Chapter 23

UNTI-UNTI nang lumabas ang members ng marketing team. Papaalis na rin ako nang mapansin ko si Mr. Roize at Miss Levanier na nag-uusap nang mahina.

"Let's grab some lunch together. Do you still have meetings to attend?" tanong ni Mr. Roize. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Ismael; both of them are his cousins.

"Yes, meron pa, pero mamayang hapon pa naman. Saan tayo kakain?"

My eyes widened when I heard of that. Are they really close? Sabagay, noong nasa opisina nga kami ni Ismael ay halata nang close na close silang tatlo.

"I made a reservation at a fancy restaurant three blocks away from this building."

"Wow, very good. Let's go now, para maaga tayong makabalik."

Akmang aalis na ako nang tawagin ni Miss Levanier ang pangalan ko. "How about you, Miss Alvandra? Saan ka magla-lunch? Gusto mong sumabay sa amin?"

Napatingin ako kay Mr. Roize na para bang base sa pagsingkit ng kaniyang mga mata ay hindi niya ako gustong sumama. Napakasama ng ugali. Pinopormahan niya ba si Miss Levanier?

"No, it's okay. I have plans," sagot ko. Agad namang umaliwalas ang mukha ni Mr. Roize nang tumanggi ako.

"Are you sure? Mael still has meetings left. You can have your early lunch with us. Okay lang naman, 'di ba, Yves?" Sa paraan ng pagtawag niya kay Ismael at kay Mr. Roize, mukhang iyon talaga ang normal niyang pagtawag sa kanila.

"Of course, she can join us," wika ni Mr. Roize sabay tingin sa akin. "What are you still waiting for? Time is ticking," sambit pa niya na siyang ikinabahala ko. Nawala sa isip ko na hindi ko nga pala sila mga boss para kabahan ako nang ganito. I am here for the collaboration, not their marketing associate.

Tumayo na ako at sumunod sa kanila. Sabagay, mukhang busy pa nga si Ismael, kaya hindi niya na nasabi sa akin na hanggang tanghali pa ang meeting niya. Natapos kasi nang maaga ang sa amin, kaya plano ko pa sanang maghintay na lamang sa kaniya dahil mamaya sasamahan niya ako pauwi sa bahay. I will just inform him that I'll have my lunch early together with his cousins and get him his food too, para kapag tapos na siya sa meetings niya, kakain na lang siya.

Gusto ko rin kahit papaano na makasama ang mga pinsan niya. Baka may malaman akong tungkol kay Ismael na hindi pa niya nababanggit sa akin. I want to know him more, as well as the people around him.

"Ginawa ninyo akong driver," usal ni Mr. Roize nang tumabi sa akin si Miss Levanier sa back seat.

Nakita ko namang ngumisi nang mapang-asar si Miss Levanier. "Alangan namang iwanan kong mag-isa rito si Miss Alvandra."

"Kaya ako ang iiwan mo?"

"Ang drama mo! Magmaneho ka na lang d'yan!"

Napaawang ang bibig ko dahil sa gulat. Hindi ako sanay na nakikita silang ganito. Ganoon ba kagaan ang loob nila sa akin para ipakita ang ganito nilang side?

Miss Levanier glanced at me and flashed a smile. "Huwag mo na lang siyang pansinin. Mainitin talaga ang ulo niya at isa pa, hindi siya sanay sa mga babae." Tumango na lamang ako. Pero kung titingnan, hindi naman talaga dahil hindi sanay si Mr. Roize sa babae, kaya siya nabubugnot, siguro nga ay dahil sumama ako sa dapat labas nilang dalawa.

I let out a sigh, nang maalala kong napaghinalaan ko pa si Miss Levanier noon dahil sa closeness nila ni Ismael, gayong magpinsan lang naman sila. Kung may paghihinalaan nga akong karelasyon niya ay iyon ay si Mr. Roize. Lalo na sa mga sandaling nakikita ko silang nagsusulyapan sa rearview mirror at pasimpleng ngumingiti.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa isang Japanese restaurant. Mabuti na lang at may alam ako kahit papaano sa dining etiquette nila, kaya hindi naman ako napagkamalang ignorante. Ang problema nga lang ay hindi ako sanay kumain ng sushi at sashimi. May isang beses ngang nasuka ako dahil sa lansa. Mabuti na lang at may inorder pa silang ibang pagkain katulad ng tempura at karaage kaya iyon na lang ang nilantakan ko.

