Chapter 13
"If you don't have any further questions, shall we?" tanong ni Miss Levanier na ngayon ko lang napagtanto na ako pala ang kausap. T-teka! Ano bang nangyayari? Para naman akong kinikidnap dito? Pumasok ako dito sa Safira tapos sa LMC ako mag-oopisina?
Naguguluhan ako!
Napatingin akong muli kay Miss Sapphire, pati na rin kay Miss Ayu, Mill, Erl, Zedee, and Caylie. Kapuwa silang nakangiti habang tinataboy ako. Ano 'to? Itutulak nila ang isang walang kamuwang-muwang? Sabak agad? Wala man lang orientation? Anong gagawin ko ro'n?
"She'll explain it to you on your way," paalam sa akin ni Miss Sapphire habang ipinapagaspas ang kaniyang kamay sa hangin.
Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod kay Miss Levanier na siyang dapat na mag-i-interview sa akin doon sa LMC noong mag-apply ako. Hindi ako makapaniwalang siya pala ang marketing manager ng Loeisal Malmdan Company, at ipinagpapasalamat ko na hindi ako tumuloy sa kanila dahil baka mas lalong hindi ko naayos ang sagot ko kung siya ang makakaharap ko. Baka lalong hindi ko kayanin lalo na't naaalala ko pa rin ang tagpong nakita ko siyang kasama si Ismael.
Mabigat ang loob ko. Sa totoo lang, kung hindi tawag ng trabaho ay hindi ako sasama sa kaniya. Thinking that she was the one who might be Ismael's fiance, I couldn't help but feel extremely jealous. Nangliliit ako sa sarili ko. Napakaganda niya, maging ang kaniyang lakad at pananalita ay napakapino. Kung ikukumpara sa tulad ko, wala akong sinabi. Ano ba kasing nangyayari? Bakit may ganito?
"I heard you turned down our company," sambit ni Miss Levanier na siyang ikinagulat ko. Napatigil ako sa paglakad para tingnan siya. Kanina pa pala siya nakahinto at nakatitig sa akin habang ako'y lumilipad pa rin ang isip. "Our CEO wants to know why."
Napanganga ako. So, I was right? They are into the collaboration because of me? "And why would your CEO be?" Hindi ko na napigilan pa ang bibig ko. Shit. Kahit kailan talaga. "I mean, ako lang ito. Why would you do this? Why would LMC waste its time on this?" Nakakunot ang noo ko. This is insane. Who would on earth be willing to collaborate with another company because one of their applicants turned them down for a small company?
"I think it would be best if you talked to him. He's going nuts."
Nagpatuloy na siya sa paglalakad, habang ako ay napa-ha dahil sa narinig ko sa kaniya. Did she just mock her boss?
Napakamot na lang ako sa leeg at sinundan ko na siya. Nasa loob na ako ng company van at katabi sa upuan si Miss Levanier sa may backseat. Sa totoo lang, hindi pa rin ako palagay na narito ako ngayon at kasama siya. Nakakailang. Katabi ko pa siya. Ano lang ba ako?
Also...naaamoy ko sa kaniya ang pamilyar na pabango—pabango ni Ismael. Hindi ko mapigilang mag-isip. Nakukumpirma ng pabangong iyon na malapit siya kay Ismael at baka hindi nga lang basta malapit.
Napapitlag ako nang biglang tumunog ang phone niya. Akala ko pa nga noong una ay akin ang tumutunog. Agad namang sinagot ni Miss Levanier ang tawag na para bang ayos lang kahit marinig ko ang pag-uusap nila.
"Yes, babe?" Napatingin ako kay Miss Levanier. Sandali lang iyon dahil hindi ko kayang masaksihan ang pag-uusap nila. Kung mayroon lang sanang switch para patigilin ang pandinig ko para hindi ko na siya marinig ay kanina ko pa pinindot para patayin. "Yes, I'm with her. We're coming back. Yeah...see you... I know... I love you."
I heaved a sigh as I decided to look outside the window. Kausap niya ba si Ismael? Pinaririnig niya ba talaga sa akin para madurog ako? Muli akong napabuntong hininga, habang pinipigilan ang pagluha. Kailangan kong kimkimin itong lahat. Wala na si Ismael sa akin. Kailangan ko nang tanggapin na puro lang siya paramdam, at kahit kailan ay hindi ko na siya makikita. At isa pa, ikakasal na siya, katulad ng sinabi ni Atacia; at ang babaeng pakakasalan niya ay ang babaeng katabi ko.
