Chapter 17 - The Decision
Adele's POV
Pagsapit ng gabi, hindi ko na makatulog, umiikot ang isip ko sa mga tanong na namamalagi sa dilim. Nakahiga ako sa kama, nakatitig sa kisame, ang puting ibabaw nito ay isang blangko na canvas para sa aking karerang iniisip. Ang silid ay tahimik, nababalot ng banayad na katahimikan. The sense of confusion and contemplation leaves me stunned.
Bakit dumagdag itong mga 'to? Una, kay Ate Desha at ngayon ay tungkol sa politika na pinaka-hate ko sa lahat? Tatakbo ako bilang Grade-7 Representative ng School?
At some point, hindi ko maalis sa alaala ang babaeng nakausap ko kanina at ang mga salitang ibinahagi niya sa akin. Ang kanyang tinig ay nananatili sa aking isipan, at ang bigat ng kanyang mga iniisip ay umaalingawngaw nang malalim sa aking kalooban.
"Ako ang naghikayat sa'yo na maging parte ng kasaysayan ng paaralang ito. Lalong-lalo na't ikaw ang isa sa magiging pag-asa ng paaralang ito. Nakikita ko sa section ninyo na kung paano mo pinadisiplina ang mga kaklase mo kaya sana naman ay tumakbo ka bilang Grade Seven Representative sa darating ng halalan."
Hindi ko gets paano nalaman ng babaeng iyon tungkol sa ginagawa ko bilang Class President ng Section Santan. Oo, president siya ng Supreme School Government pero bakit ako ang nakatuon ng pansin? Isa pa, hindi ko puwedeng pagsabayin ang pagiging Class President at Grade 7 Representative. Wala namang politikong naging Mayor ng isang City at naging Congressman at the same time, tama?
Ngunit nawala sa aking pag-iisip, bigla akong napabalik sa realidad ng matalim na tono ng isang cellphone na nagri-ring. Ang ingay ang bumalot sa katahimikan, at agad kong inabot ang aking phone. Pagtingin ko sa screen, nakita kong kumikislap ang pangalan ni Michelle na tumatawag na naman sa akin.
"Hello?"
"Kawhi, busy ka ba mamayang madaling araw?" agad niyang tanong. Dahil sa tanong niya, lalong dumadagdag ang iniisip ko ngayon. Ano kaya ang dahilan bakit siya tumatawag sa akin?
"Bakit ka napatawag, Cheche? May curfew, hindi ba?" tanong ko naman.
"Anong curfew sinasabi mo? Baka sa inyo yata ang mayroong curfew?"
"Bakit naman kasi alas-tres na madaling araw?"Hindi ko napigilang magtanong sa kanya, ang pagtataka ko ang nagtulak sa akin na humanap ng mga sagot na sumayaw na hindi maabot.
"Kasi gusto ko lang makasama ka ulit sa isang kakabukas na night market bago pumasok sa school." aniya Michelle.
"Night Market? Saan naman?"
"Sa inyo." Sagot naman niya kaya tumahimik na lamang ako kakakinig sa kanya. "Maganda raw night market sa inyo kaya kailangan kong sumama ka dahil ikaw lang ang malapit sa lugar na 'yon."
"Alam ko pero may curfew rito-"
"Walang curfew d'yan dahil naalala ko pala ang kuwento ni Khairro sa akin." Agad sabi naman ni Michelle sa akin kaya hindi na lamang ako nagsalita pa.
Hayzzz... Michelle, bakit naman kasi?
~•~
On the next hours at around 3:30 AM, wala na ako magawa kun'di sumama kay Michelle. We found ourselves navigating through the bustling Night Market, where the dimly lit hallway was alive with vibrant sights and sounds. Despite the darkness of the sky signaling the approaching dawn, the air was filled with the cacophony of sellers hawking their wares - the sharp clinks of metal on metal, the rustle of fabric, and the occasional burst of laughter. The mingling scents of various goods, a melange of leather, perfume, and freshly baked snacks, wafted through the air. Habang naglalakad ako sa tabi ng aking girl bestfriend, isang pakiramdam ng kasiyahan ang bumalot sa akin, na pinatindi ng mataong kapaligiran. The location he was referring to was close to the house so I just wore my home clothes, habang si Michelle, sa kanyang school uniform, ay namumukod-tangi sa karamihan.
Habang naglalakad at naghahanap ng mabibilhan niya, kami ay nagkukuwentuhan sa isa't isa tungkol na naman sa desisyon ko sa pagtakbo bilang Grade 7 Representative ng Supreme School Government. Unusual, hindi pa rin titigil ang babaeng ito hangga't hindi ako tatakbo sa eleksyon.
