Chapter 35
Binuksan ko ang mga mata ko sa pag-aakalang puting liwanag na ang sasalubong sa akin, pero hindi. Kadiliman ang nakikita ko sa paligid. Am I in hell?
But when the light struck my eyes, agad kong nakitang nasa kotse ako. Nasa back seat habang minamaneho ng isang lalaki ang sasakyan kung nasaan ako.
"Jothea! You're awake! Thank God!"
Napalunok ako nang makita ko si Ismael. Agad na bumalik sa akin lahat ng alaala ko.
"When I shouldn't. Stop the car. I'm leaving," saad ko pero hindi niya pinakinggan. "I said stop the car!"
Hindi pa rin siya nakinig at nagpatuloy lang sa pagmamaneho.
"Utang na loob! Ano ba sa mga sinabi ko ang hindi mo maintindihan? Ihinto mo ang kotse at bababa ako!" bulyaw ko na puno ng galit. Bukod sa napurnada ang pagkamatay ko, ngayong nakikita ko siya sa harap ko, isang patunay lang 'yon na siya ang nagligtas sa akin. "I said pull over!"
"No! I won't listen to you! So shout what you want! Scream! I don't fucking care! No one's going to leave this car!"
Nagngitngit ang mga ngipin ko. "Ah, gano'n? Then, fine!" Lumapit ako sa kaniya at inihawak ang kamay sa manibela bago ito kinilos sa paraan na gusto ko. "If you don't stop the car, then die with me!"
"I'm willing to die with you!"
Nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa kaniyang mata at huli na nang makita kong malapit na kami sa bangin. But Ismael's reflexes and ability to drive was insane, he stepped on the brake on time. We were almost put in danger because of my stupidity. Up until this time, he saved me.
Dahil huminto ang kotse katulad ng plano ko, agad akong lumabas para tumakbo palayo sa kaniya. This is not what I wanted. Tinanggap ko na ang wakas ng buhay ko. Bakit narito na naman siya para muling patibukin ang puso ko? Paniwalain sa mga kasinungalingan? Hindi ba siya napapagod? Kasi ako, pagod na pagod na.
"Jothea!"
I felt his embrace around my waist. Nahabol niya ako. I don't know how fast he is or was I just don't have the strength to run away from him?
"Jothea! Where are you going when I'm just here?"
The rain starts to pour. Tila ba parang nakikisabay pa ang ulan sa kalungkutang nararamdaman naming dalawa.
"Let go of me, you fucking user," giit ko habang pumipiglas sa maiinit niyang yakap na tumatalo sa lamig na dinudulot ng ulan.
"I won't. You promised you wouldn't leave me, right? Should I kneel before you just so you don't have to turn your back on me?"
Napapikit ako. Hinahatak ng mga salita niya ang mga luha kong tila ba gustong-gustong pumunta sa kaniya.
"And be fooled again? No! I don't want to endure things like this again! I want to die! Why did you have to save me again just to make me feel like dying? You should've gone to me earlier if you want me to believe in you!''
Naalala kong muli ang kalunos-lunos na ginawa sa akin ni Raviel. Gusto kong patayin ang sarili ko sa pandidiri, pero mas nakakadiri palang isipin na ibinigay ko lang ang sarili ko sa taong siya palang niloloko ako nang harap-harapan.
"I'm sorry. I'm sorry, Jothea. It is my fault. I'm sorry. I'm sorry for not saving you from him. I'm sorry that I was late. I'm sorry that I promised you that I would protect you but I did not. I'm sorry."
"Your sorry wouldn't change a thing, so let me go!" I tried my best to engage in a fight in order to just get away from his embrace. "Pare-pareho kayo! Gusto niyo lang ang katawan ko! Kapag hindi niyo na ako mapapakinabangan, iiwanan niyo na ako!"
"That's not true!"
"It is the truth!" Siniko ko ang tiyan niya dahilan para mabitiwan niya ako nang tuluyan. Nakalayo ako at humarap sa kaniya. Napagtanto kong narito kami sa daan. Napapaligiran ng mga puno. Nasa bundok ba kami? Saan niya ako balak dalhin?
"It is not. I am telling you."
