Chapter 12
I slowly opened my eyes, and what welcomed me was a heavy headache. Napasandal ako sa headboard at napahawak sa ulo ko, pero natigilan ako nang may makita ako sa kamay ko—necktie. My heart begins to pump like crazy. What is this? Why is this in my hand?
Lumingon ako sa tabi ko, pero katulad ng dati ay wala siya. Wala si Ismael, pero ang necktie niya ay narito, pati na ang amoy ng pabango niya ay naiwan sa akin. Ilang beses akong umiling habang nadidismaya. Nakakapit ako sa ulo ko, habang pilit na inaalala ang nangyari kahapon. Ang alam ko, naroon ako sa garden at umiinom, paano ako napunta rito sa kwarto ko?
"Look at me. Look at me, Jothea. I am here."
Napapikit ako. Narito ba talaga si Ismael kahapon? Bakit wala siya rito ngayon? Wala ba talaga siyang balak magpakita sa akin?
Tumayo na ako para maglinis ng katawan nang makita kong iba rin ang damit na suot ko. Napakagat ako sa labi. Gusto ko mang matuwa, pero mas lumalaki lang ang inis ko sa kaniya. Nagpaparamdam siya, pero iniiwan niya lang sa akin ay pagkagulo ng isip. Gulong-gulo na ako. Idagdag pa na wala akong maalala sa nangyari pagkatapos kong uminom ng alak. Lalo akong nababanas.
Bumuntong-hininga ako bago pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Naalala kong bigla ang usapan namin ni Savannah kahapon kung kaya naman madali kong hinanap ang phone ko at nagsend ng CV doon sa email ng Safira. Bahala na. Ayoko nang isipin pa si Ismael. Bahala siya sa gusto niyang gawin.
Mabilis na lumipas ang araw. Ganoon pala kapag abala ka. Hindi mo na naiisip ang mga bagay-bagay na dating palaging dumarating sa isipan mo para guluhin ka. Nakatanggap ako ng email mula sa Safira. They invited me to a job interview, and because I already had experience, I aced it. They offer me a job and a minimum wage that would suffice for a starter like me.
Today is my first day going to Safira Company, and what surprised me was a small group of people working on a brand. Hindi katulad sa LMC na maraming taong gumagalaw para magtrabaho. Dito ay may maliit na opisina kung saan naroon ang lahat ng miyembro ng team; isang brand manager, social media manager, graphic designer, communications specialist, finance specialist, at ako—marketing associate.
"Jothea, right?" tanong sa akin ng isang babae na parang hindi naman ganoon katanda sa akin. "I am Sapphire; I am the owner of the Safira. I am the acquaintance of your friend, Savannah," pakilala niya sa akin nang makita niya ako. Ngumiti ako sa kaniya at inabot ang kaniyang kamay. "Actually, this perfume brand is my long time dream. Medyo mahirap lang i-build since nasa starting stage palang, and I really need your help to make it work."
Kung makipag-usap siya sa akin ay parang malapit niya lang akong kaibigan. Mostly, hindi sasabihin ng isang owner ang problema nila sa isang baguhan palang, pero pakiramdam ko, pinagkakatiwalaan niya ako. Somehow, I felt the need to help her. Kahit na hindi naman ako ganoon kagaling sa marketing, pero alam kong magagamit ko ang lahat ng pinag-aralan ko para matulungan siya. And someday, makakarating din ako sa kalagayang ako naman ang mangangailangan ng tulong para maitaguyod ang pangarap ko.
Mabilis akong naka-adjust sa Safira. Pakiramdam ko magkakabarkada lang kaming bumuo ng kompanya dahil kung ituring nila ako ay parang kaibigan na matagal na nilang hinahanap.
"Jothea, nag-breakfast ka na? Gusto ko mo ng coffee?" tanong ni Erl sa akin, ang communications specialist namin. Umiling ako. "Hindi ako nagkakape."
"Right! I'm sorry, I forgot. How about tea?" Ngumiti ako at tumango.
"Jothea, sabi ni bosslady, may dinner daw tayo later. Treat niya raw. Punta ka, ha?" sambit naman sa akin ni Zedee na talagang pinagulong pa sa tabi ko ang swivel chair niya para lang makalapit at makausap ako.
"Sure." Si Zedee ang social media manager namin, kaya katabi ko siya sa desk.
"Kaya tapusin niyo na ang work niyo nang maaga para maaga rin tayong makauwi!" saad naman ni Caylie na kaliwa ni Zedee. Siya ang graphic designer namin.
