Chapter 10
Sikat ng araw ang tumama sa mga mata ko at dagli akong napabangon sa pag-aakalang makikita ko ang taong nagpakita sa akin. Sana pala ay hindi na ako nagising. Sana ay nanatili na lang akong natutulog dahil sa pagmulat ko ng mga mata ay doon sinampal sa akin na panaginip lang ang lahat.
Nakaupo ako sa kama habang humahagulgol sa iyak. Bakit siya pa rin ang nais ko kahit na alam kong may iba na siya? Bakit siya pa rin ang gusto kong makita maging sa panaginip ko? Bakit si Ismael pa rin?
Pinagmasdan ko ang sarili ko. Kinakain na naman ako ng lungkot. Ngayong birthday ko pa.
Kahit mabigat sa loob ay lumabas ako sa kwarto ko at napatingin ako sa bagay na naroon sa table sa may open living room. Napahawak ako sa labi ko habang pinipigilan ang malakas na pagpalahaw ng aking iyak. Unti-unti akong naglakad papunta roon at nakita ko ang isang libro at ang isang kahon ng regalo. What is this? Who brought me this?
Doon pumasok sa alaala ko na nasa couch ako kagabi. Paano ako nakapunta sa kwarto ko? Imposibleng nag-sleepwalk ako. Anong nangyayari?
"Meow, meow."
Napatingin ako kay Mael at nakita ko siyang naglalakad papunta sa akin. Nakadamit siya. Mas lalo akong napaluha. Agad akong tumayo para hanapin ang lalaking tanging pumasok sa isip ko. Siya lang ang pwedeng gumawa nito sa akin. Hindi ba?
Ngunit, inikot ko na lahat ng sulok ng bahay ko maging sa labas ay wala ni ang anino niya. How can you do this to me? How can you appear when I'm in deep sleep and never explain everything and just leave me again? Are you torturing me?
Muli akong bumalik sa living room, upang tingnan ang mga bagay na iniwan sa table ko. Ang librong iniregalo ko sa kaniya noon, narito sa harap ko. Isang kumpirmasyon na pinuntahan nga ako ni Ismael. Imposibleng iba. Ayokong maniwala na iba ang nagdala nito. Siya lang. Nagbalik siya sa akin, pero sa isang sandali lang.
Nagkaroon na naman ako ng pag-asa. Kinuha ko ang isang kahon ng regalo niya para sa akin. Nabasa ko sa maliit na card ang kaniyang sulat. "Happy Birthday!" Patuloy na bumabagsak ang mga luha sa pisngi ko. Dalawang salita, pero nagawa akong paiyakin. Paano ako magiging masaya sa birthday ko ngayong wala siya? At nasaan ang mga paliwanag niya? Bakit wala rito? Panagutan niya ang nararamdaman ko ngayon.
Binuksan ko ang regalo at tumambad sa akin ang magandang modelo ng isang cellphone. Alam niya bang sira na ang sa akin, kaya niya ako binigyan ng ganito? Paano niya nalaman? Narito lang ba siya sa paligid? Bakit hindi siya nagpapakita? Pinarurusahan niya ba ako?
"Ismael naman, eh," bulong ko na para bang nawala na sa akin ang lahat ng pagdududa. Para bang nakalimutan ko na lahat ng ginawa niya sa akin at naiwan na lang ay ang katotohanang mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat. Kaunting ganito ay mapapabalik niya ako, magagawang mapaasa. Umiikot na naman ang mundo ko sa kaniya. Dahil sa ginawa niya, nagkaroon na naman ako ng lakas. Pakiramdam ko kahit nasa malayo siya at wala rito ay hindi siya nawawala.
Bakit ka ganito, Ismael? What do you really want this time?
Pinunasan ko ang mga luha ko kahit na patuloy pa rin sila sa pagpatak. Nilagay ko ang sim card ko sa bagong phone at sinubukang tawagan si Ismael, pero katulad ng dati ay hindi siya sumasagot. Hindi kumukonekta ang tawag sa kaniya. What is this? Pinaglalaruan niya ba ako?
Nagulat ako nang biglang tumunog ang phone ko. Unknown number from abroad. Inayos ko ang sarili ko sa pag-asang si Ismael ang makakausap ko pero hindi. It was Savannah.
"Happy birthday, Thea!" bati niya sa akin. Bakas ang sigla niya sa kabilang linya. "I'm sorry I won't be there with you to celebrate your birthday. Nasa Italy ako ngayon. I just called to greet you and ask how you are now in the Philippines. Are you okay?"
"Y-yeah," simpleng sagot ko. Alam kong naroon siya para asikasuhin ang itatayo niyang business. How I wish I could be like her someday. Someone who is free to do what she wants without considering how much money will be needed. "Thank you, Sav. I miss you."
"H-hey, are you crying? Why do you sound so stuffy? Did something happen?" She sounded so worried. Napakagat ako sa labi. Muli na naman akong naluluha.
"S-si Ismael kasi..." nauutal kong tugon. "I think Ismael was here, Sav."
Sandaling katahimikan ang pumagitna sa linya. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "What do you mean? Are you sure?"
Kinuwento ko sa kaniya ang nadatnan ko kanina nang magising ako. Matimtiman lang siyang nakikinig sa akin. I sniffed. "I might sound crazy, but he is the only one who has access to my house. We both set up our fingerprints in the smart door lock before."