"Wala nga ako plano tumakbo bilang Grade Seven Representative Cheche," agad kong wika dahil dahil sa paulit-ulit na kumbinsi, maging si Michelle ay kinumbinse na niya akong tumakbo. Ang saya ko ay napalitan ng inis dahil dito. "Ano naman kasi ang dahilan bakit ako ang sinasabi ninyong 'The Choosen One' kuno o kung ano man yan? Hanggang Class President lang ang ninais ko," dagdag ko pa.
"Ano na naman kasi ang dahilan mo bakit ayaw mo?" tanong naman ni Michelle.
"Over the limit na 'yan kung ako ang tatakbo ng Grade Seven Representative. Isipin mo 'to, may politiko bang naging Mayor ng isang City na kanyang pinamumunuan at naging Senator at the same time? Sige nga! Kung mayroon, sino?"
"Kung ayaw mo naman, ayos lang. Ngunit Kawhi, lahat kasi ng mga estudyante ay gusto nilang ikaw ang tumakbo bilang Grade Seven Representative."
"Sino-sino naman?" tanong ko bigla habang kami'y huminto sa gitna ng hallway at magkaharap kaming dalawa ni Michelle. Hindi na namin pinansin ang maraming tao o mamimili sa Night Market na kinaroroonan namin.
"Kawhi, alam ng section natin tungkol sa rumor sa pagtakbo bilang Grade Seven Representative. Tinatanong ka nga kagabi ni Khairro kung tatakbo ka ba talaga o hindi. Si Juriya nga, ikaw raw ang nais na tumakbo kaysa sa kanya dahil may mga nababalitang gusto ng iba na si Juriya ang magiging Grade Seven Representative. Si Christian naman nais na tulunga ka kung tatakbo ka bilang Grade Seven Representative. Maging si Sir Avance, gusto niya ring ikaw ang tatakbo at manalo bilang Grade Seven Representative," ani Michelle.
Dahil sa mga narinig ko, nakatitig lang ng tahimik ako kay Michelle na parang rebulto lang sa harapan niya. Dumagdag sa isip ko ang mga sinabi niya at nararamdam kong stress agad ang batang Adele Dios Lamboloto.
Bakit kasi ako ang nais ng lahat? Ano ba mayroon sa akin?
"Adele, sorry kung hindi kita tinawag sa preferred nickname mo pero alam kong nasa puso mo rin ang pagiging politiko. Naging writer ka na, nagkaroon ka ng sariling libro sa murang edad at naging talk of the town ka ngayong taon na 'to. Dati, pangarap mo maging famous at ngayon, naabot mo na ang pangarap mo."
Kahit nakatitig lang ako sa babaeng ito, nakikita ko sa ningning niyang mga mata ang tunay na dahilan bakit gusto rin niyang ako ang tatakbo sa eleksyon this year. Sa bestfriend ko ba ang magiging game-changer ng lahat na ito?
Mayamaya ay hinawakan ni Michelle ang aking mga kamay habang nanatiling nakatitig siya sa akin. "Ngayon, nakikita ko sa mga mata mo ang desisyon mo. Ayaw mo lang dahil natatakot at nahihiya ka kasi alam mo sa sarili mo na baka pagtatawanan ka namin ngunit hindi 'yon ang dahilan. Isipin mo, bakit alam ng Supreme School Government President natin tungkol sa section natin at maging sa'yo? Oo, writer ka nga pero alam din namin na hindi basta story writer lang kun'di isa sa magiging taga-pamahala ng school natin."
"Michelle, hindi ko gusto ito at hindi ko kakayanin dahil marami akong duty bilang si Adele Dios Lamboloto," agad kong sagot.
"Kung tatakbo ka at manalo sa eleksyon, hayaan mo ako ang maging President ng Santan." Hindi pa rin niya mabitawan ang aking kamay habang nguniting nakatingin siya sa akin.
Sa sinabi pa lang niya, nagkaroon na agad ako ng magandang ideya. Ang ideya na ito ay magpapabago sa takbo ng sitwasyon na ito.
~•~
Nang sa wakas ay natapos na ang school day at nakauwi na ako sa aking bahay, nakaramdam ako ng pag-iisa ngunit hindi ibig sabihin iyon ay ako'y malungkot o hindi maganda ang araw ko. Sinalubong ako ng bakanteng bahay, ang katahimikan nito ay nabasag lamang ng malayong tunog ng mga dumadaang sasakyan. Ang pag-alis ng aking mga magulang papunta sa Divisoria muli, ay nagpapataas ng aking determinasyon na manguna.
Hinanda ko na ang aking maliit na camera at sinimulan ko na ang plano ko. Isang button ang aking napindot at pumunta ako sa harapan para i-record ko ang aking sarili. Isang salita lang ang aking sasabihin dahil ang announcement na ito ay para sa lahat ng nakikilala sa akin sa school.
"Hello, my name is Adele Dios Lamboloto and..."
Huminga muna ako ng malalim at nilabas ko ang isang pasabog na supresa. "I will run for Grade Seven Representative for the upcoming election.."
~•~
STUNN3R
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top