"Ano 'yang naririnig kong maagang uuwi?" singit ni Mill, na kalalabas lang ng office ni Miss Sapphire. Si Mill ay ang aming finance specialist. "Alam ba 'yan ni Miss Ayu?" pagtukoy niya sa brand manager namin.
"Oo naman! Matik na 'yon! Kapag sinabi ni Miss Sapphire, makakarating na agad kay Miss Ayu!" sabat ni Erl na ngayo'y dahan-dahang naglalakad dahil may hawak siyang dalawang tasa—isa para sa kape niya, isa para sa tsaa ko. Nagtawanan naman kaming lahat. Kahit papaano ay nakakasabay na ako sa kanila. Lumalabas ang ibang side ng personality ko. Masaya palang magkaroon ng magandang working environment na walang pressure dahil competitive lang sa kaniyang sarili at hindi sa ibang kumpanya. Kapag ganoon pala ang mindset, panatag lang ang takbo mo.
"Team! We have a problem!"
Kapwa nawala ang mga ngiti sa aming mga labi nang sumigaw si Miss Sapphire. "Mukhang hindi tayo matutuloy tonight. We received a lot of orders!"
Ang sunod ko na lang na narinig ay ang malakas na sigawan ng mga babaeng kasama ko. Ganito pala ang pakiramdam na maging masaya sa problema. Ganitong problema ang gusto ko. Masyadong maganda para problemahin.
We finished late in the evening because of the bulk orders. Kami rin kasi ang nag-aasikaso no'n. Nakakatuwa dahil nagkakaroon ako ng background kung paano ko gagawin ang business ko balang-araw. Hindi pala masamang mag-umpisa sa maliit.
Miss Sapphire ordered a huge pizza and sodas for our dinner. Iyon na lang daw imbes na lumabas pa kami. Pagkatapos ng mahabang pagtatrabaho ay kani-kaniya na kaming umuwi dahil kinabukasan, maaga pa ang mga pasok namin.
Dahil masyado nang gabi, napagdesisyunan ko na lang na maglakad pauwi. Tutal, wala nang sasakyan. Ayoko namang magpahatid kina Miss Sapphire dahil ibang way pa ang bahay nila. Maliwanag naman ang mga poste sa kalsada, kaya walang dahilan para matakot.
Habang naglalakad ay minamasahe ko ang balikat at sinusuntok-suntok ko ang likod ko dahil medyo sumasakit na ang katawan ko. Nakakapagod ang trabaho, but at the same time, I feel happy. Bukod sa marami akong naitutulong para mai-market ang brand namin, marami din akong natututunan dahil nagsa-suggest din ang iba ng creative ideas nila, kaya hindi ako nagkakaroon ng malaking problema sa trabaho ko. Sana balang araw ay magkaroon din ako ng ganoon kagandang environment at maging kasing maunawain ni Miss Sapphire.
Napatigil ako sa paglakad nang mapansing parang may sumusunod sa akin. Kung kaya't nilingon ko iyon. Nakita ko ang isang lalaking nakaitim na naglalakad sa likod ko. Umusbong sa akin ang kaba, kaya naman binilisan ko ang paglakad. Muntikan ko nang makalimutan, babae nga pala ako. Baka kung anong mangyari sa aking masama. Mabuti pang sa susunod ay magpahatid na ako, kaysa mapagtripan ng mga lalaking pagala-gala sa daan.
Alas onse na ako nakarating sa bahay at hindi na ako nakapaglinis kaya sa couch na lang ako natulog. Kinabukasan ay nagising ako sa malakas na tunog ng phone ko. May tumatawag. Unknown number. Pansin ko, palagi na lang akong nakakatanggap ng tawag mula sa hindi kilalang numero.
Sino naman kaya ang tatawag ng ganitong oras? Six in the morning?
Hindi ko na sana sasagutin ngunit dahil sa sobrang antok ay imbes na 'yong pula ang mapindot ko, 'yong green. "Hi! This is Sir Martin from the Loeisal Malmdan Company. Is this Miss Jothea Alvandra?"
Napabangon ako nang marinig ko ang pangalan ng LMC. Talagang nawala ang antok ko dahil doon. Nananaginip ba ako?
"Y-yes, speaking," maayos kong sagot.
"I apologize for this late response, Miss Alvandra. May I ask if you are still interested in the position? I can arrange for you to attend the last interview we missed last time because of an urgent meeting with the CEO. Are you free today?"