"I know, but hey, why are you crying? We installed the camera, right? Why don't you check it?" malambing niyang tanong. Agad akong napatayo at tiningnan ang camera na matagal na naming na-set up ni Sav para mahuli si Ismael. Nagkaroon ako ng pag-asa.
"Hold on, Sav," sambit ko bago ko kinuha ang luma kong phone at binuksan ang app na nakakonekta sa camera. Bumagsak ang balikat ko nang makitang may error sa application. Hindi raw naka-connect ang cable. I checked the camera and the cables attached and I saw the reason why it is not working.
"What happened, Thea?"
"Nginatngat ni Mael 'yong wire." Napapikit ako. Rinig ko rin ang pagbuntong-hininga ni Sav sa kabilang linya. Nararamdaman kong naaawa siya sa kalagayan ko.
"Then, hindi natin masisigurong si Professor Mondalla nga ang nagdala sa iyo ng mga regalo. May iba pa bang nakakaalam ng passcode mo? Ng birthday mo? Na sira ang phone mo?" sunod-sunod niyang tanong. Umiling ako na para bang nasa harap ko lang ang kausap ko.
"But the book? How can this book be here? I gifted him this on his birthday last year," giit ko.
"Baka may napakisuyuan siya na isauli sa 'yo?"
"Bakit niya isasauli?"
I heard her exhale again. "I am really sorry, Thea, but I don't really know. How I wish I had all the answers to all your questions. Kasi kahit ako, nahihirapan sa sitwasyon mo. If I could just confront Professor Mondalla, I would do it, pero wala siya. Hindi siya nagpapakita sa atin, lalo na sa 'yo. To be honest, naiinis na rin ako. Anong dahilan niya bakit hindi siya nagpapakita? Anong dahilan bakit siya lumayo? You said, nangako siyang pakakasalan ka. Bakit wala pa rin siya? Anong dahilan bakit hindi pa kayo magpakasal?" I heard how she sobs. She's also crying for me. And that makes my heart break apart. Ano ba itong ginagawa ko? Why am I stuck in the loop again?
"He explained it to me. He wants to give me time."
"Fuck it, Thea. I don't know what else to believe in now. Kasi kung ako ang magmamahal, I want him to be with me always. Why would he choose to leave you and leave you here? I don't want to say this, but all I can say is that he's making you confused, Thea. Hindi ko rin maintindihan kung bakit niya ginagawa ito sa 'yo."
I bit my lip. I can see now how stupid I can become in just a blink of an eye. Tangang-tanga talaga ako pagdating sa lalaking iyon. Hindi ko na rin alam kung anong paniniwalaan ko.
"How about your application to LMC? Did you get accepted?" pag-iiba niya ng usapan, na nagpapasalamat ako na ginawa niya, dahil kung hindi malulunod na naman ako sa kakaisip tungkol kay Ismael.
"No, Sav, I don't think I did. They told me, they'll just call me."
"I see," saad niya. "Wait, I have been wanting to tell you this. I have an acquaintance who has a small perfume company where you can apply for a job. This is really small, Thea, compared to the LMC, but I think, mas kailangan mo ito. Mas maliit, mas maraming problema, mas maraming kailangang gawin. Gets mo 'ko?"
Natawa ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung gusto niya lang bang pagaanin ang loob ko, pero malaking tulong dahil gumana iyon. Nalulungkot ako dahil hindi ako dineretso ng LMC na hindi ako pasado. Mabuti na lang narito si Savannah para sa akin.
"Yeah, I get it."
"You know, it will help you a lot. It will divert your mind to something sensible. Safira is the name of the company. I'll send you their official email where you can send your CV."
Nagawa niya na akong pangitiin. Kahit kailan talaga, napakalaking tulong niya sa akin. I am so lucky to have a mature friend like her. Ibang-iba na siya sa pagkakakilala ko. Ako nga yata itong tumatanda nang paurong.
"Thank you, Sav. Thank you for being here with me."
"Of course! You are my only friend! I am always glad to help you."
Binaba niya na ang tawag. Pinunasan ko na ang mga luha ko sa pisngi. In fairness kay Savannah, willing magbayad ng malaki makausap lang ako nang matagal. Nawala siguro sa isip niya na naka-international call kami o mayaman lang talaga siya? Somehow, nabawasan ng bigat ang nararamdaman ko. Maganda talaga na may nakakausap kahit papaano at salamat talaga na tinawagan ako ni Sav dahil hindi ko alam saan kukuha ng pera para lang matawagan siya.
I decided to go out to buy some food for my birthday. Yeah, I should at least celebrate it. I should be happy because another year has added to my existence. Kahit ngayong araw lang, i-focus ko muna ang pag-iisip sa sarili ko at huwag munang magpaabala sa mga libo-libong tanong tungkol kay Ismael.
I heaved a sigh as I went to a grocery store. Ayos na siguro ang baked macaroni at isang tub ng dark chocolate ice cream. I will just enjoy this day today because tomorrow will be just an ordinary day for me as an adult. Maghahanap na naman akong muli ng trabaho. Hold on. Tiningnan ko ang phone ko at katulad ng ipinangako sa akin ni Savannah ay ni-send niya sa akin ang email ng company na tinutukoy niya. Safira. I never heard of that brand. Baka nga tama si Sav, maliit lang ang brand na iyon, na masusubok ang kakayahan kong nagsisimula palang.
Pumila na ako sa may cashier para magbayad habang hawak-hawak ang basket ng mga pinamili ko. Hindi naman ganoon karami.
"Jothea?"
Napatunghay ako sa tumawag sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top