. Hinintay ko lang siya sa loob ng sasakyan habang pinagmamasdan.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang naaalala ang nangyari kagabi.
Naglakad na siya papasok sa driver's seat. "Jothea, where—" Pinutol ko ang sasabihin niya. Nang lumingon siya sa akin ay agad ko siyang sinunggaban ng halik.
"Baby, call me baby, love."
A smile drew on his lips while we kept on kissing each other's lips. He held my head as he deepened the kiss. "Alright, baby."
"Matulog na tayo." Akmang aalis na ako nang hawakan niya ang braso ko.
"Hindi tayo matutulog hangga't hindi tayo nag-uusap, Jothea."
Naumid ang dila ko. Mas lalo akong natatakot dahil sa paraan niya ng pagsasalita. Mas kinakabahan ako kapag nagta-Tagalog siya.
Bumangon siya bago ako pinaupo sa tabi niya. Para akong batang hindi makaharap sa kaniya dahil sa kaba at hiya. Nawawala ang lakas ng loob ko.
"A-anong pag-uusapan natin?" tanong ko, pero hindi siya sumagot. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.
I mustered up the courage to gaze upon him and I saw him staring at me. Talo na ako. Titig niya palang, nalulusaw na ang buo kong pagkatao. "I want to fix this, Jothea. I want us to get back together. I want you back," deretso niyang sambit.
Hindi ko alam na ganoon lang pala kadaling sabihin ang mga salitang iyon, pero hirap na hirap akong gawin. Pinangungunahan ako ng takot na baka hindi niya ako tanggaping muli dahil sa kasalanang nagawa ko.
"How about you?"
Napayuko akong muli. Kahit ang pagsabi ng nilalaman ng kalooban ko ay naging mahirap sa akin. Napagkasunduan na namin ito ni Ismael noon, na maging tapat ako sa nararamdaman ko, pero bakit hindi ko magawa? Hahayaan ko na lang ba na tuluyan siyang mawala gayong siya na ang lumalapit sa akin na dapat ako ang gumagawa dahil ako ang nang-iwan?
Pero paano?
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"Am I the only one who wants this?"
Nagkaroon ng bara ang lalamunan ko. Maging ang ilong ko'y nanuot ang kirot. Nagbabadya na naman ang mga luha kong tumulo.
"Ayaw mo na ba talaga?"
Nadurog ang puso ko dahil sa mga tanong niya. God knows that I wanted him back. I love him with all of my heart.
"Hindi mo na ba ako mahal?"
Napakagat ako sa ibabang labi. Hindi ko kayang makita ang mukha niyang nagmamakaawa sa akin. Bakit hindi ako makapagsalita? Simpleng oo at hindi, hindi pa mailabas ng bibig ko.
"Kiss me if your answer is yes. Slap me if your answer is no."
I gulped.
"Do you want me back?"
Gusto kong maluha. Siya itong hindi marunong manawa. Siya itong hanggang sa huli ay gumagawa ng paraan para sa duwag na katulad ko. Sobrang tanga ko na lang talaga dahil hinahayaan ko siyang maging ganito.
"Jothea, I'm waiting..."
He lifted my chin, and because of that, he saw my eyes full of tears. "B-bakit? Bakit gusto mo pa ring ituloy? Binibigyan na kita ng pagkakataong makahanap ng ibang nararapat sa 'yo."
He blinked; it seemed like he didn't expect what he heard from me.
"I don't want that chance but a chance to put things between us together. Why don't you understand it?"
"Dahil kahit ang katawan ko na tanging naibibigay ko sa 'yo, nadungisan na ng iba! Ano pang ilalaan ko para sa 'yo kapalit ng pagmamahal na ibinibigay mo sa akin?"
"Your heart! Your heart, Jothea! That's the only thing I want in this world. Just love me and I will be complete. Your heart is what I want, and you can give it to me easily by opening it for me. All you have to do is speak out your heart—nothing else, nothing more. It is more than enough."
He caressed my face. "What does your heart really want? I want to know."
Nanatili akong nakatitig sa kaniya, at isang alaala ang bumalik sa akin.
Ang mukha niya... nakita ko na ito noon. At ang pamilyar na lugar na ito, napuntahan ko na. At siya ang nagdala sa akin dito.
"You."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top