Chapter 22 - The Ucey Candidate
Adele's POV
"Ako po si Adele Dios Lamboloto. Layunin kong maprotektahan ang mga kapwa nating mga estudyante mula sa Bullying at Discrimination. Layunin ko ring malayo kayo mula sa mga bagay na nagkakaroon ng hindi magandang epekto mula sa loob at labas na paaralan. Hayaan ninyo akong maprotektahan mula sa kanila. Maging malinis at maganda ang kasalukuyan at hinaharap. Ayun lamang ang tungkulin ko at maaring madagdagan balang araw. Huwag ninyo kalimutan ang aking ngalan at huwag ninyo akong pababayaan kung ako ang inyong Grade Seven Representative para sa Supreme School Government ng Tandang Sora National High School."
"Again, Adele Dios Lamboloto po. YEET!"
Isang statement lang ang aking sinabi, halos hanggang sa labas ng school na ang hiyawan ng mga kaklase ko. Nagsipaakpakan naman ang iba at may mga panyo na kanilang winawagayway. Grade Seven Representative election ito pero ramdam kong tumakbo ako ng pangulo ng Pilipinas.
Saktong tumunog ang bell pagkatapos ng hiyawan at palakpakan. "Okay Santan, take your 15 minutes recess," sabi ni Sir Avance sa amin at napatuloy pa ang hiyawan dahil hindi lang sa recess na kun'di dahil sa akin.
After nito, lahat ng mga kaklase ko ay nagisisigaw at binabanggit ang pangalan ko na paulit-ulit. "Dios! Dios! Dios! Dios!" Ito ang aking narinig mula sa kanila. President Election na ata ito dahil ang lakas ng suporta nila sa akin. Hindi ko na alam na hawak ko pala ang Vintage Pocket Watch na nasa bulsa na pantalon kong suot.
Ngayon ay tanging sila Michelle, Juriya, Khairro, Christian at Sir Avance na lamang ang nasa aking kinaroroonan. Lumapit sila sa akin at nagsimula pag-usapan ang next area ko which is sa Section Magnolia, may exception ako rito dahil kay Ma'am Vergel at ang aming Principal na dalawang Section ang maari kong mag-start but uunahin ko ang Santan bago ang Magnolia. Biggest Advantage ko ito kumpara kay Shandrei na section 1 na Section Gumamela lang ito.
"Well Lamboloto, you got a good and fresh start," komento ni Sir Avance sa akin. "Magiging parehas ba ang Strategy mo sa Magnolia?" tanong ni Sir Avance.
"Kung ganyan ang tanong po, isa lang ang sagot ko which is yes." Ngumiti lamang ako habang nakaharap ako kay Sir Avance. "So far, nawala ang kaba ko during my campaign kaya alam ko na po ang gagawin ko po. Same thing lang naman ang gagawin ko Magnolia at sa mga Section na naka-assign sa akin."
"Need mo pa ba ng help mula sa'yo?" tanong ni Juriya sa akin. "Alam ko naman ang second Section mo pero siyempre naman need mo rin ng tulong nila for-"
"Siguro, need ko lang ng konting tulong for other assistance na magpapawala ng kaba o ng mga bagay na makaka-distract sa akin," sabi ko na lamang. "Siguro, kayo na lang para hindi na lang ako maghanap pa ng iba."
"Well, I'm going to ask all the teachers later on na magkaroon sila ng exception kung may activities quizes and anything else para hindi kayo mag-alala pa sa mga ito," sabi naman ni Sir Avance sa amin. Nga pala, Adele, I know it is so hard dahil Section One Vice President ang kalaban mo for this election."
"Si Shandrei?" agad kong tanong kay Sir. Hindi ko maiwasang isipin na mangamba dahil sa babaeng iyon.
"I saw her earlier at her section before I'm here. She makes her section proud in her campaign. I know na mahirap siyang kalabanin. However, you still win this election because you got us." Sa isang sabi ni Sir Avance, biglang nawala ang pangamba ko. "Nakita ko na nagpapakita siya ng kagalingan at nagpapakita ng kaniyang kakayahan. Mahirap siyang kalabanin, ngunit mananalo ka pa rin sa halalan dahil mayroon kang suporta mula sa amin."
Nang marinig ko ang mga salitang iyon mula kay Sir Avance, hindi ko na mapigilan ang aking emosyon. Nagpapasalamat ako sa kanilang suporta at tiwala sa akin. Alam kong hindi ko ito magagawa kung wala sila.