I paused. I had never expected their call since the day I applied for the job. I thought I failed, considering that it's been a few weeks since the last time I saw them. Kinalimutan ko na ang makapasok sa LMC dahil pakiramdam ko hindi ako karapatdapat doon.
"I'm sorry, sir, but I already have a job," matapat na sagot ko. "I don't think I would want to quit there in the near future."
Sandaling katahimikan ang pumuno sa aming dala. I was just being honest. Hindi ko naman pwedeng alisin ang bagay na meron ako at tinanggap ako para lang ipalit sa mas maganda o sa pinapangarap ko pa.
"I understand, Miss Alvandra. Can I ask which company you are with right now?"
"Safira."
*****
Ilang beses ko nang sinasampal ang sarili ko. I shouldn't have said that. Hindi ko dapat sinabi ang kumpanyang pinapasukan ko ngayon. Baka isipin nila, iyon ang ipinagpalit ko sa kanila. I mean—Napabuntong hininga ako. Hindi pa rin talaga nawawala ang pagiging taklesa ko.
Pumasok na ako sa office at laking gulat ko nang makita ko ang workmates kong nagkukumpulan sa labas ng office ni Miss Sapphire.
"Anong meron?" tanong kong pagbati sa kanila. Isa-isa silang lumingon sa akin.
"You won't believe this, Jothea! LMC is buying our company," sambit ni Erl na siyang nagpanganga sa akin.
"What do you mean by LMC?" hindi makapaniwalang dagdag ko. Ayokong isipin na ang LMC na tinutukoy nila ay ang pangarap kong kumpanya?
"Ano pa bang LMC? Eh 'di ang Loeisal Malmdan Company, Jothea!" saad ni Zedee na siyang lalong nagpaawang sa bibig ko. I can't believe this. Bakit bibilhin ng LMC ang Safira? Out of the blue?
Makikiusyoso pa sana ako nang biglang magbukas ang pinto at laking gulat ko kung sino ang makikita ko—it was the woman I saw with Ismael. She was that woman. Bakit siya narito? Anong ginagawa niya rito?
Nanghina ako nang biglang magtama ang mga mata namin. Ramdam ko ang kirot sa puso ko habang nakikita ko ang matamis niyang ngiti sa akin habang ako naman ay hindi alam ang gagawin pagka't kinakain ng paninibugho.
"Team, I want you to meet Miss Jenna Levanier. She is the marketing manager of the famous Loeisal Malmdan Company. She is here to make some arrangements with us regarding the collaboration of our brands," pakilala ni Miss Sapphire doon sa babaeng katabi niya. Oh, so it was a collaboration? Hindi tungkol sa pagbili ng LMC sa Safira. Right, if I were also in Miss Sapphire's shoes, I wouldn't accept any offer from the competitor to buy my brand. Kahit pa malaking pangalan ang LMC. Hindi rin ako papayag, gayong nagsisimula palang ang brand namin. Paano kung matumbasan pa pala namin ang LMC? I mean, hindi masamang mangarap nang mataas. Sabi nga nila, aim for the heavens; even if you miss, you'll land among the skies.
"Hi, everyone. You can call me Miss Jenna or Miss Levanier," she introduced herself confidently. Muling bumalik sa isipan ko ang tungkol sa kaniya at kung gaano kaliit ang mundo. "I am here as a representative of the LMC since our CEO was busy with his other business meetings. I would gladly ask for your cooperation to make this collaboration possible and stress free. Just like what Miss Sapphire and I talked about and both agreed on, your marketing associate would be working with us in the meantime," paliwanag niya na siyang naging dahilan ng pagtingin sa akin ng mga katrabaho ko. Kung ako rin ang nasa kalagayan nila, mapapatingin din ako sa sarili ko. Bakit ako? Anong kailangan nila sa akin?
Napatingin ako kay Miss Sapphire. Tumatango lang siya habang nakangiti. So she agreed on this? Paano naman ako? Hindi ba nila ako tatanungin kung gusto kong magtrabaho sa kumpanyang 'yon nang hindi ko sila kasama? Bakit hindi na lang dito gawin ang planning ng collaboration? At tsaka, bakit biglaan naman yata?
An idea struck my mind. Hold on, I don't want to assume this, but are they doing this because I turned down their offer this morning? No way. Sino ba ako? This is ridiculous!
"If you don't have any further questions, shall we?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top