Chapter 20 - Vintage Pocket Watch

Adele's POV

I just came to realization na hindi ko na dala ang treasured pocket watch ko. Its absence resonates deeply, bawat araw na wala ito ay parang isang chapter ng aking buhay na naglalahad sa magulong randomness. Kung mayroon pa akong relo na iyon noong mga nakaraang araw, naniniwala ako na maaari akong gumawa ng mas malinaw na landas patungo sa aking mga pangarap kumpara sa Grade 7 na nangyari sa akin noon, baka ay naabot ko pa ang mga ito sa ngayon. I've come to realize how I've tried to control the currents of my life, bending them to fit my desires. Losing the watch felt like it took me off course, and it makes me think about how different things could have been if I had kept that meaningful reminder of time and intention close to me.

Hawak-hawak ko ang Pocket Watch, nakatitig lamang ako roon habang mayroong earphones na nakalagay sa tenga para makinig ng smooth and relax na music at nakaupo sa aking table rito sa madilim at malamig na aming bahay. Iniisip ko na ito ang dahilan hindi lang para makaalis ako sa panahong ito at makabalik ako sa totoong panahon rito kun'di para baguhin ang takbo ng buhay ko rito. Dami kong pinagsisihan pero alam ko na ang dahilan kung bakit.  

Ngunit sa pagtitig ko sa Pocket Watch na hawak ko, nakita ko ang Cellphone kong may message. Mula ito kay Michelle. I confidently set the gleaming pocket watch down on the polished surface of the table in front of me. As I reached for my phone, a substantial message materialized on the screen, filling my gaze with its intricate details. Bago ko ito basahin, daming bagay ang pumasok sa aking isipan. Sobrang haba ng message niya at hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip ni Michelle na nag-effort talaga siya gumawa nito. 

Sinimulan ko itong basahin nang dahan-dahan, ninanamnam ang bawat salita na parang may espesyal na kahalagahan. I took my time, carefully absorbing every detail, ensuring that not a single error slipped past me.

~~~~~~

Michy XD Mariano active 3 mins ago.

11:15 PM

Michy: Hello Kawhi (˶ᵔ ᵕ ᵔ˶)

Michy: Alam ko naguluhan ka kay Shandrei bigla2 siyang lumitaw eh at tatakbo bilang Grade 7 Representative sa Supreme School Government election

Michy: Pero Kawhi wag ka mag-alala ikaw parin ang may advantage kasi kilala2 ka ng mga tao sa school

Michy: Kilala ang yon dedication at passion para sa section natin at maging sa school at sa labas narin ng school alam mo naman writer ka diba?

Michy: Hindi ko masyado kilala si Shandrei sa totoo lng pero siguro may plano siya

Michy: Pero ikaw eh kilala ka na ng mga tao at may mga nagawa kana sa school kilala mo ang mga needs ng mga estudyante at alam mo kung pano sila tulungan

Michy: May edge ka talaga Kawhi (˶ᵔ ᵕ ᵔ˶)

Michy: Kaya wag ka mag alala kawhi ksi ikaw susuport ko sa election at mananalo ka

Michy: May plano ka para sa campaign mo?

Michy: Kung need mo ng tulong nadito ako.

Michy: Kain tayo sa fast food after school ksi may mga bago meal daw na napanood sa commercial kanina

Michy: Para usap tayo about sa election strategy mo at kay shandrei na kaaway mo kanina inaway ka nya kasi na wala reason bakit kaya?

Michy: Type ko chicken teriyaki ˶ᵔ ᵕ ᵔ˶

Michy: Pero alam ko bumabagabag parin yan si shandrei sa mind mo

Michy: Wag mo sya intindihin 

Michy: Okay?

Michy: Nadito ako para sayo

Michy: Alam ko busy ka focus ka jan at tulog nako

Michy: Sleep well kawhi

Michy: Goodnight ˃ᴗ˂

~~~~~~

Kahit na ganito ang chat sa akin na pa-isa-isa niya ito china-chat, hindi ko maiwasang makaramdam ng matamis habang binabasa ko ito. Nang makarating ako sa dulo, sumilay ang isang ngiti sa aking mga labi, at ang aking mga mata ay kumikinang sa tuwa, na sumasalamin sa kagalakan na dinala sa akin ng mensahe. Dahan-dahang umangat ang magkabilang dulo ng labi ko at nakangiti ang mga mata ko nang matapos ko itong basahin.