"Salamat po, Sir Avance," sabi ko habang hindi ko mapigilan ang ngiti mula sa aking labi. "Salamat din sa inyong suporta, Cheche, Juriya, Khairro, at Christian. Hindi ko kayo kayang bayaran ng kahit ano pang pera o regalo. Ang pagkakaroon ninyo sa aking buhay ay sapat na para sa akin."
Ngumiti naman silang apat at pinuri ako ng lubos. "Kahit wala kang bayad, Kawhi, ang mahalaga ay mayroon kang tunay na kaibigan," sabi ni Michelle.
"Tama ka, Michy," dagdag ni Juriya. "Ang tunay na kaibigan ay hindi nagpapatali sa pera o materyal na bagay."
"Kaya natin ito, Adele."
Sa mga pangyayaring iyon, naramdaman ko ang tunay na kahulugan ng pagkakaisa at pagtutulungan. Hindi ko kailanman makakalimutan ang suportang ibinigay nila sa akin. Ramdam ko ang suporta nila sa akin at ramdam kong mananalo ako sa laban na ito kung Santan ang tanging boboto. Hindi ko alam kung mananalo ako sa lahat pero alam kong sa Section na ito ay isang malaking landslide o sweep.
~*~
Ilang oras ang nakalipas ay natapos ang buong araw ng pangangampanya. Walang bahid na kaguluhan o kung ano pa man ang mga nangyayari sa aking pangangampanya. Masaya ako na natapos ang pangangampanyang ito na walang kahit anong criticism at bash mula sa mga kapwa kong Grade-7 Students. Sa tulong nila Michelle, Khairro, Christian at Juriya, nawala ang kaba ko kada section na pupuntahan ko sa pangagampanya. Sa mga salitang 'Yeet' at 'Brav' ay alam nila na ito ang trademark ko. Nalaman ko ito kay Ate Desha kaya na isa ito sa mga nalaman ko which is to make my sign who I am and this is the best way para magawa ko ito.
Ngayon ay nakatambay na lamang ako sa labas ng School, nasa isang computer shop kami ngayon. Ang nakausap ko lang naman ay si Ate Charmie. Naisipan niya ako kausapin at kamustahin ako ngayon kung ano ang feeling ko sa panggangampanya ko. Nasa isang karinderya kami ngunit tanging softdrinks at isang Ham Sandwich ang aming kinakain ngayon.
"Kinabahan kasi ako noong una pero nawala lang iyon noong nasa Campaign na ako as Santan. I'm just continue to doing that kasi may kasama naman akong kaklase ko para kung mawalan ako ng ideya, sila nama magbibigay ng suggestion before campaign. Sabi kasi nila, sobrang proud nila sa akin kaya nagpatuloy na lamang ako sa ginagawa ko."
"I'm glad to know that, Adele," ngiting komento naman ni Charmie. "I know this is your first time and I'm glad to make you happy and confident during campaign. Nakakatuwa nga lang dahil maliban sa ikaw ang number one sa survey, ikaw rin ang bukang-bibig ng karamihan. You can deal with it and you become the winner of this election. So, what's next na?"
"Sabi daw by Friday daw ay Election Debate kaya need ko muna ipagpahinga muna ang sarili ko in a whole day para bukas ay ihanda ko ang sarili ko."
"I'm happy to know that." Biglang tumayo si Ate Charmie sa harapan ko. "Just Adele, you are my nominee and I hope makita kita sa Guidance Room as Grade Seven Representative. Mauna na ako sa'yo. Ingat ka." After ng pagkasabi niya ito ay hindi na ito nagdalawang-isip na umalis siya sa harapan ko para bumalik sa school since she's a Supreme School Government President.
I regret that Ate Charmie left, but I am still happy because of her support. Pagkatapos ng aming pag-uusap, nagpasya akong umuwi na. Alam kong kailangan kong magpahinga para sa darating na Election Debate. Sa paglakad ko pauwi, hindi ko maiwasang isipin ang lahat ng nangyari sa aking pangangampanya. Ang suporta ng mga kaibigan ko, ang tiwala ng mga kapwa kong mag-aaral, at ang sariling tiwala ko sa sarili – lahat ng ito ang nagbibigay sa akin ng lakas at inspirasyon.
Nang marating ko ang bahay, direkta akong pumasok sa aking silid upang magpahinga. Kailangan kong maghanda ng mabuti para sa darating na hamon. The unwavering support of my friends, the deep trust of my fellow students, and the growing wellspring of my self-confidence – all of these elements combine to empower me with strength and ignite my inspiration. This election debate makes me more stronger and change my path as 13-years old and Grade-7 student.
-
STUNN3R
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top