Chapter 24

"Then can I ask, what issue was Mr. Roize talking about?"

"Oh." Uminom siya ng tsaa bago tumingin sa akin. "It was that day when you were here in my office and we had a little misunderstanding; when I ran after you in the lobby and grabbed your hand, many employees had seen that and thought I was into young ladies and harassing you. Why do you have such a baby face? You look like a minor. Akala tuloy nila may ginagawa ako sa 'yong masama."

Pfft. Was that really the issue? Hindi ko mapigilang tawanan siya. "Well, first of all, why would you grab me that way? I was really shocked, too."

"Why wouldn't I? I was in panic. You were so angry at me. I thought we already talked about our misunderstanding the night of your birthday but it turned out you were so drunk that night that you forgot our conversation."

"Bakit mo kasi kakausapin ang lasing? Ayan tuloy." Tinawanan ko pa siya, pero mukhang nainsulto siya sa tawa ko, kaya ninakawan niya ako ng halik. Hindi ko alam bakit natuwa ako kahit na kumain siya ng pagkaing hindi ko gusto. Sa tingin ko kung ganito ko kakainin ang sushi at sasishimi, hindi ako masusuka. "Let's go now. Aren't we going to your home?"

Ngumiti ako, at pinili na lang na isawalang bahala ang tungkol sa naging asal ni Mr. Roize kanina sa akin pati kay Ismael. Nararamdaman ko, mayroong problema, hindi ko lang matukoy kung ano.

I tried to distance myself, lalo na nang bumaba kami sa lobby. Marami kasing employee na pakalat-kalat at kitang-kita nila ang CEO nilang kasama ang dating applicant na ngayo'y marketing associate sa ibang kumpanya na ka-collaboration ng LMC. I know they will find it ridiculous and unbelievable. Hindi na bago sa akin ang mapang-insultong mga mata, dahil naranasan ko na ito sa Marcus University, noong estudyante palang ako. Alam kong kahit boss nila ay pinag-uusapan nila kapag nakatalikod ito.

Siguro nga, dapat hindi ko na sila bigyan ng pansin pa. Tutal, wala naman ding pakialam si Ismael sa kanila. Hindi ko lang talaga maiwasang mag-isip, pero hindi bale na. Kasama ko naman si Ismael. Wala na akong dapat alalahanin pa.

Sumakay na ako sa sasakyan ni Ismael. Dahil masyadong malalim ang iniisip ko, napansin niyang hindi ko pa sinusuot ang seatbelt ko, kaya naman lumapit siya at siya na ang gumawa. "Are you okay?" tanong niya na kababakasan ng pag-aalala sa kaniyang mga mata.

Tumango ako. "Of course."

"You, sure?"

Kapag tinitingnan ko siya, hindi ko mapigilang maalala kung paano kaming nagsimula. Kung paanong ang dati kong kinamumuhiang guro ay nasa tabi ko na at nag-aasikaso sa akin. Hinawakan ko ang mukha niya tsaka siya binigyan ng halik. Nagulat naman siya roon. "Kinakabahan lang ako sa hindi malamang dahilan."

At kahit kailan, hindi nagkamali ang pakiramdam ko. Nang makarating kami sa bahay ko, agad na bumigat ang hininga ko. Mabilis akong pumunta sa kwarto upang tingnan ang ilalim ng cabinet kung saan naroon ang promise ring na ibinigay sa akin ni Ismael kasama ng mga pangako niya.

I slumped on the floor when I saw nothing. My tears flow onto my cheeks.

"Why? What happened?"

Nilingon ko si Ismael at wala na akong ginawa kung hindi ang umiyak. "The ring is m-missing." Nabasag ang boses ko habang nanunuot sa dibdib ang malaking pagsisisi.

Umupo si Ismael sa harap ko bago hinaplos ang buhok kong nakadikit na sa pisngi. Masusi niya akong tiningnan bago ako niyakap. Para akong batang hindi makatahan dahil sa bigat ng loob.

"Are you sure that you put it there, my love?" mahinahong tanong sa akin ni Ismael, pero nararamdaman ko sa paghaplos niya sa likod ko na apektado siya. Biruin mo. It was the ring from his ancestors, at ito mawawala ko lang. Sana hindi ko na hinubad. Sana hindi ko na inalis sa kamay ko, kung alam ko lang na mangyayari ito.

Umiling ako. "No, Ismael. I'm sure I hid it there. I-I'm s-sorry," puno ng hikbi kong wika sa kaniya. Sobrang laki ng hiyang nararamdaman ko para sa kaniya. Pakiramdam ko, hindi ko iningatan nang maigi ang singsing na ibinigay niya, kung saan naroon ang pangako niyang pakakasalan niya ako. Parang hindi ko tuloy napahalagan ang mga iyon dahil hinubad ko, ngayon nawala pa.