"Alam mo ba, Miss Alvandra, paborito ni Mael ang Japanese cuisine?" sambit ni Miss Levanier, kaya napatingin ako sa kaniya. Nababahiran sa mukha ko na hindi ko alam ang bagay na iyon.

"Mabuti pala at dito tayo dinala ni Yves para madalhan mo siya ng pagkain," dagdag pa niya. Sandali nga, alam niya bang may relasyon kami ni Ismael?

Tumango ako, bago pinagmasdan ang pagkaing nasa harap namin. Ang mga pagkaing hindi ko kinakain, siya pang paborito ni Ismael.

"Gaano na kayo katagal ni Mael, Miss Alvandra, or should I call you Jothea instead? Can I do that?" malambing niyang tanong na para bang nakikipagkaibigan. Sandali naman akong napasulyap kay Mr. Roize, mukhang alam niya rin ang tungkol sa amin ni Ismael base sa hindi niya pag-react.

"In exchange, you can also call me Jenna." Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "Kapag wala tayo sa workplace o kaya naman ay tayo-tayo lang, pwede mo akong tawagin sa first name ko. Mukhang hindi naman nagkakalayo ang edad natin."

"Mael said she's only twenty-one," komento ni Mr. Roize.

"What?! Really?" gulat na tanong ni Miss Levanier. "You're only twenty-one? Gosh, I'm five years older than you. But I don't want you to call me 'ate'; I rather prefer you calling me 'Jenna', Jothea."

I pressed my lips together as I felt a sudden sense of shame and awkwardness between the three of us.

"And I don't also like you calling me 'kuya', so you can call me 'Yves', like how you call Ismael by his first name."

I gasped. Paano niya nalaman ang tungkol doon?

"B-bakit? Ilang taon ka na po ba?" Shit. Kahit sa pag-po ay hindi ako sanay. Palibhasa kahit mga nakatatanda sa akin ay hindi ko iginagalang.

"Drop that 'po'. I'm only twenty-nine," hirit niya, na naging dahilan ng pagtawa ni Miss Levanier este Jenna. "You're eight years older than her! She should call you 'kuya'. Come on, Jothea, call him 'kuya' for me," pang-aasar pa nito.

"Shut up, Jenna."

Dahil sa pag-aasaran nila, hindi ko na napigilang ngumiti at gumaan ang loob sa kanilang dalawa. Mabuti naman at kahit papaano ay mayroon akong nakasama habang wala si Sav, at ang mga kaibigan ko sa Safira. Nakakatuwa na maging kaibigan ang mga pinsan ni Ismael. Pakiramdam ko, mas napalapit ako sa taong mahal ko.

"So, ano na nga? Ilang taon na kayo ni Mael?"

"Ahh...hindi ko alam," I answered, which made her jaw drop.

"What do you mean you did not know?"

I shrugged. "Hindi ko na maalala kung kailan. Tsaka hindi niya naman ako niligawan, nagkaaminan lang kami tapos ayon na."

"Haha!" Napalingon ako kay Kuya Yves nang marinig ko siyang tumawa. Pigil pa iyon. Sandali nga, minamaliit niya ba ako dahil hindi ako nagpaligaw?

"Huwag mo nga siyang tawanan! Hindi ka nga rin marunong manligaw! Pareho kayo ni Mael!" sabat ni Jenna, na nagpatahimik kay Kuya Yves. Hays. Mas sanay akong tawagin silang Miss Levanier at Mr. Roize.

"I'll just shut my mouth and continue eating," wika niya na para bang inamin na ang pagkatalo laban kay Miss Levanier.

"Don't worry, Jothea, naniniwala naman akong mahal ka ng pinsan ko," nakangiti niyang wika sa akin bago tinapik ang balikat ko.

Natapos na kaming kumain at naipagbukod ko na rin si Ismael ng para sa kaniya. I was about to pay my part nang sabihin ni Miss Levanier na nasa kaniya raw ang company card, kaya hindi ko na kailangang mag-abala pa.