Umiling ako. "Hindi mo na ako maloloko. You are alive yet you never look for me. And now that I have decided to finish my life, you're gonna crawl and save me? Ano ba talagang gusto mo?! Paulit-ulit akong saktan?!"
He stepped forward to approach me. "Don't you dare go near me! I hate you, you liar!"
Muli siyang naglakad papunta sa akin. "Step one more and I'm going to jump off the cliff."
Nakita ko ang pagkatinag sa kaniyang mga mata.
But he immediately ran to me when I was about to jump off the cliff. He brought me back to his car. Ibinalik niya ako sa back seat. I gave him a hard slap.
"I said I wanted to die! Why don't you just let me?!"
Ipinatong niya ang braso sa bubong ng kotse habang nananatili pa rin sa labas habang ako ay nakaupo sa back seat. Nababasa siya ng malakas na ulan.
"I won't let you go even if you killed me with your words or hated me to life, but I won't let you kill yourself again. No. No, I won't let you go, so please, don't go."
I wiped my tears. I felt my knees weaken. Just with this kind of persistence, no woman can let go.
I heaved a sigh. "Hayaan mo na ako hangga't nakikiusap pa ako sa 'yo."
"No."
"Please, just let me die."
"No."
"I'm begging you."
"No."
"Ismael..."
"I said no!"
Hindi ako nakaapela.
"I always listen to you, why don't you just listen to me this once? I said no, you will not die. This is what Raviel wants to happen. He wants us to be separated. He wants to mess with us. He's feeding you fake information so you can dump me and waste your life as he wants. I never once tried to take advantage of you, Jothea."
Umiling ako. "But he has proof. You know me even before you enter Marcus University. You even made your secretary follow me when I was younger! For what reasons? Tell me, what am I supposed to think knowing that?"
"I want to know if you're pregnant!"
Hindi ako nakapagsalita at napakunot ang noo ko. "What are you talking about?!" inis na tanong ko.
"Fuck. Just forget it. Kinalimutan mo na rin naman ang mukha ko."
Malakas niyang sinara ang pinto, bago siya bumalik sa driver's seat. And here I am looking at him with confusion. What was he talking about?
Hindi siya kaagad nagmaneho. Paulit-ulit siyang bumuntong-hininga at maya-maya lang ay narinig ko na ang kaniyang paghikbi. Napapakamot pa siya sa ulo niya na parang hindi alam ang gagawin. Napansin ko ang benda sa kaniyang kamay. Maging ang mga dugo at sugat. Agad akong naawa sa kaniya. Tama, kanina lang ang nangyaring pagsabog sa casino. Kanina lang din nang makita ko siyang naroon at hinahanap ako. How come he is here safe?
Kanina lang din nang may gawin sa aming masama si Raviel. How come I am here safe also?
Tuluyan na akong napaluha. Sinabayan ko siya sa pag-iyak. Napuno ng hikbi namin ang kotse niya.
"Akala ko, mawawala ka na sa akin," saad niya. Nabasag pa ang boses niya na naging dahilan ng lalong pag-iyak ko.
"Akala ko rin, mawawala ka na sa akin," sagot ko na hindi ko binigkas. Nanginginig ang mga labi ko habang nakatingin sa likod ng ulo niya na nagtatago ng mga luha. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang tungkol sa tanong ko sa kaniya noon, kung umiiyak ba siya para sa akin. Now I can hear it, kahit hindi niya ipakita.
"Why did you even go there?"
Nanatili akong tahimik.
"Didn't I already tell you that we're working on it?"
Hindi ako sumagot.
"Bakit ang tigas ng ulo mo?"
Nakatingin lang ako sa kaniya habang pinagmamasdan ang ulo niya. Bakit nga ba ang tigas ng ulo ko?
At sa paraan niya ng pagsasalita, para bang mali na naman ako. Mali na naman ako dahil nagpadala ako sa sabi-sabi ng iba. Dahil sa katangahan ko, muntikan na rin siyang mawala.
At ako, dahil sa katangahan ko, nabahiran na ako ng ibang lalaki. Hindi na ako karapatdapat bumalik sa kaniya ni humarap man lang.
"Ismael," pagtawag ko sa kaniya. "Tapusin na natin 'to."