Napakagat ako sa labi nang makita ko ang building ng Loeisal Malmdan Company. Hindi na ganoon kasaya ang pakiramdam ko ngayong nakikita ko ito. Paano akong matutuwa? Gayong makakasama ko lang naman ang babaeng ipinagpalit sa akin ni Ismael. Kung pwede lang sanang tanggihan ang tadhana, pero parang pinapamukha pa sa akin nito na hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Hindi kami ni Ismael kahit anong gawin kong paghihintay. Mamumuti lang ang mata ko.
Tumigil sandali ang sasakyan dahil sa traffic, kaya naman nagkaroon pa ako ng oras para titigan ang logo ng building pati na rin ang pangalang nakasulat doon.
Loeisal Malmdan...
Parang pangalan ng tao. Iyon ba ang pangalan ng may-ari ng kumpanya? Siya ba ang makakausap ko ngayon, kaya nila ako dadalhin dito? Bakit? Dahil sa collaboration? Bakit? Dahil mas pinili ko ang Safira kumpara sa kanila? Nakakatawa.
Pero nawala ang tawa ko nang may mapagtanto ako habang nakatanaw doon sa logo ng building.
Loeisal Malmdan...
Nawalan ako ng hininga habang tinitingnan ang bawat letra na nasa logo. Inisa-isa ko ang mga 'yon.
I...S...M...A...E...L...
Napakagat ako sa labi nang makita ko ang isang O. Patunay na tama ang hinala ko.
MONDALLA...
"Ismael Mondalla," matigas na bigkas ko nang makita ko ang isang lalaking lumabas sa itim na kotse—ang kotseng nakita ko noong nakaraang mag-apply ako sa LMC.
Tuluyan akong nanghina nang tanggalin niya ang shades niya para batiin ang mga guwardiya. Nakita ko ang mukha ni Ismael at dahil doon, hindi ko na napigilan pang lumuha.
Si Ismael Mondalla...siya ang may-ari ng LMC.
*****
PARA AKONG TANGA. Kanina pa ako narito sa labas ng opisina ni Ismael. Iniwan ako ni Miss Levanier dito, pero ni isang hakbang paabante ay hindi ko magawa. Mas gusto kong umatras. Rumaragasa ang takot at kaba sa dibdib ko. Pinapangunahan pa ako ng mga luhang parang gustong-gusto nang makita si Ismael. Hindi ako makapaniwala. Abot-kamay ko na si Ismael, pero hindi ko magawang puntahan siya. Paniguradong babaha lang ng luha at mapupuno ng hikbi ang opisina niya.
Paano nangyari ito?
Bakit ako napunta sa ganitong kalagayan?
Pakiramdam ko napakalayo ko na sa kaniya. Hindi ko magawang lumapit. Kinakain ako ng mga pangamba. Paano kung opisyal niya nang sabihin at linawin ang lahat na wala na kami katulad ng ginawa sa akin ni Professor Sybill noon? Paano kung ipagtapat niya sa akin ang katotohanang ikakasal na nga siya, pero hindi na sa akin kung hindi sa iba na?
Pilit kong inuubos ang luha ko habang nananalangin na sana nga maubos na, pero lintik lang, hindi maubos-ubos. Palagi na lang ba talaga akong iiyak para sa kaniya? Palagi na lang ba akong masasaktan? Hindi ba talaga pwedeng maging masaya naman ako?
Pinunasan ko ang mga luha ko at pinursiging ayusin ang sarili. I touched the doorknob, and the coldness of it sent a dozen chills down through my spine. Mas lalo lang nawawalan ng lakas para buksan ang pinto.
I closed my eyes and tried to pluck up the courage to open the door to meet someone who had left me before. How ironic. He was the one who abandoned me, but here I am opening the door like I was the one who should be coming back.