Grabe ang supporta ni Michelle sa akin. Hindi man ito part ng dream ko na magiging sidegirl ko siya pero salamat na lang rin dahil siya ang lumapit sa akin para maiba ang landas ko. Hindi ko akalaing ang babaeng parati akong binu-bully noon ang magiging Sidegirl ko sa mga ganitong bagay. Sana walang malisya rin ang pagiging ganito niya. Mas ikabubuti pa na hanggang ganito na lamang kaysa sa sumobra pa ang pagiging Supportive ni Michelle. 

After ko masilayan ang message niya, tumingala ako sa kisame habang hindi mapigilan ang ngiti sa aking mukha. "Wow... Salamat!"

~*~

Kinabukasan noong Math Period na, isang pagbati ni Sir Avance ang bumungad sa amin habang siya'y palapit sa gitna para simulan ang oras niya para sa pagturo sa amin. "Good morning Class!"

"Good Morning, Sir Avance. Welcome to Section Santan. MA-BU-HAY!" 

"Alright! Sitdown." 

Nang makaupo na kami sa aming mga upuan, feeling ko ay mayroong good news itong si Sir Avance sa amin. Dumukot ako sa malalim na bulsa ng aking itim na pantalon at kinuha ang kumikinang na Pocket Watch, ang makintab na ibabaw nito ay nakakakuha ng liwanag sa paligid. Hinawakan ko lamang ito sa loob ng bulsa para safe at walang makakakita sa bagay na ito. Pagtingin ko kay Sir Avance, I noticed the warm smile playing on his lips, a silent encouragement that filled me with confidence. Sa sandaling iyon, I felt a wave of readiness wash over me, priming me for the next step of the day's journey.

What is next? Big announcement for school? Periodical Exam agad? Summative test na madali? Just school related lang ay puwede na sa akin. 

"Before we proceed with our discussion today, we have a special announcement." Sa sinabi ni Sir Avance, parang excited na ako ngunit kalmado lang ako sa kinauupuan ko. 

Ngayon, lahat kami ay nakatutok sa sasabihin ni Sir Avance. Kami'y naka-abang sa kung ano ang announcement ang sasabihin niya sa amin. Feel ko, alam ko na ang gustong sabihin ni Sir Avance ngayon. 

"This day, ang inyong president ng section na ito ay Candidate para sa nalalapit na halalan for Grade Seven Representative."

The announcement sparked enthusiastic applause and excited screams in the classroom. Bumilis ang tibok ng puso ko nang malaman kong isa ako sa mga kandidato para sa Grade 7 Representative ng Supreme School Government sa Tandang Sora National High School. The cheers of my classmates filled the room, creating an atmosphere of support and celebration that made me feel both proud and a little nervous.

As my classmates continued to erupt into a chorus of cheers, I took a moment to gaze at each of them individually. Bakas sa kanilang mga mukha ang wagas na saya at pananabik sa balitang tatakbo ang Pangulo ng aming Seksyon bilang Kinatawan ng Grade 7. Sa kanila, namumukod-tangi si Michelle; her smile was so wide it seemed to illuminate her entire face as she clapped enthusiastically, her eyes sparkling with pride and support.

Isa pa, this is more difficult if I do not have Pocket Watch right now. 

"Now, any message mula sa'yo?" Inanyayahan ako ni Sir Avance na pumunta ako sa harapan. Ako naman ay wala na ako magawa kun'di tanggapin kaya pumunta ako sa harapan.

Habang papunta ako sa harapan, isang chant ang isinigaw ng mga kaklase ko. "Adele-Adele-Adele! Adele-Adele-Adele!" paulit-ulit nila ito hinihiyaw. 

Tanging taas kamay na lamang ako na mayroong ngiti at dahan-dahan tumigil sila sa pag-chant at pagpapalakpak para magsimula akong magsalita. "Ayun! Taos-pusong magpapasalamat sa inyo siyempre dahil hindi ko akalaing naging parte kayo sa paghikayat sa akin na tumakbo at dahil effective ay malaki ang blessings ko sa inyo. Salamat sa inyong lahat at maging ikaw rin po Sir Avance." Tumingin ako kay Sir Avance at pumalakpak ang mga kaklase ko. "Best adviser that I have." 

After this, natapos ko sa isang salita habang hinawakan ko ang aking pocket watch na nasa bulsa. "So, let's spread our discipline in this school in a simple and quite way." 

~*~

STUNN3R

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top