Bumalik na kami sa LMC. Nagpaalam na si Miss Levanier sa amin dahil may meeting na raw siya, kaya naman naiwan kaming magkasama ni Mr. Roize.

"Don't call me Kuya," he said, which made me glance at him. "Just call me whatever you are comfortable with."

"O-okay po, Mr. Roize."

"Very good." Matipid siyang ngumiti sa akin. "It was nice meeting you and I want to thank you for being with my cousin. I just hope you never break his heart."

Natigilan ako sa sinabi niya lalo't naalala ko ang sinabi rin sa akin ni Mrs. Estanislao noon, pati na rin ang mga sinabi sa akin ni Ismael nitong nakaraan. Umiling ako. "I won't. I love him so much, Mr. Roize."

"Not because of his wealth?" seryoso ang tunog ng tanong niya.

"Not because of his wealth," sagot ko. Kung tutuusin naman ay saka ko na lang nalaman ang tungkol sa kung gaano kayaman si Ismael. Hindi iyon ang dahilan kung bakit mahal ko siya. At sigurado akong hindi ko masasagot kung sakali mang tanungin ako kung bakit mahal ko ang taong iyon dahil kahit noong mawala siya sa akin, siya pa rin ang hinahanap ko.

"Are you still going to love him if he doesn't have anything anymore?" tanong pa niya. "You see, a plant must be left out in the woods to last long and it would just put him in danger if you pluck it yourself for your own advantage."

I stared at him intently. Hindi ko nagugustuhan ang sinasabi niya sa akin na para bang pinararatangan niya ako sa bagay na hindi ko naman ginagawa. "Pero minsan kailangan mo ring bunutin ang halaman para itanim sa ibang mas magandang lupa, kung saan siya mas nararapat, mas lalaki at lalago, dahil kapag hinayaan mo lang ito, maaaring pestehin at sirain ng iba. Kailangan ng halaman ng mag-aalaga sa kaniya; magbibigay ng balanseng sikat ng araw at buhos ng ulan para mas lalong mamunga hanggang sa tubuan ng mga dahon at sanga hanggang sa maging puno. A plant needs a protector, just like they protect us from floods," mahaba kong pagdudurog sa paratang niya sa akin.

Magsasalita pa sana siya nang may tumawag na sa pangalan ko. "What's going on here?"

Nilingon ko iyon at nakita ko si Ismael kasama si Mr. Tory.

"Nothing. We're just having a casual conversation," sagot ni Mr. Roize.

"About?"

"The collaboration."

"Oh, I thought your meeting had finished a while ago. What else to talk about in the hallway?" Bakas ang pagkaseryoso sa tono ng pagsasalita ni Ismael, kaya naman sumingit na ako.

"Wala naman masyado. Halika na, may dinala akong pagkain sa 'yo," pagyaya ko sa kaniya sabay hawak ng kaniyang kamay. "Tapos na ba ang meetings mo?" pag-iiba ko ng usapan, ngunit nakatitig lang si Ismael kay Mr. Roize na para bang nag-uusap sila sa pamamagitan ng paningin.

"Be careful when holding his hand; a lot of people can see. You don't want to create an issue here just like what you did last time," sambit ni Mr. Roize na para bang ako ang kinakausap kahit na nakatingin siya kay Ismael.

"What's your problem?" tanong ni Ismael, pero tuluyan na kaming tinalikuran ni Mr. Roize. Napakunot lang tuloy ang noo ko. Nagpaalam na rin si Mr. Tory sa amin kung kaya't naiwan kaming dalawa ni Ismael sa hallway malapit sa opisina niya.

Akmang tanggalin ko na ang kamay ko sa pagkakahawak sa kaniya nang pigilan niya iyon. "Don't let go of my hand; it will break my heart." Napatingin ako sa mga mata niya. Malungkot ang mga iyon sa hindi ko malamang dahilan. May problema ba?

Magkahawak ang mga kamay namin hanggang sa makapasok kami sa opisina niya. Tahimik ang paligid kahit ako'y hindi alam ang sasabihin.

Inilapag ko na lamang sa lamesa ang paper bag kung saan naroon ang pagkaing dinala ko para sa kaniya. Nagulat ako nang bitiwan niya ang kamay ko, pero hindi ko na pinansin pa dahil mas mabuti iyon para mas mailabas ko nang mabilis ang pagkain niya.