"Shush. It's okay. Stop crying."

I keep shaking my head even now that he has removed me from his wrap. "It's not okay, Ismael. It will never be okay. I lost your ring, at hindi lang basta-bastang singsing. H-how am I supposed to get over it?" I winced. I felt his soft touches on my cheeks while he was wiping my tears. "Get mad at me, Ismael. It's okay to be mad. I made a terrible mistake. How can you be so calm even up to this thing? That ring is precious!"

He chuckled. "How can I be mad at you? You are more precious than that ring, Jothea. I don't even understand why you are crying over that."

Lalo akong naiyak sa sinabi niya. Nahampas ko tuloy siya sa kaniyang dibdib. "Hindi naman ito oras ng pagbibiruan, Ismael," saad ko. "Bukod kay Mael, regalo mo ang singsing na iyon sa akin. Sana h-hindi ko na lang hinubad." My voice broke again the same time my tears fell.

"Bakit mo ba kasi hinubad? Nawala tuloy."

Lalong lumakas ang pag-iyak ko.

"Oh, see? That's why I don't want to be mad. You'll just cry even more." He pinched my cheeks. Mukhang nag-eenjoy pa siyang nakikita ako sa ganitong kalagayan. Ramdam na ramdam ko nga ang pagiging miserable dahil sa nangyari, tapos siya naman, tinatawanan lang ako.

"The next time I give you a ring, never ever take it off, okay?" sambit niya nang makalabas kami sa bahay ko. Kumalma na ako at tumigil na rin sa pag-iyak. Siguro'y dahil masyado na akong na-distract ng pusang kalong-kalong ko na walang ibang ginawa kung hindi ang yumupyop sa akin.

"Hindi na po," sagot ko sa kaniya, kasabay nang mahinang paghikbi na naging dahilan na naman ng pagtawa niya. Ismael cupped my face as he kissed both of my cheeks. "Good girl." Pinunasan niya pa ang gilid ng mga mata ko. "You always cry this way, like a baby. How am I supposed to get mad at you?"

"I'm so sorry, Ismael," hirit ko pa. "I'm so sorry."

"Alright, alright." He smiled before holding my hands while I got to his car again. Nang makaupo siya sa driver's seat, sandali kong nabanaag sa kaniya ang pagiging seryoso na para bang may malalim na iniisip. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Hindi niya pa rin pinaaandar ang kotse, kaya naman nagkaroon din ako ng pagkakataong makahinga at mag-isip. Mukhang alam ko na kung anong tumatakbo sa isip niya.

"Someone probably stole your ring, so it is not your fault," sambit niya bago lumingon sa akin. Sabi ko na nga ba. Ito ang iniisip niya.

Napansin ko ang pagbuntong-hininga niya na para bang nababahala. "There are two possibilities, Jothea; a burglar might accidentally see your ring when he went to your home to steal your riches or someone might be close to you who saw that you're not wearing it and went to your home to steal it."

My chest tightened as he gave me his assumptions. "Is there anyone who knew about your ring?"

I bit my lip. "I mean, I always wear it when you give it to me," sambit ko.

"But is there anyone who saw it closely? Someone might get interested and plan to steal it."

Napaisip ako. "Bukod sa parents mo, si Savannah lang naman ang nakakaalam na galing ito sa 'yo. Tsaka, imposibleng si Savannah dahil nasa ibang bansa siya at bakit niya naman kukunin ang singsing na ibinigay mo sa akin, eh napakayaman niya na?" And knowing her, she would not do that. Alam ko, marami kaming hindi pagkakaunawaan noon. She's my mortal enemy, but when I get to know her, I can trust my whole being that she will never betray me. She even helped me get a job with Safira when she heard LMC reject me. She was always there for me when Ismael left me.

"Did I hear it right? My parents saw the ring?" he inquired.

Tumango ako. "When?"

"Ahh...when Isa brought me to your residence."

"S-she brought you to where?" Bakas ang pagkagulat sa kaniyang mga mukha na para bang hindi niya inaasahang nakatungtong muli ako sa pamamahay niya nang hindi niya alam at hindi siya kasama.

"To your house. I mean, to your family," I answered. "They were so worried about you and your sudden disappearance. That's when they saw the ring. They also told me how precious it is; that's why I was so mad at myself because I lost it. Considering that it came from your grand grand father, I don't know. That's what I heard."

He remained speechless while staring at me, kaya naman hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong roon sa kaniyang hita. "That was also when I heard about your clan, about your family that is now in danger, and also about the guy named Danjer, who can be the next president if you will not accept what should be yours. I mean, not to offend Mr. Danjer."

