Chapter 14

"This is wrong, Ismael."

Muli kong naalala ang tungkol sa fiance niya, pati na rin ang balitang magpapakasal na siya. I don't want to be his mistress. I don't want to mess with someone else's relationship.

"I am here as a marketing associate because of LMC's collaboration with Safira. I am not here for this," I stated while still catching my breath. Muntikan na naman akong madala ng bugso ng damdamin.

Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang lalagukan. Mukhang nadismaya siya sa sinabi ko. "Right," sambit niya. "I apologize for being aggressive," paghingi niya ng paumanhin. "Thank you for reminding me, Miss Alvandra."

Ako naman ang napalunok nang tawagin niya ako sa apelyido ko.

"Just like what I was supposed to do, Sir Mondalla."

Tiningnan niya ako nang makahulugan. Ngayon, mas nararamdaman ko na ang malaking pagitan naming dalawa. May nagbago. Akala ko maaayos ang lahat kapag nakita ko na siyang muli, hindi pala. Akala ko masasagot lahat ng mga tanong ko, mas lalo palang gugulo.

This is really bad timing. Hindi na dapat ako pumunta rito.

Tatlong katok mula sa pinto ang nagpalingon sa aming dalawa ni Ismael.

"Come in," wika ni Ismael, at kasabay no'n ay ang unti-unting pagbukas ng pinto. Iniluwa no'n si Miss Levanier. Agad akong kinausap ng kunsensya ko, habang naiisip na may ginawa kami ng fiance niya kanina. Nakatingin siya sa aming dalawa ni Ismael na para bang sinusuri niya kami. This is not good.

"I'm sorry. I should be leaving now," sambit ko tsaka ako naglakad papalayo sa kanila, pero agad naman akong naharang ng bagong dating na si Mr. Roize.

Pinagmasdan niya ako bago ibinaling ang tingin sa iba pang mga tao na nasa loob. "Why does the atmosphere here seem a bit heavy? Is this about the collaboration or something else? What happened?" saad ni Mr. Roize na kitang-kita ko ang pagkunot sa noo.

"I don't know," sagot ni Miss Levanier bago tuluyang naglakad papasok sa loob. "What the hell is this, Mael?" tanong pa niya nang makita ang basag na nameplate ni Ismael sa sahig. Iyon pala ang nahulog kanina.

Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Naaalala kong muli ang tungkol sa komprontasyon sa akin ni Mrs. Enciso noon. Mangyayari na naman yata ngayon. I should take my steps and never come back.

Akmang maglalakad na ako nang magsalitang muli si Mr. Roize. "Aren't you here for the collaboration? Why are you leaving?"

Hindi ba nila narinig na aalis na ako?

"Where is the loyalty and commitment, Miss Alvandra?" dagdag pa nito na para bang ipinamumukha sa akin ang mga salitang isinagot ko sa interview noong mag-apply ako rito sa LMC.

"Don't call her that," sabat ni Ismael kay Mr. Roize. "No, don't ever call her."

"I'm just calling her," sarkastikong sagot ni Mr. Roize.

"At bakit mo naman siya tatawagin?" Miss Levanier beseeched.

"What?!" Mr. Roize unbelievably asked, his brows furrowed. He then let out a sigh as he looked up to the ceiling. It looks like he's finding his patience. "What's wrong with you? Let's just start the meeting about this collaboration!"

Tuminging muli sa akin si Mr. Roize. "You," pagtukoy niya sa akin gamit ang hintuturo niya. "Come here," turo niya sa meeting table kung saan sila naroroon.

"I said, I'm leaving," matigas kong litanya na nagpatahimik sa kanilang lahat. "Let's just forget about this. I don't want to be involved in your practical jokes. This ain't funny."

Tinalikuran ko na sila. Mukhang hindi naman sila seryoso sa collaboration inaalok nila sa Safira, lalo na't kung ang dahilan ay ang pagtanggi ko sa LMC. Padabog akong lumabas nang may bigat sa loob. Hindi na dapat ako pumunta pa rito. Seeing him with his woman just makes me feel worse. How can he kiss me when he's ready to be wed with someone else? Kung hindi ako lumayo, siguradong may mangyayari na naman sa amin. I know myself. When it comes to Ismael, I turned out to be a fool and weak.

Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Miss Sapphire. I should apologize. Alam ko mahalaga 'to sa kaniya, pero hindi ko talaga kayang makita si Ismael lalo na't kasama ang fiance niya. Dinudurog ako. And I am really disappointed with myself because I was too unprofessional to bring my personal things into business. I shouldn't have reacted that way.

I was waiting for Miss Sapphire to answer the call when someone grabbed my phone from me. I was about to react when I saw Ismael holding it. He immediately held my hand and pulled me away.

"W-what are you doing?!" I asked. "Bitiwan mo ako! Ano ba?!"

But instead of listening to me, he interlocked his fingers with mine. I was in a panic, seeing those employees now surprised to witness their boss holding someone's hands. Anong iisipin nila?

"Ismael, isa! Bitiwan mo ako!" Hindi ko na napigilang sumigaw dahil masyado akong nasasaktan sa higpit ng hawak niya sa akin.

"Why? Why are you acting like this?!" tanong niya na para bang siya ang may karapatang magtanong no'n, na ako naman ang dapat. "Bakit ka lumalayo? Bakit mo ako iniiwan?"

Napakurap ako sa mga tanong niya. Hindi ko mapigilang maluha. Siya ang lumayo, siya ang nang-iwan. Bakit ako nakakarinig ng mga tanong na parang ako ang gumawa ng mga iyon?

Tinalikuran ko na siya, pero muli ko lang naramdaman ang mga kamay niyang humawak sa kamay ko. "Where are you going?"

"I'm leaving!"

"Can we just talk first?" naiinis niya nang tanong sa akin.

"Ano pa bang pag-uusapan natin? Hindi ba't matagal na tayong tapos?"

Tapos na kami noong nakita ko siyang may kasamang iba.

Pilit kong tinanggal ang kamay niya bago siya muling talikuran.

Hindi ko na hahayaan pa ang sarili ko na maranasan ang noon. I don't want to be a mistress of any man in this world because any woman doesn't deserve to be one.

*****

Malalim ang buntong-hininga ko nang bumaba ako sa cab. I am here in front of Safira's Company, having this huge shame of what I did earlier at the LMC. Makapal na lang siguro talaga ang mukha ko para humarap kay Miss Sapphire at sabihin ang nangyari kanina.

I decided to face the responsibility of the consequences of bringing my personal issues to the businesses. Well, I just couldn't take it. The fact that seeing Ismael made it worse. Ni hindi niya binanggit ang tungkol sa collaboration, malaking patunay na ginawa niya lang talaga iyon para sa akin.

Pero bakit?

Gusto niya ba talaga akong mapalapit sa kaniya? Does he want me to be his side-chick while he is bound to marry someone else?

Napailing ako. Hindi ko namalayang nasa harap na pala ako ng opisina namin at kapwa tinitingnan nang puno ng pagkagulat ng mga team members ko.

I gulped. Tila ba nalimutan ko kung anong paliwanag ang ipaliliwanag ko kay Miss Sapphire.

"Jothea? Bakit ka narito? Hindi ba't dapat nasa LMC ka?" salubong na tanong ni Erl, na siyang napatayo pa sa kaniyang upuan.

Kunot ang mga noo nilang nakatingin sa akin na para bang gustong-gusto nilang usisain kung bakit bagsak ang mga balikat ko. Napailing na lang ako bago ako nagpaalam sa kanila na pupunta na ako sa office ni Miss Sapphire.

Tatlong beses akong kumatok. Agad namang nagsalita si Miss Sapphire. "Yes, come in."

Katulad ng naging reaksyon ng mga ka-team ko, ganoon din ang sa kaniya. Nakakunot ang mga noo habang ibinababa ang salamin sa mata.

"Jothea, what brought you here? Kumusta ang collaboration?" tanong niya.

I bit my lip as I shook my head. "I'm sorry, Miss Sapphire." Ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari. I tried to be honest as I should and she was surprised by the thought that the CEO was related to me. She looked so disappointed but still managed to be professional in dealing with me.

"I understand you, Jothea, but as you can see, Safira needs this opportunity. Hindi palaging may ganitong pagkakataon para sa maliit na brand na kagaya natin. Also, I doubt that the LMC would take the collaboration as a joke, in fact, they are the ones who reach out to us. Pumunta pa rito si Miss Levanier to fetch you. It might be a ridiculous thing to hear, but I want you to take this seriously. I want you to apologize to Miss Levanier and also to the CEO of the Loeisal Malmdan Company."