I felt his hands wrap around my body. I immediately shut my eyes as I felt him sniffing my scent on my neck. Parang nawala ang pag-aalala ko sa naging pag-uusap namin ni Mr. Roize kanina dahil sa mainit at mahigpit niyang yakap.

I heard him chuckle. "Did you use my perfume?"

Tumango ako. Nakita ko kasi ang pabango niya kanina sa shower room and out of curiosity, I used it. LMC 01 pala ang gamit niya—ang pinakaunanh inilabas na pabango ng kumpanya niya. "Yeah, so I can smell your scent even if you're away," nahihiyang sagot ko.

"I see. Do you like it?"

Muli ay tumango ako bago siya nilingon. Nagtama ang mga mata namin at ilang saglit pa ay siniilan niya ako ng halik. "What did you bring for me?" tanong niya.

"Oh, just a couple of Japanese dishes from the restaurant we came from. Niyaya ako ni Miss Levanier at Mr. Roize kanina na kumain kasabay nila. Pumayag na rin ako para naman madalhan kita. Para pagkatapos mo sa meeting mo ay kakain ka na lang," I explained.

Umupo naman siya sa tapat kung saan ko inilagay ang pagkain niya.

"What?" tanong ko nang mapansing tinititigan niya ako. I also sat beside him to watch him eat.

"Nothing. It just warms my heart to see you preparing my food like you're my wife."

Napaiwas naman ako ng tingin dahil naramdaman ko ang init at pamumula ng pisngi ko. "Ano bang sinasabi mo? Kumain ka na lang d'yan."

Tumawa siya at nagsimula nang kainin 'yong fresh sashimi at sushi na tinanggalan ko na ng plastic wrapper. Sinalingan ko rin ang tasa niya ng tsaa, kahit alam kong mas mahilig siya sa kape. Mas maganda nang kahit papaano ay mag-green tea siya.

"Are you sure you're not going to eat with me?" he inquired. Umiling ako.

"I'm okay, Ismael. Help yourself and eat your favorites." Naalala ko tuloy ang pag-aasikaso sa akin ng mga magulang niya, noong dalhin ako ni Isa sa residence nila. How I wish I could become Miss Elisse someday and do the things she does for Mr. Mikael. Somehow, I began to think ahead of myself. I want to serve my husband—Ismael—someday, just as he provides for me.

"Did you have fun being with my cousins?" he asked, wiping his lips with a napkin. Mukhang tapos na siyang kumain. Kaya naman tinulungan ko na siyang magligpit.

"Yeah, they are accommodating; lalo na si Miss Levanier," I answered. "Na-shock lang ako sa mga ugali nila outside work lalo na 'yong pagtatalo nila na parang aso't pusa. They look super close."

Tumawa naman si Ismael. "Because they are lovers."

I was too stunned to speak. "They are?"

Pumikit siya at tumango. "Are you that shocked?" natatawa niya pang tanong.

"I mean, may hinala na ako dahil kung magtinginan sila at mag-usap nang mahina ay parang may something sa kanila. Mayroon pala talaga?!"

"Yup."

Namangha naman ako sa nalaman ko. Kaya naman pala sobrang bugnot ni Mr. Roize kanina nang sumama ako sa kanila. "In fairness, sobrang decent nilang tingnan. Hindi ganoong mahahalata na may relasyon sila sa isa't isa."

"Decent?" umiiling na tanong ni Ismael. "You're not sure of that. What we are is what you can call 'decent', Jothea. What they have is something you can consider more explicit than us."

Napanganga ako. I can't believe this. "We were classmates since grade school but I got accelerated so I did not have any idea when they started dating in high school. Nalaman ko lang nang paghiwalayin sila. Anyway, it's their story and we have our own story to talk about, aren't we?"

Ako naman ang napangiti sa sinabi niya. Totoo ang sinabi niya, kakaiba rin naman ang love story naming dalawa. Ni hindi ko nahagip ng imahinasyon ko na mapupunta ako sa kinatatayuan ko.

"Then can I ask, what issue was Mr. Roize talking about?" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top