Natanaw ko kaagad ang isang lalaking nakatalikod sa akin. Nakaharap siya roon sa glass barrier na pumapalibot sa kaniyang opisina. Kitang-kita ang iba't ibang building mula roon. Maganda at nakakatapos ng hininga, pero mas nakakaubos ng hininga ang makitang ilang metro lang ang pagitan namin ng taong matagal ko nang hinihintay na makita. Ilang beses kong ipinalangin sa Diyos na makita siyang muli, pero ngayong nasa harap ko na siya, hindi ko alam ang gagawin ko. Nakatingin lang ako sa malapad niyang likod na siyang una kong nakita noong iniligtas niya ako sa bar. Iyon ang likod na hindi ko gustong makitang talikuran ako.
Isinara ko ang pinto. Napayuko ako, dahil hindi ko rin alam ang unang salitang sasambitin sa kaniya. Nanghihina ako. Hindi ako makapag-isip nang maayos. Dapat ko ba siyang batiin?
Tama, hindi naman tungkol sa amin ang ipinunta ko rito, kung hindi ang collaboration ng mga kumpanya namin.
Unti-unti siyang humarap sa akin at nang magtama ang mga paningin naming dalawa, muli na namang bumuhos ang mga luha ko. Nanginginig ang mga labi kong nagpapaamo sa kaniya. Hindi ko na napigilan. Para akong sirang umiiyak sa harap niya, pero imbes na tanungin niya ako ay inilahad niya lang ang dalawa niyang kamay na para bang naghihintay na yakapin ko siya.
Walang salitaan akong naglakad papalapit sa kaniya, habang hindi pinakakawalan ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Bumabalik sa mga alaala ko ang lahat mula sa una naming pagkikita pati na rin ang mga pagkakataong magkasama kaming dalawa. Pero imbes na mahigpit na yakap, isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kaniya.
"Napakasama mo," nanginginig kong usal sa kaniya habang tumutulo ang luha sa pisngi.
Halatang nagulat siya sa ginawa ko, pero mukhang inasahan niya na iyon. "Pagkatapos ng ginawa mo sa akin, you expect me to give you a hug? How dare you?!" nagngingitngit ko pang tanong. Hindi magkamayaw ang nararamdaman ko. Halo-halong inis, galit, at saya, dahil sa wakas narito na siya. Sa paraan ng pagtingin niya sa akin, ay parang napapatawad ko na siya na dapat hindi pa. Hindi pa dapat, Jothea. You deserve to know everything from him.
"Hindi sapat ang sampal na 'yan sa labis-labis na sakit na ibinigay mo sa akin, Ismael," matigas kong sambit sa kaniya.
Pinagmasdan niya lang ako na para bang imbes na mainis siya sa naging asal ko ay mas natuwa pa siya. "Then let me make it up for you, my love."
Nanigas ako nang marinig ko iyon sa kaniya. Hindi na ako nakaapela. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at siniilan ako ng halik. Mas lalong tumulo ang mga luha ko. Hindi ko ito inaasahan. Muli na naman akong napapaamo ng isang Ismael. At tama siya, dahil sa isang mainit na halik ay tila ba nalilimutan ko ang lahat. Kahit hindi pa siya nagpapaliwanag, parang hindi ko na kailangan pang marinig ang lahat ng iyon. Nakita ko na lang ang sarili kong bumabawi ng halik sa kaniya.
Ramdam ko ang pagkasabik niya sa lalim ng mga halik niya sa akin, at kahit ang sarili ko'y hindi ko mapigilan. God, I really missed him. I miss his kisses, his touch, and his scent. I can't seem to stop myself.
Gumapang ang mga kamay ko sa dibdib niya at pumalibot iyon sa kaniyang leeg, kaya mas lalo akong napalapit sa katawan niya. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa lamesa na naging dahilan ng pagkahulog ng ilang gamit. Nagulat pa ako nang may nabasag at akmang titingnan nang hindi bitiwan ni Ismael ang mga labi ko.
"I am here now. Don't take your eyes off of me," bulong niya sa pagitan ng mga agresibo niyang paghalik. Nawawala ako sa sarili. Nahahalina niya ako. Bumibigay ako sa kaniya.
His hands moved to my hips. He was caressing it, and I couldn't help but let out a soft moan. At hindi ko na rin namalayan ang kamay ko na hinahawakan ang nasa pagitan ng kaniyang mga hita. Shit. What am I doing?
Agad akong lumayo sa kaniya, habang tinitingnan ang kamay ko. "Why?" he asked.
I wiped my lips and fixed myself as I tried to meet his damn eyes, looking so worried about what I had done.
"This is wrong, Ismael."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top