I nodded in obedience. Miss Sapphire was right, but I couldn't take myself to do it. Am I being stubborn again? How am I supposed to face Ismael to get things back for the collaboration after what I did?

"I am giving you time until today to reflect, Jothea, but do what you think you must do for the sake of our company," sambit pa ni Miss Sapphire. "Also, don't conclude too quickly. Let them explain first."

Tila ba parang hindi na lang tungkol sa collaboration ang binabanggit ni Miss Sapphire. Hindi ko naman inamin sa kaniya na nagkaroon kami ng relasyon ni Ismael noon, ang sabi ko lang ay professor ko ito dati na sukdulan kong kinamumuhian.

Napasalampak na lang ako sa table ko habang nag-iisip. Mabuti na lang at hindi na ako inusisa pa ng team ko. Hinayaan nila ako sa problemang ako rin mismo ang gumawa.

Pinili kong pumunta muna sa rooftop ng building para magpahangin. Hindi ko inaasahang muli na namang tutulo ang mga luha ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang naaalala ko ang pagdampi ng mga ito sa katawan ni Ismael, maging ang paglapat ng aming mga labi. Nanghihina ako.

Ano bang nagtulak sa akin para maging ganoon ang reaksyon?

Ilang beses kong sinabunutan ang sarili ko habang nagsisisi. Sana pala ay niyakap ko na lang siya, nang sa gano'n ay wala akong problema, pero anong magagawa ko? I don't want to be someone's playtime.

Hindi ko namalayan ang oras. Madilim na ang paligid. Kanina pa ako narito sa rooftop at nag-iisip kung paano ako hihingi ng tawad kay Ismael. Tatawagan ko na lang siya mamaya pagkauwi ko.

Bumaba na ako sa office at nakita kong wala na sila. Anong oras na ba? Sinilip ko ang oras sa biometric nang mag-out ako. Quarter to eight.

I left our building and took the chance to walk home. Maaga pa naman kaya siguradong marami pang tao sa daan. Ayos lang kung maglalakad akong mag-isa.

But that was my mistake. Muli ko na namang naramdamang parang may sumusunod sa akin. It creeps me out to see the same guy I saw last time. He was wearing a black hoodie and his face was covered with a mask. Nakaramdam ako ng takot.

I tried to walk swiftly but I felt that someone was doing the same. Sinubukan kong makihalubilo sa mga tao pero para bang kabisado niya ang galaw ko at kung saan ako dadaan kaya nasusundan niya ako kaagad. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba habang naglalakad-takbo palayo sa nakakatakot na taong iyon. Pinilit kong mag-iba ng landas para mailigaw siya pero mukhang kahit iyon ay isang pagkakamaling ginawa ko.

Dead end.

Dahil hindi ko pa napupuntahan ang eskinitang ito, hindi ko alam na wala na palang susuotan. I tried to walk back but someone appeared in front of me, with a sharp knife on his left hand—'yong taong sumusunod sa akin.

My heart crept with fear as I saw his face wear those terrifying smiles. One can surely be traumatized by that. He slowly walked toward me and here I am with my trembling knees, afraid to move because I'm statued.

"No escape for now, Miss Mendez," sambit pa nito na siyang ikinakunot ng nood ko. Nasiguro ko nang lalaki siya. But what made me furrowed was how did he know my middle name?

"A-anong kailangan mo sa 'kin?" nauutal kong tanong, habang humahakbang paatras. Never did I imagine that I will experience something like this. Nanghihina ako. Kaya ko namang lumaban pero ngayong nakikita kong may hawak siyang kutsilyo, tila ba nawalan ako ng wakas. Kung dati ay hindi ako natatakot na mamatay, hindi ko alam bakit ngayon ay takot na takot ako. Nangangamba. At ang tanging naiisip ko lang ay walang iba kung hindi si Ismael.

Puno ng pagsisisi ang puso ko. I should have just accepted him if I know this would happen. Ni hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong humingi ng tawad sa muli kong pagsampal sa kaniya kanina.

"Something you have that you will not know when I take it."

It's my life.

He's after my life.

"Say goodbye to your miserable life, Miss Mendez, as I end it for you."

Tuluyan na siyang nakalapit sa akin at wala na akong iba pang nagawa kung hindi pumikit habang hinihintay ang kutsilyo tatarak sa tagiliran ko.

I'm sorry, Ismael. I should have embraced you when you opened your loving arms for me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top