Hinubad ko ang dalawang singsing na nasa kamay ko. "Maghiwalay na tayo." Ibinaba ko ang singsing sa tabi ko. Alam ko kasing hindi niya iyon tatanggapin kung iaabot ko.
Hinawakan ko ang pinto at akmang bubuksan ito nang magsalita siya. "Lahat na lang ba ng pangako mo, hindi mo tutuparin?"
Napatigil ako't napalingon sa kaniya. Nananatili siyang nakatalikod sa akin na para bang ayaw niya talagang makita ko kung gaano siya kamiserable ngayon. "Hanggang kailan ko pa ba ipipilit ang sarili ko sa 'yo? Hanggang kailan ko pa ipaglalaban 'yong atin kung palagi mo akong iniiwan sa laban?"
Lumingon siya. "Ginawa ko naman lahat, hindi ba? Kulang pa ba?" Kita ko ang pag-agos ng mga luha sa kaniyang pisngi. "Sabihin mo kung ano pang kailangan kong gawin, pupunan ko pa para hindi mo lang ako iwan. Mas masakit kasi kung mawawala ka sa akin, Jothea."
Nadurog ang puso ko ng kaniyang mga pagsusumamo. Maging ang mga maiinit kong luha ay umalpas na. "Kailangan ko bang magmakaawa? Kasi tang ina gagawin ko, huwag mo lang akong iwan."
"Utang na loob, Jothea, huwag mo akong iwan nang ganito. Ikaw na lang ang dahilan ng paghinga ko, mawawala ka pa?"
"Sabi mo hindi mo na huhubarin 'yong singsing na ibinigay ko, bakit hinubad mo na naman? Wala lang ba sa 'yo 'yong mga pangako ko?"
"Mahal mo ba talaga ako?"
Napasinghap ako. Paano ko sasagutin iyon kung pakiramdam ko hindi na siya maniniwala?
"Nasasaktan lang kita. Para saan pa't ipagpapatuloy natin ito?" tanong ko, pero mas masakit pala ang maririnig ko mula sa kaniya.
"Desidido ka na ba?" Nabasag ang boses niya. Ramdam ko rin ang pagod sa mga salita niya.
Umusbong ang takot sa dibdib ko. Mukhang napuno ko na siya.
"Kasi kung desidido ka na, ihahatid na lang kita sa inyo tapos palalayain na kita."
Napakagat ako sa labi ko dahil para akong sinampal ng katotohanang lahat ng bagay ay may katapusan. Hindi ko siya masisisi. Nakakapagod mahalin ang isang tulad ko. Lalo na't ako naman din ang tumutulak sa kaniya palayo at palagi siyang iniiwan. Ako ang may kasalanan. Palagi ko siyang nasasaktan. Hindi ako karapatdapat sa kaniya.
Napayuko ako. Hindi ba't ako ang may gusto nito? Bakit parang gusto kong bawiin?
Ano ba talagang gusto ko?
*****
Dumungaw ako sa bintana ng sasakyan. Kanina pa ito nakahinto sa tapat ng bahay ko. Hindi. Wala nang paghihintuan dahil wala na akong tahanan. There's no home to welcome me now. Natupok na rin ng apoy ang bahay ko. I almost forgot that I put it on fire before committing suicide at mukhang may dumating na ring bumbero kanina para patigilin ang apoy pero wala na talagang natira sa bahay ko.
Saan na ako pupunta ngayon?
"Do you want to stay in one of my hotel rooms?"
Napatingin ako sa rareview mirror para tingnan si Ismael pero iniwas niya lang din ang tingin niya sa akin.
"H-hindi na."
I saw how he bit his lip in frustration. "O-okay. The door is open. You can go n-now."
"Thank you," I mouthed, before going out of his car.
Nakatingin lang ako sa kotse niyang tila ba naghintay pa ng ilang saglit para bumalik ako, pero ano na lang ang iisipin niya kung babalik ako sa kaniya? Pinaglalaruan ko siya?
Nang mapansin niyang desidido na ako ay tuluyan na siyang umalis at doon nanghina ang mga tuhod ko. Malalakas na iyak ang pinakawalan ko. Kahit ang tuhod ko'y hindi nakaya ang bigat kaya napaluhod na lang.
Pumasok ako sa gate ng bahay ko na iyon na lang ang natira. The hell did I do?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top