I heard him sigh before preparing himself and the car to take off, pero nagsalita akong muli. "Hindi mo ba gustong malaman ko ang tungkol doon, Ismael? Kaya ba pinili mong hindi sabihin sa akin?"

Muli niya akong sinulyapan. "My life is more complicated than you understand, Jothea. It's too much to handle."

"Kaya tatakasan mo na lang? Kalilimutan? Are you ashamed of your family because of the decision they made before? If not, then why? You're not alone here. I am here if things are too much to handle for you. Alam ko, wala naman akong kwenta pero sabihin mo sa akin kung paano ako makakatulong, tutulungan kita," litanya ko. "I know you're not after your family's wealth. Kasi nga kaya marami kang business, alam kong kayang-kaya mong buhayin ang sarili mo maging ang magiging pamilya mo. At kung inaasahan ka ng angkan mo na ikaw ang mamahala sa lahat, bakit hindi? Saan ka ba natatakot? Bakit ayaw mong gawin?"

"I already told you, right? I explained everything. I want to break our family's tradition and how it rules each of our families."

"Then accept their offer. Be the president, so you can break the rule."

A moment of silence enveloped us. Ismael was just staring at me, like he couldn't believe what I said. Hindi niya ba iyon inaasahan na manggagaling sa akin? Para namang hindi niya ako nakilalang ganito.

The ring of his phone interrupted us. Someone is calling him from abroad. I saw who it was and I never imagined I would witness their conversation.

Ismael answered the phone.

"Kuya Mael." A man's voice was heard across the car we were in. Agad na nagsitayuan ang balahibo ko.

"Yes, Vanne?" It was Danjer Vanne, Ismael's half brother.

"What's happening in the family? Why is it that, all of a sudden, mom's telling me that I should be president? What's happening with you?"

Napalunok ako. Nagkatinginan naman kami ni Ismael. Tila ba parang nahirapan siyang sagutin ang sunod-sunod na tanong ng kapatid niya.

"Where are you? Are you still in the place where I think you are?" tanong naman ni Ismael na nagpakunot ng noo ko. Anong place ang tinutukoy nila?

"Of course, unless you become president, I would have the chance to go back to the Philippines."

"Why don't you want to be the president of our clan?"

Narinig ko ang pagbuga ng hininga ng lalaking nasa kabilang linya. "Because I want to be in line with my profession, not with what I am forced to be."

Ismael exhaled as if he had no choice but to release it. "Let's talk about this here. Go back to the Philippines."

Kung ganoon, nasa ibang bansa ang kapatid ni Ismael?

"No, meet me here. I won't go back unless you accept your destiny."

Hindi na muling nakasagot pa si Ismael nang patayan na siya ng tawag ng kapatid niya. Nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib. Akala ko kasi ay hindi sila magkasundo dahil magkaiba sila ng ina, ang totoo naman pala ay nagkakausap sila nang ganito na parang totoong magkapatid. Ibang klase. Daig pa nila ang kapatid kong kahit kadugo ko ay walang pakialam sa akin.

Nilingon niya ako at binigyan ng pilit na ngiti. I put my hands on his nape and caress it to ease some stress he is having. Kanina lang ay natuklasan namin ang tungkol sa pagkawala ng singsing ko, tapos ngayon naman tumawag ang kapatid niya tungkol nga sa pagiging presidente ng angkan nila. Sa totoo lang, kung ako ang nasa sitwasyon niya, hindi ko na alam ang uunahin.

"I guess we have no choice but to go to him."

"We? What do you mean by we, Ismael? Kasama ako?" naguguluhan kong tanong.

"Why? Do you want to be separated from me again?"

Napatitig naman ako sa mga mata niya. "Of course not. Bakit? Magtatagal ka ba roon? Saan ba siya?"

"Europe."

Nalaglag ang panga ko sa lugar na narinig ko. Nasa kabilang panig ng mundo ang kapatid niya?

"Papayag ka bang nasa magkabilang mundo tayo ng ilang araw?" tanong niya na para bang nang-aasar. "I doubt. I remember you getting mad when I left you."

Kinuha niya ang kamay kong naglalaro sa batok niya at hinalikan niya iyon. "Let's go to Europe together, Jothea."

Nawalan ako ng hininga hindi dahil sa binanggit niyang lugar kung hindi dahil tinawag niya akong muli sa pangalan ko. Nasasanay na siyang tinatawag ako nang ganoon at hindi ko alam kung bakit mas gusto ko ang pagtawag niya sa pangalan ko kaysa sa kung ano pang ibang tinatawag niya sa akin. I love the way he calls me by name. It immediately tickles my heart to look up to him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top